Bullet 14

Kinilig

"Delikado ba ang buhay mo, Markus? Dahil ba sa eleksyon ito?" Seryosong tanong ni daddy kay Markus.

Nasa hapagkainan kami ngayon at puro pag kekwentuhan ang ginawa namin. Marami silang kinwento sa akin lalo na at matagal din akong nawala. Medyo nag tatampo pa ako kay Ate Adrianna dahil nalaman ko na buntis na pala ulit siya pero wala man siyang sinasabi sa akin.

Pero pinaliwanag nila sa akin na kagabi palang naman daw nalaman at pati nga daw si Evander ay hindi pa alam. Masyadong in love ang ate ko at pati ata ang pag bubuntis ay gagawin pang surprise.

"Actually I didn't know how much I am in danger pero nang mag paputok ng baril sa bahay ko at muntikan na akong mabaril ay doon ko lang na realize na I'm in danger. Kahit po noong kasama ko ang kapatid at step-mom ko sa kotse ay hindi ko man inisip 'yon masyado." Paliwanag ni Markus.

Binalingan ko siya dahil napaka seryoso niyang sumagot. Katabi ko siya ngayon at matiim kong pinagdikit ang mga labi ko nang makita siyang parang kinakabahan.

Kitang kita ang tensyon sakanya.

Ano ba 'to? Tinatanong lang naman siya..

"Oh my goodness. Buti naman ay hindi ka napahamak." Komento ni mommy.

Bahagya pa niyang hinawakan si daddy dahil halatang hindi siya makapaniwala. Hindi naman kasi katulad ko, hindi sila sanay sa realidad na ganito.

Ito ang bagay na kahit kailan ay hindi nila maiintindihan..

"Si Agatha po ang natamaan non. She saved me.."

Namilog ang mata ko sa sinabi niya at mabilis ko siyang hinawakan sa kamay para pigilan siya sa mga pwede niya pang sabihin. Hindi naman sa ayaw kong ipaalam sakanila pero.. wala naman saysay na malaman pa nila 'yon. I've been worst and I didn't even tried to tell them those things.

"What? Agatha, bakit hindi mo naman pinaalam sa amin. Napahamak ka na pala-"

Pinigilan ko si mommy. "Mom, mababaw lang ang tama sa akin. Sa balikat lang 'to. Sa field nga ay sa tyan, binti at minsan ay hindi lang isa kung hindi maraming tama ang natatamo ko. But.. here I am, still standing. That means something right?"

I smiled kahit na kinakabahan ako. Mas lalong iigting ang kagustuhan nilang patigilin niyan ako.

Napatingin ako kay Markus na seryoso ang tingin sa akin. Mas lalo akong ngumiti para sabihin sakanya na ayos lang, I know that he mean no harm in saying that.

"Okay.. iisipin ko nalang na huling misyon mo na 'to para matahimik na ako." Ani mommy.

Ngumiti nalang ako at tinignan ang mga pinsan ko na matamang nakatingin sa akin. Tulip was just silent and she seem so pre-occupied. Para siyang lantang bulaklak..

Kuya Adrian and Kuya Carl were busy on their phones. May mga kausap sila and I can hear business from it.

"Pumunta pala si Osiris dito noong minsan, nanliligaw pa rin sa pamilya. You still don't like him?" Tanong ni Mommy.

Napabuntong hininga ako. Naramdaman ko ang pag tusok ni Alice sa tyan ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Humagikgik lang siya at uminom nalang.

"Damn persuasive." Natatawang wika ni Dos.

"Ano bang pinainom mo doon, Gath?" Natatawang dagdag ni Uno.

Akmang kukunin ko ang baril ko nang tumayo sila ng sabay at nag taas ng kamay. Lihim akong napangiti dahil doon at umiling iling.

Binalingan ko si mommy. "Ma, you know I don't like him, I never did. Crush maybe? Pero hindi na humigit doon. I tried.. I tried because I know it's my fault why he liked me but.. I really can't feel anything. Kung pagbibigyan ko siya, magiging unfair ako." Paliwanag ko.

Sabay namang pumalakpak si Uno, Dos at Clyde. Ngumiwi ako.. nabawasan nga ang apat na makukulit.. pero sobra pa rin ang tatlo. Kaasar!

Ramdam ko ang paninitig ng katabi ko sa akin kaya nilingon ko siya. Seryoso lamang siyang nakatingin sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay pero umiling lang siya.

"Bakit ba ayaw mo sa batang 'yon? Hindi ako nakikielam pero, I want to understand you anak.." ani mommy.

Ngumuso ako. Alam ko naman kung bakit niya ako minamadali magkagusto..

Para siguradong umalis na talaga ako ng army.

"Well, wala lang. He's just too perfect for me. No flaws and everything, unlike me. Tsaka sinabi ko na diba, pag may taong nakapag paalis sa akin sa army, ibig sabihin ay sakanya ko na talaga binigay ang puso ko. Kadiri at corny talaga ang pinaguusapan natin pero ito ang totoo. Nandito pa ako sa serbisyo.. ibig sabihin ay wala talaga para kay Osiris. He can't even stop me from leaving.. mag hihintay siya? I don't want that. May hinahanap ako.." pilit kong paliwanag pero kumunot lang ang noo nila.

Alam ko naman na hindi nila ako maiintindihan. Ako kasi ang tipo nang taong hindi agad napapasunod.. I wonder if I can be a submissive too. Sa kaso namin ni Osiris, ako pa ata ang dominant.

"Sabagay, I heard from- nevermind.. patuloy ang pag hahanap ng babae para kay Osiris." Ani Clyde.

Natawa ako dahil doon. "Hindi man lang ako kayang ipaglaban ni Osiris sa tatay niya tapos ang lakas niyang ligawan ako." I blurted.

Mabilis kong tinakpan ang bibig ko dahil wala nanaman itong preno. Akala ko ay magagalit sila pero nang matawa sila ay nakitawa na rin ako.

"Sabagay, walang balls!" Natatawang saad ni Gelo.

"You don't need that kind of love." Dagdag pa ni Uno habang pinipigilan ang pagtawa.

"Stop it with me!" Pag babawal ko habang natatawa pa din.

Nilingon ko si Markus dahil narinig ko rin ang sobrang sarap niyang tawa. He was laughing while looking at me. Something stirred in me. Dahil doon ay napahawak ako sa puso ko pero natigilan ako nang mapahawak din siya sa dibdib niya.

Linapit niya ang mukha niya sa akin kaya nahigit ko ang pag hinga ko.

"Kinikilig ako, Hope." Aniya.

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Lumayo na siya sa akin at mas lalong natawa nang tignan ako. Sigurado akong namumula na ako ngayon dahil ramdam ko ang pag init ng pisngi ko.

Natigilan lang ako sa paninitig sakanya nang tusukin ulit ni Alice ang tyan ko gamit ang kutsara.

"What?" I breathed.

Nilingon ko siya at ngumuso siya kaya napalingon ako sa lahat. Mataman silang nakatingin sa pwesto namin ni Markus. Uno, Dos and Clyde were smirking while Kuya Adrian was doing everything to stop himself from smiling.

Ngumiti ako at umaktong inosente.

"What is it?" I inosently asked.

"Do you like this man, Joan?"

Napaawang ang labi ko sa tanong ni daddy. Napalunok ako at mabilis na umakyat ang kaba sa aking puso.

Agad agad?

Si daddy talaga, walang preno. Nag mana talaga ako sakanya..

"Nevermind. Markus, do you like my daughter?" Baling ni daddy kay Markus.

Hindi ko napigilan ang mapalingon kay Markus at kita ko ang gulat sakanya. Napangiwi ako dahil nakakahiya! Hindi naman siya pumunta dito para ma-kwestyon ng ganito!

"Dad-"

"Yes sir."

Natigilan ako at mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso. Nasa climax na ang gyera sa puso ko at sobrang nag kakagulo na dito.

Mabilis ko siyang pinalo sa braso kaya dumaing siya. Narinig ko pa ang tawanan ng mga pinsan ko kaya mas lalo akong nainis.

"Ano bang sinasabi mo? Alam mo ba na hindi pwedeng mag biro dito! Pag sinabi mo 'yan sa harap ng pamilya ko at lalong lalo na dito sa pamamahay namin ay hindi mo na 'yan pwedeng bawiin!" Inis na inis kong wika.

Minsa talaga ay nababaliw na siya!

Hinimas niya ang pinalo ko sakanya at huminga ng malalim.

"I'm not joking. I know what I said." Aniya kaya lalong nagwala ang sistema ko.

Pinigilan kong mag react sa sinabi niya kahit na gising na gising ang buong diwa ko. Dapat ay makita niyang naiinis ako at hindi ako natutuwa.

"Good. Maganda na ang honest ka, De la Fuente. You have guts to tell me what you feel about my daughter. 'Yun lang naman ang gusto ko. Pag pasensyahan mo na si Joan, minsan talaga ay hindi mo ma ko-kontrol yan." Napaismid ako sa sinabi ni daddy.

Narinig ko ang pag halakhak ni Markus kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Ang advance talaga ng mga tao dito! Apat na araw mo palang siyang kasama pero nagawa na niyang sabihin sa tatay ko 'yon, nagawa na niyang pumasok sa pamamahay namin, nagawa niya ng makisalo sa amin sa hapag kaininan at nakapasok na siya sa buhay ko na sobrang hirap gawin.

"Alam ko po.. don't worry po. I'll figure something out." Aniya.

Natawa si daddy at kita kong napangiti na rin si mommy. Syempre gustong gusto niya 'to!

Pati ang mga pinsan ko ay tumatawa na at nakipag apir pa si Uno kay Markus.

"Hindi kaya last mission mo na 'to dahil sa lalaking 'to?" Komento ni mommy.

"Mom! No!" Depensa ko at nag taas lang siya ng kamay at humilig kay daddy habang natatawa.

Great! Magaling, Markus Hyde!

Tinignan ko siya ulit at kita kong mangiti ngiti ang mokong! Sinamaan ko siya ng tingin at mas na bwisit ako nang tumawa lang siya.

"Agatha, akala ko expired na ang puso mo." Hagikgik ni Alice sa akin sa tabi ko.

"Alice!" Bawal ko sakanya pero tumawa lang siya.

Nilingon ko si Tulip para humingi ng tulong pero tumatawa din siya. Hindi ko na siya binawalan dahil minsan nalang siya tumawa. Mag sasakripisyo na ako.

Tiniis ko nalang ang mga pamumusit nila sa akin at kung nakakamatay man ang titig, malamang ay naka handusay na si Markus ngayon.

"Bye, Agatha.. we will wait for you." Ani mommy at yinakap ko naman siya.

Nag paalaman na kami dahil kailangan na rin namin umalis na Markus. Nag si-alisan na rin ang mga pinsan ko dahil may mga trabaho din sila. Si Alice ay umalis na rin dahil may taping pa daw siya. Si Tulip nalang ang natira at hinihintay nalang ang driver nila. Ganon kahigpit sakanya.. may driver pa siya.

"Bye mom." Saad ko.

Nilingon ko si Tulip at siya naman ang yinakap ko.

"I'll always be here for you. Kumain ka ng maayos. Sana pag balik ko dito ay nakabalik na rin siya. I want to see the two of you happy again.. whatever it takes." Bulong ko.

Humiwalay na ako sakanya at nginitian siya. She's very pale..

"Mag ingat ka, Gath." Mahina niyang wika.

I miss her bright smile.

"Of course.." I gave her one last hug.

Tumalikod na ako sakanila at pumasok sa loob ng kotse. Sumunod na rin si Markus at sumakay na rin sa driver's seat. Hinayaan ko na siya dahil wala na akong lakas makipag away kung sino ang mag da-drive.

Narinig ko ang pag buntong hininga niya kaya nilingon ko siya. Ang isang kamay niya ay nasa manibela habang ang isa ay nasa dibdib niya.

"What's wrong with you?" Tanong ko.

Ngumisi siya. "I thought I'm gonna have a heart attack. Sobrang diretso mag tanong ng tatay mo." Aniya habang natatawapa.

"Oo! Tapos ganon pa ang sagot mo." Inis kong wika.

Inayos ko ang aircon dahil nararamdaman ko na ang init.

"I want to be honest." Sagot niya kaya mariin akong napapikit.

He's too straight to the point. Wala siyang pag aalin langan sa lahat ng sinasabi niya. Hindi ko mapigilan ang humanga pero ayaw ko ng lumalim ang nararamdaman ko..

Hindi nga ako sigurado kung isa lang 'to sa mga trip niya.

"Hinayupak ka kasi." Saad ko.

Nag iwas ako ng tingin dahil ayaw kong makita niya na kaya ko lang sinabi 'yon dahil wala na akong masabi. I'm always out of words whenever I'm with him..

"Is that your endearment to me?" Rinig ko ang pagka mangha sa boses niya.

See? Lahat ng negative na sinasabi ko ay magagawan niya ng paraan para maging positive. It's frustrating!

"Shut up."

I should have said that with a conviction and hardness pero lumabas ito na parang walang lakas. Dammit!

Napasapo ako sa noo ko at tumingin sa bintana dahil sa kahihiyan. Tuluyan na akong nawawala..

"You really don't like Osiris?" Rinig kong tanong niya.

"Narinig mo naman kanina diba." Sagot ko ng hindi man lang siya nililingon.

"Eh, ako?"

Napatiim bagang ako sa tanong niya at napakagat ako sa ilalim ng labi ko. I answered damn fast when he asked about Osiris pero sakanya ay na blanko ako..

"Nevermind, don't answer. Ayokong marinig. Gagawa muna ako ng paraan para wag maging hindi ang sagot mo." Aniya.

Natapos nanaman ang gyera sa puso ko at ang resulta..

Talo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top