Kabanata 42

Hinintay

Mabilis kong inayos ang mga gamit ko at sinabit ang bag ko sa balikat ko. Dama ko ang bilis ng tibok nang puso ko dahil tapos na ang klase.

"Ri, I need to go! Mag pa-practice pa ako ng lines ko." Ani Alice.

Tumango ako at mabilis siyang lumabas. Sumunod na din ako at mabilis na lumabas.

Isang ngiti ang kumawala sa labi ko nang masilayan ko si Evander na nakahilig sa labas. Napa-angat siya nang tingin sa akin at kita ko ang pag silay ng ngiti sa mga labi niya.

Umayos siya nang tayo at mabilis ko siyang nilapitan.

Pinanliitan ko siya ng mata at linagay ko ang likod ng palad ko sa leeg niya. Napangiti ako lalo at tumango tango. Tatlong araw siyang absent dahil sa lumala ang lagnat niya.

"Wala ka ng lagnat. Good." Saad ko at bahagya siyang humalakhak.

"Of course. Uminom ako ng gamot gaya ng sabi mo at kumain ako kasama si Sky at Jacob kanina nang lunch tulad din ng sabi mo." Aniya habang nakangiti.

Tinaasan ko siya ng kilay pero natigilan ako nang kunin niya ang kamay ko at hawakan 'yon. Kahit ata ilang beses niya hawakan ang kamay ko ay hinding hindi ako masasanay. Kahit anong sanay ko na nandyan siya palagi ay hindi pa rin mawala ang bilis ng tibok ng puso ko.

"You're comfortable touching me. That's good. I like it." Wika niya.

I rolled my eyes.

Kung alam lang niya!

Kung alam lang niya kung anong epekto ng simpleng pagdikit ng balat namin.

"Where are you headed to? Di ka pa uuwi?"

Umiling ako sa tanong niya.

"Council. We'll finalize the venue for the anniversary party." Sagot ko.

Mukha namang napaisip siya. Hinila na niya ako at nag simula na kaming mag lakad. Wala na siyang klase kaya dapat umuwi na siya para hindi siya mabinat at tuloy tuloy na ang pag galing niya.

May anniversary party na magaganap bukas. Late na nga kaya napagalitan si Sean pero sabi nga nila, it's better late than never. Pinaayos ang buong field sa planong linatag namin. Ako ang namahala sa mga sponsors dahil marami akong kakilala habang si Yumi naman ang nag design at namahala ng buong venue.

"Alam nila Adrian?" Tumango ako sa tanong niya.

Hindi ko alam kung okay na ba sila o hindi pero I heard.. Carl, Simon and Clyde were hanging out with Sky, Jacob and Evander. So I'll assume.. they're getting there.

Ang mga bagay na ganito ay madaling makarating sa akin dahil si Alice ang nag ke-kwento. Sky is somehow close to Alice. Hindi ko alam kung paano nangyari 'yon. But she still claims that he likes Jacob so I really don't know.

"I told them na male-late akong umuwi dahil marami pa akong gagawin." Simple kong sagot.

Narating na namin ang harap ng council room kaya hinarap ko na siya. He was glowing today, probably because of his yellow tee.

"You should go home now and take some rest. Baka mabinat ka pa." Saad ko sakanya.

Kita ko ang paglungkot ng mukha niya kaya tinaasan ko siya ng kilay. Here he go again with his hidden cuteness.

"Okay.." aniya at tumango ako.

Nauna na akong tumalikod at pumasok sa Council Office. Kita ko ang busy-ing busy na si Shey habang nag susulat. Maybe for the script of the MCs tomorrow.

Yumi and Wendel will be the MCs tomorrow.

Binaba ko ang bag ko sa gilid niya kaya nakuha ko ang atensyon niya. Umupo ako sa tabi niya at binasa ang ginagawa niya.

"Si Sean kausap ng Principal." Saad niya. Tumango naman ako at kumuhang cookie na nasa harap ko.

"Yumi?" Tanong ko habang binaba pa rin ang sinulat niya.

Ayon doon ay may entourage, dance, dinner at kung ano-ano pang pakulo na naisip mismo ni Wendel kahapon. Mag pe-perform din ang theater club kaya busy si Alice ngayon.

"Nasa field, kasama ng ibang council members. Naglalagay nalang ng center piece sa mga lamesa at tapos na tayo. Si Wendel naman ay kinakausap ang presidents ng mga club para sa mga performance bukas."

Tumango tango at tumango. Tapos na naman ako sa mga dapat kong gawin, lahat ng sponsors ay okay na kaya wala na akong po-problemahin.

"Tulungan nalang kita diyan." Alok ko sakanya.

Tumango naman siya at pinagitna sa amin ang papel. Pinagtulungan namin ang pag ayos ng pagka sunod-sunod ng mga events. Pati playlist bukas ay inayos na namin para wala ng isipin si Wendel.

"Hey" napa-angat ako nang tingin sa papasok na Sean.

"Ano daw sabi?" Tanong ko.

Ngumiti ito at tinapat sa amin ang papel kung saan pumirma na ang Principal namin. Napangiti ako at napasigaw naman si Shey. Dalawang beses kaming nag pasa ng request para sa oras na gusto namin at ngayon lang pumayag.

"It's all set. Tomorrow is a big day for everybody. I'm so happy na medyo madali lang ang naging pag pa-plano ngayon. Last year was a headache!" Daing ni Sean kaya natawa kami.

Napatingin ako sa cellphone ko at nakitang may message doon si Evander.

From : EC

Hanggang anong oras ka?

Napangiti ako at binaba ang ballpen na hawak ko.

"Last year was a big epic fail dahil kulang ang sponsors. Thanks to Adrianna at okay lahat ngayon." Rining kong wika ni Shey.

"Really? That's good." Sagot ko kahit wala akong naiintindihan sa sinabi niya dahil sa pag titipa ng sagot kay Evander.

To : EC

Hmm.. I don't know yet. I told you to rest! Don't worry about me.

Pagka send ko ng message na 'yon ay binalingan ko nang tingin ang mga kasama ko at parehas silang nakatingin sa akin. Kumunot ang noo ko at tinaasan sila ng kilay.

"Paano ba mag text ang isang Evander Claveria para ngumiti ng ganyan?" Tanong ni Shey sa akin habang sumisilip sa cellphone ko pero mabilis ko itong ni-lock.


Napadaing si Shey habang humahalakhak naman si Sean. Pinamulhan naman ako ng mukha dahil pakiramdam ko masyadong halata ang nararamdaman ko para kay Evander.

Nag beep muli ang cellphone ko at umilaw ito. Tumikhim naman si Sean at ngumisi si Shey. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip nila o kung anong iniisip nila pero wala naman ako dapat ibahala kasi wala naman kaming tinatago ni Evander.

Nakakahiya lang talaga. Hindi ako sanay sa ganito..

"Sagutin mo na sige. Mag fa-finalize na muna ako." Ani Sean habang naka ngiting pumunta sa table niya.

Napangiwi ako at tinignan ang mensahe niya para sa akin.

From: EC

How can I not worry about you? Imposible ata 'yon. I will always worry.

Mariin akong napapikit sa sinabi niya. Tumambol ng malakas ang puso ko at nagwala ang mga bubuyog sa tyan ko. Natigil lamang ako at napamulat ng marinig ang paghagikgik ni Shey sa tabi ko. Nakita kong naka-tingin siya sa cellphone ko.

"Shey!" Pagbabawal ko sakanya sabay takip sa cellphone ko. Lalo lamang siyang natawa at napailing iling.

"May ganyang side pala si prince charming." Aniya habang nag susulat.

Napabuga ako ng hangin at hinarap ulit ang cellphone ko. Napakagat ako sa ilalim ng labi ko.

To: EC

Stop that! Well, just rest because I'm worried about you.

Damn! I look like a giddy highschool girl! Sabagay.. ito ang advantage ng text. Hindi ako mahihiyang sabihin ang gusto kong sabihin dahil hindi naman niya ako nakikita. Hindi niya makikita kung gaano ako mamula sa bawat text niya.

Hindi niya ako makikitang kiligin sa bawat basa ko sa mga text niya.

"Hinihintay ka ba niya?" Tanong ni Shey sa akin.

Umiling ako. "May sakit siya." Sagot ko. Namilog naman ang mata niya.

"Tinatablan pala ng sakit si prince charming." Natatawa niyang untag kaya hindi ko rin mapigilan ang matawa.

Nag vibrate muli ang phone ko at halos matawa ako sa nabasa ko.

From: EC

Damn. I want to see you.

Mabilis naman akong nagtipa ng reply. Minsan ay naiisip kong sundin ang utos ng mga nakakatanda na bagalan ang pag reply sa lalaki pero hindi ko mapigilan.

To: EC

No! Rest!

Napahagikgik ako sa sarili kong sagot at tinabi na ang cellphone ko. Bahala siya don! Kulit kulit niya kasi. Isa pa 'to sa mga advantage ng text, kahit natutuwa ako sa mga text niya ay hindi niya makikita. Kaya kong ipakitang hindi ako apektado.

Advantage sa sender, disadvantage sa receiver.

Tinulungan ko na si Shey na matapos 'yon. Tinulungan din namin si Sean na mag finalize tapos ay pinuntahan namin sila Yumi. Napaawang ang labi ko nang makita ang field. Pastel colors ang motif nito.

Nakita namin sila ni Wendel na nakaupo sa stage. Lumapit kami doon at binigyan nila kami ng tubig.

"Tapos na pala. Good job Yumi." Ani Sean habang inakbayan naman ni Wendel si Yumi.

"Syempre! Ito pa!" Ani Wendel habang tinutulak naman siya ni Yumi.

"Ew! Wen! Alis!" Ani Yumi habang si Wendel ay tumatawa lang.

Binalingan naman ako ni Yumi.

"Kanina pa namin nakikita si Claveria na lalabas tapos papasok ulit dito sa school. Hinihintay ka ba niya?" Tanong ni Yumi kaya kumunot ang noo ko.

"Hindi.." I traced habang sila naman ay tinitignan ako ng maigi..

"Baka hinihintay ka niya hindi lang sinasabi sa'yo!" Ani Shey.

Napakagat ako sa labi ko dahil doon. Tinignan ko silang lahat at kita ang pag kamangha sa mukha nila. Ako naman ay malakas ang kalabog ng buong sistema ko.

"Uwi ka na sige! Tapos naman na tayo." Ani Sean pero umiling ako.

"Ayos lang, sinabi ko naman sakanya kanina na matatagalan ako baka hindi naman ako ang hinihintay niya." Saad ko.

Baka mapahiya pa ako. Ayoko naman mag mukhang assuming. Natigil ako sa nang itulak na ako ni Shey para maglakad.

"Go! Uwi na!" Natatawa niyang wika kaya nilingon ko sila. Tumango tango sila na parang sinasabing ayos lang at umalis na ako.

"See you all tomorrow!" Pag papaalam ko sakanila at lahat naman sila ay kumaway.

Tumalikod na ako at tumungo sa labas ng school. Para akong nililipad ng ulap habang naglalakad dahil iba't ibang imahe niya ang pumapasok sa utak ko habang palabas.

Napalunok ako nang makalabas na ako ng gate. Nilibot ko ang mga mata ko at tumigil 'yon sasakyang nakaparada sa hindi kalayuan. Linapitan ko ito at kita kong nakabukas ang bintana ng sasakyan niya. Mula dito ay kita ko ang natutulog niyang mukha.

Hindi talaga nag iingat ang lalaking 'to! Paano nalang kung may manakit sakanya dito o manakawan siya. Hinilig ko ang sarili ko sa bintana at pinagmasdan siya. Sobrang gwapo niya talaga.. pero sa lahat ng asset niya at ang pinaka gusto ko pa rin ay ang pisngi niya kung nasaan ang dimples niya. Kita ko ang bahagya niyag pag ngiti habang nakangiti.

Ano to? Nanaginip ba siya? Lumitaw ang dimples niya at marahan akong yumuko para hagkan 'yon. Natigilan naman ako ng mapansing nagmulat siya ng mata. Mabilis akong lumayo sakanya at namilog ang mata ko.

Humalakhak siya kaya matalim ang tingin kong binigay sakanya.

"Sabi ko na nga ba.. alam mo ba? Nananaginip ako. Hinalikan daw ako ng anghel. Yun pala.. ikaw." Aniya habang nakangiti.

Ako naman ay hindi alam kung paano magtatago dahil naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko at ang pag bilis ng tibok ng puso ko. Nakaka bwisit talaga siya!

"Tumigil ka nga! Bakit ka ba nandito? Diba ang sabi ko sa'yo, umuwi ka na." Mataray kong sabi.

Ngumiwi siya at pinigilan ko ang sarili kong ma-apektuhan doon. Pinanliitan ko pa siya ng mata.

"Para naman kaya kong gawin 'yon. Kilala mo ako, matigas ang ulo ko. Hindi ako nakikinig basta basta. Tingin mo ba kaya kitang iwanan?"

Napaiwas na ako ng tingin sakanya dahil hindi ko na kaya ang klase ng titig niya.

"Ewan ko sayo." Mahinang bulong ko pero nagulat ako ng hilahin niya ako mula sa bintana kaya nagkalapit ang mga mukha namin.

Bumigat ang paghinga ko dahil doon. Hinanap niya ang mga mata ko at napangiti siya nang magtama ang mga mata namin. Habang ako ay hindi mapakali.

"Ayaw mo ba ako dito?" Malungkot niyang wika.

Kumunot ang noo ko at mabilis na lumayo sakanya. Hindi ko mapipigilan ang sarili ko pag hindi pa ako lumayo. Ako na ngalang ang nag pipigil sa amin kaya hindi ako pwedeng mawala sa sarili.

"Ewan ko sayo!" Mabilis ko siyang tinalikuran at pumunta sa kabilang side para sumakay sa kotse niya.

"Seatbelts!" Sigaw niya at rinig ko ang halakhak niya.

"Alam ko!" Inis kong sagot.

Binuksan ko ang pintuan ay binagsak ang pintuan non. Lalo siyang humalakhak dahil doon, ako naman ay sinamaan siya ng tingin. Sinuot ko ang seatbelt at hinarap siya pero natigilan nanaman ako dahil sobrang lapit niya sa akin.

Ano bang problema niya ngayong araw na 'to?!

Napatingin ako sa leeg niya dahil kita ko ang paglunok niya. Halatang kabado siya. Pero binalik ko din ang tingin sa mga mata niya at pinagmasdan ito.


"Sa anniversary party.. may itatanong ako sa'yo. Bagay na sana oo ang sagot mo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top