Bullet 18

Order

"Cap, lalabas lang po kami. Titignan lang po namin kung okay lang ang mga lalaki sa kabila."

Tumango ako sa sinabi ni Kina at narinig ko na ang pagbukas at ang pag sara ng pintuan. Kinuha ko ang gamit ko at nagsimula ng maglagay ng gamit sa kabinet.

Tatlong villa ang kinuha ni Markus. Isa sakanya, isa para amin nila Violet at Kina habang ang isa naman ay magkakasama sina Geric, Den, Riko at Den. Si Riko ay humabol pa dahil may ibang pinaasikaso sakanya ang commander. Buti na ngalang at nakahabol pa siya.

Natigilan ako sa pag aayos nang biglang may tumikhim at kumatok ng tatlong beses. Nilingon ko ang pintuan at automatic akong napangiti nang makita ko si Markus doon.

"Hey.."

Prente siyang nakasandal sa pintuan habang matamang nakatingin sa akin.

"Nakapag ayos ka na?" Tanong ko.

Binitawan ko ang mga hawak ko at sinara ang kabinet. Tumayo ako para makalapit sakanya at ganon din siya sa akin.

"No, nilagay ko lang ang maleta ko sa loob. Una kong chineck ang view.. it's beautiful. Nakita mo na?"

Umiling ako.

Tuluyan na niyang sinara ang distansya namin at hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako at dinala ako sa tabi ng bintana. Siya ang nag bukas non at namangha ako sa nakita ko.

Linibot ko ang buong paningin ko dito at bahagyang napaawang ang aking labi. Tanaw na tanaw ang katubigan sa pwestong 'to. Magandang maganda ang view lalo na at low tide ngayon. Kitang kita ang malinaw na tubig at ang puting buhangin. Napaka kalmado ng katubigan.

"Dapat pala.. apat na villa na ang kinuha ko. So you can have your own."

Nilingon ko siya at kumunot ang noo ko. Ngayon ko lang na-realize na sobrang lapit niya pala sa akin. Nasa likod ko siya at dahil sa matangkad siya ay kinailangan ko pang mag angat ng tingin.

"Bakit naman?" I breathed.

Nahirapan pa akong magsalita dahil sa lapit namin. My eyes were directly at his. Gusto ko man hawakan ang dibdib ko para patigilin sa pagwawala ang puso ko pero hindi ko magawa dahil kasabay nito ay ang panghihina ko.

"So I can visit you anytime without thinking of them." Aniya.

Kuminang ang kanyang mga mata kaya pinanliitan ko siya ng tingin.

Visit? Ano 'yon? Sa gabi? Anong pinaplano niya? Aba't! May binabalak pa ata ang lalaking 'to! Sabi ko na nga ba, kung gaano ka inosente ang intensyon ko ay ganon kadumi ang kanya!

"Hinayupak ka talaga." Inis kong wika.

Namilog ang kanyang mga mata at tumingin sa labas. Parang nag isip pa siya at bigla nalang siyag humalakhak at umiling iling.

"Ano?" Tanong ko dahil kung ano man ang naisip niya at siguradong tuwang tuwa siya dahil doon.

"What are you thinking? Are you thinking something erotic again?" Manghang tanong niya.

Napalayo ako sakanya at hinawakan siya sa braso. Napaawang ang labi ko at sinubukan kong magsalita pero walang lumabas sa bibig ko.

Ngumiwi ako at pinalo siya sa braso niya kaya lalo siyang natawa.

"Hindi ah! Ewan ko sa'yo! Bahala ka-"

Napatili ako nang bigla niya akong hawakan sa bewang at biglang iangat sa bukas na bintana. Mahigpit ko siyang hinawakan sa braso sa takot na mahulog. Siguradong basang sisiw ang bagsak ko pag nahulog ako dito.

"Markus! Ibaba mo ako!" Inis kong wika.

Sinubukan ko siyang itulak para makababa ako pero hinarangan niya ako gamit ang buong katawan niya. Pinulupot niya ang braso niya sa aking bewang kaya mas napanatag ako.

Tinignan ko ang braso niya at nakita kong mahigpit siyang nakahawak sa akin. Halos mabunutan ako ng tinik dahil don.

"Tumingin ka sa akin."

Mabilis akong nag angat ng tingin sakanya at hindi tulad kanina na hirap akong tignan siya dahil sa tangkad niya ay.. mas nakikita ko siya ng maayos ngayon.

Tapat na tapat ang mga mata ko sakanya.

"Paano ka naging captain?"

Napabuga ako ng hangin. "Seriously? Gusto mong mag kwentuhan tayo sa ganitong posisyon?"

Hindi niya ba alam kung gaano ako nahihirapan sa posisyon namin? Sobrang lapit niya sa akin na nahihirapan na akong huminga ng maayos. Buti nalang ay nag toothbrush ako ng two times!

Tsaka.. lalo akong nahihibang sa pwesto namin.

Hirap kaya!

"Why? Kung hindi ka naman apektado.. masasagot mo 'to ng deretso. Kung hindi, maybe you're really thinking something erotic?"

Kita ko ang pagsilay ng ngisi sakanyang labi.

Aba't! Inaasar niya ba ako?

"Bakit anong masama sa pagiging captain?" Balik kong tanong.

Hinahamon niya ba ako? Game on!

"You're a girl." Simple niyang sagot.

"Then? Minamaliit mo ba kaming mga babae?" Balik ko muli.

"No.. it's just. I'm curious.."

"Well, desisyon nila 'yon. Sila ang pumili sa akin."

Sinagot ko na. Para namang matitiis ko ang hinayupak na 'to. Isa pa 'to sa mga napapansin ko sa sarili ko.. kahit anong pilit kong pigil ay bumibigay din naman ako sa huli.

Basta tungkol sakanya..

"I find it really weird." Aniya.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Weird?"

Tumango siya. "Hinahayaan mo akong hawakan ka, sinasagot mo ang mga tanong ko kahit personal questions. You're opening up to me."

Kita ko ang pag lambot ng mga mata niya habang sinasabi niya sa akin ang mga 'yon. Lumunok ako para makakuha ako ng lakas. Inangat ko ang dalawang kamay ko para ipatong sa balikat niya.

Lumipat ang tingin niya sa kamay kong nakapatong at nakangiti siyang tumingin muli sa akin.

"Don't ask.. please Markus. Just trust me. Lahat ng gagawin ko.. para sa'yo." Halos pabulong kong wika.

Nakita ko ang pagkalito sa mga mata niya. Akmang mag sasalita siya ng ilapat ko ang labi ko sa labi niya. Sandali lang 'yon at mabilis din akong humiwalay.

Tinignan ko siya sa mata at halata naman na nagulat siya sa ginawa ko.

"Please Markus.. don't ask."

Halos magmaakawa ang boses ko. Hindi ko kaya na magtanong siya sa akin. Dahil hindi ko alam kung paano din ako sasagot dito.

Humigpit ang hawak ko sakanya at kasabay non ay ang paninikip ng dibdib ko.

"Okay.." aniya.

Ngumiti ako.

"Just answer me this question.. will you still see me after this mission?"

Parang pipisilin ang puso ko sa tanong niya.

Huminga ako ng malalim.

"I'll tell you the answer after the charity ball." Saad ko.

"Then I'll do everything for you to say yes."

Bago ko pa maintindihan ang sinabi niya ay naramdaman ko nalang na siniil niya ako ng halik. Maagap kong pinulupot ang kamay ko sa leeg niya para makakuha ng suporta. Sinuklian ko ang mga halik niya kahit hindi ko alam ang ginagawa ko.

Sobra sobra ang pagkalabog ng nasa gyera kong puso. Pero alam ko naman na handa akong matalo para sakanya..

I accepted his kisses. Halos mapaungol ako nang mariin niya akong inilapit pa sakanya. Sa halik niya ay parang pinaparamdam niya na wala akong magagawa kung hindi ang um-oo sa gusto niya.

Magtagumpay lang ang plano ko.. I will really see him after this. Gustong gusto ko.. but everything is at risk now.

"Cap?"

Namilog ang mga mata ko nang marinig ko ang pagkatok.

"Markus!" Mabilis ko siyang itinulak kaya napahiwalay siya sa akin.

"Linock mo?" Hindi makawapaniwala kong tanong.

Pinanuod kong kagatin niya ang kanyang labi at parang gusto ko pa siyang halikan..

"Yes." Aniya.

Hokage talaga!

"Let them be." Dagdag niya at muli akong siniil ng halik.

Doon ko naramdaman na bumigay nalang ang puso ko at hinayaan siyang halikan ako. Hinayaan ko na rin siyang pumasok ng tuluyan sa puso ko.

"Cap? Nandyan po ba kayo?"

"Cap!"

"Agatha!"

"Joan!"

"Hope!"

Kahit na rinig na rinig ko ang mga boses nila ay hindi ko pingilan si Markus. Dahil alam ko na limitado nalang 'to. Sa hinaharap.. kahit gustuhin ko man, malaki ang tyansa na hindi na mangyari 'to.

"Cap? Gusto daw po kayo makausap ni Ramon."

Bungad sa akin ni Violet pagkalabas ko ng banyo. Kakatapos lang namin kumain ng dinner at kahit nag kakasaya lahat kanina ay hindi ko maiwasan na mapansin ang mapagmatyag na mata ni Ramon.

Maganda naman ang takbo ng lahat kanina. Nakikisakay at nakikisabay din si Markus sa trip ng mga lalaki kanina. Kumanta pa siya sa karaoke at masasabi kong may boses pala ang hinayupak. Hindi naman sila nagtatanong pag sobrang lapit sa akin ni Markus. Alam ko naman na mapagkakatiwalaan ko sila.

Si Ramon lang talaga ang iba..

Pakiramdam ko ay may alam siya sa nangyari noong araw na 'yon. Noong araw na nalaman ko ang totoo.

"Sige lalabas na ako." Saad ko.

Tumingin ako sa salamin at nag suklay sandali bago ako lumabas. Nakita ko naman si Ramon na nakaupo sa isang maiit na upuan na gawa sa kahoy.

Mabilis siyang tumayo at sumaludo sa akin. Tumango ako at sinenyasan siyang ibaba na ang kamay niua at umupo na ulit. Kumuha ako ng kaparehas na upuan at umupo sa tabi niya.

"Bakit mo ako gustong makausap?" Tanong ko.

Nag angat ako ng tingin at sinalubong ang seryoso niyang tingin.

"Hindi na po ako mag papaligoy ligoy."

"Shoot." Saad ko.

"Anong sinabi ni commander sayo kahapon? Simula kahapon, pagkabalik mo galing sa pakikipag usap sakanya ay ganyan ka na."

Napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya. Siya lang ang may alam na pumunta ako kay Commander kahapon. Pumuslit lang ako pagkauwi namin ni Markus galing sa practice nila.

"Wala." Sagot ko.

Damn.

"Hiningi mo sa akin lahat ng nakalap nating ebidensya na si Monteverde nga ang may kagagawan ng lahat. Sabi mo.. mag rereport ka na kay commander. Imposibleng wala siyang sinabi sa'yo."

Nag balik ako ng tingin sakanya. Kita ko ang kagustuhan niyang malaman ang katotohanan.

Napasapo ako sa noo ko dahil parang mabilis na bumalik sa ala-ala ko ang pag uusap namin ni Commander.

"Please, Captain. We're a team. Hindi natin magagawa ng maayos ang misyon na 'to kung pagkakaitan mo kami ng impormasyon. Kailangan ko malaman kung bakit, kahit nakalahad na lahat ng ebidensya natin ay hindi pa nag o-order si Commander na hulihin ang lalaking 'yon. Gusto ko rin malaman kung bakit bigla ka nalang nag desisyon tungkol sa charity ball na 'yon."

Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko kaya mabilis kong pinunasan ang mga 'to. Humugot ako ng hininga at inalis ang mga kamay ko sa mukha ko. Pinagdikit ko ang mga 'yon dahil napansin kong nanginginig sila.

"Cap.."

I can hear frustration in his voice. Alam ko naman kung saan nangagaling si Ramon. I trust him, alam niya 'yon. Isa siya sa mga pinaka loyal sa akin. Kahit kailan ay hindi niya kinwestyon ang mga desisyon ko.

Hindi nila ito kinwestyon dahil alam nila na kahit anong desisyon ko ay para sa ikabubuti ng lahat at para sa misyon.

Ganon dati..

Para sa misyon. Para lang doon.

Pero iba ngayon, kahit ako ay alam kong iba ang pananaw ko ngayon. Nagiba lahat dahil sakanya. Napansin din nila siguro 'yon, ang desisyon ko ay hindi lang para sa misyon.

Lumabag pa ako.

"Captain, I need answers kung hindi.. ako na ang mismong pupunta kay Commander para magtanong."

Kumunot ang noo ko pero sa huli ay ngumisi din ako. Ito ang gusto ko kay Ramon, he doesn't just follow my orders. He looks into it.

"Aalis na niyan ako sa serbisyo. Tatapusin ko lang ang misyon na 'to. I will recommend you to be the next captain of this team."

"Cap!"

"Fine fine.. I'll tell you." Mahinahon kong wika.

Tumayo at tumalikod sakanya. Pinagmasdan ko ang madilim na langit pero dahil sa mga bituin ay lumiliwanag 'to.

Lumingon ako muli sakanya.

"Inutusan akong wag patayin si Diego Monteverde o kahit man lang hulihin. We can't touch him. It was an order. Alam ng commander na ang taong 'yon ang nasa likod ng lahat. Sinadya talaga na wag ipaalam sa atin. Kahit alam na niya.. he ordered me not to kill him. It was a top and very strict order."

Mabilis na napatayo si Ramon sa kinauupuan niya at kita ko ang pamimilog ng kanyang mga mata.

"What? Ibig sabihin.. kahit anong gawin ng lalaking 'yon ay hindi natin siya pwedeng pakelaman?" Hindi makapaniwala niyang wika.

Tumango ako at naramdaman ko nanaman ang sakit sa puso ko.

Ito ang bumabagabag sa akin..

"Then why? Why did you made the decision about the charity ball? I know your intention there, balak mong mahuli si Monteverde and worst kill him. Bakit, Cap?"

Huminga ako ng malalim at hindi sumagot.

"Don't tell me you're not going to follow the commander's order?"

Ngumisi ako. "What do you think?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top