Kabanata 39

Bumitiw

Isang buong linggo niya akong pinag sisilbihan. Well, he was always protecting me before pero iba ngayon, mas naging ma-alaga pa siya. Lagi niya akong sinusundo sa klase at sumasabay siya sa akin mag lunch.

Buti nalang ay hindi pa napapansin nila Adrian, baka mag kagulo pa. Huminga ako ng malalim at kinuha ang mga gamit sa locker ko. Kailangan ko pang pumunta sa council.

Natigilan ako ng may matamaan ako.

"Sorry!" Mabilis kong hingi ng tawad at yumuko ako para kunin ang gamit ko.

Tinulungan naman ako ng taong 'yon.

"No, it's okay. I am sorry." Aniya.

Kumunot ang noo ko. It was Hans, isa sa mga kaklase kong ilap sa akin. Maybe because of Evander. Ngumiti nalang ako at linagpasan siya.

"I'll help you, mukhang mabigat ang dinadala mo." Alok niya habang tinuturo ang gamit ko.

Umiling ako. "No need. Kaya ko 'to." Saad ko at nag patuloy sa paglalakad.

"Saan ka ba niyan?" Tanong niya sa akin habang sinusubukan habulin ang lakad ko.

Kumunot ang noo ko at nag taas ako ng kilay sakanya. Mabilis ko siyang hinarap at mukhang nagulat siya doon.

Ngumisi ako.

"Hindi kita isusumbong kay Evander. Kung natatakot ka about doon.. wag mo ng isipin." Wika ko at kita ko ang gulat sa mga mata niya.

"Woah! Yun ba ang iniisip mo? Na.. takot ako kaya tinutulungan kita?" Tanong niya na halatang hindi makapaniwala.

Tumango ako. Nasanay na ako, people are kind to me because of Evander and people will also get mad at me because of him. Ganon siya kalakas sakanila.

"You're wrong. My actions are genuine." Pinanliitan ko siya ng mata at natawa naman siya dahil doon.

"Akin na nga 'yan. I'll help you out." Aniya at kinuha ang gamit ko.

Nauna na siyang mag lakad sa akin pero ako ay pinag masdan ko lang siya. Nang mapansin niyang hindi ako sumusunod ay tumigil siya at nilingon ako.

Kung titignan si Hans ay para siyang anime character. Kamukha niya yung mga nakikita kong pinapanood ni Alice.

"Di ka ba susunod?" Tanong niya kaya napabuga ako ng hangin at humabol sakanya.

"Saan ka niyan?" Tanong niya.

"Council." Simple kong sagot at sumabay sakanyang mag lakad.

Hindi gaanong malaki ang katawan niya. Hindi naman kasi siya sporty, ang alam ko ay party boy si Hans. Siya ang lean type at atangkad din siya.

"Hans."

Kahit siya ang tinawag ng taong nasa likod namin ay natigil pa rin ako sa pag lalakad. The voice was deep and hard. Isa lang naman ang alam kong may ganoong boses tuwing galit.

"Claveria." Bati ni Hans sakanya.

Nag balik balik ang tingin ko sakanila. Ramdam ko ang tensyon kaya napalunok ako. Tumikhim ako para maputol ang masama nilang pag titigan.

"Umalis ka na. Ako ng mag hahatid sakanya." Malamig na sabi ni Evander.

Nakakapanibago na makita ko siyang ganito ulit. Sa buong linggo ay lagi siyang naka ngiti at masaya. Ako ang naka simangot at hindi siya kinikibo.

"Hindi ikaw ang mag sasabi niyan." Namilog ang mata ko sa pag sagot ni Hans.

Nilingon niya ako at ngumisi siya.

"Ihahatid kita 'diba?" Bahagyang umawang ang labi ko. Really Hans? Kailan pa siya naging ganito?

"Nag hahanap ka ba ng gulo? Baka nakakalimutan mo kung sino ako." Matigas na wika ni Evander.

Tumingin ako sa orasan ko at napa-kunot ang noo ko. Ako naman ang bumaling kay Evander at tinaasan siya ng kilay.

"Hindi ba ay may pasok ka? What are you doing here? Hindi mo pwedeng sabihing napadaan ka lang dahil sa kabila ang building mo."

Pinanliitan ko pa siya ng mata.

"May nag sabi sa akin na may umaaligid-" natigilan siya nang ma-realize niya kung anong sinabi niya.

Nawala ang galit sa mata niya at napalitan 'yon ng kaba. Napangisi ako lalo..

"Bumalik ka sa building mo. Pumasok ka sa klase mo." Deretso kong sabi.

"Okay, pagkatapos kitang ihatid." Aniya pero inirapan ko siya.

Aaminin ko at sobra sobra akong na-apektuhan sa ginagawa niya. Araw araw ay lalo akong nahuhulog sakanya lalo na tuwing nakikita ko siya sa harap ng room namin. Unti-unti na rin lulambot ang puso ko sakanya.

Naging pasensyoso siya sa akin. Madalas ay tinataray ko siya at minsan naman ay hindi ko siya kinikibo. Puro tango at kibit balikat lang ang sagot ko. Minsan nararamdaman kong gusto na niyang mainis pero lalo akong lumalambot pag nag titimpi siya.

Kahit kailan sa pag kakasama namin ay hindi ko na din narinig ang mama niya at si Grace. Sana ay 'wag na nga..

"No. Go back, Evander." Matigas kong sabi. Kita ko ang hindi niya pag sang ayon pero wala siyang nagawa.

Parang may kumurot sa puso ko nang tumalikod siya at naglakad palayo.

"Let's go." Sabi ko kay Hans at tinungo na namin ang council.

"Bakit hindi mo siya hinayaan ihatid ka?"

"Bakit mo siya sinagot?" Balik kong tanong kay Hans. This is the first time that I saw someone talked back at him.

"Lumakas yung loob ko kasi kasama kita. Now, your turn. Bakit hindi mo siya hinayaan?"

Ngumiwi ako at nag kibit balikat.

"I care for him. Kailangan niya ng mataas na grades para sa pag graduate niya. He needs it for his business kaya ayoko siyang mag cutting.. lalo na kung dahil sa akin.

I honestly said while smiling. Kita ko naman na natigilan din si Hans pero ngumisi lang siya.

"He's a one heck lucky guy." Aniya at naunang pumasok sa council room.

Napailing nalang ako at pumasok na rin.


"Lunch?" Tanong ni Alice sa akin habang nag liligpit kami ng gamit.

"Oh.. wait. Nandyan pala niyan si Mr. Waiting outside the classroom." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Alice.

"Alam mo?"

Buong linggo siyang busy sa org niya. Hindi naman niya nadadatnan si Evander na nag hihintay kaya paano niya nalaman?

"Coussy, everbody knows! It's Evander we're talking about kaya nakakapagtaka naman kung hindi kakalat ang pagiging alila at aso niya sa'yo."

Napaawang ang labi ko. I nearly forgot how famous he is. Ibig sabihin ba nito..

"And yes, alam din nila Adrian. Kaya nga siya nakipagusap last two days ago kina Uno. Evander was in a hot seat. Adrian, Clyde, Uno, Dos, Simon, Gelo and Carl were all there. It was really funny you know!" Ani Agatha habang tumatawa.

Napakagat ako sa ilalim ng labi ko. He really did that? Well, alam ko naman na malakas talaga ang loob ni Evander and maybe he's not scared pero hindi ko mapigilan ang humanga sakanya.

"Anong pinagusapan nila?" Tanong ko habang palabas kami ng pintuan.

"Ewan ko! Wala naman ako doon. Bakit hindi mo nalang siya tanungin?"

Napakagat ako sa ilalim ng labi ko. I was playing silent to him. Ang weird naman kung kakausapin ko na siya just because of that. Gusto ko pa sana na pahabain 'to..

"Where is he?" Tanong ni Alice.

Nilibot ko ang tingin ko sa labas ng klase namin at wala siya roon. Hindi ko alam kung bakit naramdaman kong nanikip ang dibdib ko at na dismaya ako.

Wala siya doon..

"LQ?" Tanong ni Alice sa akin.

Umiling naman ako. "Ewan ko. Hindi naman siya dapat nandito. Okay na 'to.. let's go."

Nauna na akong mag lakad papunta sa cafeteria. Nakakainis siya! Ito na nga ba ang iniiwasan ko. Ang masanay ako sa mga ginagawa niya..

Bakit wala kaya siya? Nasaan kaya siya?

Bumuntong hininga ako at kumuha ng tray.

"Lalim non." Naka ngising wika ni Alice sa akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin at ngumiwi lang siya.

"Kuha ka ng maraming pagkain.." mahina niyang bulong sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Why?"

"Look" aniya sabay nguso.

Sinundan ko ang sinasabi niya at nakita ko si Sky na kumakaway sa amin. Nakaupo sa siya lamesa kung saan madalas kaming pume-pwesto. Kasama niya si Evander na naka kunot ang noo habang tumitingin sa mga dumadaan.

Namuhay ang inis sa dibdib ko at umirap lang. Hindi ko alam kung para saan pero naiinis talaga ako.

Bahala siya diyan!

"Nakakainis!" Singhal ko habang kumukuha ng pagkain dahil kahit naiinis ako ay dalawang pinggan pa rin ang kinuha ko.

"Hindi matiis.." tudyo ni Alice sa akin.

"Hindi no. Para kay Sky to." Depensa ko at kumuha na rin ng dalawang juice.

"Pinag kuha ko na siya." Ani Alice.

Ngumuso ako at nag patuloy sa paglalakad papunta sa lamesa kung nasaan sila. Nagtama ang mga mata namin nang umupo ako sa harap niya. Si Alice naman ay sa tabi ko at kaharap si Sky.

Naiyukom ko ang mga palad ko nang umirap siya sa akin. Hah! Bahala siya. Ano nanaman inaarte arte niya?

Sa buong linggo na 'to ay ganyan siya. Sobra siyang naging ma-among tupa. Ngayon naman ay parang batang nagtatampo. Akala niya susuyuin ko siya? Baka nakakalimutan niya siya ang may atraso sa akin.

"Ayaw kumain nito." Ani Sky habang binibigyan naman siya ng pagkain ni Alice.

Gusto kong pansinin ang ginawa ni Alice pero nakuha ni Evander ang atensyon ko.

"Bayaan mo siya. Magutom siya." Inis kong sabi at inalis sa tray ang pagkain ko. Iniwan ko ang sakanya doon.

"Captain, may pagkain ka pala. Binili ni Rian oh.." saad ni Sky.

Kahit nakayuko at kumakain ay bahagya ko siyang sinilip. Hindi man lang niya ginalaw ang pagkain na 'yon.

Anong gusto niya? Ipang-serve ko pa siya?

"Kumain ka na." Mapag timpi kong wika. Bahagya siyang lumingon sa akin pero inirapan niya lang ako ulit.

Aba't!

Rinig ko ang hagikgik ni Alice sa tabi ko. Matalim ko siyang tinignan kaya natahimk siya. Humalukipkip ako sa harap ni Evander at napansin ko ang maya't mayang paglingon niya sa akin.

"Aba, Evander. Anong gusto mo? Ako pa ang mag pakain sa'yo?" Inis kong wika.

Ano bang problema niya?

Jealousy is just a way of telling someone that you're afraid that someone will make them happier than you do.

Kumunot ang noo ko sa narinig ko sa speakers. Bahagyang umawang ang labi ko.. I realized something..

Bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko napigilan ang mapa ngiti. Kita ko rin ang pag ngisi ni Sky sa tabi ni Evander.

Yung nangyari kanina kay Hans. Hindi kaya dahil doon ay hindi niya ako pinapansin? Pero.. malabo, hindi naman ganon si Evander. He will always have it his way. Kung may problema siya about doon ay siguradong may ginawa na siya.

Pero sabi ko sakanya.. pag may pinarusahan nanaman siya at walang sapat na dahilan ay hinding hindi ko na siya kakausapin.

Good Afternoon! This is Agatha Joan Montgomery. Enjoy your lunch!

"Sino pala yung kasama mong lalaking rineport kay Captain kanina? Pag katapos niyang lumabas ng roon ay mabilis din siyang bumalik pero.. naka kunot ang noo at busangot naman siya." Pang-aasar ni Sky habang nakangisi.

Kita ko ang panlalaki ng mata ni Evander at ang pag sensyas niya kay Sky na manahimik.

Hindi ko mapigilan ang lalong pag lawak ng ngiti ko. Nararamdaman ko ulit ang mga bubuyog sa tyan ko at ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko.

"Kumain ka na.." banayad kong wika at kinuha ang pagkain sa tray. Ako mimso ang nag lagay non sa harap niya at kita ko ang gulat sakanya.

Lalong humalakhak si Alice at Sky sa tabi namin. Pati ako ay pinipigilan ang pag tawa dahil sa pag pula ng mukha ni Evander.

"Bakit hindi ka sumabay kay Hans?" Aniya at umiwas ng tingin.

Tinaas ko ang kilay ko at kita ko ang pag tagis ng bagang niya. Bumuntong hininga ako at pinagmasdan siya.

"Bakit ko naman siya sasabayan? Sino ba siya?" Tanong ko sakanya.

Kita ko ang bahagyang pag litaw ng dimples niya pero pinilig niya ang ulo niya.

Kainis siya! Kailan pa siya natuto mag pa-cute?

"Nakakainis talaga ang Hans na 'yon!" Inis na wika niya.

Sinalubong na niya ang mga tingin ko at malambing niya akong tinignan. Lumambot ang tingin niya sa akin kaya naramdaman ko ang pag lakas ng tibok ng puso ko.

Ngumiti ako sakanya at kita ko ang pag iwas niya ng tingin.

"Nag seselos ako." Aniya.

Pinagdikit ko ang labi ko para pigilan ang pagtawa. Pero si Alice at Sky ay sadyang tumawa talaga kaya lalong namula si Evander. Tumikhim ako at hinawakan siya sa mukha.

Pilit kong hinarap ang mukha niya sa akin.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Galit ka sa akin, naisip ko na baka hindi mo na ako gusto kaya nag selos ako dahil nakikitawa ka kay Hans kanina. Naisip ko na ngayong galit ka sa akin ay malalayo ang loob mo at baka makahanap ka ng iba." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya.

Si Sky at Alice din ay natigilan.

Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan 'yon ng mahigpit.

"Natakot ako na baka bumitiw ka na."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top