Bullet 19
Torn
"Ito na ba lahat 'yon?"
Inabot sa akin ni Ramon ang mga ebidensya na nakalap. Inisa-isa ko ang mga 'yon para makumpirma kung kompleto.
"Yes, Cap. Mag rereport ka na ba kay commander?" Tanong niya.
Tumango ako. "Oo, babalik din naman ako agad. Wag mo muna pagsasabi na mag rereport na ako. This is an order." Saad ko.
Wala na siyang magagawa dahil sa order ko na 'to. Tumango ito at tinalikuran ko na siya. Tumuloy na ako sa labas at sumakay sa kotse.
I went straight ahead to the commander's office. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela habang nag iisip kung paano ko ipapaliwanag sa commander na ang hinala namin na may kagagawan nito ay si Diego Monteverde.
"Nandyan ba ang commander? Can I talk to him?" Tanong ko sa sekretarya niya.
"Sandali lang."
Pumasok siya sa opisina at hindi naman nagtagal ay bumalik din siya.
"Pasok ka na."
Tumango ako at pinihit ang sedura ng pintuan. Bahagya akong huminga ng malalim habang tuluyan na itong binuksan.
Nakita kong nagbabasa ito kaya pumasok na ako. Sinara ko ang pintuan at mahigpit na hinawakan ang mga ebidensya na hawak ko. Tumikhim ako at mabilis na sumaludo.
"Can I talk to you, sir?" Tanong ko habang nanatiling naka saludo.
Nakuha ko ang atensyon niya kaya sinara niya ang kung ano mang binabasa niya. Lumingon siya sa akin at sinenyasan akong ibaba ang kamay ko.
Tumango ako at binaba 'to. Lumapit ako doon at pumunta sa harap ng lamesa niya.
"What is it, Captain Montgomery?" Tanong niya.
Kita kong bumaba ang tingin niya sa hawak kong mga ebidensya kaya linapag ko ito sa taas ng lamesa niya. Umayos ako ng tayo at dumiretso ng tingin.
Isa lang naman ang nasa isip ko ngayon.. ang ma protektahan si Markus.
"What is this?" Tanong niya.
Kinuha niya ito at binuksan.
"Diego Monteverde, siya po ang suspect namin sa likod ng lahat ng 'to. Nandyan po lahat ng ebidensya." Saad ko.
Bumuntong hininga ako dahil sa wakas nasabi ko na. Ngayon ay maghihintay nalang ako ng order na hulihin o gumawa na ng hakbang para mahuli si Monteverde.
"I know."
Namilog ang mata ko at napaawang ang labi ko sa narinig ko. Hindi ko napigilan at nagbaba ako ng tingin para magtama ang mga mata namin. Kita kong seryoso siya.
Alam niya?
Hindi ko maintindihan..
Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib.
"Ano po?" Magalang kong tanong.
"Alam ko at alam ni Mr. De la Fuente na si Mr. Monteverde ang gustong pumatay sa anak niya. Mr. Monteverde is his brother. Do you think anong magiging stand niya dito?"
Napakagat ako sa aking labi. Pilit kong iniintindi ang sinasabi ni commander pero wala. Hindi ko maintindihan. He's asking me a question that can answer my own questions.
Pero I'm not even sure myself.
"Of course, it's injustice. We need to lock the man behind the bars." Saad ko.
"No. Hindi 'yon ang gusto ni Mr. Ignacio De la Fuente. Ayon sa pag uusap namin, ang gusto lang niya ay protektahan natin ang anak niya in six months time. Protektahan lang, no harm should be done to Mr. Monteverde."
Damn!
Naiyukom ko ang mga palad ko. This is absurd! Hindi ko maintindihan..
Dahil ba magkadugo sila? I admit, I wouldn't be able to understand this completely at all, lalo na at wala naman ako sa pwesto nila. Wala naman akong kriminal na kadugo but I know what I think is right.
We have principles!
"I know what you're thinking Captain Montgomery. Sa limang taon na ni-train kita, naiintindihan ko na kung paano tumakbo ang utak mo." Aniya.
Hindi ako kumibo at nanatiling matalim ang tingin ko. Nararamdaman ko ang pag akyat ng galit sa dibdib ko. I was almost shot dead, kung wala ako doon ay malamang si Markus ang natamaan at alam kong hindi niya kakayanin 'yon.
This is serious tapos sasabihin nila sa akin na walang aksyon na gagawin sakanya?
"As your commander and as a person who has a higher rank than you."
Tumayo ito at nag lebel ang aming tingin.
"I order you to only protect Markus De la Fuente and that no harm or action should be done to Mr. Monteverde."
Para akong mabubulunan sa naririnig ko. Sinampal sa sarili ko na wala akong pwedeng gawin dahil sa mas mataas siya sa akin.
Dammit!
Wala sa sariling nilagay ko ang dalawang kamay ko sa likod ko. Nangingig na ito dahil sa sobra sobrang nararamdaman ko. I'm so torn..
"I'll protect Mr. Markus De la Fuente. I oath to do that with my life, sir. Pero pasensya na po dahil hindi ko mapapangako na hindi ko masasaktan si Mr. Monteverde lalo na kung patuloy niyang pag tatangkaan ang buhay ni Markus."
Nararamdaman ko ang panginginig ng kamay ko mula sa likod kaya iniyukom ko ito. Kahit kailan ay hindi ako sumuway sa utos pero ito ako at harap harapan na sinusuway ang utos na ibigay sa akin.
It is my principle that we're talking about.
This is also about Markus..
"Narinig ko, gusto mong umalis ng serbisyo. Pag ako sinuway mo, hinding hindi ka na pwedeng bumalik sa serbisyo. Ayaw kong gawin sa'yo ito, Agatha. Parang anak na ang turing ko sa'yo. You're one of the best and I acknowledge that. So please.. just follow this order. Parehas tayong malalagay sa alanganin. This mission will be announced failed pag hindi ka sumunod."
Naramdaman ko ang pangingilid ng luha sa aking mata. He is my second dad.. inalalayan niya ako noong mga panahon na nahihirapan ako. Siya ay isa sa mga tumulak sa akin na ituloy ito at wag sumuko. He was the rope that I held when I was almost falling down with the pressure of being in the army.
I once promised not to disappoint him.. but here I am doing it.
"I am sorry, sir. Don't worry, I don't have any plans on going back. Thank you for everything."
Sumaludo ako at yumuko. Tumalikod na ako at tinungo ang pintuan. Halos hugot hininga ko itong binuksan at mabilis akong lumabas. Kasabay din non ay ang pagtulo ng mga luha ko. Tuluyan na silang bumagsak at damang dama ko ang sakit doon.
I saw how disappointed he was but I can't do it. I just can't..
Masakit din sabihin na hindi na ako babalik dito. It's my first love. It's my dream and I'm so happy that I live with it but sometimes you just have to stop. Kahit anong pilit mo, kung hindi na masaya ang puso mo.. bibitaw ka nalang.
I will never forget my journey..
It was my happiness.
But I reached my limit.
"So you're doing this for Markus?"
Nakinig lamang si Ramon sa kwento ko. Hindi siya sumabat o nag kwestyon sa mga sinabi ko kay commander. Nakinig lang siya na para bang iniintindi niya ang lahat ng sinasabi ko.
"No, I'm doing this because I've reached it. Tapos na ako.. hanggang dito nalang ang kaya kong ibigay para sa misyon. I need to stop or else.. pagsisisihan ko 'to habang buhay, Ramon. It will haunt me." Paliwanag ko.
I can't turn blind with everything. Naiintindihan ko na pinoprotektahan din ni Mr. Igancio ang kapatid niya kaya nga pinangako ko na poprotektahan ko din si Markus. I will not make a move towards Mr. Monteverder hanggang wala siyang ginagawa pero..
Sa charity ball, pag nagpakita siya doon at may ginawa siyang ikapapahamak ni Markus. I will shoot him right there.
"So you're gonna quit? Lalabag ka pa? Wala akong pakielam kung ma disciplinary action kami o ano. Naiintindihan ko kung bakit ganito ang desisyon mo pero.. handa ka ba? Lahat ng pinaghirapan mo, mawawala. This mission is your first mission that will be announced failed."
Parang kikilabutan ako sa pag ihip ng hangin. Ang maiksi kong buhok ay tinangay nito at naramdaman ko ang hangin sa katawan ko kaya bahagya akong napayakap sa sarili ko. Rinig na rinig ko rin ang alon ng katubigan.
It is so peaceful.. malayong malayo sa mga naranasan ko. I can't believe that I chose the rough path but I'm happy..
"Handa ako, Ramon. Aanhin ko ang pagiging matagumpay ng isang misyon kung alam kong hindi ko naibigay ang lahat."
Tumalikod ako sakanya at pinagmasdan ang buwan. Alam kong sa likod ng puso ko, handang handa na ako.
May hangganan ang lahat. Ito nalang talaga ang kaya kong ibigay para sa misyon na 'to. Gagawin ko kung ano ang tingin kong dapat. Not because it was an order or part of the mission. I will do it because it is what I learned as a captain.
"You don't need to help me. Ako naman ang gagawa ng aksyon. I'll take reponsibility of everything. Just follow my order and it is to protect Markus." Mahinang wika ko.
I'll do it for him..
"Ang ganda ng mga alon 'di ba?" Mahinang wika niya.
Nakaupo ako ngayon sa harap ng dagat habang katabi si Markus. Pinanunuod namin na nagtatampisaw sina Geric sa dagat. Nararamdaman ko din ang init sa balat ko dahil sa tirik na tirik na araw.
Namiss ko tuloy ang mga pinsan ko. Pagbalik ko, yayain ko sila ng yayain sa iba't ibang lugar.
"Yeah.. but they're scary." Saad ko.
"No they are not. You just need to live by them and learn how to surf them."
Nilingon ko siya at bahagya ko pang liniit ang mga mata ko dahil hindi ko siya masyadong makita dahil sa sinag ng araw. Natatakpan siya nito at para siyang kumikinang dahil dito.
Ngumiwi ako. "Ang lalim naman non! Hindi mo bagay." Natatawang wika ko.
Natigilan ako sa pagtawa ng iangat niya ang kamay niya at ilagay ang mga takas kong buhok sa likod ng tenga ko.
Sa munting galaw niyang iyon ay parang sasabog na ako. Hindi ko inakala na dadating ang panahon na mararamdaman ko ito. Yung pakiramdam na masaya pero masakit din. Ayos lang nga sa akin ang mabuhay mag isa pero parang nag iba na ang pananaw ko..
"Pinag titinginan ka ng mga lalaki." Bulong niya.
"Huh?" Tumalikod ako at luminga linga at nakakita nga ako ng ilang mga lalaki sa hindi kalayuan.
Nginisihan at kinindatan ako ng isang hindi naman kagwapuhan na lalaki kaya matalim ko itong tinignan pabalik. I'm only wearing my black two piece kaya na uulol nanaman ang mga tao. How can they think something wild just because of this?
Nasa beach kami! Of course expected na less cloth!
"Hey.."
Naramdaman ko ang paghawak niya sa mukha ko at marahan akong hinarap muli sakanya.
Halos mahigit ko ang hininga ko dahil sa ginawa niya. Hindi na ata talaga ako masasanay sa normal na pag hawak niya. Pakiramdam ko ay mawawala ang puso ko sa loob ng katawan ko sa simpleng mga hawak niya.
Nakakadiri talaga sa akin na manggaling ang mga 'to pero.. masarap naman palang tumibok ang puso para sa iba.
"Don't look at them. You should only look at me." Seryoso niyang wika.
Bahagya ko pang liniit ang mga mata ko dahil hindi ko siya makita ng maayos. Hindi rin nakakatulong ang nakabalandra niyang matipunong dibdib at abs. Akala ko ay wala na siyang time mag gym pero naalala kong basketball player pala siya.
Buti nalang ay hindi ako magpapahuli. May ipagmamalaki din naman ako! Nag train ako at sanay ang katawan ko na maging fit.
"Bakit naman?" Tanong ko habang pinipilit siyang makita ng maayos.
"Kasi ayoko. Ang mata mo ay akin lang dapat."
Napaawang ang labi ko, hindi lang dahil sa sinabi niya pero dahil din sa mabilis niyang paglapit sa akin. Konting galaw ko lang ay lalapat na ang labi ko sakanya. Damang dama ko ang init ng hininga niya. Na conscious tuloy ako..
Baka mabaho ang hininga ko.. pero nag toothbrush naman ako kanina.
"Lovebirds!"
Mariin akong napapikit ng biglang maramdaman ko na may nag basa sa akin. Mabilis ko silang liningon at lahat sila ay nag iipon ng tubig sakanilang mga kamay at mabilis na ibinabato sa amin.
"Markus!"
Mabilis akong pumunta sa likod niya at nagtago doon. Narinig ko ang halakhak niya kaya mabilis ko siyang kinurot sa likod. Napadaing siya pero sa huli ay tumawa pa rin.
"Kayo ng sweet!" Sigaw ni Riko.
"Shut up! Stop that!" Sigaw ko habang umiilag sa binabato nilang tubig.
Napatili ako nang biglang tumayo si Markus at hinigit ang bewang ko. Walang kahirap-hirap niya akong binuhat at tumakbo siya papunta sa dagat.
"Markus! Hinayupak ka talaga!" Inis kong wika.
Nag patuyo na nga ako 'e!
Minsan talaga ay parang gusto kong untugin ang ulo ko at tanungin ang sarili ko kung bakit ako nagkagusto sa lalaking 'to!
"Damn! Ang gaan mo! Paano ka napasok sa serbisyo?" Tudyo niya sa akin.
Namilog ang mga mata ko at mabilis na pinalo ang kamay niyang nasa bewang ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng kamay niya doon at ang init ng katawan niya sa likod ko dahil lapat na lapat ang likod ko sa dibdib niya.
Nakakabaliw ang nararamdaman ko!
"Kainis ka! Pasalamat ka wala akong baril!" Inis kong wika.
Hindi ko na siya narinig mag salita dahil tinulak kami ni Geric. Napasigaw ako nang naramdaman kong bumagsak ako sa tubig pero ramdam ko pa rin ang kamay niya sa bewang ko.
Mahigpit pa rin ang hawak niya at hindi siya bumitaw doon. Hindi man lang lumuwag 'to.
"De la Fuente!" Sigaw ko nang iahon niya ako.
Lalo niya akong nilapat sakanya at tumalikod siya para ma protektahan sa mga wild na sina Violet.
"I want to tell you something.." rinig kong bulong niya sa tenga ko.
Halos makiliti ako dahil doon.
"Really? Ngayon pa?" Hindi makapaniwalang wika ko habang pilit umiiwas sa mga atake nila Kina.
"Yes.."
Mula sa pagkakatalikod ko sakanya at mabilis niya akong hinarap sakanya. Namilog ang mga mata ko kaya nag angat ako ng tingin sakanya. Kita kong may kakaiba sakanyang mga mata.
Puno ito ng senseridad kaya hindi mapigilan ng puso ko na manikip.
"I like you, Agatha Joan. Since the first time I heard your voice in that broadcasting episode. I fell again when I saw you walked out that broadcasting office. When I pulled that Toblerone trick, I didn't know you're gonna fall for it but I'm glad you did. It made me like you more.."
He breathed.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top