Kabanata 9
Kalabanin
Humalakhak ang kambal ko. "Protecting? You don't need to." Mabilis kong hinawakan sa braso si Adrian.
Hindi 'to titigil kung walang pipigil sakanya at kita ko ang pag-ngisi ni Evander. Sa pagkakakilala ko sakanya.. hindi rin siya uurong.
"Evander, thank you ulit." saad ko at tumalikod na. Hindi ko na siya hinayaan magsalita.
Kahit naiinis naman ako sakanya ay hindi ko makakaila na dapat ko siyang pasalamatan.
Hindi naman mataas ang pride ko.
"Ad! Nakakainis ka talaga. Wala siyang ginagawa!" Pagsesermon ko kay Adrian habang pabalik kami ng table namin. Pakiramdam ko lumulutang ako habang naglalakad. Damn.
"He is hitting on you, Ri!" Balik niya sa akin. Napa roll-eyes nalamang ako.
Hindi siya! Ang daming babae nang lalaking iyon. Nakakainis man isipin na yun ang katotohahan. He can easily manipulate everything.
"He wasn't!" Saad ko at mas binilisan pa ang lakad pabalik sa table namin. Rinig na rinig ko na kinekwento na ni Agatha ang nangyari.
"So cool diba?" Humahagikgik na saad ni Agatha. Napalingon silang lahat sa akin kaya sinamaan ko sila ng tingin.
Sige! Busitin niyo ako, bubusitin ko rin kayo.
"So Evander Caden Claveria is hitting on you?" Nakangising wika ni Uno. Napabuga ako ng hangin dahil sa sinabi niya. What the heck! Nakipag-apir pa kay Dos.
Sige lang! Pag ako na ang gumanti!
"That's what I'm saying!" Giit ni Adrian. Mabilis ko siyang sinapak sa braso kaya nagtawanan ang mga pinsan ko. Are they really my cousins?
"He is not! Ang kulit niyo!" Napatingin ako kay Tulip para humingi ng tulong pero pati siya ay tinatawanan ako.
She can't even keep her eyes open dahil sa pagtawa.
Oh please!
"So ang dalawang Claveria ay pinag-aagawan ka?" Natatawang dagdag ni Dos. The fuck! No!
"Paano yon? Yung isa yung nirereto sayo." Simaan ko ng tingin ulit si Clyde. Hindi na ba sila titigil?
"Kanino pusta mo?" Nakangising tanong ni Simon kay Clyde kaya inabot ko siya pero hinila ako ni Adrian. Pagpustahan ba naman ako?!
"Kay Mr. Captain ako. Malakas yon!" Natatawang saad ni Clyde. Damn him!
Napalingon ako kay Evander na nakikitawa na sa mga kasama niya. Ang dimples niya ay kitang kita nanaman.
"Kay Osiris ako sige. Para thrilling pero actually kay Mr. Captain din ako." Napabuga ako ng hangin sa sinabi ni Simon. What the heck?
"Saan ang salon mo?" Napakunot ang noo ko sa tanong ni Alice.
"Same lang tayo!"
"Bakit ang haba ng hair mo?" What the heck.
"Good job, Alice" natatawang saad ni Carl sa kapatid niya.
Give me a break!
"Dahil diyan mag-Alchology tayo mamaya!" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Clyde. It's a famous bar here in Cebu.
"Hey! No night life diba!" Giit ko pero sinubuan lang ako ni Clyde ng fries. Kainis!
"Hindi naman tayo gagawa ng eskandalo don. We will just enjoy.. ka-miss ang Manila, e" Nag roll-eyes ako kaya inakbayan naman ako ni Adrian. Siniko ko siya kaya napadaing siya.
Ha! Buti nga sayo.
"Sadista ang kambal ko" natatawa niyang wika habang humahalakhak.
"Balita ko.. marami rin pumupunta doon mula sa school natin. Tumango tango nalang ako at kumuha ng isang club house.
"So?" Tanong ni Tulip. Oh! I have a conclusion.
"That's a chance to show them who owns Cebu!" What the heck! I can't believe Simon just said that at nagtawanan pa sila ng mga boys.
"Hey! Just make sure na walang malalasing! We can't go home wasted." babala ko sakanila kaya lalong hinigpitan ni Adrian ang pagkakayakap niya sa akin.
"Yeah, twin." Siniko ko siya ulit at natawa ng mapadaing siya.
"At bawal makasira ng sasakyan, Uno." Pagdadagdag ni Agatha kay Uno. Inakbayan ni Uno si Tulip at tumango tango.
"Sure. I won't." Saad niya at kumagat ng club house.
"Yung pustahan ah. Tsaka na yung premyo." Pang-aasar ulit ni Clyde.
"Clyde!" Sigaw ko at nagtawanan lang sila.
"Oo. Papunta na nga." Sagot ko kay Gelo mula sa kabilang linya. Naglalakad kami ni Tulip, Uno at Adrian papuntang parking lot. Nandoon si Gelo, Simon, Agatha, Alice at Clyde. Si Carl at Dos naman ay umuwi muna para magdagdag ng sasakyan.
"Sa akin ka ba sasabay?" Rinig kong tanong ni Uno kay Tulip. Seems like they're getting closer. Atleast hindi na sila madalas mag-away.
"Apat na sasakyan ba ang dadalhin?" Tanong ni Adrian. Tumango ako, dadalhin ni Carl at Dos ang available na sasakyan.
"Tulip, may dala kang extra-shirt?" Tanong ko. Balak ko kasing magpalit bago umuwi.
"What the fuck" napalingon ako Adrian. May nakatama sakanyang lalaking tumatakbo.
"Ano yon?" Napalingon ako at kita kong halos one student body ata ang patakbo sa direksyon namin.
Nakarinig ako ng mura kay Uno. Tinakpan ako ni Adrian, ganon din si Uno kay Tulip. Anong nangyayari? Linampasan lang nila kami.
May event ba?
"What was that?" Tanong ko nang makadaan na lahat.
"Track and field ata ang major sports nila. Hilig tumakbo." Sabi ni Tulip habang inaayos ang buhok.
"Bayaan niyo na sila" wika ni Adrian. Tutuloy na sana kami sa paglalakad ng may humarang sa harap namin.
"What?" Matigas na tanong ni Uno. Hinihingal ang lalaki na parang pagod na pagod sa pagtakbo.
Nagulat ako nang ituro niya ako.
"Montgomery. Please.. stop Evander." Napalunok ako nang banggitin ang pangalan niya. Napano siya? Bakit ako?
Naramdaman ko ang paghawak ni Adrian sa balikat ko.
"Bakit ang kapatid ko ang nilalapitan niyo?" Tanong ni Adrian sa lalaki.
Damn. Gusto ko tuloy siyang makita.
"Hindi na kakayanin ng kaibigan ko." Lalo akong nagtaka sa sinabi niya. Sinong kaibigan? Si Evander ba?
"Ano ngayon?" Wika ni Ad. Napabuntong hininga ang lalaki at umayos ng tayo.
"Pwede ba sumama nalang kayo.. please" aniya at nauna ng umalis. Napatingin ako sa mga pinsan ko at napayuko. Ayoko naman silang pilitin kung ayaw nila.
They're not in good terms with him so I will understand kung ayaw nila.
"Uno, call the others, sabihin mo maghintay pa ng konti. May aayusin lang tayo sabihin mo." napaangat ako ng tingin sa sinabi ni Adrian. Napakagat ako sa ilalim ng labi ko at marahang ngumiti.
Napailing ito at humawak sa balikat ko.
"Let's go twin. Let's see what that Claveria did."
Tinungo namin ang field. Hindi ko makita ang nasa gitna dahil punong puno ng mga estudyante. Uwian na pero nandito pa rin sila, ibig sabihin ay may malaking nangyayari.
Lahat sila ay gustong gusto makita ang nasa gitna. Siksikan at tulakan ang ginagawa nila.
"Excuse me.." rinig kong sabi ni Tulip habang nakikidaan kami. Si Uno naman ay kausap si Clyde. Si Adrian ay nakahawak lamang sa balikat ko.
Natigilan sila nang makita kami kaya sila na ang kusang gumawa ng daan para sa amin. Napaayos ako ng buhok nang makadaan kami. Nag-angat ako nang tingin at napaawang ang labi ko.
"What the fuck" narinig kong mura ni Uno. Napatakip ako ng bibig ko sa nakita ko.
"This is for you?" Rinig kong bulong ni Adrian. Nagkibit balikat lamang ako.
I took a step forward pero may humawak sa braso ko. Lumingon ako at kita ko ang nag-aalalang ekspresyon ni Tulip.
"Faster!" Napabaling muli ang tingin ko sa field. Mula sa pwesto namin ay kitang kita ko ang pagod na mukha nang lalaking sumingit sa linya kanina habang naka-upo sa bleachers si Evander kasama ang tatlo pang lalaki.
"Bilisan mo o sampung laps pa?" Sigaw ng isa sa mga kasama ni Evander. Parang dinadaganan ang puso ko. Paano kung hindi para sa akin to? Paano kung hindi pala ako pwede makielam?
"Buti naman nandito ka na." Napatingin ako sa gilid ko. Nakangisi si Osiris habang nanunuod din.
"My brother is really something. I know he is such a bully pero.. damn. Pero first time niyang gawin to ng hindi para sakanya.. kundi para sa iba. Just for you? That's something." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Osiris.
I don't have the time to talk to him. I will never have.
"Stop him. Kundi baka hanggang mamayang gabi ang lalaking yan dito." Dagdag niya at tumalikod na. Bakit hindi siya ang pumigil sa kapatid niya?
"Let's go.." narinig kong bulong ni Tulip pero umiling ako. Binitawan ko siya at lumakad palapit doon. Narinig ko ang pagsinghap ng mga tao. Patuloy lamang akong naglakad hanggang maharangan ko ang lalaking tumatakbo. Napatigil siya at nanlaki ang mata.
Kita ko ang pagod sakanya. Mula sa basang basa niyang damit hanggang sa basang basa niyang buhok.
Ngumiti ako sakanya.
Sinubukan niya akong lampasan pero humarang ako ulit. Linibot ko ang tingin ko sa buong field kung saan siya tumatakbo. Tignan ko palang 'yon, parang ako ang napagod.
"Anong pangalan mo?" Tanong ko sakanya. Kita ko mula sa peripheral vision ko ang paglapit ni Evander. Bumibilis na rin ang tibok ng puso ko pero hindi ako tumingin sakanya. Nanatili ang tingin ko sa lalaking kaharap ko.
"Kevin" nanginginig niyang sagot. Bumuntong hininga ako at gumawa ng linya gamit ang paa ko sa pagitan namin.
"Tapos na ang parusa mo." Sabi ko at rinig ko ang mga bulungan.
"Tumitig ka pa. Mata mo naman ang papatakbuhin ko." Doon ko lamang binalingan ng tingin si Evander na nakalapit na. Ano bang pinagsasabi niya?
"S-sige po.." mabilis na tumakbo ang lalaki paalis. Hinarap ko si Evander na mukhang iritado.
Ngayon alam ko na kung bakit takot sakanya ang lahat. Sa likod ng napaka ganda niyang ngiti at nakakamatay na dimples, pati na rin ang mala-anghel niyang mga mata ay ang katotohanan na hawak niya sa leeg ang mga tao dito.
"Bakit mo kailangan malaman ang pangalan niya?" Tagos hanggang buto ang titig niya sa akin. Pakiramdam ko unti-unting nawawala ang mga tao sa paligid.
"Bakit kailangan mo siyang parusahan?" Balik kong tanong sakanya. Nagpakawala naman siya ng mahinang halakhak dahil doon pero hindi pa rin nawawala ang titig niya sa akin.
Para akong matutumba dahil doon.
"Kasi kaya ko." That's it. Yun ang katotohahan. Dahil kaya niya.
"Bakit kailangan mong ngumiti sakanya." Humakbang siya palapit kaya humakbang ako patalikod. Hindi ko ata kakayanin na lumapit siya sa akin.
"Bakit mo siya pinahirapan?" Tanong ko sakanya pero natigil ako sa pag-iisip nang hawakan niya ako sa kamay. Parang napaso ako sa hawak niya. Napatingin ako doon.. marahan niya itong hinaplos.
"That's illegal.. Grace." Anong illegal? Nag-angat ako ng tingin kaya nagtagpo nanaman ang mga mata namin. Parang kumikislap ang mga nata niya.
"Lahat ng babangga sa akin. Mananagot." Humakbang siya papunta sa akin, kaya mas lalo akong napa-angat ng tingin dahil sa tangkad niya. Shit. Matangkad ako pero kakaiba siya.
"Hindi ganon.. pwede naman madaan sa magandang usapan ang lahat. Hindi pwedeng lagi kang magpapahirap ng tao." Napakagat ako sa ilalim ng labi ko. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas para sabihin yon. Kung tutuusin ay hindi kami malapit para sabihin ko yon.
Hindi na ako magtataka kung magalit siya sa sinabi ko. Lahat ata ng hindi sumasang-ayon sakanya ay pinapahirapan niya.
Kita ko ang pagbaba ng tingin niya sa labi ko kaya napalunok ako.
Nagulat ako nang hawakan niya ang labi ko. Nanlaki ang mga mata ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Napuno ng mga paru-paro ang tiyan ko. Nangatog ang mga bintk ko dahil lang sa simpleng hawak niya sa akin.
Nagbaba ako ng tingin dahil ayoko siyang tignan. Malulusaw na talaga ako.
"Ri!" Narinig kong sigaw ni Adrian pero hindi ako makagalaw. Kita ko ang pagtagis ng bagang niya at ang sandali niyang paglingon sa pwesto ng kapatid ko.
"Lahat sila mananagot.. lahat din ng babangga sa mga pinoprotektahan ko. Mananagot." Ngumisi siya at binitawan na ako. Doon lamang ako nakahinga ng maluwag.
"Adrianna Montgomery!" Rinig kong sigaw muli ng kapatid ko. Shit! He's mad. He is so damn mad! Lagot ako nito.
Hindi ko naman kasalanan na nawala ako. Na.. nakalimutan kong may kasama pala kami. Fuck.
Linampasan niya ako pero tumigil din siya nang magkalapit ang braso namin.
"Ang daming pumoprotekta sayo.. ang sarap tuloy nilang kalabanin"
Napapikit ako sa sinabi niya. Para akong liliparin. Nakalimutan ko na nasa gitna kami ng field at ang daming estudyante ang nanonood. Damn this!
I need to escape this feeling. I need to.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top