Kabanata 5
Wound
Para akong mapapaso sa hawak niya. Pero kasabay non ang pagkagising ko sa katotohanan.
I took a step back kaya naalis ang pagkakahawak niya sa akin. I want his touch, hindi ko ikakaila yon pero sobrang bilis. Pakiramdam ko nalulunod ako sa sobrang bilis.
It's scary.
"You're too close. Hindi tama." saad ko at humakbang pa ng isa palayo sakanya.
Umayos siya ng tayo at lumapit sa lamesa na naglalaman ng iba't ibang pagkain. Maybe he was doing the plating thing bago kami dumating.
"Hanggang mamaya ba kayo magkasama?" Aniya habang abala pa rin sa ginagawa niya. I never thought I will see him like this. Nakita ko na siyang masaya, well not sire if he's happy at that time.. galit at naiinis. But I never thought I will see him cooking. Yung tingin niya sa pagkain nakaka-selos.
I hope I would be the food!
What the heck.
"Hindi ko alam. Biglaan lang naman niya ako sinundo sa bahay. Hindi ko nga alam bakit nandito kami.." saad ko habang papalapit sa lamesa kung saan siya nag ta-trabaho.
Sumandal ako doon at hinarap nalang ang refrigerator.
"Really? Sinundo ka pa niya? That's interesting." Nilingon ko siya and I can see him smirking pero binaling ko muli ang tingin ko sa harap.
"Yes.. I'm sure inutusan siya or what. Wala naman akong pakielam, magusap man kami ng magusap. Wala namang mangyayari.." I suddenly want to ask him something.
Nilingon ko siya muli at itinukod ang kamay ko sa lamesa. Napatingin ako sa mga pagkain, damn! He's really good at this.
"Ikaw.. baka may alam ka" marahan kong sinabi.. narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Gusto ko man siyang lingunin pero hindi ko ata kaya. Its like.. ang sarap niyang titigan. Trust me, it feels so good pero nakakatakot at the same time.
Nakakatakot dahil may mga nararamdaman akong hindi dapat maramdaman.
"Well.. hindi ako sa bahay ng dad ko nakatira so hindi ko alam kung anong pinaguusapan nila but I guess, may plano na si dad and he's starting now. 3% completed." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
Right. 3%? Damn! Dahil pumayag ako? Pinagbigyan ko lang naman si daddy. I don't want him to be dissapointed kaya pinagbigyan ko siya. Mag-uusap lang naman kami, no harm can be done.
"3 percent? How come?"
"Sa pagpayag mo.. you gave him hope that maybe you and my brother can happen.." what was that. Why is he saying that with too much emphasis.
"I'm sorry.." okay I made a mistake. Maybe I was too impulsive.
"What? It's not what-" ngumiti ako. He's concern. Atleast he is.
Wait, hindi siya nakatira sakanila? Where the heck he stays? Ganoon ba niya kaayaw sakanila at umalis pa siya.
"Hindi ka sainyo nakatira? You're living by yourself?" He is too much.
Kaya niya ng buhayin ang sarili niya without the help of his dad or his mom. This is too much.. walang wala ako sakanya. I'm very much supported by my family.
Fuck! Why am I even thinking about this? By just looking at his status. He can get any girl that he wants. They will be more than willing. I wonder kung may niligawan na siya or baka may girlfriend na siya. Does he make effort?
"Why? Do you like to live with me-" nagulat ako sa sinabi niya kaya napa-ayos ako ng tayo at natamaan ko yung kutsilyo sa tabi ko. Natamaan nito ang daliri ko kaya napakagat ako sa labi ko.
Mabilis ko itong linagay sa likod ko. Damn! Nakakagulat naman kasi ang sinabi niya.
"Oh! Hold on.. chill. I was just joking." Ngumiti nalang ako. Ramdam ko ang hapdi ng sugat ko pero maliit lang naman ito. I just need to get out from here and fix this.
Kita ko ang pagbaba ng tingin niya sa kamay ko. Humakbang ako patalikod at inabala ang sarili ko sa pagtingin sa palagid.
"May I see your hand?"
"Ang tagal ni Osiris no.. puntahan ko na kaya siya?"
Mabilis akong humakbang paalis pero sobrang bilis din niya akong hinila at sinandal sa lamesa. Napaawang ang labi ko nang buhatin niya ako at ipatong doon. Binuhat niya ako na parang walang kabigat-bigat. I was staring at him habang tinitignan niya ang sugat ko.
Hindi pa rin ako nakaka-getover. Damn this! Nararamdaman ko pa rin ang paghawak niya sa baywang ko kahit wala na ang kamay niya doon.
"Grace.. what should I do with you? Clumsy." Grace? Heck! It sounds so sweet nung sinabi niya ang pangalan ko.
Ngumiti siya sa akin kaya hindi ko rin mapigilan na ngumiti ng marahan.
"First.. don't get yourself hurt.." Sinusuri niya ito kaya na-concious ako. I did use my hand cream pero nakaka-ilang pag hinahawakan niya ako.
Kita ko ang pag-ngisi niya. What was that?
Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.
He licked my cut! Fuck! What the heck is happening? I can feel my heart.. ang bilis nito na para bang nakikipag-karera.
He freaking licked it!
Evander Caden Claveria licked my cut!
He was looking at me while doing that. Mabilis din niya itong inalis at kumuha ng tissue. Pinunasan niya ito.
"W-what--" I can't even say anything. Nakatingin lamang ako sakanya habang siya ay nakangisi na sa akin. Iniligay niya ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ko.
I was trapped between his arms. We are too close na ramdam ko ang paghinga niya. It was very minty.
I was bothered.. paano kaya ang akin?
"Second.." inalalayan niya ako muli. Hinawakan niya ako sa baywang para maibaba mula sa lamesa.
"Next time ko na sasabihin sayo." Nakangisi nitong saad. Shit! There would be a next time!
I can't believe this! I look like a freaking highschool girl getting giddy because of her crush.
"Ano ba iyon?" I want to know! Madaya!
"Next time.." aniya habang nakangisi. Tumalikod na siya muli sa akin at bumalik na sakanyang ginagawa.
Napabuntong hininga ako.
"Hey.." napalingon ako sa may pintuan. Dumating na si Osiris at nakangiti ito sa akin.
"Tara.. let's sit down now. Si Evander na ang bahala sa pagkain natin." Saad nito kaya napalingon ako muli kay Cade-- Evader na hindi man lang lumingon sa amin.
"Okay.."
Lumabas na kami at siya ang namili kung saan kami uupo. Pinili niya ang parte sa gitna. I actually don't mind pero mas maganda kung sa gilid dahil parang dadaan daanan ka pag nasa gitna ang table.
"Hindi ba tayo mag o-order?" Tanong ko sakanya dahil mukhang wala siyang balak mag-order pero kasabay non ay ang paghain ng pagkain sa harap namin.
Napa-angat ako ng tingin dahil ang daming linalapag ng waiter. Napaawang ang labi ko. I am not going to eat all of this! Kahit alam kong siguradong masarap lahat ng ito.
Napalingon ako kay Osiris na tumatawa na ngayon. Tinaasan ko siya ng kilay. Itong dalawang magkapatid na to! Ang sarap pag-untugin!
"John, bakit ang dami naman nito? Naglunch na kami.." saad niya doon sa waiter habang nagpipigil ng tawa.
"Sir.. yan po yung pina-serve ni Sir Evander. Maiwan ko na po kayo. Tawagin niyo lang po ako kung may gusto pa po kayo" aniya.
Iinom sana ako nang tubig ng mapatingin ako kay Osiris na tinitignan ako gamit ang mapanuri niyang mata. Tinaasan ko naman siya ng kilay para mapakita na hindi ako na-i-intimidate.
"What are you looking at?" I thought Osiris was the timid type. Habang nakakasama ko siya, mas nakikita kong.. he is the annoying type.
"This bothers me. Are you sure wala kayong relasyon ng kapatid ko?" I took out a deep breath. Humalikipkip ako at sumandal sa upuan ko.
"Kararating ko lang ng Cebu. Pumunta ka sa bahay namin para sundin ang utos ng tatay mo na hindi mo naman kailangan gawin. Dinala mo ako dito sa restaurant ng kapatid mo para lang pagusapan ang isang bagay na tingin ko alam ko na. Tapos ngayon.. tatanungin mo ako kung may relasyon kami ng kapatid mo?" Mukhang nagulat siya sa sinabi ko.
This is me Osiris. Deal with it. Tignan natin hanggang saan ang kaya mo.
"Now let me ask you, are you on your right state of mind?" Hindi na ako nagulat nang magdilim ang ekspresyon niya. Oh! I just hit a button.
Ngumiti siya nang nakakaloko at uminom sa wine na sinerve sakanya. I shouldn't be intimidated.
"No, I am not. That includes me having thought of accepting you as my lovely wife." Napaawang ang labi ko. Damn! I didn't expect his answer.
"I was just joking. Oh! Fuck! If you just have seen your face! Ganon mo ba kaayaw na mapakasal sa akin?" Halos mabunutan ako ng tinik sa sinabi niya. Naiyukom ko ang palad ko at ngumisi.
"I'm still young. Marami pa akong gustong marating and marriage is still far from my concerns. Then one day may mag aalok sa akin na i-date ang anak niya at yung anak naman ay kinabukasan nasa bahay na namin. Now tell me, how should I react?" Ito ba ang paguusapan namin? We went here just for this?
Nahahati ang puso ko kung susungitan ko siya o hindi. Baka gawin niya ang banta niya kanina. It won't do me good.
"Chill Adrianna. Just cooperate with me and nothing will happen." Cooperate? What does he mean by cooperate?
"What do you mean?"
"Just pretend that you're trying to date me infront of my father.. pag nakita niyang we're trying pero hindi talaga nag work, he'll stop. Then we can go on our lives." What the heck. Paano kung hindi? This is a risk! Nag-iisip ba siya?
"And until when do you plan on doing that?" I mean its a good plan pero.. I'm like going into the fire without clothes on.
"Until election? Let's see. Besides you're not into a relationship right now.. we won't have any problems"
"Ayaw mo? Let me tell my dad so he can stop supporting your dad" matalim ko siyang tinignan. How the heck did I say before na mabait itong lalaking to?
I hate him.
There'a thin line between hate and love? Fuck that! Sarap niyang buhusan ng kumukulong tubig.
"Fine. Do I even have a choice kung may kaharap akong katulad mo?" I know I shouldn't be mean lalo na at malaki ang matutulong niya dito pero hindi ko mapigilan.
"Great! Thank you, atleast nagkakaintindihan tayo Ms. Montgomery." Napataas ang kilay ko. Mukhang takot nga ito sa tatay niya. He is willing to have this kind of setup for his dad.
Huminga ako ng malalim at ngumiti.
"Oh, you're welcome Mr. Claveria" saad ko at kinamayan siya. Sana ay tama ang ginagawa ko. I can always pull my self out right?
Nagulat ako ng may humawak sa kamay naming dalawa at pinaghiwalay ito.
"Os, can't you see? She has a wound."
Napatingin ako sa kamay ko. Halos wala na nga ito at hindi kapansin-pansin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top