Bullet 11
Before
"Sige.. matutulog na ako." Pag papaalam ko sakanya.
Natapos ko ng mahugasan ang mga baso at siya naman ay nakahilig nalamang sa lamesa habang hinihintay niya ako matapos.
Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa siya pumapasok sa kwarto niya.
"Goodnight, Agatha." Aniya habang paakyat na kami ng hagdan.
Tumango ako at ngumiti.
"Goodnight, Markus."
Tuluyan na akong pumasok sa kwarto ko at mariing pumikit. Napasandal ako sandali sa pintuan at pinilig ang ulo ko dahil ayaw mawala ng ngiti sa labi ko.
Mabilis akong tumakbo at kinuha ang cellphone ko. Para akong tangang tumalon sa kama ko at dumapa doon. Huminga ako ng malalim habang tinatawagan ang ate ko. I need to talk to someone..
"Hello, Gath?" Narinig kong bungad niya sa akin sa kabilang linya.
"Ate Ri! Nasasapian na ata ako!" Impit kong wika at mariin kong kinagat ang labi ko para mapigilan ang pag sigaw.
"Ano? Anong nasasapian?" Gulong gulong tanong niya.
Humiga ako ng maayos at tumingin sa kisame. I can still the beating in my chest, ramdam na ramdam ko pa rin ang kaba at pag kagalak sa puso ko.
"Ate, I felt it.. heart beats fast, my feet were so weak and there are insane beings on my stomach." Halos pabulong kong wika.
Para akong tanga na napahawak sa tyan ko at pinaglaruan ang damit ko doon. Narinig kong natigilan siya kaya kinabahan ako..
"Are you.. in love?" Puno ng pag aalinlangang tanong niya.
Namilog ang mga mata ko at napabalikwas sa pag kakahiga.
"Ate! Advance ka! Love agad? Hindi pwedeng like muna?" Natatawa kong wika.
Sumabay siya sa akin at nakitawa. I miss them so much! I want to be with them! I want to hug them already!
Love is too much.. it's too much for two days. I want to take this slow lalo na at unang pag kakataon kong maranasan 'to. I never liked someone before, not even Osiris so I don't want to rush and I have lots of problems to face if ever..
"Sorry, Gath! I was just excited for you! This is the first! He must be special then?" Natatawang wika niya.
Ngumuso ako at napabagsak ulit sa kama.
Special?
Hindi ko nga alam kung bakit sa katulad niya ako nag kagusto. May mali ata sa mga mata ko.
"Hinayupak siya ate. I must be crazy to like him." Natatawa kong saad.
"How is he like?" Puno ng kuryosidad niyang tanong.
Marahan akong pumikit at inalala siya..
Literal na tumayo ang mga balahibo ko sa munting pag iisip sakanya at wala sa sariling napangiti nanaman. Ang isang kamay ko ay pinatong ko sa taas ng puso ko at pinakiramdaman 'yon.
"Well.. he's caring, thoughtful and he can tolerate my personality. You know ate, hindi ako sanay na may nag aalaga sa akin. I can do everything for myself pero pag nandyan siya.. iba. Hindi pwede 'yon, magugulat ka nalang na ginagawa niya ang mga bagay na 'yon para sa akin. He's very real too, no pretentions. I don't know.. it's just, that." Mahina kong wika.
Narinig ko ang mahina niyang pag hinga sa kabilang linya. Ang dami ko pang gustong sabihin.. I want to describe his eyes, nose, how his lips curve and many more pero hindi ko ginawa dahil baka isipin ng kapatid ko na nababaliw na ako!
This is so not Agatha Joan style!
"Now I want to meet him. You should stop going to army. You told me before that when you meet the one who will make your heart pound so fast.. you'll resign." Aniya.
Here we go again.
Napangiwi ako sa sinabi niya. Gagawa at gagawa talaga sila ng paraan para mapatigil ako pero hindi ko pa kaya. I need more time..
"Ate! Stop that, I told you.. I'll resign if I met the one but I'm not even sure if he's the one. Mababaw palang 'to. My feelings for him are not enough to make me quit army." Depensa ko.
I told them before, that I'll quit if someone can be the reason to make me quit. Sa trabaho ko ay bawal ang pag ibig dahil laging nasa bingit ng kamatayan ang buhay ko pero kung may tao akong mamahalin ng lubusan.. ako mismo ang aalis. Pero hindi ko pa nakikilala ang taong 'yon.
Tinawagan ko lang naman siya dahil kailangan kong ilabas ang kilig na nararamdaman ko. Tang'na! Matagal na silang graduate nila Tulip sa ganito pero ako.. unang pagkakataon ko palang na naramdaman 'to.
Late na late na ako!
"Yeah, yeah.. pero life is short remember? Look at Tulip, she's suffering too much.."
Napakagat ako sa labi ko dahil sa pag banggit niya ng pangalan ni Tulip.
"Binisita mo na ba siya?" Tanong ko.
"Yeah, yesterday. Sinama kami ni Evander sa Manila. May binibili nanaman siyang lupa. Naisipan ko na dalawin si Tulip.."
I kept silent. Hinintay ko lamang siyang magsalita at mag kwento.
"She was so devastated.. pinapalabas na siya pero siya mismo ang pumipili na wag lumabas. I talked to her.. she kept saying sorry and I just felt so bad, Gath. I felt her pain.. nasasaktan ako dahil wala akong magawa para sakanila." Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko.
Nasasaktan ako para sakanila. Tumango ako kahit alam ko na hindi naman niya ako nakikita. I feel so bad too.. lalo na at wala ako para damayan sila.
"Have you talked to him? I heard from Uno, he's in Argao." Tanong ko.
"I don't want to talk to him because last time we talked, he pleaded me to let him talk to Tulip. Hindi ko alam kung paano ko nagawang tanggihan siya, Gath. I wanted to help him so bad."
I can imagine his face.. I can imagine him begging for it. Parang kukurutin na ang puso ko dahil doon.
They are so brave..
Alam kong wala na silang lakas ngayon, if only I can lend them my strength. Gagawin ko.
"Adrianna, Let's go to sleep.."
Namilog ang mata ko nang may marinig akong bulong sa kabilang linya. What the heck? Kadiri 'tong Claveria-ng 'to!
Para akong lalong tataasan ng balahibo sakanila.
"Evander.." rinig kong daing ng Ate ko.
Hinayupak na mag asawa 'to! Are they fucking doing it while I am in the phone? Seryoso? Nararamdaman ko na unti unting umaakyat ang dugo sa mukha ko.
"Ate! Bye! Goodnight! Kadiri kayo! Ayoko ng live porn okay?" Inis kong wika at pinatay ang call.
Nag browse pa ako sa contacts ko at napadaan ako sa number ni Tulip. Pinilig ko ang ulo ko at pinatay ang cellphone ko. Wala akong karapatan na tawagan siya.. lalo na at wala ako sa tabi niya nung mga panahon na kailagan niya ako.
I wonder, will I ever feel the pain that they are experiencing right now?
Sabi nila, all pains are different. Mula sa hugis, lalim, haba at tagal ng pag hilom nito. Ibang iba lahat ng sakit. Malamang ay hinding hindi ko mararanasan ang sakit na naramdaman nila.
I will have another version of pain, or no pain at all..
Pinikit ko ang mga mata ko at pinilit ang sariling makatulog and eventually I did..
Gumising ako ng maaga at mabilis na nag ayos. Inayos at lininis ko na rin ang sugat ko. Medyo hindi na ito masakit. Nag suot ako ng simpleng pants at blouse na mommy ko rin ang pumili. Napaka inconvenient pala ng dress kaya ito nalang..
Wala naman akong linalagay sa mukha ko kung hindi ang munting lipgloss na hiningi ko pa kay Alice. Ang dami kong make up, pero lahat 'yon regalo sa akin ng mga pinsan ko. Hindi din naman ako madalas mag make up dahil sayang lang..
Tuloy tuloy na akong bumaba ng hagdan at natigilan ako sa pag hakbang nang marinig ko ang pamilyar na tunog na 'yon. The music that I was cursing for the whole five years that passed.
"Shit! Si Captain! Patayin niyo ang music!" Tarantang taranta na wika ni Ramon.
Tumaas ang kilay ko at humalukipkip sakanila.
"Lipat niyo!" Ani Kina habang papalabas ng kusina.
"Why are you changing the music?"
Mabilis akong napaayos ng tayo at napalunok. Liningon ko ang pababang Markus at tumigil siya sa gilid ko. Kita ko ang pagtataka sakanya. Kahit na abala ako sa pag iisip ng dahilan ay hindi ko mapigilan ang punahin ang amoy at ayos niya. He was wearing his usual suit and his smell is like, mint.. fresh.
"Ayaw po kasi ni Captain ang kantang 'yon. Kamumuhi muhi daw po iyon." Paliwanag ni Geric at halos gusto kong siyang barilin dahil sa sinabi niya.
Tumaas ang kilay ni Markus at bahagyang tinagilid ang ulo niya. Pinagmasdan niya ako ng sobra kaya hindi ko alam kung saan ako titingin. What is he thinking right now?
Nakita ko ang unti-unting pagsilay ng ngiti sa mukha niya.
"Bakit hindi mo gusto ang kantang 'yon? I can still remember that-"
Mabilis kong tinakpan ang bibig niya at pinanlakihan siya ng mata. They shouldn't know! Hindi nila pwedeng malaman na may koneksyon ako sakanya! Labag 'yon sa batas ng SF.
"Wala lang, ayoko lang talaga. Pag naririnig ko ang katang 'yan.. pakiramdam ko dadagain ako. Alam mo kung bakit? Nanakawan ako nung mga panahong pinapatugtog 'yan. Pero dati 'yon.. humingi na ng tawad sa akin ang magnanakaw. Kaya kalimutan na natin lahat 'to, okay ba Mr. De la Fuente?"
Binigyan ko siya ng matamis na ngiti habang inaabot niya ang kamay kong nakatakip sa bibig niya. Siya mismo ang nag alis non don at ngiti ngiti siyang tumango.
"Okay.." aniya at tinaas taas pa ang kilay niya.
Inirapan ko siya at binato sakanya ang susi.
"Ikaw mag drive."
"I plan to." Nakangisi niyang wika at nauna ng lumabas sa bahay niya.
O 'di ikaw ng gentleman!
Sakalin kita eh..
Huminga ako ng malalim at linapitan ang mga kasamahan kong nakatunganga sa akin. Mulat na mulat ang mga mata nila kaya pinag pipitik ko ang mga noo nila. Sabay sabay silang napa daing kaya bahagya akong napahalalakhak.
"Make a report okay? Pass it to commander. Violet, Den and Ramon, bumalik kayo sa hotel na 'yon. Do everything para mapasukan ang hotel room na 'yon. Kunin niyo ang naiwan na singsing ng lalaking 'yon." Utos ko.
Kakaulit namin sa video kahapon ay nakita namin na bago siya mag suot ng gloves ay inalis nito ang singsing niya at nakalimutan na nitong kunin 'to. Sana lang ay hindi pa nakukuha ng mga naglilinis 'yon..
"Okay, Cap. Ingat po kayo." Ani Ramon.
Tumango ako at sumunod na kay Markus sa labas. Napabuga ako ng hangin ay pinigilan ang matawa dahil para siyang driver na pinag bubuksan ako ng pintuan. Driver na sobrang gwapo..
"Mister anak ng future president.. hindi niyo po bagay ang maging ganyan." Natatawa kong wika habang pasakay ng kotse.
Ngumiti siya ng bahagya at tinulungan ako sa seatbelt ko. Napaiwas nalang ako ng tingin habang ginagawa niya 'yon dahil hindi ko alam kung paano ko siya titignan ngayon..
Naaalala ko ang nangyari kagabi at para akong maiihi pag naaalala ko 'yon.
"Okay na ba ang balikat mo?" Tanong niya sa akin.
He sound so serious this time kaya napilitan akong salubungin ang mga tingin niya. Napakagat ako sa aking labi dahil naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko.
Tumango ako. "Ah.. oo."
Tumango siya at sinara na ang pinto. Doon lamang ako nakahinga ng maluwag at pinanuod siyang lumipat sa driver's seat.
"May basketball practice ka ba niyan?" Tanong ko habang sinumula naman niyang paandarin ang kotse.
Umiling siya. "Wala, I'll go to my family's designer store later. Titignan ko kung okay na ba ang suit ko sa charity ball ng kompanya namin."
Kumunot ang noo ko.
"Why don't you let your secretary do it?" Tanong ko.
Nag kibit balikat siya. "I don't know.. my uncle said that he'll meet me there too. So ako nalang, papakilala kita sakanya. You'll like him for sure. He's very much like me." Aniya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Then I'll kill him too? I'll curse at him? I'll hate him?"
Natawa ako sa sariling sinabi at natawa din siya.
"Oh damn! Now that I realize how much you hate me.. It pains me." Aniya.
Tumawa siya habang ako ay hindi ko magawang tumawa sa sinabi niya. Nakatuon ang buong atensyon ko sakanya ngayon at kumakalabog na ang puso ko. Umagang umaga ata ay mag sisimula na ang gyera dito.
"That was before.." mahina kong wika.
Hindi ko alam kung bakit ko pa 'yon sinabi. I just felt like saying it..
Napatingin siya sa akin pero mabilis lang 'yon, tinuon din niya ang atensyon sa harap at kita ko ang pag silay ng ngiti sakanyang labi. Hindi ko napigilan at napangiti na din ako.
"That's what I want to hear. You just made my day, Agatha."
I wonder.. how does my name sound so different when it comes to him?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top