Kabanata 33

Assumptions

"A-ano po?"

Hindi ko alam kung bakit ako nauutal. Pinilit kong kumawala sa pagkakahawak ni Caden pero hindi niya ako binitawan. Napatingin ako sa mama niya at kita ko ang galit doon. Pagkamuhi..

Gusto ko malaman kung para saan ang galit ng nanay niya sa akin. Kung bakit niya nasabi 'yun tungkol sa akin. Lalo lamang gumulo ang utak ko. Lalong dumami ang tanong sa isipan ko.

"Ma! Get out." Mahinahon pero madiin na wika ni Caden.

"Evander! She is-"

"No ma! Umalis ka na! Don't you dare hurt her!" Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ko akalain kaya niyang sagutin ang mama niya. He was so angry. Ramdam ko ang pagpipigil sakanya.

Bahagya kong tinignan ang ina niya at kita ko ang galit sa mga mata nito. Ang ugat sa leeg niya ay halos mapatid dahil sa pag pipigil. Kung wala lang si Caden sa harap ko ay malamang kanina pa ako nakahandusay.

"Ako nalang po ang aalis." Mahina kong sabi. Hindi uubra ang kagustuhan kong malinawan sa panahong 'to.

I don't have the right to demand the truth from her mother.

"No! Hindi ka aalis!" Sabat ni Caden at lalong hinigpitan ang hawak sa akin. Habang tumatagal ako dito pakiramdam ko naninikip ang dibdib ko.

"Buti naman alam mo kung saan ka lulugar, Montgomery." Napaawang ang labi ko sa sinabi ng nanay niya.

It's not just a small misunderstanding. May pinaghuhugutan ang galit na nararamdaman ko mula sakanya. Binaba ko ang pagkakahawak ko sa damit ni Caden at inalis ang pagkakahawak niya sa akin.

Ayaw niyang tanggalin pero ginamit ko ang buong lakas ko para tanggalin 'yon.

"Pasensya na po.." mahina kong saad at mabilis na lumabas doon.

Hindi ko alam anong iisipin ko. Si Caden, ang nanay niya, ang mga tanong sa utak ko.

Sa bawat hakbang na ginagawa ko ay lalong sumisikip ang dibdib ko. Parang may tali na himihila dito.

"Grace!" Narinig kong tawag niya sa akin. Nagmadali ako lalong maglakad. Shit! Bakit walang taxi dito sa lugar nila? Kung kailan ko kailangan tsaka walang dumadaan!

"Damn it! Grace!" Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglakad.

Hindi ko siya kayang harapin. Hindi ko kaya..

Habang naglalakad ay nag text ako kay Tulip na sunduin ako sa bahay ni Caden. Adrian knows his address kaya hindi sila mahihirapan maghanap.

Just the thought of them fetching me can make my heart calm. Sila lang naman ang mapapagkatiwalaan ko..

"Grace-" nahawakan niya ako sa braso at mabilis na pinihit paharap sakanya pero marahas kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya dito.

Kita ko ang gulat sa mga mata niya.

"Wag mo akong tawagin sa pangalang 'yan!" I'm a bomb. Konting konti nalang ay sasabog na ako.

"Okay.. sorry. I'm sorry. Come back, papaalisin ko si mama. In the first place ay dapat hindi kayo nagkita." Aniya.

Gusto kong magtanong kung bakit hindi dapat pero alam kong hindi ito ang tamang panahon.

Nanglambot ang puso ko sa munting pag hingi niya ng tawad. But I need to be firm with my feelings right now. For myself..

Nasa loob lang ang nanay niya at hindi magandang unahin at piliin niya ako. It will hurt his mom a lot.

"No need. Susunduin ako nila Adrian." Sinalubong ko ang mga titig niya at kita ko ang sobrang pag-aalala sa mga mata niya.

Marahan akong ngumiti at humakbang patalikod. I never imagined that I will receive his affection and love.

"Go back there. Mag explain ka sa mama mo. Hindi ko alam kung anong kailangan ipaliwanag sakanya pero sa galit na mayroon siya sa akin.. pakiramdam ko dapat ay mayroon. Ako mismo, kailangan ng paliwanag pero hindi ko hihingin 'yon sayo. Unahin mo muna ang mama mo."

Kita ko ang pag baba ng tingin sa mata niya. Alam kong may tinatago siya sa akin at nasasaktan ako ng lubusan doon. Gusto ko man siya hawakan ay hindi ko magawa. Baka pag hinawakan ko siya.. hindi ko na siya pakawalan pa.

Huminga siya ng malalim at tumitig sa akin. Isang titig na tagos hanggang kaluluwa. Like whatever he's gonna tell me is what can make us together.

"Mahal kita. Yun lang ang dapat mong isipin."

Mariin akong napapikit sa sinabi niya. Kaya ko ba 'yon? Na yun lang ang iisipin ko? Paano ang mga tanong sa utak ko? Paano lahat ng gumugulo sa akin?

Dito ko ba i-aapply ang Montgomery rule?

When love comes in, there are no factors, no inhibitions. You just love and conquer.

"Hey, you're scaring me. Please talk to me.." Aniya at humakbang papalapit sa akin. Napasinghap ako sa bilis niyang makalapit sa akin.

Kita ko ang pagsusumamo sa tinig at nata niya.

Nakikita ko nanaman ang importansya ng katotohanan. Unless malabas ang katotohanan, hindi kami magiging masaya. May hahadlang at hahadlang.

"Please speak.." he was almost begging and it hurts me to hear him like this.

Hinaplos niya ang mukha ko at dahil doon ay napa-pikit ako. My heart was beating so fast because of his touch but this is not the time to savor this.

Kung ano mang gulo ang meron sa isip ko ngayon, alam kong malapit ng masagot 'yon. I can feel that it would be so painful and I am hoping that I am wrong.

"Okay.. mahal din kita."

Nakapag-desisyon na ako. I'm going to hold on. Panghahawakan ko ang pagmamahal niya sa akin. Panghahawakan ko ang mga salita niya sa akin.

"That's what I want to hear." Aniya at kita ko ang marahan niyang pag ngiti. Hinaplos niya ang pisngi ko at linapit ang labi niya sa noo ko.

He kissed it and I just felt secured.

Natigilan ako ng may bumusina sa likod namin. Binuksan ng mga pinsan ko ang headlights kaya bahagya akong nasilaw. Liningon ko sila at kita ko na ang driver ay si Adrian.

Binaling ko muli ang tingin kay Caden. "Pumasok ka na. Ako ng magsasabi na may gagawin ka pa. I'll be okay.."

I will be. I need to be.

Kita ko ang pag dadalawang isip sakanya pero alam ko na alam niyang wala siyang choice. His mom is there and my cousins are here.

"Let's talk tomorrow." Aniya. Tumango ako at pinanuod siyang umalis.

I never thought seeing him leave can make me so sad and lonely. Can make me feel this way..

Tumalikod ako at tinungo ang mga pinsan ko. Pinagbuksan ako ng pintuan ni Simon kaya pumasok ako sa likod ng sasakyan. They brought the Chevrolet para magkasya kami. Kung walang gumugulo sa utak ko.. ang sarap nilang tawanan.

"Anong nangyari?" Seryosong tanong ni Adrian habang pinapaandar ang sasakyan.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa labas. Sa munting pagtanong niya ay parang bumalik lahat ng sakit na nararamdaman ko. Ngayon ko lang naramdaman ng todo ang hirap na pinagdadaanan ng puso ko ngayon.

"Wala."

Sa boses ko palang ay alam kong hindi na sila maniniwala. I'm not a great liar. Naramdaman ko ang paghawak ni Alice sa akin sa kamay.

Linginon ko siya at ang mga pinsan ko. They were looking at me like I am something like a glass that can break. Uno was just silent at the back, pati na si Simon at Clyde. Lahat sila ay pinapakiramdaman ako.

"Tell us.." mahinang wika ni Alice. Bakit ganito? Bakit nanunubig ang mata ko?

Huminga ako ng malalim at napakagat sa ilalim ng labi ko.

"I met Ivor's mom."

Panimula ko at rinig ko ang pag mura ni Clyde sa likod ko.

"So ayaw niya sa'yo? Ganon ba 'yon? Alam ko na 'to. Nakita ko na sa pelikula." Ani Clyde habang iritadong iritado.

"Wag OA, pakinggan muna natin siya!" Pagbabawal ni Alice sakanya. Kita ko ang paglingon ni Adrian pero nakuha mo pa siyang samaan ng tingin.

Baka mabangga pa kami.

"Spill the beans, Ri. Sinaktan ka ba?" Tanong ni Uno. Umiling ako at napababa ng tingin.

"Hindi ko alam kung anong problema. Pagkapasok palang namin doon at nakita palang ako nung mama niya ay kita ko na ang galit sa mata niya. She told me that she knows, I am a Montgomery and my aura shouts injustice and cruelty. She was so angry, kitang kita ko sa mata niya 'yon. Nakita ko sa din sakanya na hindi lang dahil ayaw niya sa akin para kay Caden, it's more than that. Malalim ang pinaghuhugutan niya."

Paliwanag ko.

Marami pa akong kinababahala pero hindi ko kayang mag-alala sila sa akin. Sandali silang natahimik, alam kong napapaisip din sila ngayon. Humigpit ang hawak sa akin ni Alice.

"Galit siya sa pamilya natin." Saad ni Dos. It's a statement, hindi siya nagtatanong.

"I suddenly remembered.." napalingon ako kay Gelo. Kumunot ang noo ko.

"What?" Tanong ni Simon na parang gustong gusto ng malaman.

I can sense na bina-balanse ng kapatid ko kung ano man ang naalala niya.

"Evander hated us first right?" Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Tama siya..

Caden hated us. Pero sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay nakalimutan ko na 'yon. Dahil sa sobrang epekto niya sa akin ay nawala na sa isip ko 'yon.

Hindi ko alam kung para saan ang pagbagsak ng puso ko. I'm still doing a good job stopping my tears.

Bakit bigla nalang niya akong pinansin? Bakit nawala ang pagka ayaw niya sa amin? Bakit sila galit sa pamilya namin?

His dad- rinereto pa ako kay Osiris. Why suddenly? Galit din ba ito sa amin? Damn! This questions are so frustrating!

"Wait, sobra na akong naguguluhan." Rinig kong saad ni Agatha.

"Ako din, napuno ang utak ko." Dagdag ni Tulip.

Paano pa ako? Gulong gulo ako. Instead na mabawasan ang mga tanong ay lalong dumadami ito. It's getting heavier and unbearable.

"There's more to this.." saad ni Carl.

"Nakikita palang natin ang surface ng problema. Nakakatakot." Dagdag ni Agatha.

Ayoko na silang idamay sa problema ko pero alam kong hindi naman 'yon maiiwasan. Ang pinag uusapan dito ay ang pamilya namin, it's not just me and Caden.

"Bakit bigla niya tayong pinasok sa basketball? Dati akala ko dahil sa nagustuhan niya si Rian at nakita niya na asset tayo pero ngayon, hindi ko na alam." Wika ni Dos. Umiling ako.. hindi ko kaya ang sinasabi nila.

Nasasaktan ako para kay Caden.

"No, he won't do that." Sobrang sakit na ng puso ko. This is getting out of hand.

"Ri! Don't be blind. Kung hindi man ganon ang rason niya. Alam ko, sigurado ako, may alam siya kung bakit sinabihan tayong injustice at cruel ng nanay niya. It's not a simple judgement. Pinaparatangan tayo na para bang may ginawa tayong masama sa pamilya nila!" Galit na wika ni Adrian. Napatahimik ako dahil doon.

I can feel my twin's frustration and anger.

Natahimik ako hindi dahil wala akong masabi, kung hindi dahil alam kong may posibilidad na ganon nga. Parang winawasak ang puso ko unti-unti.

This is why, ayoko ng sabihin pa sakanila.

"Wag tayong mag away-away. Ri, needs us. Siya ang pinaka apektado dito. Kung ano man ang kinagagalit ng nanay ni Evander. Malalaman din natin 'yon." Wika ni Clyde at tinapik ang balikat ko.

"Sasabihin ba natin sa elders?" Tanong ni Carl pero maagap akong umiling.

"No.." mahina kong saad. Hindi pa ito ang tamang oras. Wala pa nga kaming ebidensya o kahit anong malinaw na impormasyon.

Everything we have is based on our assumptions and conclusions.

"Tama si Ri. Wag muna.. we need to know more. We need to dig in." Pangangalawa sa akin ni Alice.

Napatingin ako sa labas dahil hindi na ako makahinga sa usapan namin.

Naalala ko siya.. ano na kayang nangayari? Nakapag usap kaya sila ng nanay niya? Sasabihin niya kaya sa akin kung mag tatanong ako?

"Anong balak mo Ri?" Tanong ni Carl sa akin. Napakagat ako sa labi ko at sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

Alam kong sinabi ko kay Caden na pagkakatiwalaan ko siya at ang pagmamahal niya pero hindi ako matatahimik ng ganito. I need to know the truth. Alam kong maaring masira kami nitong kagutushan ko na malaman ang totoo pero this is me..

I'll die not knowing the truth.

Mahal ko siya pero kailangan ko ang katotohanan para sa aming dalawa. Para masabi ko sa mga tao sa paligid ko na totoo ang pagmamahal niya sa akin. Na wala siyang hidden agenda gaya ng konklusyon ng mga pinsan ko.

Para makawala ako sa pagkakabihag ko sa mga tanong na gumugulo sa isip ko.

I need to know the truth for us.

I need to risk everything.

My love, trust and his words.

Huminga ako ng malalim at naramdaman ko ang pagtakas ng isang patak ng luha sa mata ko.

"Alamin natin kung ano ang nakaraan sa pagitan ng mga Claveria at Montgomery."

I suddenly felt another piece of my heart fell.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top