Kabanata 40

Nauubos

"Bakit gusto mo akong makausap?" Bungad kong tanong kay Osiris.

Nag iwan siya ng mensahe sa locker ko at sinabi niyang gusto niya akong makausap. Nasa sixth floor kami ngayon at nakatanaw sa labas. Umiihip ang hangin sa aming mga mukha.

"Because of my guilt. Alam kong may kasalanan ako sa'yo.." aniya.

Mapait akong ngumiti sakanya. I can sense his sincerity.

"Anong kasalanan ang tinutukoy mo? Yung hindi mo pag sabi ng balak ng kapatid mo sa akin? Hindi mo pag sabi sa akin nang tungkol kay Grace o dahil sa hindi mo pagsabi sa akin na kinamumuhian ako ng pamilya mo?" Napalingon siya sa akin at ganon din ako. I looked at him and I saw his concience.

I sounded so harsh but this is what I feel. He told me the bestfriend shit. Para saan pala 'yon?

"Everything.. I am so sorry Adrianna. Sincerely.." he traced.

Bumuntong hininga ako. "Bakit mo ako ginawang kaibigan?"

"Dahil gusto ko atsaka.. I know what will happen, I know you're gonna need me. The least that I can do is to be with you and listen to you.."

Napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya. Umihip muli ang hangin kaya inayos ko ang buhok ko.

"So all those times na nag lalabas ako ng frustrations ko.. alam mo na lahat ng iyon ay hindi lang dahi sa doubts ko, kung hindi dahil totoo sila?" Tanong ko muli.

"Yes.. but I promise Rian, it was very hard for me. Hearing you rant about your doubts.. it was very hard." Tumango nalang ako.

Namayani ang katahimikan sa buong lugar. Hindi ko na alam kung ano pang sasabihin ko.

"Isa pang bagay kung bakit hindi ako nakielam ay dahil sa alam kong hindi siya mag tatagumpay sa plano niya. He loves you.. I saw that kaya pinabayaan ko nalang siya. He has the most pain. Kahit nahihirapan ako sa tatay namin ay iba ang sakanya. Nagdurusa siya araw araw dahil puno ng galit ang puso niya. Nang makita ko na nahuhulog siya sa'yo, naisip kong baka yun na ang solusyon sa lahat.. it was a risk worth taking. A risk that maybe his love for you will change everything."

Kumalabog ang dibdib ko at nilingon ko siya. Ngayon ay nakangiti na siya sa akin.

"Sa tingin niya, by making everyone suffer, by making them fear him ay maiibsan ang sakit na nararamdaman niya. Binibigay niya ang mga pasakit niya sa iba but you changed him. Simula ng maging malapit kayo, wala na siyang masyadong pinapansin but it's better. Kay'sa dati na laman lagi ng usapan ang galit niya. May tumatakbo sa field, may nag huhugas ng mga plato sa kitchen na mga estudyante, may mga nag ma-mop dahil sa parusa niya. Everything changed because of you. Ang mga tao dito, hindi sila galit sa'yo. Galit sila sa katotohanan na ikaw ang babaeng napansin niya at nagustuhan. Maraming babae ang humihiling na sila ang magpapabago sa isang Evander Caden Claveria."

Mariin akong napapikit sa sinabi niya. Mga ala-ala ko simula nang dumating ako dito ang naglaro sa utak ko. Yeah, I did see his change and I felt it too..

"Paano kung hindi niya ako minahal? Paano kung hindi ganito ang kinahantungan ng nararamdaman niya para sa akin. I would go home crying.." mahina kong bulong. The thought of it makes my heart break into pieces.

Not being loved by him is making my heart break into pieces.

"But it didn't. Yun ang mahalaga. Minahal ka niya at minahal mo siya."

Osiris word's can really calm me.

"So anong gusto mong mangyari? I'm sure hindi mo lang ako kinausap para humingi lang ng tawad." Saad ko.

Ngumiti ito sa akin.

"I want you to become my bestfriend. This time.. it's true. Without hidden intentions."

Hindi ko mapigilan ang bahagyang tumawa sa sinabi niya. I rolled my eyes and smiled at him.

"Gaano ka naman kasigurado na papayag ako?" Naka-ngisi kong wika.

"Wala.. I'm just trying." I can see the sincerity in his eyes.

"Okay." Saad ko at umiwas ng tingin pero napaawang ang labi ko nang akbayan niya ako.

"Hoy!" Bawal ko sakanya at sinubukan alisin ang pagkaka-akbay niya sa akin.

"Let's go, ihahatid kita sa bahay ng kapatid ko. May sakit siya ngayon. He called me a while ago to buy him medicine. Isipin mo.. humingi siya ng pabor sa akin. That's new."

Kumunot ang noo ko. No wonder, I didn't see him all day.

"Pwede ba akong pumunta doon?" Tanong ko habang tinatahak nanamin ang daan papunta sa sasakyan niya.

"Of course and besides.. walang mag-aalaga don." Aniya.

Tumango nalang ako at sumama sakanya. Wala naman siguro masama sa pag dalaw. Tsaka alam ko na wala talagang mag-aalaga sakanya. Nakahiwalay siya sa parents niya kaya alam kong totoo 'yon.

I texted Alice to go home without me. Sinabi kong may aasikasuhin pa ako, which is true.

"Paano kung nandon ang mommy mo?" Hindi ko mapigilan itanong.

"No, hindi naman sasabihin ni Evander kay mommy na may sakit siya. He would rather suffer than let anyone know that he's sick."

Parang kinurot ang puso ko sa sinabi niya. Evander grew up learning how to be independent. It's a good thing but still, it's nice to have someone take care of you.

"We're here.." ani Osiris. Tumigil kami sa harap ng bahay ni Evander.

"Let's go." Saad ko sabay kalas ng seatbelt. Binuksan ko ang pintuan at bumaba na pero natigilan ako nang hindi siya gumagalaw.

Nilingon ko siya. "You're not coming?"

"No, ayokong maka-istorbo. Just give this to him and take care of him for me." Aniya sabay abot sa akin ng gamot.

Mag sasalita pa sana ako pero inabot niya ang pintuan ng kotse at sinara 'yon. Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan niya at iniwan ako doon.

Napabuntong hininga ako at lumingon sa buong kabahayan ni Evander. Naglakad na ako papunta doon at nagulat ako nang makitang nakabukas ang pintuan. Tinungo ko ang loob at nakitang walang tao sa sala at kusina. Baka natutulog siya ngayon. Napag pasyahan ko na kumuha na ng isang basong tubig para mapainom ko na siya ng gamot.

Kumatok ako sa pintuan ng kwarto niya pero walang sumagot. Hinawakan ko ang siradura at pinihit ito. Nakangiti kong binuksan ang pintuan.

"Evander-"

Unti-unti ay nawala ang ngiti ko. Nabitawan ko ang hawak kong tubig at kita kong nagising sila dahil doon. Napaawang ang labi ko at naramdaman ko sa puso ko ang pag guhit ng mga matatalim na bagay doon.

"Adrianna.." he breathed habang pinipilit ang sariling umupo.

He look so sick but I felt more sick.

Namumutla siya pero sigurado akong mas namumutla ako ngayon.

Masakit ang pakiramdam niya pero 'di hamak na mas masakit ang nararamdaman ko ngayon.

"Oh hey, Montgomery." Bati sa akin ni Grace habang nakahiga pa.

"Ito pala ang gamot na pinabibigay ni Osiris. Inumin mo lahat." Kalmado pero madiin kong sinabi.

Binato ko sakanya 'yon at kita ko ang gulat sa mga mata niya. Nilingon niya si Grace habang dahan dahan itong umupo. Nangilid ang luha ko sa nakita ko. Kita ko rin ang gulat sa mga mata ni Evander.

"Oh! I'm sorry. Nasaan na nga ba ang damit ko?" Aniya habang tinatakpan ng kumot ang katawan niyang hubad.

Napatakip ako sa bibig ko at mabilis na tumalikod sakanila. Nag madali akong lumabas mg bahay na 'yon. Naramdaman ko ang unti-unting pagtulo ng mga luha ko. I just found myself crying so hard.

Crying for my heartbreak.

Crying for the pain.

Crying because of him.

Halos takbuhin ko ang taxi nang tumigil ito sa harap ko. Humihikbi akong sumakay doon at kita kong natigilan ang taxi driver.

"M-miss.. saan po kayo?" Hikbi lamang ang sinagot ko sakanya kaya nag drive nalang ito.

Napahawak ako sa puso ko sa sobrang sakit. Ramdam na ramdam ko ang paninikip ito at ang pag sakit nito.

Tinignan ko ang cellphone ko at kita ko ang pagtawag sa akin ni Evander. In-end ko ito at pinatay ang cellphone ko. Sinabi ko sa taxi driver ang address namin.

Pumikit ako at dinama ang sakit sa puso ko. Napatingin ako sa labas at pinanuod ko ang pag buhos ng ulan. Pati ba naman ang langit ay nakikiramay sa akin.

"Mam, hanggang dito lang po ang taxi." Aniya.

Tumango nalang ako at nag bayad. Lumabas na ako kahit umuulan pa. Malapit nalang naman ang mansyon kaya linakad ko na ito. Pwede naman mag tricycle pero mas gusto ko na mag lakad nalang.

Memory of what happened a while ago flashed on my mind. Tumulo nanaman ang luha ko sa sobrang sakit.

Narating ko ang mansyon at pumasok ako doon. Nakita kong natigilan ang mga nasa sala nang makita ako. Deretso lamang akong nakatingin sakanila habang basang basa.

"Oh my gosh!" Ani Alice sabay tayo. Pati sila ay nag madaling lumapit sa akin.

"Kumuha kayo ng twalya!" Sigaw ni Adrian. Lalo akong napahagulgol dahil sa pag-aalalang nakita ko.

Mabilis na kumuha ng twalya si Gelo. Binalot nila sa akin ito at yinakap ni Adrian. I felt safe in his arms. Naramramdaman ko pa rin ang sakit sa puso ko.

"Pasalamat ka at wala sila tita ngayon.." ani Carl habang pinapatong ang isa pang twalya sa buhok ko.

Si Tulip ay lumapit sa akin at pinunasan ang buhok ko. Bahagya akong ngumiti at hinawakan siya sa kamay. Humiwalay ako kay Adrian at pinagmasdan ang mga nag-aalala nilang mukha.

"Akyat na ako.." saad ko at tuloy tuloy na linagpasan sila.

Tinungo ko ang kwarto ko at pabagsak na umupo sa sahig. Nanghihina na ang buo kong katawan. Narinig kong may kumakatok.

"Not now!" Sigaw ko at humilig sa kama ko.

"Kami lang 'to. Agatha, Tulip and me." Rinig kong boses ni Alice.

Hindi ako sumagot at bumukas ang pintuan kaya nilingon ko ito. Agatha, Alice and Tulip entered my room.

"Ano bang nangyari sayo?" Tanong ni Alice habang tinutulungan akong tumayo.

Inupo niya ako sa kama ko at kinuha ulit ang twalya. Pinunasan niya ang buhok ko.

Huminga ako ng malalim at inalala ulit ang kanina. Kinwento ko sakanila lahat at kita ko ang pamimilog ng mata nila. Kinwento ko sakanila mula sa pag bukas ko ng pintuan ng kwarto ni Evander, nakita kong nakahiga at natutulog si Evander kasama si Grace, nakita kong walang saplot si Grace. Hanggang sa kung gaano kasakit ang puso ko ngayon.

"Walang hiya yang Claveria na 'yan! Aba! Dapat talaga hindi ka umalis doon! Dapat sinupalpal mo ang mukha ng babaeng 'yon at pina-overdose mo sa gamot si Claveria!" Ani Alice habang inis na inis.

"Dapat tinawagan mo kami.." ani Tulip pero umiling ako.

"Ayokong mag-alala kayo." Saad ko at alam kong hindi nagustuhan ni Agatha ang sinabi ko.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Mas mag-aalala kami kung makikita ka namin na ganyan." Aniya.

"Kaya pala tumawag siya kanina dito.." mahinang bulong ni Tulip. Kinurot ang puso ko dahil doon.

"Humihingi siya ng tawad pero ayaw naman niya sabihin kung bakit." Dagdag ni Alice.

Humiga si Agatha sa kama ko. "Dapat pala binaril ko yung cellphone ni Uno baka sakaling lumusot at matamaan siya." Aniya habang tumatawa.

Natigil lamang siya nang walang natawa sa joke niya.

"Ito kasi 'yan, ate. Why do you keep on loving the person who keeps on hurting you." Napapikit ako sa tanong ni Agatha.

"You can't control it Agatha.. ganon 'yon. Love will come with the most unexpected person and at the most unexpected time."

Si Tulip ang sumagot. Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko na pinansin 'yon.

Hindi ako kumibo at humilig nalang sa head board ng kama ko. Pakiramdam ko ay napagod ako ngayong araw na 'to.

Pagod ang katawan ko hanggang isip at puso. Damang dama ko talaga.

The pain in my heart is like a punching bag na patuloy binubugbog. Ang utak ko naman ay parang sirang plaka dahil paulit ulit na pumapasok ang imahe na nakita ko kanina.

What I hate is.. I'm not good with emotional pain. I can't deal with it. I would rather deal physical pain.

Ang nakakatawa ay parehas kong dama iyon. Pati katawan ko ay sumasakit tagos sa pagkatao at puso ko. I never thought it will hurt this bad.

I never thought love can hurt this bad.


"I want to give my all.. pero nauubos na ako."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top