Bullet 21
Importante
"Tawagin niyo sina Geric. Papuntahin niyo dito, sabihin niyo pag uusapan natin ang plano para sa charity ball." Utos ko.
Mabilis na tumayo si Violet.
"Yes, Cap." Aniya at lumabas na.
Si Kina naman ay mabilis na nag ayos para may maupuan ang mga lalaki mamaya.
Tumayo ako at tinungo ang bintana. Tinanaw ko ang katubigan habang nasasalamin doon ang buwan. Gabi na, huling gabi na namin dito at wala na akong ibang mahihiling pa para sa buong bakasyon na 'to. Lahat ng hinihiling ng puso ko ay nangyari..
Isa nalang ang hiling ko, sana ay magtagumpay ang plano ko.
"Cap, nandito na po sila."
Napalingon ako doon at kasabay non ay ang pag ihip ng hangin sa aking mukha. Inalis ko ang mga buhok na napunta sa mukha ko at lumapit doon. Umupo ako sa paanan ng kama at umupo naman sila sa harap ko.
"Alam niyo naman kung anong mangyayari, bukas ng gabi." Panimula ko.
Ramon is sitting directly in front of me. Alam na niya ang plano ko kaya hindi na siya nag react.
"Charity ball." Sagot ni Riko.
Tumango ako. "Wala akong ibang ipapagawa sainyo kung hindi ang bantayan si Markus. Let me do everything." Saad ko.
Kita ko ang pagkalito sakanilang mga mata. Pinagisipan ko 'tong mabuti at ayaw ko silang madamay. They will follow the order to protect Markus while I'll do my plan.
"Cap!" Namilog ang mata ko nang tumayo si Ramon.
"Ramon!" Pag babanta ko sakanya.
"Anong nangyayari?" Tanong ni Violet.
Matalim ang tinging pinukaw ko kay Ramon, pagbabanta na wag siyang magsasalita pero nakipag sukatan lang siya ng tingin sa akin.
Damn him.
"Alam niyo ba ang plano ni Cap? It is to kill Monteverde pag nagkaroon siya ng pagkakataon." Aniya.
Naiyukom ko ang mga palad ko.
"Stop that." Mariing wika ko.
"What's wrong with that? I want to kill that Monteverde too." Inosenteng wika ni Den.
"The problem is.. there was an order to protect Markus De la Fuente without harming Monteverde. It's a commander's order and you know what does that mean."
Narinig ko ang pagsinghap nila.
Naramdaman ko ang panginginig ng kamay ko at gustong gusto kong suntukin si Ramon ngayon!
"Sino ka para magsalita ng ganyan?" Sigaw ko at tumayo.
Nakipag sukatan ako ng tingin sakanya pero mas nainis ako nang hindi man lang siya natinag. Nakakalimutan niya ba kung sino ako?
"Lalabag ka sa order, Cap?" Tanong ni Geric.
Mariin akong napapikit. This is getting our of hand. Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko dahil parang ulit ulit na pinapaalala sa akin ang nakakatakot kong desisyon..
Hirap na hirap na ako at hindi nakakatulong 'to.
Huminga ako ng malalim at nagmulat ng mata. Kasabay non ay ang pag tulo ng luha sa mga mata ko. Mabilis na hinawakan ni Kina ang kamay ko.
"Hindi ko sinasabing lalabag ako. Ang sinasabi ko, kung sakaling pag tangkaan ni Diego Monteverde muli ang buhay ni Markus. Hindi ako mag dadalawang isip na gumawa ng aksyon." Paliwanag ko.
"That's the same. Lumalabag ka pa rin." Ani Ramon.
Sinamaan ko siya muli ng tingin.
"Hindi ko nagugustuhan ang tono mo, Ramon." Saad ko at napaiwas siya ng tingin.
"Pero Cap, delikado.. paano kung ikaw naman ang mapahamak?" Ani Violet.
Umiling ako.
Hindi ko naman naiisip 'yon.. I risked my life a lot of times already at ganon din dito. My stand is still the same.
"I'll risk my life. I'm the captain so ako ang masusunod. You just need to follow my orders." Saad ko.
Napaupo na ako muli at mabilis na pinunasan ang mga luhang tumutulo sa mata ko.
Nanikip ang dibdib ko kaya medyo nahihirapan akong huminga. I never cried in front of them and I don't any plans on doing that but here I am crying! Because of Markus.
Because of him..
Nakakatawa talaga na napakaraming bagay sa buhay ko ang nagbago dahil lang sakanya.
"Then let us help you.." Seryosong wika ni Geric.
"No! Hindi ko kaya na pati kayo ay idamay sa kasutilan ko." Giit ko.
"You can't do this alone!" Ani Kina
"We're a team!" Dagdag ni Riko.
Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa sobrang frustration. Hindi ko akalain na namana din nila ang tigas ng ulo ko. Hindi naman kasama sa training nila na manahin ang katigasan ng ulo ko pero ito sila at parang sinasalamin ang mga natutunan sa akin.
"Okay." Mahinang wika ko.
Nag angat ako ng tingin sakanilang lahat at bakas ang tuwa sakanila kaya tinignan ko sila lahat ng masama. Mabilis naman silang nag seryoso.
"Pero ako ang tututok ng baril sa bungo ni Monteverde. This is an order." Saad ko.
Wala akong nakitang pag kontra sakanila. Tumango sila sa sinabi ko kaya napabuga ako ng hangin. Salamat naman at may sinabi rin ako na hindi sila tumutol!
"What will happen.. pag nalaman ni commander na nilabag mo ang order niya?" Tanong ni Den.
Ngumisi ako. "Hindi na ako makakabalik sa serbisyo."
Nakaramdaman ako ng pagkabuhol sa puso ko. Pakiramdam ko.. pag naputol 'yon ay hudyat na rin ng pagkaputol ko sa serbisyo. Pagkaputol sa bagay na minahal at ginawa kong buhay sa limang taon ng buhay ko.
Pero isang parte lang ng puso ko 'yon.. kung sakaling si Markus naman ang mapapahamak at laging nasa panganib ay buong puso ko ang mahahati at masasaktan.
"Handa mong isuko lahat ito para sakanya?" Hindi makapaniwalang wika ni Geric.
Natigilan ako sa sinabi niya pero mabilis akong nagpakawala ng pekeng halakhak.
"Hindi, balak ko naman talaga na umalis na sa serbisyo." Saad ko at napaiwas ng tingin.
"Wag mo kaming lokohin, Cap. Alam mo kung gaano kabigat 'to.. it's because of him." Dagdag niya.
"Sige na.. bukas na natin linawin ang plano. Bumalik na kayo sa kwarto niyo." Saad ko.
Napahilot pa ako sa sentido ko dahil sumasakit lang ang ulo ko sakanila. Pinanuod ko silang tumayo at pumunta sa may pintuan. Hihiga na sana ako pero natigilan ako nang makita si Markus na nakatayo sa tapat ng pintuan saktong sakto pagkabukas nila nito.
"De la Fuente." Hindi makapaniwalang wika ni Riko.
Napatayo ako at hindi napigilan ang lumapit doon. Lumipat ang tingin niya sa akin at parang dudurugin ang puso ko dahil sa sakit nang magtama ang mga mata namin.
Napalunok ako..
"Kanina ka pa diyan?" Halos pabulong kong wika.
Hindi siya sumagot at tinalikuran lang ako. Mabilis siyang lumakad paalis kaya tumakbo ako para mahabol siya.
"Cap!" Hinawakan ni Ramon ang kamay ko.
Marahas ko iyong tinanggal at tinignan ang mga nag aalala nilang mukha.
"Diyan lang kayo." Mariin kong utos.
Kitak ko ang pag aalinlangan sakanila.
"This is an order."
Mabilis akong tumakbo muli palabas ng villa at hinabol si Markus. He is half through getting inside his villa pero hinawakan ko ang braso niya para mapigilan siya.
"Markus!" Tawag ko sakanya.
Marahas niyang binawi ang braso niya mula sa akin at naramdaman ko ang pagbagsak ng puso ko dahil doon. Nilingon niya ako at para talaga akong papatayin habang tinitignan ang mga mata niyang malayo sa akin.
"My uncle is the one who wants me dead?" Mahinahon pero madiin niyang tanong.
Huminga siya ng malalim. He was looking directly at me pero hindi ko maramdaman.. hindi ko maramdaman ang kilala kong Markus.
Hindi ako sumagot dahil naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko. Takot ako na hindi ang sagot sa tanong niya ang masabi ko.. takot ako na humagulgol nalang sa harap niya.
"Answer me!" Sigaw niya.
I never saw him like this.. kung normal na babae lang ako, malamang ay natakot na ako sa galit at boses na ginamit niya sa akin. But I've been through worst than this.
Pero bakit ganon? Masakit at nakakatakot pa din.. nakakatakot sa paraang, tagos sa puso ko.
Is it because it's him?
"He is." Mahina kong sagot.
Kasabay non ay ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Napaiwas ako ng tingin dahil ayaw kong makita niya ako ng ganito.
Bumuga ako ng hangin dahil parang kinakapos ako.
Hindi ko alam na ganito pala kasakit 'yon. Damn. Nakakamatay pala. Hindi ko ma appreciate ang ganda ng dagat dahil sa tensyon sa pagitan namin. The wind is so soothing but I can't feel it.
"Kung tatanungin mo ako kung bakit.. wala akong masasagot. Kung sasabihin mo sa akin na wag ko siyang sasaktan, pasensya na pero hindi ko magagawa 'yon." Deretso kong wika.
Hindi ko pa rin siya magawang tignan. Kahit gustong gusto ko.. hindi ko magawa.
Ang bigat bigat ng puso ko. Naglalabo na rin ang mga mata ko dahil sa mga luha ko na pilit kong pinipigilan pero matigas din ang ulo nila. Ayaw makinig!
Letse!
"Do you think that is my concern?" Parang may bagay na humaplos sa puso ko nang marinig ko ang banayad niyang tono.
Pinilit ko ang sarili kong tignan siya at napaawang ang labi ko nang makitang may mga luha sa mata niya.
He's crying..
"Tingin mo may paki pa ako sa tito ko, ngayong alam kong lalabagin mo ang utos sa'yo! Worst is.. pwede ka pang mapahamak?" I can frustration from him.
Nagtaas-baba ang dibdib niya dahil sa pagpipigil. Lalong nanikip ang dibdib ko kaya naiyukom ko ang mga palad ko. Naiintindihan ko siya pero hindi ko magawang ipasok sa puso ko 'yon.
Ang sinasabi niya ba ay mas importante ako kay'sa sa tito niya?
"It is my job." Halos hindi ko na maisatinig 'yan dahil hirap na hirap akong magsalita.
Tuloy tuloy lamang ang luha ko sa pagbagsak. Walang pagod.. walang tigil. Tulad ng puso ko na namamatay unti-unti.
"Damn! Fuck your job! Alam mo ba kung gaano kahirap para sa akin ang hindi ka ma protektahan? Instead of me, protecting you! Ikaw pa ang gumagawa non! Do you know how hard that is? Ngayon naman, ako pa ang magiging dahilan ng kapahamakan mo?" He shouted.
He's angry..
Napatakip ako sa bibig ko dahil hindi ko mapigilan ang paghikbi ko. Nahihirapan na akong huminga dahil sakanya. Sobra sobra na akong nasasaktan. Kahit ata pagsamasamahin ang mga natamo kong sugat sa mga misyon ko dati ay hindi nito mapapantayan ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Ang mga 'yon.. sandali lang. Nagagamot, panglabas at natitiis.
Ito, habang tumatagal.. lalong lumalalim at sumasakit. It's unbearable. Hindi ko alam na ganito pala kahirap na makita siyang ganito.
"My job is to protect you Markus!" Sigaw ko.
"But it's not your job to go against your commander! It's not your job to risk your life gayong sinabi naman pala sayo na wala kang gagawin!" Sigaw niya pabalik.
Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa sobrang galit niya. I look so tiny in front of him..
"But I'll do it! I'll do it because of you! Naiintindihan mo ba 'yon?" Sigaw ko.
Kita kong natigilan siya sa sinabi ko. I just said it indirectly. I like him! Maybe more.. I don't know. Isa lang naman ang malinaw sa akin, hindi ko kakayanin na may mangyaring masama sakanya.
"Tingin mo matutuwa ako sa sinabi mo? If this is a normal day, maybe I will! You know how much I like you! Knowing that you like me back is like heaven! Five years ago, I liked you and until now.. I do. Maybe I feel more than that! Pero paano kung may mangyaring masama sa'yo? Like what happened in my house, right in front of me, you were shot! Wala akong nagawa! This time? Paano ako? How can I accept that the most important woman in my life is sacrificing her everything because of me? How can I do it?" Mula sa mataas na boses ay unti-unti siyang nanghina.
"But I know, you'll still do it. Kahit sabihin kong wag mong gagawin. Alam ko gagawin mo pa rin." Dagdag niya.
Tumalikod siya at naglakad palayo. Nanghina ang tuhod ko at napaupo ako sa buhangin. Seeing him walk away is the same as what I felt during my last mission. Noong unang beses akong mabaril. I thought I'm gonna die that time.
Parang ngayon..
Iyak lang ako ng iyak dahil wala naman akong masabi. Hindi ko naman naisip ang mga bagay na 'yon. Aaminin ko at hindi ko naisip ang magiging tingin niya dito.
Importante ba 'yon?
Hindi ba ang importante lang ay ang ligtas siya? Para sa akin.. yun ang importante.
Ang sarap sa pakiramdam na marinig ang mga sinabi niya. It's like telling me how much he likes me pero sobrang sakit din, at the same time.
"Itutuloy pa ba natin?" Rinig kong tanong ni Violet.
"Oo.." sagot ko.
Sinubukan kong tumayo pero sadyang nanghihina ako. Umupo sa harap ko si Ramon at nag lebel ng tingin sa akin.
"Why, Cap?" Hindi makapaniwala niyang tanong.
Marahan akong ngumiti.
I can still feel the pain..
"Mas importante siya kay'sa sa nararamdaman ko. Hindi niya naiintindihan ang misyon. This is not about us.. it's about him. Maling nag kagusto ako sakanya. Maling tinanggap ko ang misyon dahil kilala ko na siya dati pa man. Hindi ko alam kung bakit ko tinanggap.. thinking about it, maybe I liked him before. Pero mali. Nandito na 'to, wala na tayong magagawa.." I traced.
Pinunasan ko ang mga luha ko.
It stings..
"Tulad ng dapat gawin. I'll finish this."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top