Kabanata 47
Hindi kaya
"Bilisan niyo, mauuna na sila mommy. Tatlong sasakyan ang dadalhin. Uno, Adrian and me will drive." Ani Carl at tuluyan ng pumasok sa sasakyan niya.
Tumango nalang ako at nagpatuloy na sa pag-akyat sa ikatlong palapag.
"Why do we need to pack? Hindi na ba tayo babalik?" Tanong ni Tulip.
Natigil kami sa paglalakad. Sa panahong 'to.. hindi ko rin alam ang sasagot ko sakanya. Ako mismo ay hindi alam ang nangyayari.
I'm still in shock of everything, parang ginising ako ng madaling araw para ibalita sa akin na wala na ang isang taong mahalaga sa akin..
"Hindi naman siguro, maybe because.. we need to stay there for a while. For a week? Para sa libi-"
Napalingon ako kay Alice dahil bigla siyang tumigil sa sasabihin niya. I know what she's going to say at alam kong mahirap na isatinig 'yon.
"Say it.. para sa libing ni lola." Deretso kong wika. Nagulat sila sa sinabi ko at tinapik ko naman si Alice sakanyang balikat.
Everything will be painful but it will be less painful if you try to accept things..
"Sige na, mag impake na kayo." Saad ko at pumasok na sa kwarto ko.
I did what I have to. Kumuha ako ng travel bag at doon linigay ang ilang gamit ko. I'm not going to anticipate na doon na kami ulit so I'm just gonna pack for.. like a week of stay there.
Nang isara ko ang bag ko ay napatingin ako sa cellphone ko. It was my spare phone.. ngayon ko lang naalala na, kinuha ni Sky ang phone ko. Sira na siguro 'yon.
Bumuntong hininga ako at kinuha ko ito mula sa side table. Pinagmasdan ko ang numero ni Evander. Doon ko lamang naramdaman ang bigat ng lahat.
I want to call him but I know he's asleep now..
Binulsa ko ang cellphone ko at lumabas na dala dala ang bag ko. Kasabay konh bumaba ng hagdan si Agatha at parang may bumabagabag sakanya.
"Spill.. what is it?" Tanong ko.
Umiling siya at marahang ngumiti sa gawi ko.
"I don't feel good entering the army next month kung ganito ang lagay ng pamilya. Lola Ina is gone.. Lolo Trav is in a critical condition. Parang napilayan na rin ang buong pamilya dahil dito. It will cause a big change.." aniya.
I understand her. Si Lolo Trav ay on hand pa rin sa kompanya.. lately nalang pinahawak kay Tito Joseph ang kompanya, with the help of my other aunties and uncles pero iba pa rin pag si Lolo Trav.
Ngumiti ako at hinawakan siya sa kamay.
"Everything will be okay. Lolo Trav will be okay.. and Lola Alina will not like it if you will stop your dreams just because of this."
Kita ko ang gulat sa mga mata niya kaya lalong lumawak ang ngiti ko.
"I thought.. you don't like the idea of me going to the army." Hindi makapaniwala niyang wika.
I shrugged. Tumuloy na kami sa baba. Nakita kong nagpapasok na ng gamit sa sasakyan ang mga pinsan ko. Gaya ng sabi ni Carl ay nauna nang umalis sila mommy dahil nakita kong wala na ang kotse ni dad, Tito Ivor at Tito Ziel doon.
"Gath, I know it's your dream and sino ba ako para pigilan ka. Still, I want you to conquer your dream. Pag naramdaman mo na siguro yung takot at hirap ng nasa army.. baka ikaw mismo ang bumalik sa amin. Mas gugustuhin ko na ganon ang mangyari kay'sa kami ang maging dahilan kung bakit ka titigil." Paliwanag ko sakanya bago ko siya iwan doon at tumuloy sa sasakyan ni Adrian.
Pinasok ko ang bag ko loob at natawa ako nang maramdamang yinakap ako ni Agatha mula sa likod.
"Thank you, Ate." Aniya at napailing nalang ako.
Sumakay na ako ng kotse at ganon din siya, sumunod na din si Gelo sa amin. Adrian will drive at wala na akong pakielam kung bilisan niya dahil yun ang dapat ginagawa niya ngayon.
"Adrian! Bilisan mo naman!" Saad ko sakanya dahil parang ito na ata ang pinaka mabagal niyang takbo sa buong buhay niya.
"Akala ko ba ayaw mo ng mabilis?" Aniya habang natatawa.
Inirapan ko siya at napahawak ako sa seatbelt ko ng maramdaman ang pag bilis ng takbo nito. Napatingin ako sa labas at mariing pumikit.
Babalik ako..
Kailangan kong bumalik dito.
"Si papa?" Tanong ni mommy.
Narating na namin ang hospital na sinabi ni Tito Jerem. Punong puno ang buong hallway ng pamilya namin. From Tito Joseph down to Tita Jamelia's family.
Dinaluhan ni Tito Joseph si mama at yinakap ito. Ako ay nanonood lamang sa tabi kasama ang mga pinsan ko. Ang mga pinsan ko sa mother side ay nakatayo lang din, sa hindi kalayuan. Cella and the others were crying too habang kami ay nakatulala lang.
Gusto ko magtanong kung anong nangyari pero pakiramdam ko ay hindi ito ang tamang oras at lugar para magtanong.
"He will be okay.." ani Tito Joseph.
I can feel my family's agony. I can hear their cry from my heart. Kahit deretso lamang ang tingin ni Tito Jayden.. at ng iba, alam kong nag luluksa ang lahat.
"Si Tita?" Tanong ni Tita Jade kay Tito Joseph.
Tumango si Tito at sinenyasan kaming sumunod. Humawak sa akin si Agatha kaya napalingon ako sakanya. Sumunod nalang kami kay Tito kahit alam ko naman kung saan ang daang tinutungo namin.
"You're gonna enter the army. Dapat strong willed ka." Saad ko.
Tumango siya. "I'm trying.. I'm trying." Aniya.
Huminga ako ng malalim at pinisil ang kamay niya. Napatiim bagang ako nang tumapat kami sa isang pintuan. I can still remember nung namatay si Lola Sab, because she reached her limit already, dito rin kami non dinala.
It's not the morgue. Personal room to ng pamilya namin sa hospital na 'to. Lolo Brian owns the hospital that's why..
Binuksan ni Dos ang pintuan at naunang pumasok si mommy at Tita Jade. Wala pa man ay narinig ko na ang mga hikbi nila. Napapikit ako at pumasok na rin. Nasilayan ko palang ang mukha ni Lola ay tumulo na ang mga luha ko.
Akala ko sa T.V lang nakikita 'yon, yung mga bigla nalang tutulo ang luha, walang tunog o ano, basta nalang tutulo iyon.
"Lola.." mahinang wika ko. Napayakap ako kay Adrian at yinakap naman niya ako.
"Pauwi na sila ni Daddy from their trip. I think mom anticipated this already.. kahit na ayaw ni dad ay pinilit niya pa rin ito na mag bakasyon kasama siya. The accident happened and.. hindi kinaya ni mommy." Paliwanag ni Tito Joseph.
He's not crying but I can hear his voice trembling. Dahil doon ay napahikbi ako at hinigpitan ang yakap kay Adrian.
It's just too painful na hindi ko man lang siya nabisita agad..
"Let's fix the burial." Mom said with finality.
"Okay.. labas na muna lahat." Ani Tito Joseph.
Sumunod naman kami at lumabas. We waited for everyone to go out. Doon ko lamang napansin na halos lahat kami ay umiyak. Except for Simon and Carl. Pero namumula na ang kanilang mga mata.
"Carl, call your Tito Jasper and tell him to fix everything." Ani Tito.
Tumango si Carl at sumunod na.
"Kayong mga bata.. umuwi na muna sa hotel. Doon na muna kayo for the mean time habang inaayos pa ang lahat." Ani mommy.
She's talking about Harris Hotel, pagmamay ari ito ni Lola Ryle na pina-manage kay Tito Jerem.
Tumango kami at parang robot na naglakad pabalik sa mga sasakyan. Hinintay muna namin si Uno bago kami umalis para sabay-sabay na. Kay Carl ako sumakay ngayon dahil gusto ko ng tahimik na byahe.
"Alam na ba ni Captain na nasa Manila tayo?" Tanong ni Simon sa akin.
Umiling ako at tumingin sa labas.
Nakakatawang isipin na gustong gusto ko siya makita ngayon. Kahit malabo ay gusto ko pa rin..
"Why don't you tell him? Baka magulat nalang ang lahat bukas dahil hindi tayo pumasok." Pinangalawahan ni Clyde.
Ano kayang magiging reaksyon niya? He will be worried for sure..
I can almost imagine his worried face.
"Baka mapagbuntunan sila Sky." Ani Alice.
Narinig ko naman ang halakhak ni Simon at Clyde mula sa likod pero hindi ko na 'yon pinansin. Nanahimik sila nang mapansing hindi ako natawa.
"Here.. pinapabigay ni Sky. May gasgas na ang LCD pero gumagana pa naman daw. Maganda daw if ipapalit mo na."
Inabot ni Alice sa akin ang cellphone ko at kitang kita ang mga crack sa LCD. Binuksan ko 'to at brinowse ang mga missed calls. Puro kay Evander ito, malamang ay noong nangyari ang insidente.
May isang mensahe ang nakapukaw sa atensyon ko, it was from Lola Alina. Halos pumikit ako habang binubuksan ang mensaheng 'yon..
It was short and simple but the meaning was so.. strong.
Time doesn't wait for anything. You need to conquer it while you can. Risk if you have to risk. Even if you have to risk the truth.
I'm on my way to a trip, with your grandfather. I'm gonna go to the Paradise..
Napaawang ang labi ko sa mensahe.. she knows..
Hindi ko man lang siya nareplyan.
Nanikip ang dibdib ko.. I'll call him. He deserves to have an explaination. Mag babakasakali akong makausap ko siya. Tama, I need to consider him lalo na at boyfriend ko na siya. Time doesn't waut for anything, tama si Lola.
Huminga ako ng malalim at sinyesan silang manahimik. Napahagikgik si Tulip sa tabi ko kaya linagay ko ang daliri ko sa bibig niya. Pinindot ko na ang call button sa gilid ng numero niya at malakas ang pintig ng puso ko sa pag hihintay na sumagot siya.
Napailing nalang ako nang mamatay ang cellphone ko. It's totally broken. Wala ng pag asa 'to. Dalawang beses ba naman ibato na parang basurahan.
"Sira na talaga?" Tanong ni Alice. Tumango ako at tinago nalang ang cellphone na 'yon.
"You can borrow mine.." alok niya pa.
Umiling ako at tumingin sa labas. "Mamaya nalang, pag sigurado na akong gising siya. Hayaan ko na muna siyang magpahinga." Wika ko.
"Wait, anong nangyari sa cellphone mo?" Tanong ni Carl kaya nagkatinginan kami ni Alice.
I can't lie but..
"Nasira kuya. Nabalibag tapos si Sky yung sumubok na ipagawa 'yon. He tried to retrieve the messages too." Ani Alice.
Parang nabunutan ako ng tinik sa paliwanag ni Alice. Dito siya magaling, sa pag reason out. Kahit na obvious na ay malulusutan niya pa. Kahit sarili niya ata ay kaya niyang lokohin.
Well she didn't lie, hindi lang niya nabanggit yung nangyari sa incident bago 'yon.
Pagkarating namin sa hotel ay dumiretso kami agad sa top floor nito. To my surprise ay nandoon din sila daddy. Napatingin ako kina Agatha na naunang makarating dito, they were only silent.
"Adrian told me na exams niyo na this week tapos ay sembreak niyo na. Hihingi ako sa school niyo ng special exam para sa inyo. They will understand for sure.. hindi na kayo babalik ng Argao."
Namilog ang mata ko sa sinabi ni daddy. The funny thing was, si Evander agad ang pumasok sa isip ko. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.. no! Actually alam ko! I want to stop dad pero..
May karapatan ba ako?
"Dad! You can't do that! School is school, understandable pa kung mag absent kami for a week or two pero.. to transfer for second sem is too much." Nagulat ako na si Alice ang nag salita.
I never expected her to speak up.
"Kailangan kayo dito. Kami nalang ang pupunta at mag ma-manage sa Argao. Besides, Agatha will enter the army next month. She will need all the help that she can get. Kailangan rin kayo sa kompanya.. yung mga graduating sainyo, will start their training for the company." Giit ni daddy.
Napatingin ako kay Tito Ivor at Tito Ziel, mukhang sang ayon sila sa sinasabi ni daddy. Baka nga pinagusapan na nila 'to, on the way.
"Your dad is right, tutal ay pag naka-graduate na kayo ay dito na rin kayo sa Manila. Letting you stay in Argao is a big mistake." Ani Tito Ivor.
Hindi ko alam kung bakit bumigat ang puso ko, I will never understand this. Tama ba na hindi ako sumangayon. I don't have the enough reasons para hindi sumangayon.
Si Evander lang naman ang iniisip ko..
"We don't need reasons. Basta hindi na kayo babalik ng Argao. I don't know why you're making this big. Hindi naman dati ganito." Ani dad. Kita kong pinapakalma niya ang sarili niya.
"Dad! Impulsive ka na naman sa mga desisyon mo. Ano 'yon? We moved tapos ngayon aalis nanaman tayo? Kung kailan nakapag adjust na kami tsaka ka magiging ganyan? I understand.. we are mourning pero sapat na dahilan ba 'yon para umalis na naman?" Saad ko.
Naramdaman ko ang paghawak ni Tulip sa kamay ko. I was praying so hard.. praying that he will reconsider. I can't read dad, si mommy lang naman ang nakaka basa kung anong iniisip niya.
"My decision is final. Sa Manila na kayo ulit." Ani daddy at lumabas kasama sila Tito.
Naupo ako at napahawak sa dibdib ko. They were talking to me pero hindi ko sila maintindihan, I was too pre-occupied.
I was thinking about him. I feel bad lalo na at family thing to pero paano naman ang maiiwan ko doon? Pakiramdam ko ay sinusuway ko sila dahil alam kong sa loob ko ay buong puso akong hindi sumasangayon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top