Kabanata 8
Protecting
"The people here are creepy." napabuntong hininga ako sa sinabi ni Alice. Nandito kami ngayon sa cafeteria ng building namin.
"Huh? Why?" Tanong ni Clyde habang umuupo sa tabi ni Tulip. I was just observing everybody.
I noticed how people gasped and be giddy nang dumating ang mga pinsan ko. I also noticed how Uno pushed Clyde a little bit para makatabi siya kay Tulip. Damn! Bakit ba pati yon napapansin ko pa?
"Binubully kayo?" Naagaw ni Adrian ang atensyon ko. I didn't hear what they're talking about so hindi ko alam bakit napasok bigla ang bully?
"No kuya. Ibig kong sabihin.. kanina kasi may kumukuha ng chair namin. Maybe one of the oh so called jocks pero nabanggit lang yung pangalan nung Claveria.. umurong na." Oh.. she was talking about that. Kakagat sana ako sa burger ko nang tumingin sila lahat sa akin.
"What?" Tanong ko bago kumagat.
"Claveria? As in Osiris Claveria? Yung nirereto sayo?" Tanong ni Dos. Sinamaan ko siya ng tingin kasabay non ang pagtaas niya ng dalawa niyang kamay.
"Yeah.." matipid kong sagot. I hate it pag ako ang topic. Ano ba yan? Change topic please.
"So.. he's protecting you?" Kumunot ang noo ko sa tanong ni Adrian.
"Kuya! Hindi naman si Osiris ang tinutukoy na Claveria" maagap na sinabi ni Alice.
"Change topic. Hindi naman natin to dapat pinaguusapan." Saad ko pero parang wala silang naririnig.
Damn!
"Then who?" Tanong ni Adrian. I glared at him pero wala pa rin.
I don't want to hear his name. Please.
"Yung Evander daw" napa-facepalm nalang ako at pinag patuloy ang pagkain.
"The captain? Hindi ba ay ayaw sa atin non?" Yeah, Uno's right. Ayaw niya sa atin.. that's why it's very confusing. Very very confusing.
"I don't know. Basta yon ang sabi kanina." Ani Alice at nagkibit-balikat.
"Why is he protecting someone from our plot?" Tanong ni Uno. Because he's a jerk. A total jerk.
"Maybe.. he likes Alice? Or Adrianna?" Ani Carl.
Of course not! Masama lang talaga ang ugali niya kaya ganon. Why are they pushing this thing?
"Baka naman inutusan lang ni Osiris yung kapatid niya? I mean.. Osiris is the good one." Napabuga ako ng hangin sa sinabi ni Alice. Totally not true!
"No. Believe me or not. Osiris is a manipulative jerk person. He made a deal with me to act like we are getting to know each other sa harap ng dad niya but I think he won't go that far like protecting me." Saad ko. I can see that they didn't like what I said.
"As in act like lovey dovey?" Tanong ni Tulip. Pinilig ko ang ulo ko. I can't do that.
"No.. it's like, act like we're trying." Wika ko atsaka kumagat ng burger muli.
"Damn that guy." Tatayo na sana si Adrian pero pinigilan ko siya.
"Stop it, Ad. Hayaan nalang natin. Dad's reputation remember." I saw how eager he was to punch Osiris' face pero hindi pwede. Maybe sa Manila nagagawa nila yon pero dito sa Cebu, hindi pwede.
"Okay.. basta pag may ginawa siya sayo. Tell us, we're gonna beat the shit out of him." Napangiti ako sa sinabi ni Uno. I nodded my head. Atleast kumalma na si Adrian.
He can be somehow.. protective.
"Paano pala yung birthday mo?" Tanong ni Kuya Carl kay Tulip. Huminga ng malalim si Tulip at binaba ang kinakain niya.
Thank God, naiba na ang topic.
"Gusto ni dad ng party.." napakagat ako sa ilalim ng labi ko.
Damn. I don't have anything against Tito pero maski ako ay ayoko ng ganon. It's a stragetic move but.. paano naman si Tulip?
It's a birthday, not a campaign period thing.
"I heard 'bout the Plan A and Plan C" ani Dos. Napatingin sila sa akin at natawa pa.
"Oh! The brilliant plan of Adrianna Grace Montgomery" natatawang dagdag ni Uno. Kinurot naman siya sa tagiliran ni Tulip.
"Buti nga sayo! You dickhead!" Saad ko. I stucked my tounge in front of him.
"The plan is.." napataas ang kilay ko sa gustong sabihin ni Simon.
Why are they always making fun of me?
"What? May naisip ba kayo?" Are they making fun about what I suggested?
"Chill, Ri. I agree with your suggestion." Nakangising wika ni Dos. Napailing ako at uminom nalang.
"Yeah! Escape? I like those stuff!" napalingon ako kay Gelo na nakipag high-five pa kay Clyde.
Great! Bad Influence sister here!
"Yeah! Good! Pero.. escape? Saan tayo after?" Tanong ni Simon. I actually hadn't thought of that.
"I have no idea" sagot ko at humilig kay Adrian.
"Why don't we execute Plan C then proceed to Plan A?" Napa-angat ang kilay ko sa sinabi niya.
"So you mean.. we will escape then go to Tagaytay?" Dagdag na tanong ni Alice. Sounds a nice plan.
I like it. Oh! I love it!
"Yeah but are you sure 'bout tagaytay?" tanong niya.
Medyo malayo.. malayo talaga.
"It's better. Malayo siya pero hindi masasayang ang escape natin. If nasa vicinity tayo ng Cebu. Mabilis tayong mahahanap nila Dad" Ani Adrian.
"Tama.. tsaka matagal tagal na tayo hindi nakakapunta sa Tagaytay" saad ko. Nakipag-apir sa akin si Agatha.
"And it's Tulip's favorite place" saad ni Uno. Oh.. now he knows Tul's favorite place.
"I want to bring my car!" Excited na sabi ni Adrian.
Nanlaki ang mata ko pero bago pa ako makapag-react ay nakipag fist-bump na ang mga lalaki kong pinsan sa kambal ko.
"Teka! More or less 18 hours yon.. I don't want to spend 18 hours or worse.. 21 hours in your car!" maagap kong sinabi pero lalong ngumisi ang kapatid ko. Inakbayan niya ako at lalong napangiti.
"Edi mas maganda. We'll bring my car and Uno's car. Sa klase ng driving namin.. 18 hours would be 16." napaawang ang labi ko at sinabunutan ng marahan si Adrian. We was just laughing his ass off.
"Uno? 16 hours? More like 15" natatawang dagdag pa ni Dos. What the heck!
"Oh damn! This is exciting!" Saad ni Uno. Sinamaan naman siya ng tingin ni Tulip pero nginisihan niya lamang ito.
"Don't worry, we will plan everything from kung anong sasakyan ang dadalhin.. hanggang sa kung saan tayo tutuloy." Napatango ako sa sinabi ni Carl.
Atleast andyan si Carl. The responsible one.
"Isn't too much? I can spend my birthday here.. with the politicians." Hindi ko napigilang matawa sa sinabi ni Tulip. That was funny!
"No way. Tsaka gusto rin namin mag-enjoy. I miss our escapades"
I nodded with what Clyde said.
"Oh my gosh. Evander's coming" hindi ko alam kung may sakit ako sa pandinig o sadyang malakas lang ang pagkakasabi ng mga tao sa likod ko na nandyan na ang taong ayoko muna sana makita.
Napatingin ako sa paligid at kita ko kung paano magsibalikan sa pwesto nila ang mga tao.
Too famous.
Then there, Evander Caden Claveria with the whole basketball team entered the cafeteria. He walked like he own everything. Diretsong tingin na parang walang pakielam sa iba. Everything about him shouts like.. too much to handle.
"Pasikat" narinig kong bulong ni Uno kaya tinapik siya sa braso ni Tulip. Kita ko kung paano mag-iba ang ekspresyon ni Uno.
"Gusto ko pa ng fries." Napalingon ako kay Agatha.
"Me.. club house" ani Alice.
"I'll get some" saad ko at tumayo. Hinawakan naman ako sa kamay ni Adrian.
Seriously? What is his problem?
"Andyan si Claveria. Not just one.. but two Claveria" napataas ang kilay ko sinabi ng kambal ko. Napahalakhak ako ng mahina sa sinabi niya.
"And? Ad, you think too much. Lose up a bit, twin" as if I'm not thinking too much. Yes Adrianna, fool yourself.
"I'll come with you" ani Agatha. I tapped my twin's shoulder and smiled at him.
Tinungo na namin ang counter at pumila. Atleast they have a fair line or so I thought. May humarang sa harap ko at sumingit. Damn!
"Aba walang'ya--" pinigilan ko si Agatha dahil kilala ko ang kapatid ko papatulan niya to.
"It's our first day. We don't want to make a scene, do we?" Saad ko sakanya kaya nanahimik siya. Shit! Kung nasa Manila lang kami pinatulan ko na to.
Narinig ko ang bulungan pero hindi ko na to pinansin.
"Get out" mabilis akong napalingon sa nagsalita. Napaawang ang labi ko. Nasa gilid ng sumingit sa linya si Evander. Napalunok ako.
Damn! Heart stop!
"E-Evander.. b-bakit?" I can sense fear.
Kita ko ang pagtagis ng bagang ni Evander sa sinabi ng lalaki. Napakagat ako sa ilalim ng labi ko. He was wearing a black v-neck shirt and that made him look so-- dashing and charming.
Matangkad din ang lalaking nasa harap ko pero hindi makakaila na mas matangkad si Evander. May lumapit pa na tatlong lalaki na namumukaan ko na part ng basketball team.
Napalingon ako sa mga pinsan ko na busy sa paguusap. Wow, kung kailan sila kailangan. Really?
Naramdaman ko ang paghawak ni Agatha sa kamay ko.
"Ilabas niyo yan" malamig na wika ni Evander sa tatlong lalaki sa likod.
Napaurong ako nang hawakan nila sa damit ang lalaki at hilahin paalis. Susundan ko pa sana ng tingin pero nagulat ako nang may humawak sa akin sa kamay. Napatingin ako doon dahil hinawakan ako ni Evander.
I can feel his warm hand against me.
Napatingin ako sa paligid dahil naririnig ko ang mga bulungan. Hinila niya ako papunta sa harap ng linya. Nagbigay ng daan lahat ng nasa linya. Naramdaman ko rin sumunod si Agatha dahil narinig ko ang ilang mura niya.
Binitawan niya ang kamay ko at linapag niya ang isang tray sa kamay ko. Shit! He's using his power.
"What do you want?" Tanong niya sa akin. Nag-angat ako ng tingin kaya nagkasalubong ang mga mata namin. He's asking me like it's the most normal thing on Earth.
Nawala ako sa pag-iisip ng ngumisi siya. Damn! That dimples again. Paalis ko 'yan eh!
"Hey.. Grace. I'm asking you. What do you want?" Naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko. I don't like it when people call me.. using that name but heck! Hindi man lang ako nainis.
"Gusto sana namin ng fries and club house." Sumagot na para sa akin ay si Agatha. Narinig ko pang humalakhak ang kapatid ko.
"Ate.. ang laway baka tumulo." Natatawang bulong sa akin ni Agatha and I'm sure narinig yon ni Evander dahil lalong lumapad ang ngisi niya kaya napaiwas ako ng tingin.
"You heard them" nakangising wika niya sa nasa harap ng counter. Mabilis na kumuha ng order ang babae. Kita ko ang pagkataranta niya.
"What's happening?" Napalingon ako kay Adrian at Carl na lumapit na. Sumandal naman si Evander sa counter at tinignan lamang ang kambal at pinsan ko.
"Ad.. it's okay." Sabi ko at pinanlakihan siya ng mata. Baka maging impulsive siya bigla.
"Ginugulo ba kayo niyan?" Halos maoa-facepalm ako sa sinabi ni Adrian. Heck! Yan kasi, puro daldal kayo.
"Kuya! Wag nga kayo. He did the thing na dapat kayo ang gumagawa!" Napatakip ako ng bibig sa sinabi ni Agatha. Pinigilan ko talaga matawa.
Burn Adrian!
Inabot na sa akin ang order namin. Babayaran ko na sana ito nang mabilis na nag next ang nasa counter. Kita ko ang pag-abot ng bayad ng isa sa mga ka-teammate ni Evander.
I will pay him! I will surely pay him.
Umayos ng tayo si Evander at umusog na rin siya para sa mga susunod na magoorder.
"Thank you!" Masiglang bati ni Agatha at tumawa pa ang kapatid ko. Napangiti din ako dahil doon. Mabilis naman hinila ni Carl si Agatha.
"Evander.. thank you. But really.. you shouldn't have done that. Baka isipin nila na pinoprotektahan mo kami or what. You know.. they might think--"
"They might think that I'm protecting you? Courting you? Like you?" I was taken a back on what he said. Narinig ko ang pagtikhim ng kambal ko pero sinamaan ko siya ng tingin. Binaling ko muli ang tingin kay Evander.
"Hindi naman.. alam naman natin na hindi-"
"Are you protecting my Twin, Claveria?" Napapikit ako sa seryosong tanong ng kapatid ko. Ramdam ko ang mga tsismoso sa paligid.
"Ad, wag assuming. Why would he-"
"It's true. I'm protecting you." Oh damn. I didn't expect that.
No you didn't protect me.
I was caught.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top