Kabanata 6

Kiss

"Oh, my bad. I am sorry. Hindi ko napansin" I didn't respond. It's nothing big, small cut lang ito pero kung makapagreact itong si Evander ay parang naputulan ako ng kamay.

Napatingin ako kay Evander na seryoso lamang nakatingin sa kapatid niya. Linipat niya ang tingin niya sa akin kaya mabilis kong iniwas ang tingin ko.

"Os, hinahanap ako sa school para mainterview about our team. Sabi ko hindi ako pwede kaya ikaw nalang. I am busy. I have a business to manage so can you please, as my brother to attend that interview instead?"

Oh.. he is too busy, I guess.

"Pero si Adrianna--"

"Tapos na ba kayo magusap?" Tanong ni Caden. I'm not sure though kung sino ang tinatanong niya. Pero tumango ako bilang sagot.

"Then everything is good. Ako ng bahala kay Ms. Montgomery. I'll make sure na makakauwi siya."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Caden. Nakita kong nakangisi na ito.

Matalim kong tinignan si Osiris at nagkibit balikat naman ito sa akin. Siya ang nagdala sa akin dito! Dapat ay siya rin ang maguwi sa akin!

"Are you really willing to do that?" Tanong ni Osiris kaya lalo ko siyang pinanlakihan ng mata. Anong saltik meron ang dalawang to.

Why am I even in this situation?!

"Of course. It's the least that I can do for my future sister-in-law" napaangat ako ng tingin. I'm expecting him to show his cocky smile but all I can see is his serious expression.

"Okay.. ako ng bahala sa interview mo. Pero ikaw ng bahala kay Adrianna okay?" Mabilis itong tumayo at lumapit sa akin.

"I'll check on you later. Kailangan ko lang unahin to." Marahan nalamang akong tumango.

He doesn't need to say that.

Kahit iwan niya ako dito ay hindi naman ako magrereklamo. Isusumpa ko lang naman siya.

Pinanuod ko siyang lumabas ng restaurant at tumayo na rin ako. I was ready to leave pero hinawakan ako sa kamay ni Evander. Mabilis ko rin itong hinila.

"Kaya kong umuwi mag-isa Mr. Claveria. I don't need your help. Tsaka isa pa.. busy ka hindi ba? I don't want to ruin your schedule." Linampasan ko siya at lumabas na. Kung maari lamang na hindi ko na sila makita. The whole Claveria family is making things hard for me. Kulang nalang ang nanay niya at baka masabi ko na, nabuo ang Claveria para guluhin ang matiwasay kong mundo.

"Look.. please let me--"

Hinawakan niya ako sa braso kaya napalingon ako sakanya. His looks are enough for me to melt.

I realized something.. Evander Caden Claveria is really dangerous.

"Rian!" Napalingon ako sa kotse na pumarada sa harap namin. Bumaba ang bintana ng nasa driver's seat kaya kita ko na si Uno ang nag-dadrive at si Tulip ang nasa shot gun.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sakanila. Kasabay non ang pag-alis ng hawak niya sa akin. It was fast but enough to make me feel different.

"I heard you've been kidnapped. We're here to save you" hindi ko mapigilang mapangiti. Atleast I have them.

Liningon ko siya muli at kita ko na ang mapupungay niyang mata.

"Thank you so much for the concern. I need to go. See you.." I hope not.

Do I?

Hindi ko na siya hinintay sumagot at mabilis na akong umalis doon.

Pagkasakay na pagkasakay ko palang sa kotse at hindi ko pa nga nasasarado ang pintuan ay pinaharurot na ni Uno ang sasakyan.

"Fuck!" Napasigaw si Tulip. Mabilis kong sinarado ang pintuan ng kotse at mabilis na humawak sa car handle. Damn! Hindi ko makuha ang seatbelt sa takot kong bumitaw.

"Don't say badwords, sweetheart." Saad ni Uno kay Tulip. Humalakhak pa ito.

Ako naman ay napalingon nalang at hinigpitan ang hawak ko sa takot na magbrake si Uno.

"Sweetheart your face! Kainis ka Uno. I'll die early because of you!" Ani Tul. Gusto ko rin sigawan si Uno pero tsaka na pag nakalabas na ako dito sa dimension niya.

"I'm not gonna do anything to hurt you. You know that." Madiin na saad ni Uno at mas lalo pang pinaharurot ang sasakyan. Dammit! Sweet na sana pero papatayin ata kami ni Uno.

Mabilis naming narating ang Mansyon at mabilis ring bumaba si Tulip. Patakbo siyang pumasok at ako ay halos matumba na sa pagbaba. Tinulungan nalang ako ni Uno pero sinapok ko siya kababa ko.

"What the hell? Para saan yon, Ri?!" Kita ko ang pagkairita niya. Well mas iritado ako!

"Papatayin mo ba kami ni Tul? Gosh Uno! Paano ka nakakuha ng driver's license!" Mabilis din akong pumasok pero halos matawa na din ako pagkapasok ko. Nawala sa isip ko ang nararamdaman ko kanina at ang intense na usapan namin ni Osiris dahil sa ginawa ni Uno.

Nakita ko na ang mga lalaki kong pinsan sa living room habang nagdadala naman ng pagkain ang mga babae kong pinsan. Tulip is still suliking.

"Adrian, bakit hindi ikaw ang sumundo sa akin? You're my twin!" Naiinis kong singhal sakanya. Umupo ako sa tabi niya at humilig sakanya. Mas okay naman siya kesa kay Uno. I prefer his driving skills na inaatake ang mga humps kesa kay Uno na lahat ng pwedeng baliin ay babaliin.

I heard him chuckle.

I'm just so tired.

"I tried! Nung sinabi ni Agatha na sinama ka nung Osiris ay kinuha ko na ang susi ng kotse ko. Tulip said she'll come with me pero nagulat ako dahil mabilis si Uno." Oo! Sobrang bilis!

Sa sobrang bilis ay pakiramdam ko nasa fast and furious kami kanina.

"Binubusit lang ni Uno si Tulip. Alam niyo naman ang dalawang yan laging nagaaway. Natigil lang nung nakipagdate na si Tul pero ngayong wala na sila nung Ivan. Siguradong balik sa dati." Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Carl.

Yeah, that's true. Cat fights here. Dog fights there. Pati ata worm fight ay na-try na nila before.

"Stop talking about us." Ani Tulip at siningit ang sarili sa pagitan ni Simon at Gelo kaysa tumabi sa bakanteng tabi ni Uno. Magkaaway nga sila ngayon.

"Yeah.. Uno's just possessive because you're the youngest." Ani Simon sa kapatid.

Pinikit ko ang mga mata ko.

"Remember Luke, nakipagsuntukan pa yon para kay Kim." Dos was talking about our cousins on the mother side. Anak ni Tita Jasmine si Kim habang si Luke ay anak ni Tito Joshua.

Hinayaan kong makatulog ako habang naririnig ang halakhakan ng mga pinsan ko. Imbes na mainis ay yun pa ata ang nagpatulog sa akin.


"Anong plano for your 19th birthday?" Tanong ni Alice kay Tulip. 1 week from now ay birthday na ni Tulip.

Nasa bookstore kami ngayon dahil pasukan na two days from now. We passed, we actually aced the exam kaya galak na galak ang school na tanggapin kami.

Uno was laughing at the results. It was already concluded, he said.

"Ewan.. ayoko na sana maghanda kasi bongga na ang handa ko nung debut ko." Ani Tulip. Sa aming mga babae ay siya ang pinaka bata. Sa buong magpipinsan naman ay pangalawa sa bunso dahil si Angelo ang pinaka bata sa amin.

"Debut yon syempre. Kailangan bongga talaga. Ngayon.. 19th birthday mo. Sigurado ako na ipaghahanda ka ni Tito Ivor." I nodded at what Agatha said.

Lumingon lingon ako para hanapin sila pero si Clyde at Gelo nalamang ang nakasama sa amin.

"Where are they?" Tanong ko.

Sabay nilang tinuro ang labasan ng bookstore kung nasaan ang mga pinsan ko habang may kausap na mga babae. They're flirting! Pati ba naman dito?

"Buti hindi kayo sumama doon" ani Agatha.

"Hindi naman kami ganyan Ate. I don't want to be like them." natawa ako sa sinabi ni Gelo. Napalaki ko ng mabuti ang kapatid ko, buti naman.

"Look at Uno and Adrian. They are being ravish by everyone" saad ni Alice.

Pinakasikat talaga sa mga babae ay Uno at Adrian. Sa Ateneo before, Carl was popular to the seniors. Si Simon, Gelo, Clyde at Dos naman ay sa mga ka-age nila but Uno was different.. and of course Adrian too. Sa lahat ay sikat sila. Left and right, girls will notice them.

"Hayaan niyo nalang sila. Let's go" Nauna ng maglakad si Tulip kaya nag kibit balikat ako.

Tinungo ko ang isa mga shelf doon. Nagpresinta ako, na ako na ang bibili ng mga papel namin. We use yellow pads usually so naghanap ako ng magandang quality.

Nang makita ko ang pinakagusto kong brand ay kumuha ako ng 11 non. Kasabay ng pagkuha ko ay ang paghigit sa akin ng kung sino man.

Sisigaw na sana ako pero mabilis akong hinalikan ng kung sino man. What the heck is this?!

Nanglambot ako sa halik ng kung sino man.  Nabitawan ko ang mga hawak kong papel. His kisses we're so soft. Mapanuyo ito na para bang..

Damn! Sino to?!

"Evander.. kaya ba ayaw mo na sa akin dahil may iba ka na?"

Nanigas ako sa kinakatayuan ko. Bumitaw ang humalik sa akin at napaawang ang labi ko ng makitang si Evader nga iyon.

"I'm sorry Angela but I like somebody else" aniya sa babaeng nasa gilid namin. Napakagat ako sa ibaba ng labi ko ng humikbi ang babae.

"It's not Angela.. its Angel." What the?! Hindi man lang siya sigurado sa pangalan ng babaeng dine-date niya. Gusto ko siyang suntukin.

Nagulat ako ng lumapit ang babae at sinampal si Evander. Kita ko ang pagtagis ng bagang niya at pag-guhit ng inis sa mukha niya. His dimples we're showing not because of his smile but because of the thin line that formed in his lips.

"Miss.. kung ako sayo lumayo ka diyan. Gagawin ka lang laruan niyan. One of his collections." Wika ng babae sa akin at umalis na.

I've seen jerk from super jerk lalo na sa mga pinsan ko ay ganyan din. Pero hindi pa ako nakakakita ng lalaking gagamitin ang ibang babae para lang mapaalis ang ibang babae.

Pag ayaw na ng mga pinsan ko ay sasabihin nila ng deretso. No sweet talking, no tactics, no inhibitions. Sabi nga ni Carl tell them straight and they will be more calm.

"Kaya mo ba ako hinalikan para mapaalis yung babae?" Matalim kong saad sakanya. He looked at me with his beautiful eyes. Napalunok ako dahil dito. Damn! Nanghihina ako wala pa 'man!

"I need--"

Sinampal ko siya. Two slaps from different girls won't hurt that much right? He's a jerk! He deserve this.

It's my first kiss! Hindi ito ang expect ko! Damn this!

"Gago! Nakakainis ka! I hope mahanap mo ang katapat mo at pahirapan ka niya ng husto para malaman mo gaano kasakit ang ginagawa mo. You're a fucking jerk!" Singhal ko at mabilis na pinulot muli ang mga kinuha kong papel.

Bago pa ako makaalis ay mabilis din niyang hinila ang kamay ko.

Linapit niya ang mukha niya sa akin kaya ramdam ko ang init ng hininga niya sa akin. As usual.. it's minty.

"If you're asking me to say sorry.." lumingon ako sakanya. He traced his tounge through his lips pero mabilis kong inalis ang tingin ko doon.

"I won't because I'll be glad to do that again."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top