Kabanata 43
Pagligtas
"Ayos na ba ang lahat?" Tanong ko kay Shey habang palabas kami ng council office.
Nauna akong pumunta dito dahil kailangan pa namin siguraduhin na ayos ang lahat. Kahit si Evander ay hindi nagpumilit na sumabay sa akin. Hindi naman sa gusto ko pero.. nakakapag taka lang talaga.
Naisip ko tuloy ang sinabi niya sa akin kahapon. Yung bagay na i-tatanong niya sa akin..
Kinwento ko yun kay Tulip at natatawa ako pag naalala ko ang usapan namin.
"Paano pag tinanong ka niya kung pwede ka na niyang maging girlfriend?" Ani Tulip sabay hagikgik.
Napailing ako at linaro ang kumot ko.
"I'll say yes."
Nagpigil ako ng ngiti dahil baka busitin ako ni Tulip. Narinig ko pa ang kanyang halakhak at pumalakpak pa siya.
"Tapos malalaman ni tito at sa altar na ang bagsak niyo! Tapos make babies! Gusto ko kambal ah! Parang kayo lang ni Adrian!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Tinulak ko siya at nagtawanan kaming dalawa. Babies? Damn. Hindi ko iniisip ang bagay na 'yun. Sasagutin ko palang siya.
Nakakatawa nga na ang dami na namin napag daanan pero ngayon ko palang siya sasagutin. It's like, parang kami before pero hindi lang official. But now.. I want it to be official. Para wala na akong inhibitions.
"Oo ayos na. Nandoon na ang ibang mga estudyante. Tayo nalang ang wala doon." Ni-lock niya ang pintuan at tumuloy na kami sa labas.
"Pinagusapan niyo ba ni Evander ang isusuot niyo?"
Napalingon ako sa tanong niya. Umiling ako at napatingin sa suot ko. I'm wearing a cream colored long gown.
"Bakit?" Tanong ko.
"Wala naman, everyone is looking forward to see him. Claveria eh."
Napatango ako. Yun na siguro ang hindi ko maaalis.. marami talagang humahanga sakanya. Hindi ko na mababago 'yon. He is a Claveria and people love him kahit ganun siya sakanila.
"Pero I'm sure.. inaabangan ka din nila." Tinaasan ko siya ng kilay sa sinabi niya at napailing nalang ako.
"No way." Sambit ko at tuluyan na kaming lumabas at pumunta sa field.
Rinig na rinig ang boses ng Principal namin habang papalapit kami sa backstage. Binibigay niya na ata ang speech niya. Sumilip ako sa mga estudyantenh nakaupo sa kani-kanilang mga pwesto para hanapin ang mga pinsan ko pero wala sila roon. Sinubukan ko din hanapin sila Evander pero pati sila Sky at Jacob ay wala doon.
Nasaan ba sila?
"Sean? Hindi mo ba nakita ang mga pinsan ko? Kahit napansin man lang?" Tanong ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinext sila.
"Kanina magkakasama sila. Kasama pa nga nila si Claveria." Aniya.
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Bakit naman sila magkakasama? Mukhang okay na sila. Ang tanong nalang ay kung saan sila pumunta.
Sumilip ako muli at linibot ang mata ko pero natigilan ako nang may mapansin akong babae na nasa pinaka dulo. Nagtama ang mga mata namin at ngumisi siya. Matalim na tingin ang binigay ko sakanya.
"Sino 'yon?" Rinig kong tanong sa akin ni Shey.
Nakikitingin din pala siya. Umiling ako at napalunok.
"Si Grace." Mahinang sagot ko. Kita ko ang pagkunot ng noo ni Shey at bigla itong namilog.
"Oh my gosh! Grace? Yung Grace na pinaguusapan nila prince charming? Hindi ko pwede makalimutan 'yon! Muntik ko ng sabunutan 'yon!" Aniya na parang gulat na gulat. Tango lamang ang naging sagot ko sakanya.
What is she doing here? Hindi siya estudyante dito kaya wala siyang karapatan na pumasok dito. Lalo akong na-alarma nang tumalikod siya at umalis. Liningon ko naman si Sean na busy sa pag-aayos.
"Sean, alis lang ako saglit. May i-checheck lang ako." Pagpapa-alam ko sakanya.
"Sure, kanina ka pa naman busy." Aniya at nag patuloy sa ginagawa.
Akmang aalis na ako nang pigilan ako ni Shey. Hinawakan niya ako sa braso ko at hinarap sakanya.
"Rian, sigurado ka ba?"
Tumango ako. Kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Ngumiti ako at tinapik ang balikat niya. Shey has been a good friend to me. Isa na siya sa mga maasahan at mapapagkatiwalaan ko.
"Pag dinner na at wala pa ako, sabihan mo ang mga pinsan ko." Saad ko. Maagap naman siyang tumango.
Tumalikod na ako at umalis. Sinundan ko ang lugar kung saan ko siya nakitang papunta kanina. Isa lang naman ang kapupuntahan ng lugar na 'yon. Ito ang swimming area ng school. Sigurado akong hindi siya pumunta dito para lang maki-party. It's either she is here for Evander or for me.
Kahit ano pang rason niya, kakausapin ko siya.
I want to and I need to.
Nang makapasok ako sa swimming area ng school na katabi lamang ng gym ay agad ko siyang nakita. Nakatayo siya hindi kalayuan sa dulo ng swimming pool. Lumapit ako doon at pinagmasdan siya. She's pretty and petite siya kaya bumagay sakanya ang dress niya. No wonder ay nagustuhan siya ni Evander.
Sa munting pag iisip non.. ay parang ako mismo ang nag papahirap sa sarili ko. Ayokong maisip kung paano siya nagustuhan ni Evander noon o kung gaano man siya nagustuhan.. minahal..
Papatayin ako ng selos.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko na kumuha naman ng atensyon niya.
Huminga ako ng malalim at nilingon naman niya ako. Ngumisi siya sa akin at pinasadahan ako ng tingin. Hindi ko nagustuhan ang klase ng tingin na ibinigay niya sa akin pero pinigilan ko ang sarili kong ma-apektuhan dito.
"Hindi ko alam kung anong napansin sa'yo ni Caden. From me? To you? Damn, it's insulting."
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Naiyukom ko ang mga palad ko at matalim siyang tinignan. Kitang kita sa violet lipstick niya ang pag ngisi niya.
"Oh please, paano pa ako? Sobrang insulto ang naramdaman ko nang malaman ko kung sino ang kino-kumpara sa akin. Yun pala.. ikaw lang." Nakangising wika ko.
Kita ko ang galit sa mga mata niya at ang pag kainis niya. Akala niya ba nasa teleserye kami? Akala niya ba mag papalait ako sakanya? No way. I had enough.
"Bumalik ako dito to make up with him, Adrianna. Minahal niya ako dati and I'm sure he still does. We made love before! Many times! Ulit ulit, kahit saan sa lugar ng bahay niya. I moaned his name and he moaned mine. We reached the peak of paradise for countless of times! Kaya sigurado akong hindi niya ako makakalimutan! Lalo na ng dahil lang sa'yo!" Sigaw niya habang pinanlalakihan ako ng mata.
I clenched my teeth. Hindi ako makapagsalita. It was too much. Too much information. Napalunok ako. Bumigat ang puso ko pero hindi ko pinahalata 'yon. Ayokong mag mukhang apektado at kawawa. Nanginit ang mata ko pero pinigilan ko 'yon.
"It was his past. Naiintindihan ko 'yon. Past ka niya, Grace. Ginagalang ko 'yon. Hindi ko kayo ke-kwestyunin doon. Tanggap ko na.. nauna ka." Kahit nahihirapan ay pinilit kong masatinig 'yan.
Kita ko ang inis niyang pag buga ng hangin. Binato niya ang bag niya sa inis kaya bahagya akong napapitlag. May anger management problems siya.. nanikip ang dibdib ko dahil pumapasok pa rin sa utak ko ang sinabi niya kanina..
Pero naiintindihan ko naman. Hindi mababaw ang mararamdaman ko kay Evander at mapapatunayan ko ito dito. Hindi ako nagagalit dahil sa sinabi niya pero aaminin kong nasasaktan ako. Hindi ko kayang isipin na sobra niya siyang minahal dati.. na may nauna sa akin. May nauna sa puso niya.
"Bilib din ako sa'yo Adrianna. Ano bang pinanghahawakan mo? Ang mga salita niya sa'yo? I love you niya? He said that to me thousands of times! Pina-tattoo niya pa ang pangalan ko! Anong pinanghahawakan mo at ang lakas ng loob mong kalabanin ang meron kami! Anong meron ka! Wala kang dapat panghawakan sa mga salita niya dahil sigurado ako na sinabi niya na sa akin ang lahat ng 'yon. Words are nothing!"
Napalunok ako. Nangilid ang mga luha sa mata ko. Ano nga ba ang pinanghahawakan ko? It's very clear, nilapitan niya lang ako because of his hidden intention pero bakit hindi ko kayang bumitaw? Why am I still here and loving him?
Why am I still holding and hanging?
Huminga ako ng malalim at sinalubong ang mga tingin niyang matalim at puno ng galit.
"Love doesn't work that way, Grace. Wala akong pinanghahawakan, inaamin ko 'yon. We did not make love or anything na kagaya ng sa inyo.. pero masaya ako dahil hindi pa namin ginagawa 'yon. Naniniwala ako sa sagradong kasal.. na gagawin lang 'yon, pagkatapos nito kaya hindi ako nai-inggit sa kung anong nagkaroon kayo. Actually.. instead of his love for me, ang pinanghahawakan ko ay ang pagmamahal ko sakanya. I will love him even though he won't love me. Ganon 'yon, Grace. Para sa akin.. ganoon ang pagmamahal."
Naramdaman ko ang unti-unting pag tulo ng mga luha ko. Nanikip ang dibdib ko dahil sa halo-halong nararamdaman ko.
I love Evander. I love him so much.
Kita ko ang lalong pag igting ng galit niya. Alam kong lalo ko lamang siyang nagagalit pero gusto kong ipaintindi sakanya na hindi ako nakikipag kompitensya.
"Mamatay ako Adrianna. Mamatay ako pag hindi siya naging akin ulit!" Sigaw niya.
Napaawang ang labi ko nang tumalon siya sa swimming pool. Hinintay ko siyang umahon pero walang nangyari kaya hindi na ako nag dalawang isip na tumalon din. Linangoy ko ang tuloy tuloy na pababang katawan niya.
Hinila ko ang kamay niya at inangat siya. Wala na siyang malay kaya inangat ko siya para makalabas ng swimming pool. Pag angat ko ay natigil ako sandali ng makita ang mga pinsan kong nakatayo at gulat na gulat. Kasama nila si Shey kaya nakumpirma ko kung bakit nila nalaman kung nasaan ako.
Nakuha ng mata ko si Evander. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya pero hindi ko na muna 'yon inintindi.
"Anong nangyari, Ri?!" Rinig kong tanong ni Agatha sa akin.
Hindi ko sila sinagot dahil hinihingal pa ako at ang bigat ng nararamdaman ko. Narinig ko na nagsasalita sila at kinakausap ako pero walang pumapasok sa akin.
Umahon ako at tinignan si Grace. Namumutla na siya kaya tinignan ko kung may hangin bang lumalabas sa bibig niya. Inalala ko ang tinuro sa akin sa Manila tungkol sa first aid. Linagay ko ang dalawang kamay ko sa dibdib niya at nag perform ng CPR.
"Damn! Bayaan mo na 'yan!" Rinig kong wika ni Dos.
"Ang sama mo talaga, Dos!" Inis na wika ni Alice sakanya.
I was breathing so hard and I was also praying so hard that she'll live. Halos mabunutan ako ng tinik nang umubo siya at dahan-dahan mag mulat ng mata. Pabagsak akong napaupo sa sahig at hinabol ko ang hininga ko. Unti-unti siyang umupo at hindi ko inaasahan ang matalim na tinging pinukaw niya sa akin.
"Bakit mo ako sinagip?!" Galit niyang sambit.
Napahawak ako sa puso ko para kumalma ang puso ko at umayos ang pag hinga ko. Inalis ko din ang basang buhok na humarang sa mukha ko at linagay 'yon sa likod ng tenga ko.
"I am Adrianna Grace Montgomery. I don't need to explain pero last mo na 'yan. Pag may ginawa ka nanaman sa sarili mo.. hindi na kita sasagipin ulit. It's your last. Sulitin mo. Make the most out of it, Grace."
"Adrianna, let's go" kinilabutan ako sa narinig kong boses. It was Evander. Kita ko ang pag-iyak ni Grace sa tabi ko.
"Bakit mo ba ako linigtas?! Kung hindi rin mapapasakin si Caden! Mabuti pang mamatay ako!" Aniya habang humahagulgol sa harap ko.
Kahit hirap at mabigat ang gown ko dahil sa tubig ay tumayo pa rin ako. Tumalikod ako sakanya kaya napaharap ako sa mga pinsan ko at kina Evander. Halo-halong ekspresyon ang nakita ko.
Evander? Nakakunot ang noo niya at nag-igting ang panga niya. He stepped closer to me at inalis niya ang coat niya. Kumalabog ng mabilis ang puso ko nang isabit niya iyon sa balikat ko. I suddenly felt warm. Doon ko napansin na nangingig ako sa lamig.
Inabot niya ang kamay niya sa akin at pinagmasdan ko 'yon.
"Grace, I don't know if what you said.. are true. Pero kung totoo nga ang mga 'yon, e'di sana ay wala ka dito. Wala kang dapat patunayan sa akin." Saad ko at tinanggap ang kamay ni Evander.
Pinagsiklop niya ang mga kamay namin at hinila ako. Doon lamang ako nakahinga ng maluwag.
"Paalisin niyo 'yan. Wala siya dapat dito." Ani Evander kay Shey at maagap na tumango si Shey.
Gusto ko sana umangal pero masyado akong pagod para makipag talo pa kung anong gagawin kay Grace. Kahit naman ganon ay gusto kong makalabas siya dito ng maayos. Hindi ko naman siya masisisi.. nag mahal lang siya tulad ko.
She cheated? Yes, but the fact still remains. Mahal niya si Evander sa extent na kaya niyang gawin 'yon.
"Are you okay?"
Natigil ako sa pagiisip nang tumigil kami sa tapat ng gym. Hinarap niya ako sakanya at kahit nilalamig ay naginit ako sa tingin niya sa akin. Tumango ako bilang tugon.
Napansin kong nakasunod ang mga pinsan ko sa amin pero pinagmamasdan lang nila kami. Napalunok ako nang haplusin niya ang mukha ko at ang isang kamay niya ay mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
He look so dashing. Bagay sakanya ang formal attire.
"Damn. You're so cold.. I was so worried." Bulong niya sa akin at kita ko ang unti-unting pag lambot ng ekspresyon niya.
Napangiti ako ng marahan.
"Si Grace--"
"I don't care about her. I already told her na wala na siyang babalikan. Dapat ay hindi na siya pumunta dito dahil malinaw na ang sinabi ko sakanya. I made it clear that I love you and I will only love you."
Napakagat ako sa ilalim ng labi ko. Mabilis niya akong niyakap. I felt so warm because of it. I felt so happy. Ramdam ko 'yon dahil parang nag bubunyi ang puso ko sa bilis nito. Dito ko naisip ang sinabi ni Grace. Tama siya.. words are not enough pero hindi 'yon ang pinanghahawakan ko dito- it was my feelings and what he made me feel. I am holding on to our connection. Our love..
Lalo niya pa akong niyakap at kahit nahihiya sa mga pinsan ko ay niyakap ko siya pabalik. Huminga siya ng malalim at naramdaman kong hinalikan niya ako sa noo. I felt his warm lips on my cold skin.
"I told her that I was caught and I have no plans on escaping." Bulong niya sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top