Kabanata 38
Boss
"Adrianna?"
Mabilis akong nilapitan ni daddy. They were all in the living room. Marahan akong ngumiti sakanya dahil kita ko ang pag-aalala sakanya.
"We never wished for Don Claveria's death. It was all business. Kailangan nila ng tulong, binigay namin. Sinangla nila ang lupa nila and we accepted it. Pero alam mo din na kailangan namin ng pera noon. Hindi na kami umaasa sa business ng lolo mo."
Paliwanag ni daddy. I nodded. I understand them. Hindi ko naman sila sinisisi. I will never blame them.
"It's okay dad. I already said sorry-"
"What?! Bakit kailangan mong humingi ng tawad?" Putol ni Tito Ivor sa sinabi ko.
"They should be thankful. Kung hindi dahil sa atin ay wala silang tinutulugan ngayon. Para namang hindi sila nakinabang sa ginawa natin." Inis na dagdag ni Tito Ziel.
Mabilis siyang sinapok ni Tita Pia kaya natahimik siya.
Napakagat ako sa labi ko at napatingin sa mga pinsan ko. Seryoso lamang silang nakikinig.
"Para wala na pong gulo.." mahina kong bulong.
"Kahit kailan ay hindi namin naisip na humingi ng tawad. Wala tayong kasalanan sakanila at mas lalong hindi ko matatanggap na ikaw ang humingi ng tawad. Wala kang kasalanan! Hindi ko matatanggap na ang anak ko ang mag durusa dahil lang doon!"
Galit na galit na wika ni dad. Lumapit ako sakanya at hinawakan siya sa kamay. Kumalma siya dahil doon.
"Tapos na dad. Nasaktan sila.. nasaktan tayo. Tapusin na natin doon. Baka lumala pa." Huminga ako ng malalim at ngumiti ng marahan.
"Pasok na po ako sa kwarto ko." Mahina kong sabi at hindi na sila hinintay sumagot.
Sobrang bigat ng puso ko para kausapin at harapin ang isyu na 'yon ngayon.
Umakyat ako sa kwarto ko. Inalis ko ang sapatos ko at pabagsak na humiga sa kama. Kinumutan at yinakap ko ang sarili ko. Naramdaman ko nanaman ang pag patak ng mga luha ko.
Mahal kita
Naniniwala ako sakanya. Hindi siya nag sisinungaling sa akin nang sabihin niya 'yon. Hindi niya lang sinabi.. pinaramdam niya din 'to. Naramdaman ko kung gaano kasarap mag mahal ang isang Evander Caden Claveria.
Sa lahat ng mga bagay na sinabi niya sa akin ay 'yun ang hindi ko make-kwestyon dahil yun ang pinaka totoo.
Pero kaya bang takpan ng pagmamahal na 'yon lahat ng kasinungalingan sa amin? Gaano ba kalakas ito para mag tagumpay?
Paano ko malalaman kung anong gagawin?
Anong kayang gawin ng salitang 'yon?
"Anak?"
Napalingon ako sa pintuan ko at pumasok si mommy sa loob ng kwarto ko. Umupo siya sa tabi ko kaya umupo rin ako.
Yinakap ko ang mga tuhod ko.
"Kinwento ni Agatha sa akin ang nangyari sa inyo ni Evander"
Napayuko ako sa sinabi niya. Humigpit ang pagkakayakap ko sa tuhod ko. Naramdaman ko nanaman ang pag patak ng luha ko.
"Ma, ang sakit pala mag mahal." Napahikbi ako sa mismong sinabi ko.
Sobrang sakit ng puso ko na hindi ko na alam ang gagawin. Napaangat ako ng tingin dahil hinawakan niya ang kamay ko. Nakangiti siya sa akin.
"Ganon talaga 'yon. It wouldn't be love if it is not painful. Mag kakambal na ata ang dalawang 'yon."
"Ma, anong gagawin ko? Hindi ko alam.."
Hinaplos niya ang kamay ko at huminga si mommy ng malalim.
"Gaano mo ba kamahal ang lalaking 'yon? Handa mo ba siyang ipaglaban? Sa tingin mo ba ay karapat dapat siyang ipaglaban? Tanungin mo 'yan sa sarili mo.. pakinggan mo ang sinasabi nito." Aniya sabay tapat ng kanyang kamay sa dibdib ko kung saan mararamdaman ang tibok ng puso ko.
"Anak, ito ah.. sasabihin ko 'to sayo. Kita ko sa lalaking 'yon kung gaano ka niya kagusto. Nang makita ko ang titig niya sa'yo? Tinanggap ko na siya sa pamilyang 'to. Naniniwala ako sakanya na mahal ka niya." Napangiti ako ng bahagya sa sinabi ni mommy. I felt it again.. the butterflies in my stomach.
Natigilan kami nang tumunog ang cellphone ko. Caden's name flashed on it. Napalunok ako at mariing pumikit.
Sinara ko ito at tinabi. Nakita ko naman ang gulat kay mommy.
"Why didn't you answer it?" Tanong niya.
Umiling ako. "It's not yet the time. Kailangan siya ng mama niya. Besides, fresh pa ang mga nangyari. Walang maaayos kung mag mamadali kami.." paliwanag ko.
I want to have the best decision. Pagdating naman sakanya.. wala akong gusto kung hindi ang best. I don't want to be impulsive.
"I am proud of you.. tandaan mo ito, Adrianna. The best love has the most pain. Pag ikaw naramdaman mo ang sakit ng pagmamahal at nalagpasan mo 'to. Doon mo masasabi na totoo ang pagmamahal na 'yon."
Lumapit si mommy sa akin at yinakap ako. I felt the comfort I need. I don't know what to do without her.
"Thank you ma.. I need that." Mahina kong wika.
Humiwalay siya sa akin at tumayo. Binuksan niya ang pintuan at napaawang ang labi ko. Lalong nanubig ang mata ko dahil sakanila.
"Happy Birthday, Adrianna!" Sigaw ng mga pinsan ko.
Kahit naiiyak ay nakuha ko pang tumawa. May dala silang cake at pinagkanta ako ng happy birthday. Lumapit si daddy sa akin at umupo sa tabi ko.
He kissed my temple.
"I love you. Now, make a wish." Ani daddy.
I smiled. "I love you all." Wika ko.
Pumikit ako at humiling..
Sana ay maging maayos ang lahat. Wala na akong hihilingin kung hindi ang kasiyahan para sa lahat ng tao sa paligid ko. Kasiyahan hindi lang para sa akin kung hindi para sa lahat. Lalong lalo na sa pamilya ng mga Claveria. Punong puno sila ng galit.. hinding hindi sila mabubuhay ng masaya kung ganoon ang laman ng puso nila.
Nag mulat ako at hinipan ang kandila. Pumalakpak sila kaya napailing ako.
Atleast.. they are here. Yumakap ako kay daddy at nakiyakap din si Agatha. Natawa ako at hinigpitan ni dad ang yakap sa amin.
"Thank you.." bulong ko.
"Hi Adrianna" napalingon ako at nakita si Shey na palapit sa akin.
Ngumiti lamang ako at sabay kaming pumasok sa cafeteria. Lunch time ngayon pero hindi kami sabay sabay kumain nila Agatha dahil may kanya-kanya silang gagawin. Ako naman ay tapos na ang meeting sa council.
"Bulung-bulungan dito sa campus na war kayo ni prince charming. Dahi doon ay maraming nag saya." Aniya sabay iling.
Hindi na nakakapag taka 'yon dahil hindi na nila kami nakitang magkasama at narinig kong buong araw siyang bad mood. Paano naman sila naka sigurado na ako ang rason non? Malisyoso nalang talaga sila.
"Bayaan mo na.." mahina kong sagot at lumakas na para makapag order.
"Wala daw kayang makipag-usap sakanya. Natatakot- Oh my gosh!" Naputol ang sasabihin ni Shey.
Napaawang ang labi ko dahil sa bilis ng pagkatakid ko. Napaupo ako sa sahig at naramdaman ko ang sakit ng likod ko na kahapon ko pa dinadaing dahil din sa pagkakatulak ng mommy ni Caden.
"Aba't! Lagot kayo kay Claveria!" Sigaw ni Shey sakanila at tinulungan akong tumayo.
Pinagpag ko ang palda ko at inayos ang sarili ko.
"Claveria? Basura nalang 'yan na tinapon na ni Evander. Sawa na 'yon kaya hindi ka na siguro pinapansin. Sabi ko na nga ba.. hindi ka magtatagal." Saad ng babae sabay irap sa akin.
Ngumisi ako at tinalikuran siya. Wala akong pakielam sakanila. Nakakapagod silang pansinin at pakielaman. Bahala na sila sa kung anong gusto nilang sabihin.
"Mag sumbong tayo kay prince charming!" Wika ni Shey sa tabi ko.
"Wag na. Bayaan mo nalang sila." Sabi ko at pinatungan ng pinggan ang kamay niya para matahimik na siya.
Ayoko siyang isipin, ayokong marinig ang pangalan niya at ayaw ko siyang banggitin dahil naninikip ang dibdib ko at parang konti nalang ay sasabog na ako.
Pero nakadikit na ata ang pangalan ko sakanya. Hindi na mag babago 'to. Lahat ng galaw ko ay iisipin nang mga tao ng meaning. Lahat ay patungkol sakanya..
May humarang sa harap ko na grupo ng mga lalaki. Tinaasan ko sila ng kilay. Ngumisi ang isa sakanila at kinuha ang pinggan ko pati na rin ang kay Shey.
"Sira ulo ka ba? Sa amin 'yan!" Singhal ko sa lalaki. Inuubos ng mga tao ang pasensya ko dito!
"Hawak ko na. It means.. sa akin na." Saad nito at nakipag-apir pa sa mga kasama.
"Wag na tayo lumaban.. pumapatol sa babae ang mga 'yan." Bulong ni Shey sa akin.
Pinanliitan ko ito ng mata. Timpi Adrianna. Timpi.
"Ibabalik niyo 'yan o paghuhugasin ko kayo ng pinggan sa loob ng isang buwan?" Rinig ko ang pag singhap ng mga tao sa paligid.
"Isang taon na pare." Rinig kong komento ng kasama niya.
Natigilan ako sa kinatatayuan ko. Ramdam ko nanaman ang kiliti sa aking tyan. Rinig ko ang hagikgik ni Shey sa tabi ko. Nandito siya..
Gusto ko siyang lunginin pero hindi ko din kaya..
Kanina ko pa siya gusto makita pero wala akong lakas ng loob na tignan man siya. Hindi ko na nga maintindihan ang sarili ko.
"E-evander.. sorry." Saad nito at mabilis na binalik sa amin ang pinggan.
Walang sabi-sabing umalis ang mga 'yon. Napabuga ako ng hangin at napatingin sa paligid. Lahat sila ay nakatingin sa akin, bahagya pang nagtama ang mata namin ng babaeng nag takid sa akin kanina at mabilis siyang lumabas ng cafeteria.
Really? Ganon siya katakot?
Natigil ako sa pagiisip nang may humawak sa kamay ko. Napalunok ako dahil doon. Nakakapanibago ang hawak niya sa akin.. parang ang tagal tagal na. Na miss ko lang siguro siya..
"Hey Ri!" Bati sa akin ni Sky at ngumiti lang ako. Kasama niya pala 'to.
"Kumain ka na?" Banayad na tanong niya sa akin.
Hindi ko maiwasan na kumunot ang noo sa tanong niya sa akin..
Nilingon ko siya at sinalubong ang mga mata niya. Napakagat ako sa labi ko. Kita ko ang pagod at puyat sa mga mata niya. Ano kayang nangyari kagabi? Natulog kaya si Grace sa bahay niya? Hindi naman siguro..
Ano kayang ginawa niya doon?
"Bro, halata namang hindi. Wala pa ngang laman ang pinggan niya diba?" Tudyo ni Sky at matalim naman niya itong tinignan.
Mabilis din niyang binalik sa akin ang tingin. Para akong malulusaw sa tingin niya. Umiling nalang ako bilang sagot.
"Ikaw?" Mahina kong bulong.
Ano bang nangyayari? Dapat ay hindi kami nag uusap ngayon. Dapat ay lumalayo ako sakanya at pinapabayaan nalang siya pero hindi ko maiwasan na mag-alala.
Umiling ito kaya napataas ang kilay ko. Kung umiling siya ay parang nagsusumbong na bata sa nanay.
Kita ko ang paglitaw ng dimples niya. Sinamaan ko nalang siya ng tingin at nauna ng mag order. Ramdam ko naman ang pagsunod niya sa amin ni Shey.
May ganito pala siyang side?
"Kakilig." Rinig kong bulong ni Shey sa akin. Umiwas nalang ako ng tingin dahil ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko.
"Ayan, nasagot na ang tanong mo. Nag-aalala pa siya pare." Natatawang wika ni Sky sa likod.
Binalingan ko sila at kita ko ang pagbabawal ni Caden sakanya. Natigilan lamang siya nang mapansin na nakatingin ako sakanila. Umirap nalang ako at tuloy tuloy na tumungo sa isang table.
"Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" Tinaasan ko lamang siya ng kilay. Ang boses niya ay parang mapanuyo.. nakaka lambot ng puso. Gusto na ngang bumaliktad ng tyan ko dahil sa mga bubuyog na naglalaro dito.
Ang boses niya sa pakikipag usap sa akin ay malayong malayo sa boses na ginamit niya sa mga lalaki kanina.
"Hindi mo ba ako kakausapin?" Tanong niya sa akin. Sinubukan kong sumagot pero naunahan ako ni Shey.
"Badtrip kasi 'tong si Adrianna. May nag takid sakanya at sinabihan siyang basura na tinapon mo na. Sinadya siyang banggain, kitang kita ko. Napaupo pa siya sa sahig! Sigurado ako maskit 'yon!" Inis na wika ni Shey.
Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Pinanlakihan ko siya ng mata at sinenyasan siyang manahimik. Ngumisi siya at nag kibikit balikat.
"What? Sino? Anong pangalan-"
"Wag na. Pabayaan mo na." Pagpigil ko sakanya. Kita ko nanaman ang galit sakanya.
Nagtagis ang bagang niya at tumayo pa. Ano 'to? Hindi siya magpapapigil?
"Uupo ka o hindi na kita kakausapin kahit kailan?" Seryoso kong tanong sakanya.
Kita ko ang pagpipigil niya at ang pag lambot ng ekspresyon niya. Umupo siya at kumain nalang. Lihim akong napangiti at pinagpatuloy ang pagkain.
"Wow.. ang galing mo." Bulong sa akin ni Shey kaya kinindatan ko siya.
Halos nakalimutan ko na ang nangyari kahapon. Sa aming dalawa ay malinaw na walang problema.. sa mga tao na nakapaligid sakanya, Oo.
Sa nakaraan niya ay malaki ang problema pero sabi nga ni mama ay tanungin ko ang sarili ko at nasagot ko ito kagabi habang nag-iisip ako sa ilalim ng buwan.
Tinanong ko ang sarili ko..
Gaano ko ba siya kamahal?
Mahal na mahal. Isipin ko palang na bibitaw ako sakanya ay namamanhid na ang puso ko sa sakit. Mahal na kayang gawin ang lahat, kayang umintindi at magpatawad.
Handa mo ba siyang ipaglaban?
Natatakot ako pero para saan pa ang pagiging Montomgery ko? Para saan pang mahal ko siya? Hangga't may kaya akong ibigay ay gagawin ko. Para sa huli.. masasabi kong nagawa ko. Kung hindi naman ay.. masasabi kong, sinubukan ko.
Sa tingin mo ba ay karapat dapat siyang ipaglaban?
Sobra sobra.. tanga nalang ako kung hindi ko siya ipaglalaban.
"Mukhang sa unang pagkakataon ay walang paparusahan si Captain." Nakangising wika ni Sky.
Tumingin sa akin si Caden at sinalubong ko ang mga tingin niya kahit ramdam ko ang paglakas ng tibok ng puso ko. Kahit na hindi ako makapag isip ng maayos ay pinilit kong panindigan ang titig na binibigay niya sa akin.
"She's the boss. Siya na ang nag sabi, wala na akong magagawa."
One piece of my heart was fixed.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top