Kabanata 4

Touch

Napatingin ako sa paligid. Pabalik na kami at nakasunod lamang ako sakanya. Namamayani ang katahimikan sa buong lugar. Yung tipong nakaka-ilang yung katahimikan.

"Pumayag ka.." Napalingon ako sakanya, tumigil ako maglakad para sa sinasabi niya pero tumigil siya sa gusto niyang sabihin.

"Anong sabi mo sa dad ko?" Pinilig ko ang ulo ko at sumabay sakanya sa paglalakad muli.

"I didn't answer.."

Totoo naman 'diba? Hindi ako sumagot.

"Oh.."

What was that? Ngayon ko lang narealize na sobrang hirap pala niyang basahin. He has this thing na parang.. off limits. Though, of course.. hindi naman talaga kami magkakilala.

"Bakit mo natanong?" Matapang kong tanong. Hindi ata ako makakatulog kung hindi ko malalaman ang tumatakbo sa isip niya.

He licked his lips.

Pakiramdam ko mali ang tignan siya.

"Wala naman. Of course I should know you. There's a big chance that you'll be dating my brother." Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. I don't know if he's mocking me or what.

"Hindi nga kami magde-date. I didn't agree. Hindi nga ako sumagot diba."

This is exhausting. Bakit ba ako nakikipag-argue sakanya tungkol sa bagay na to.

"Well you didn't disagree either. Hindi mo kilala si dad. Most of the time.. silence means yes for him."

Natigilan ako sa sinabi niya. May point siya. Hindi ko naisip ang bagay na yon. Siya kaya? May nirereto ba sakanya?

Humugot ako ng malalim.

"Sayo? I'm sure maraming nirereto sayo." Damn. Bakit ang daldal ko. Why can't I just keep this to myself.

Kabado ako habang hinihintay ang sagot niya. I'm trying my best not to look on his face. Pakiramdam ko tuloy ay napakahaba ng maze na to. I was just following him.

"No. Alam ni dad na hindi niya ako mahahawakan sa leeg. I am not like my brother na willing lahat gawin para kay dad. It's like.. I am the free one. Dad knows na lalayasan ko siya pag pinakelaman niya ako and that is not good for his image. He is a politician after all." I admire him more bacause of that pero hindi ko ito sasabihin.

"Imposible. Hindi mo naman malalayasan ang daddy mo. Paano ka mabubuhay mag-isa if you don't have your father's help"

He stopped kaya napatigil din ako. Lumingon ako sakanya at bigla akong na-concious sa tingin niya. Its like I am an open book to him.

"You're wrong about that. I have my own business. You know Evergreen?"

Evergreen? What? Wait.. sakanya 'yon?

"The restaurant that is currently beating every famous restaurant kahit kasisimula pa lang?" Balak palang namin nila Adrian kumain doon nung isang araw. Damn!

"Yes. That's mine."

"Saan ka nakakuha ng puhunan?" For a young age.. hindi ako makapaniwala. He is too much. Too much for everything.

"From my grandfather.. you know, inheritance" Nagkibit balikat siya at nagpatuloy ng maglakad kaya sumabay ako muli sakanya.

"Oh.. atleast he left something for you. Ngayon may negosyo ka for such a young age." I don't know where I got that.

"His death is injustice" kinilabutan ako sa sinabi niya. Maybe because that part was so sensitive.

"Things happen.. lahat may rason. He died for a reason I am sure" narating na namin ang dulo ng maze kaya liningon ko siya.

Natigilan ako dahil sa seryosong aura na bumabalot sakanya pero mabilis din itong nawala at napalitan ng ngiti. Ipinilig ko ang ulo ko.

Masyado siyang magaling mag-laro. Marunong siyang magtago ng totoong nararamdaman. He is too good na parang sanay na sanay na siyang itago ang nasa loob niya.

"Thank you.. I mean for my heels and for getting me out" kahit paano ay nawala ang iniisip ko. Napahawak ito sa batok niya at ngumisi.

"No worries. Mauna na ako sa loob" saad niya at tumango naman ako.

I watched him pass by me pero tumigil din siya.

Without looking back. "Ikaw ng bahala sa kapatid ko. Kahit mas matanda siya sa akin, he needs a lot of help. Especially in the part of.. having a back bone."

Sasagot pa sana ako pero mabilis na siyang bumalik sa loob. Napa buntong hininga ako at tumingin muli sa maze. Hindi ako makapaniwalang nangyari yon. The guy I was looking from a far two days ago was here and I had a heart to heart talk with him.

That's something.



"Saan ka ba kasi galing kahapon?" I faced Tulip. Kanina niya pa ako kinukulit tungkol sa bagay na to. Pababa kami ng hagdan ngayon. Lumabas daw ang mga lalaki while hindi ko pa nakikita sila Agatha.

"Ate!" Napalingon ako sa baba at nakita si Agatha at Alice na nagbe-bake with Tita Pia.

Lumingon ako muli kay Tul. "Naligaw ako sa maze. Yun lang."

She knows me too well. Pero hindi ko naman kayang sabihin sakanya yung tungkol sa nangyari kagabi.

"Oh! You're lying! Nakakainis ka! Mas lalo akong naku-curious. Hindi mo itatago kung walang nangyari."

Umiling ako at natawa ng bahagya. Naglakad na ako pababa muli para puntahan sila Agatha.

Damn! Pag naalala ko yung nangyari kagabi ay hindi ko mapigilang mapangiti. Para akong teenager na ngayon lang nagka-crush.

"Who's lying?" Tanong ni Alice pagkababa namin. Liningon ko si Tul at napailing ako.

"Ayan! Si Rian! Tinatanong ko siya kung saan siya galing kahapon pero nagsisinungaling siya." I crossed my arms. Sinubuan ako ni Agatha ng cookie kaya sinamaan ko nalang ng tingin si Tul.

Tul looked at me na parang binabasa niya ako.

"Naligaw ako sa maze. Ano bang hindi kapanipaniwala don?" Nakaka frustrate si Tulip! She is so sure na nakakatakot magtago sakanya.

"That! Yung twinkle sa eyes mo everytime you mention the word maze."

Damn! Twinkle? Saan naman nanggaling 'yon?

"Shut up you two. I know na sobrang nakakainlove ang maze runner pero kagabi pa kayo. Stop it okay." Saad ni Agatha kaya ngumiti ako. My sister really knows when to help me.

Natigilan kami nang tumunog ang doorbell. Napatingin ako sa orasan. It's quarter to 2pm. Sino ang bibisita sa ganitong oras?

"Hey kids."

Its dad.

Hindi na ako lumingon at tinulungan nalang si Tita Pia na mag ayos ng gamit. Hindi ko pa siya nakakausap simula kagabi. I don't know how to act in front of him.

"Dad sino yan?" Napalingon ako sa tanong ni Agatha. Napaawang ang labi ko sa taong kaharap ko ngayon.

Whynis he here? Akala ko ay nagkalinawan na kami ni daddy. Is he still pushing this?

"This is Mr. Osiris Ciro Claveria. Lalabas sila ng ate mo ngayon, Gath. May paguusapan sila." I clenched my teeth. Baka may masabi akong pagsisisihan ko sa huli.

Napatingin ako kay Osiris pero napataas ang kilay ko nang sundan ko kung kanino siya nakatingin. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapangisi.

"Dad? Don't tell me you support arranged marriage" wika ni Agatha. She was known as the most tactless. Pero para sa akin ay asset niya yon. She is not a pretender. Pag naiinis siya, galit o ayaw niya sa isang bagay ay sasabihin niya ito. Ganito din pag may gusto siyang isang bagay.

She is not afraid to detest anything.

She is true.

"No Agatha. They will just talk" sagot naman ni Daddy. Napalingon ako sa mga pinsan ko at kita ko ang pag-aalala nila sa akin. They know what happened yesterday dahil mabilis kumalat na nirereto sa akin ang anak ni Mr. Claveria.

"Oh please dad. Alam naman namin saan papunta to-" hinawakan ko sa kamay si Agatha. Baka mapahamak pa siya.

Tumingin ako kay Tita Pia at kita rin ang pag-aalala niya sa akin.

"Okay dad.. I'll come."

Para matapos na to. Nakakahiya naman at pumunta pa siya dito tapos tatanggi lang ako. If we need to talk about something then I should come.

"Hahatid ko po sila sa labas." Wika ni Agatha at hinila na ako para makalabas. Hinayaan naming mahuli si Osiris.

Pagkalabas namin ay mabilis niyang nilingon si Osiris at pinamaywangan niyo ito. I can see amusement in his eyes.

"Subukan mong hawakan ang dulo ng buhok ng ate ko. Babasagin ko ang bungo mo" Halos mapa-facepalm ako sa sinabi ng kapatid ko. Hindi ko alam kung nag pe-prepare siya sa pagpasok niya sa army o sadyang ganyan ang tabas ng dila niya.

"Oh really? I'm looking forward to see you do that" napataas ang kilay ko. Am I interrupting something here?

"You don't know me. Papasok ako ng army at ikaw ang unang target ko! 'Diyan ka na nga! Ingat ate!" Mabilis na pumasok si Agatha sa Mansyon kaya kami nalang ni Osiris ang naiwan.

"Ano bang paguusapan natin?" Tanong ko sakanya dahil mukhang wala pa siya sa sarili niya. Humakbang siya palapit sa akin pero nanatili lamang ako sa pwesto ko.

This is what I'm talking about.

Noong si Caden ang kaharap ko ay halos mangatog ang binti ko. Isang hakbang lang niya at napaatras ako but with Osiris, wala lang. I'm not even intimidated at all.

Shit! Now, I'm even comparing them!

"For formality, I am Osiris Ciro Claveria." Inabot niya ang kamay niya sa akin. Ngumiti ako.. I don't know if what I'm doing is right.

"Adrianna Montgomery" inabot ko ang kamay ko sakanya at kinamayan niya ako. Mabilis ko din itong binawi at tumingin sa kotse niya.

"Lalayo ba tayo or maguusap lang?" Ngayon pa lang ay gusto ko nang pumasok sa loob ng mansyon at mahiga nalang sa kama ko. I need to talk to Dad about this later.

"Let's talk while we eat. Pero bago iyon.. puntahan muna natin ang kapatid ko. Magpapalit kasi kami ng kotse" sa buong kaharap ko siya ay ngayon niya lang nakuha ang buong atensyon ko.

Pero hindi lang naman siguro si Caden ang kapatid niya hindi ba?

"Caden?" Lakas loob kong tanong. Naramdaman ko bigla ang pintig ng aking puso.

Bakas ang pagtataka sa mukha niya. Damn! I need to mask my emotion.

"Yes.. si Evander." Tumango ako sa sinabi niya at nauna sakanya na lumapit sa sasakyan. Napakagat ako sa labi ko. I'm gonna see him and its freaking today.

Pinagbuksan niya ako nang pinto kaya sumakay na ako. Nakatingin lamang ako sa harap dahil hindi ko alam kung paano ako makakikitungo sakanya. I feel so bad! Siya ang kasama ko pero ito ako at iniisip ang kapatid niya.

"Seatbelts" aniya at doon lamang ako nagising sa sariling pagiisip. Mabilis ko itong kinabit at doon niya palang sinimulan ang pagpapaandar sa sasakyan.

Kasabay ng pagandar namin ang paglakas mg kalabog ng puso ko.

"You know Evander?"

"Pinakilala mo siya 'diba? Noong tryouts." I can sense his curiosity.

"Oh yeah. Right."

What was that? Am I not convincing enough?

Mabilis naming narating ang lugar kung nasaan si Caden. I feel like floating habang pinagmamasdan ang Evergreen. So we will eat here. Great.

"Dito ba tayo kakain?" Tanong ko sakanya habang bumaba ako ng kotse. Hinarap ko siya bago isara ang pintuan ng sasakyan niya.

"Yeah." Matipid niyang sagot at bumaba na rin. Hinintay ko siya bago ako pumasok sa loob. Tapos na ang lunch time kaya hindi masyadong packed. Sumusunod lamang ako sakanya hanggang sa pumasok kami sa kitchen ng restaurant.

Anong gagawin namin dito sa kitchen?

Nilibot ko ang mata ko sa buong kitchen at namangha ako. Napaka organisado nito at malinis. Oh well, I forgot who owns this.

"Evander, I am with Adrianna." Napalingon ako sa kausap ni Osiris.

Naghurementado nanaman ang puso ko.

He was looking at me too. Tagos sa kaluluwa ang tingin niya. He was wearing a simple t-shirt and jeans with his apron on. So he's cooking?

He look so.. dashing.

"Yeah. I know her" sagot niya habang nakatingin pa rin sa akin. I want to return his intense gaze pero masyado akong nanghihina sa tingin niya.

"Nasa likod ang sasakyan. Just check on it." He said. Nanatili pa rin ang tingin niya sa akin. Even I, can't take away my eyes off him.

Naalis lamang ang tingin ko sakanya nang hawakan ako sa braso ni Osiris. Binaling ko ang atensyon ko kay Osiris.

"Dito ka muna. I'll just check on the car. Magpapalit kasi kami." Marahan lamang akong tumango at pinanuod siyang lumabas ng kitchen.

I don't know where to look. This is such a torture!

"I thought you didn't agree?" Doon ko lamang siya tinignan. His gaze were so hard na parang lulusawin ka nito. Napatingin ako sa paligid at nagtataka ako bakit wala ang mga staff o chef niya dito?

"Pinagbigyan ko lang si daddy. May paguusapan daw kami.." inalis niya ang apron niya at dahan dahan lumapit sa akin. Its like involuntarily I took a step back.

This isn't good.

"Anong paguusapan niyo?"

His eyes are still fixed on mine. Nahihirapan akong lumunok sa uri ng tingin na ibinibigay niya sa akin.

"Hindi ko alam. Kaya nga ako sumama para malaman" I need to act normal. Masyado na akong nadadala sakanya. His mere existence is making me weak.

Humakbang siya palapit muli sa akin. Sinubukan kong humakbang paatras pero hinawakan niya ako sa balikat ko. His touch sent different things on my body. I felt to alive just by his mere touch. Oh damn!

Nakita kong bumaba ang tingin niya sa braso ko. Why is he looking there?

Nakita kong nagtagis ang bagang niya. Ngumisi siya at muling binaling ang tingin niya sa akin. Ngumisi siya at kitang kita nanaman ang dimples niya.

"Let's erase what happened a while ago." Bumaba ang hawak niya papunta sa braso ko at marahang hinaplos iyon. I an only wearing a sleeveless dress so I felt it. I felt his warm skin against mine and it made my heart beat so fast.

Hinaplos niya iyon na para bang... damn! I think I get it now. Is it because Osiris..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top