Kabanata 49

This is not the last chapter.

Evander's Side

"Sigurado kang ito ang gusto mong pwesto?" Tanong nang kaibigan ko.

Nilingon ko ang restaurant na binebenta sa akin ang pwesto. Ngumisi ako at tumango. Bahagya kong tinagilid ang ulo ko para makita ang buong lugar at desidido na akong bilhin 'to.

Malapit na akong gumraduate at plano kong mag settle na sa Manila after, I need to do everything on my own lalo na at wala na ako sa puder ng pamilya ko.

"Pasok tayo." Ani Jacob.

Tumango ako at nauna sakanilang dalawa ni Sky.

As we enter the place, natigilan kami sa pintuan dahil nakuha ang atensyon namin. A group of people were fighting.

Kumunot ang noo ko at pinigilan si Sky sa paglapit doon. His friend owns the place so he's concern pero hindi magandang makisawsaw sa away ng iba.

"Humanda ka.. better yet ihanda mo ang tyan mo. Ipapasok ko lahat diyan ang bola sa gym tutal diyan ka lang naman magaling." Saad ng isang lalaki.

Napangisi ako dahil doon pero natigilan ako nang mahagip ng mata ko ang isang babae. Naka ipit ang kanyang buhok at kitang kita ang ma-amo niyang mukha. Her small lips and her rosy cheeks is just so beautiful.

She looks like an angel. Tipong hindi makapabasag pinggan.

Totally not my league but my eyes were glued to her. Hindi siya bagay sa akin dahil delikado ang mundo ko, ang dapat sakanya ay sa mansyon o sa isang magarbong lugar.

"Ang kapal ng mukha mo. Wala akong masabi sa kakapalan ng mukha mo. I won't say sorry for what my cousins did dahil kulang pa yan. Sana mabaog ka para hindi ka na kumati. Hindi ka marunong makuntento." tumalikod ang babaeng isa at napa harap sa gawi namin.

Damn. Aalis na ba sila? I need to do something. What the hell? Kailan pa ako nag karoon ng panahon sa mga ganito?

Fuck.

"One more thing, don't worry I don't hold grudge. When a Montgomery get hurt.. when I get hurt, kahit mamatay ka pa sa harap ko, dadaanan lang kita ng parang wala lang."

I need to do something. Hindi ko alam kung bakit o ano basta ang alam ko ay hindi ako makakatulog pag wala akong ginawa. Para akong tanga!

I did the most childish thing I can. Sadya kong tinamaan ang balikat niya para mapaharap siya sa akin. I slightly smiled because of that. Nagtama ang mga mata namin and damn, I was awed by it. Ngayon lang ako nakakita ng matang sobrang totoo.

My heart was just so damn happy.

"Sorry" pag hingi ko ng paumanhin. Kita kong natigilan siya kaya lalong lumawak ang ngiti ko.

Her lips parted a little bit and I just want to kiss it!

"Tara na!" Sabi ng isa niyang kasama.

Napailing nalang ako. I can't believe that I did that. I'm doomed.

The funny thing? Hindi ko pinagsisisihan.

"What was that? Did you just hit on her?" Tukso ni Sky sa akin.

Napahalakhak ako sa sinabi niya at umiling nalang. Tinukso pa nila ako pero hindi ko sila sinasagot. Hindi ko nga alam kung bakit ko din ginawa 'yon.

I might not see her again, might as well leave an impression.

Humilig ako sa kotse ko at pinanuod ang dalawang kaibigan kong mag away. Pabalik na kami ng Argao at wala silang ginawa kung hindi mag away. Sky is too playful at taga bawal niya si Jacob.

"Bro! Akin na yan!" Ani Jacob habang inaagaw ang pagkaing binili kay Sky.

"Ang damot!" Inis na wika ni Sky at nakipag hilahan kay Jacob.

Napangiti nalang ako at tulad noong isang araw ay may nahagip nanaman ang mata ko. What the heck is this? Saan siya papunta? Why is she here?

Why do I keep on seeing her?

The girl that I saw last time was laughing with her friends? Family? I don't know. But damn, her smile is so breathtaking.

My lips parted when she looked at my direction. Did she? Or not?

I want more!


"Bakit ayaw mo silang tanggapin?" Tanong sa akin ni Sky.

Umiling ako at tumingin sa langit. We were drinking. Nasa bahay ko, kami dahil walang magawa ang dalawa. They were my best of friends.

Kanina lang ay nakita ko nanaman ang babaeng gumugulo sa isip ko. She is really beautiful but that's just not it. She has the guts. The way she ask me, what's my problem? Damn. Her voice.. so delicate.

She was a princess. Pinalilibutan siya ng mga pinsan niya at isa siya sa miyembro ng pamilyang sumira ng buhay namin.

I just learned that she is a Montgomery. Ang pamilyang umagaw ng lahat sa amin.

"Adrianna Grace Montgomery." Napalingon ako kay Jacob.

Kumunot ang noo ko at tinuon ang pansin sa mga susunod niyang sasabihin.

"She's the girl you hit last time and the girl who you keep on looking." Aniya. Napabuga ako ng hangin at dineretso ang pag inom ko.

"Grace huh?" Mapang asar kong wika.

"Hey! Montgomery? Plus Grace? This is so bad. Tigilan mo yan Evander. Kung ano man ang iniisip mo." Pag babanta sa akin ni Sky pero ngumisi lang ako.

I planned on using her. Yes. I did. Wala naman problema sa akin 'yon. She's just a girl that I'm attracted to. Really? Attracted?

Pero nangyari ang insidenteng 'yon.. I was so mad that I'm not thinking what I'm doing. Galit na galit ako dahil nakita ko kung paano nila siya saktan. I shouldn't be affected but I was! So afftected!

Gusto kong pumatay nang mga oras na 'yon.

"What in the world are you doing?! Gusto niyo bang mamatay?! Lahat kayo umalis diyan!" Sigaw ko.

Ang ilan ay umalis, ang ilan ay nanatili doon dahil sa gulat. Wala akong pakielam kung matakot sila o ano basta gusto kong layuan nila si Adrianna. Nanikip ang puso ko nang makita ko siyang sinsaktan at pinagtutulungan habang umiiyak at puno ng sugat.

How dare they try to hurt her! To make her cry? Pagkatapos kong sabihin na pinoprotektahan ko siya? May lakas sila ng loob na suwayin ako?

"Bullshit! Alis sabi! Alis!" Sigaw ko nang nanatili silang nakatayo doon.

Kumulo ang dugo ko nang makitang napadausdos siya paupo sa sahig. Naiyukom ko ang mga palad ko at huminga ng malalim.

"Bitaw. Osiris. Bitaw." Mariin kong wika nang lapitan siya ni Osiris.

Walang may karapatang humawak sakanya. Lalo na ngayong galit na galit ako.

Lumapit ako sakanya at marahan siyang inangat. Binuhat ko siya dahil nanghihina na siya. Lalong humigpit ang hawak ko sakanya nang marinig ko ang hikbi niya. Fuck.

"Jacob, tawagan mo ang mga pinsan ni Adrianna. Sky, ilista mo lahat ng pangalan ng mga gagong nanonood dito kanina lalong lalo na ng mga putang-inang nanakit sakanya. Siguraduhin mong walang kulang." Utos ko.

"Pero.. kasalanan niya! Nilalandi niya ang kapatid mo. Nag two time siya!" Rinig kong sigaw nung babae. Sinamaan ko ito ng tingin.

I don't believe her.

"Caden.." tawag niya sa akin. Parang nanglambot ako nang tawagin niya ako kaya nilingon ko siya.

Her eyes were so red because of her tears. Lalong umapoy ang puso ko sa galit. 

"Caden.. hindi totoo 'yon." Aniya habang himihikbi.

Tumango ako at marahang ngumiti. Of course I believe her. Sakanya lang naman ako naniniwala. I may not know her long enough but her eyes can say everything.

Siya lang ang importante..

I asked Osiris what happened and I almost burst out nang marinig kong nagkamali sila ng akala

"Nanakit kayo dahil sa maling akala?! Walang makakalagpas dito! Lahat mananagot. Nanakit man o nanuod lang, mananagot!" I roared.

"I'm sorry.. for being late." Mahina kong bulong sakanya. I'm so angry, nalate ako.. hindi ko siya naprotektahan.

Ngumiti siya at kumalabog ang puso ko. Doon ko nalaman na.. hindi lang atraksyon ang nararamdaman ko sakanya. It's more than that and I'm willing to give up everything I planned.

Wag ko lang siya makitang umiyak ay kakalimutan ko ang lahat.

I did everything for her. To patch things up and to make up for everything I planned. Lahat ng mga quotes na sinasabi ni Agatha, kapatid niya, ay sa akin nangagaling. She was one of the broadcasting member and I plead her to use the quotes thay I gave.

It's like my way of saying the truth.. a confession. Hindi ko kayang sabihin sakanya dahil natatakot akong kamuhian niya ako kaya ito nalang..

I'm attracted to her. I liked her then I love her.

Everytime I see her smile.. I fall.

Sobra akong natakot nung sabihin ni mama sakanya ang plano ko dati. I want to kill myself that time when I saw her cry because of me. Natatakot akong iwan niya ako dahil sa letseng plano ko dati.

I was happy though, hindi niya ako sinukuan. He made me happy by saying yes to me. She's finally my girlfriend! Damn I was so happy kahit nasira ang surprise.

Pero nangyari ang isang insidente. Dahil doon ay mas nalaman ko kung gaano ko siya kamahal. Kahit kailan ay hindi pa ako natakot ng ganon, kahit kailan ay hindi pa ako nagalit ng ganon.

"Evander? Bakit nandito ka? Akala ko mag memeet kayo ni Rian sa rooftop?" Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Alice.

Wala akong ganoon na sinabi. Ang plano ay sa cafeteria pero nang ipakita niya sa akin ang note na iniwan ni Adrinna sakanya ay doon lamang ako natauhan. Mabilis akong tumakbo at narinig kong nakasunod sa akin sila Sky at Jacob.

Damn! I'm gonna kill whoever tried to hurt her! I will!

I tried to call her but damn! Hindi siya sumasagot!

Nang marating ko ang rooftop ay halos mapatay ko ang dalawang lalaki doon. Kung hindi lang ako pinigilan ni Sky at Jacob ay ginawa ko na!

I want to touch her but I can't. Napaupo siya sa sahig at yinakap ang sarili niya. I can hear her crying her heart out at parang unti unting napupunit ang puso ko nang makita ko siyang ganon. Ang damit niya.. it was wrecked.

Unti unti akong lumapit sakanya at yinakap siya pero napapikit ako nang sumigaw siya. Damn! Fuck! She was scared! I'm gonna fucking kill them!

Nag pumigilas siya at pinaghahampas ako pero hindi ako pumalag. I want to make her feel that she's now safe. That I'm here. I'm gonna hold her and I'm not gonna let go of her.

"Wag mo akong hawakan! Hindi kayo mapapatawad ni Evander! Pag nalaman niya to.."

Napamulat ako dahil doon! She was expecting me! I was late again! Inaasahan niya ako!

Napabuntong hininga ako nang tumigil siya at nagmulat ng mata. Napalunok ako nang magtama ang mga mata namin. I can see fear and I want to erase that. Hindi ko akalain na mamahalin ko siya ng ganito na makita ko lang siyang nasasaktan ay triple ang balik sa akin.

Her innocent eyes was filled with fear.

Nanginginig din siya. She was trembling with fear.

"Ako 'to... this is me Adrianna. Damn! Can you hear me?" Tanong ko dahil hindi siya nag sasalita.

"Talk to me! Fuck!"

Umiyak lang siya sa harapan ko at lalo akong namumuhi sakanila dahil sa pagiyak niya.

Inutusan ko si Jacob na hanapin si Grace. Hindi siya makakawala sa ginawa niya. Sinaktan niya si Adrianna!

If I was more late.. damn. God knows what will happen then I'll be in jail because I will kill them all.

"Can I touch you?" Tanong ko.

Tumango siya pero hindi ko pa rin magawa. Natatakot ako na baka masaktan ko siya o may mali akong magawa. She's in pain and I don't want to inflict more pain.

"Fuck." mahina kon mura at yinakap nalang siya.

Wala na akong pakielam sa iba. siya lang ang importante. Siya lang..

Wala akong pakielam kung may masasagasaan ako basta ang importante ay kaming dalawa. Hinding hindi ako papayag na may makasakit sakanya ulit.

"Sa Manila?" Tanong ni Sky sa akin.

Tumango ako at ngumisi.

Mabilis kong pinasok ang mga gamit ko sa loob ng sasakyan ko at sumakay doon. Sumunod naman sila at sumakay din.

"Yes! Buti naman! You won't be Evander Claveria kung mag hihintay ka lang dito sa Argao!" Natatawang wika ni Sky.

Nakitawa si Jacob at ganon din ako.

I missed her so much. I gave her the time.. kahit mahirap dahil hindi naman ako ang klase ng taong naghihintay. I did, dahil yon ang pinaka kailangan niya.

"Let's chase Evander's happiness!" Natatawang wika ni Sky.

"Damn! Stop Sky!" Bawal ni Jacob. Ngumisi lang ako at pinaandar na ang kotse.

Mabilis ko itong pinaandar.

Kasing bilis nang pintig ng puso ko tuwing tinitignan siya, kasing bilis ng pagbago ng mood ko tuwing nakikita ko siyang ngumiti.

If I look into it, I don't deserve her. She's too much for me, she's a princess and I'm a beast but I can't just stop loving her because of that. I'm willing to change just for her..

Just to be deserving. Just to be suited with her love.

I'm willing to be a prince for her. I want to save her from me but I can't. I was caught by my own plan and instead of eacaping. I don't want to. I only want her.

Siya lang..

I'm caught, she's caught. I'm gonna make sure, no one will escape.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top