Kabanata 32
Injustice
"You really love cooking?"
Tanong ko sakanya. I mean it's very very obvious that he loves it but I'm curious.. paano niya 'to nagustuhan.
"Yes.. nagustuhan ko ang pagluluto dahil sa lolo ko tapos.. minahal ko na." Napangiti ako. I watched him move on his kitchen.
Alam na alam niya ang ginagawa niya. I can see his passion on it.
"Paano namatay ang lolo mo? If okay lang tanungin.. kasi diba, you told me before that his death was injustice?"
Damn. Hindi ko alam kung tama ba ang tanong ko or kung tama ba ang pagkaka tanong ko. I just felt like asking him. I want to know him more..
Kita ko na natigilan siya sandali. Parang sumikip ang dibdib ko, maybe it's a wrong question. Mahal na mahal niya ang lolo niya dahil ito ang nagparamdam sakanya ng pagmamahal. Maybe the wound was still open. Baka sensitive pa siya sa topic?
"Kung hindi mo kayang sagutin. Ayos lang.. sorry." Mahina kong wika. Napakagat ako sa ilalim ng labi ko.
I'm facing his back that's why I can't see his expression. Hindi ko alam kung galit ba siya o nainis sa tanong ko. Maybe sad?
"Heart attack. Yun ang dahilan ng pagkamatay niya." Kumunot ang noo ko dahil doon. Gusto ko pa sana magtanong kung paano naging injustice 'yon pero pakiramdam ko mali na tanungin 'yon.
Huminga nalang ako ng malalim at umayos ng upo dahil lumingon na siya sa akin at naglagay ng pagkain sa harap ko. Ngumiti ako at pinagmasdan ang pagkain. Tingin palang.. masarap na.
"Kain ka na din.." sabi ko dahil nakatingin lamang siya sa akin. He sat across me.
"Tikman mo muna.." lalong lumawak ang ngiti ko at tumango tango.
Kinuha ko ang kutsara at kumuha ng konti sa pasta na linuto niya. I took a small bite, nanlaki ang mata ko at ngumiti lalo.
I savored the taste. It was so good! So so good!
"Yummy! Delicious! Congrats Mr. Claveria." Natatawang wika ko. Ngumisi siya at kumain din.
Kumunot ang noo niya nang natikman niya 'yon. Ako naman ay sayang saya sa kinakain ko.
How can he cook so good?
"You're exaggerating!" Saad niya at umaktong hindi nagustuhan ang sariling luto.
Napabuga ako ng hangin. Kumuha ako sa pinggan ko at sinubuan siya. Nagulat siya sa ginawa ko at kita ko ang paglitaw ng dimples niya sa bawat nguya niya.
"Sarap diba! Alam mo na 'yan no. Hindi ka naman sisikat ng ganito kung hindi masarap ang luto mo." Wika ko habang pinagmamasdan siya.
Napapangiti ako tuwing ngumingiti din siya. Kinikilig ako pag tinitignan niya ako. Tama pa ba 'to? Makatarungan pa ba 'to?
"It's yummier when you feed me." Natatawang wika niya. I made a face and rolled my eyes.
"Bolero ka. No wonder, you're Chef Caden, the hottest chef in the world." Saad ko. Hindi ko napigilan ang mapahagikgik sa sinabi ko.
"What are you? Ms. Adrianna Montgomery, confindently beautiful with a heart?" Tanong niya sa akin. I took a bite again then sinubuan ko siya ulit.
Tumayo ako at kumuha ng wine sa tabi.
"May I?" Tanong ko sakanya.
Tumango siya. "You can touch everything. Lahat 'to, sayo din."
Siguradong pinamulhan ako sa sinabi niya. Ngumiti ako at pinaglagyan siya ng wine sa baso niya. Naglagay din ako sa akin at umupo na ulit sa harap niya.
"I am Ms. Adrianna Montgomery, a woman who loves truth." Wika ko habang pinipigilan tumawa.
Pero natigilan ako nang sumeryoso ang mukha niya. Did I said something wrong? Totoo naman 'yon. It was my trademark. I'm always hungry for the truth.
Kulang nalang ay maging paborito kong type of exam is True or False. Though it was supposed to be a joke, mukhang sineryoso niya.
"Kailan ka naging concious sa katotohanan? I mean.. it's good that you always seek for the truth but you're the first person I know that is really really concious in knowing the truth." Aniya.
He leaned closer, parang interisadong interisado siyang malaman talaga. Huminga ako ng malalim at bahagyang ngumiti. Sumimsim muna ako ng wine bago tumikhim.
I stared at his eyes. I opened my eyes for him..
"My mom met my dad in the most unexpected way. It was all good, so perfect but my dad lied to my mom. It's a big life changing lie. Simula non, sabi ko sa sarili ko, I will always seek for the truth." Paliwanag ko sakanya.
"But your dad loved your mom right? Maybe he has a reason.." tumango ako sa tanong niya.
"Meron siya.. alam ko 'yon. Na-realize ko na lahat ng kasinungalingan may dahilan. Maybe it was for the good or it can also be for the bad. Pero nakakatakot ang kasinungalingan. It's very painful lalo na kung manggagaling sa taong less expected mo na magsisinungaling sa'yo."
Hindi ko alam kung bakit ako naapektuhan sa pinaguusapan namin. Kahit siya.. habang tinitignan ko siya sa mata ngayon, I can see many things were running inside his head.
Pero gusto ko malaman niya ang stand ko dito. I want him to know what kind of girl I am.
"Ayos lang ba sa'yo na ganito ako?" Nakuha ko muli ang atensyon niya sa tanong ko. He seems so pre-occupied by what I said a while ago.
"Yes. Naisip ko lang, paano kaya pag nalaman mong may nagsisinungaling sa'yo. I mean, people who's not very interested on the truth, sobra silang nasasaktan at nagagalit. How about you?"
Nagkibit-balikat ako sa tanong niya. I get him.. pero never ko pang naramadaman ang sobrang galit.
"I don't know. Hindi ko pa naranasan na may nagsinungaling sa akin ng sobrang laki. My cousins lie for petty things. Yung iba.. bago pa magsinungaling, alam ko na."
This is why I don't get usually mad. Bago pa sila mag sinungaling, papa-aminin ko na.
"Maybe you're scary when you're angry." Hindi ko alam pero natawa ako sa sinabi niya kahit seryoso niya 'yon sinabi sa akin.
"Maybe, but not like you who make people run for laps." Saad ko habang humahagikgik.
"That's different. My rules are rules." Wika niya pero ngumiwi ako.
"No, it shouldn't be like that. You're being so cruel. People make mistakes. Paano kung ikaw ang nasa lugar nila at nagkamali. Gusto mo ba ay pahirapan ka ng husto?" I don't know pero dati, natatakot akong pag sabihan siya sa mga bagay na 'to pero ngayon.. hindi na.
"Papahirapan mo ba ako?"
Hindi ko alam pero nagulat ako sa tanong niya. Something moved in my being. Hindi ko lang ma pin-point kung ano 'yon.
Napakagat nalang ako sa ilalim ng labi ko. Hindi ko nga alam kung saan nanggaling ang tanong niya, paano ako sasagot. It depends naman..
How strong is the lie..
How deep is the pain..
"I mean kung sakali, anong gagawin mo if I lied to you?" Lalong gumugulo ang isip ko. He made it sound so normal na parang hindi ko dapat seryesohin ang tanong niya pero hindi ko maiwasan.
"I don't know.. hanggang wala pa ako sa sitwasyon na 'yon. Hindi ko malalaman." Sana wag. I hope it won't happen.
"Love versus trust?" Nakangisi niyang tanong sa akin.
Simpleng tanong pero ang hirap sagutin. It was just two choices pero ang daming factors. It's so hard na i-apply ang Montgomery rule. No factors and inhibitions..
"It's not about love and trust. Kung mahal mo ako, hindi mo naman babaliin ang tiwala ko diba? You will protect me and save me from the pain that lie can give."
Damn. Bakit ito ang sagot ko? Pero I want to be honest..
Hindi ako natatakot sa mga tanong niya dahil alam kong hindi mangyayari 'to. Sabi niya po-protektahan niya ako..
Panghahawakan ko 'yon.
"You'll protect me right?" Mahina kong tanong sakanya habang nilalaro ang pagkain ko.
I need to divert my attention.
"I will." Sagot niya at ngumiti sa akin. Naging panatag ang puso ko dahil doon. Ngumiti din ako at kumuha ng pagkain. Sinubuan ko siya para maibsan ang bigat ng napag usapan namin.
"Punta tayo sa bahay ko." Aniya habang kumakain na rin.
Kumunot ang noo ko at napangisi ako.
"Ikaw ah! Nanamantala ka!" Natatawa kong sinabi. Namilog ang mata niya at natawa.
"I'm not going to do something you won't initiate." Ako naman ang namilog ang mata. Kinuha ko ang panyo ko at binato 'yon sakanya.
"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin. What I mean is.. namamantala sa pagpayag ni dad! Anong iniisip mo!" Natatawa kong sabi. He was laughing too. I know he's thinking something perverted!
"Damn. I'm sorry. It's just.. nevermind." Sabi niya habang nagpipigil ng tawa. Kumunot ang noo ko at pinanlakihan siya ng mata.
Hindi ko rin napigilan ang matawa kaya kumain nalang ako. How can I experience different emotions with just being with him?
Just what he said, pagkatapos kumain ay nagtungo kami sa bahay niya. Not like kanina, puro nakakatawang bagay lang ang pinaguusapan namin habang nasa kotse.
"How did you met Sky and Jacob?" Tanong ko sakanya. Nabanggit niya sa akin na sila ang matuturing niyang pinakamalapit na kaibigan.
"Sky was really the one who I got close with. Kung makikita mo, Sky's personality is really different. He's a joker, a prankster, playboy but he's very trusted. Siya lang ang hindi takot sa akin, kinakausap niya ako ng normal, walang hidden agenda o ano man so I accepted him as a friend. Sa basketball team ko na nakilala si Jacob, nakipag close siya kay Sky then naging kaibigan ko na din."
Wala sa sariling napangiti ako. Kita ko na pinagkakatiwalaan niya talaga ang dalawa. Kita ko ang saya niya pag kine-kwento ang dalawa. Naaalala ko tuloy nung una ko siyang makita, he was with two guys. Baka sila 'yon.
I wonder.. pag kine-kwento niya kaya ako, does his eyes also lit up?
"You? Any bestfriends?"
Umiling ako.
"I consider my cousins as my bestfriends. Sila lang lagi kong kasama tsaka sila lang pinagkakatiwalaan ko ng sobra. Oh wait! Osiris! He is my beatfriend." Natatawa kong sabi.
I forgot him! Baka magtampo 'yon. Lagi niyang pinipilit na bestfriend ko siya and besides, sobrang updated siya sa buhay problema ko.
Kita ko ang panandaliang pagtingin niya sa akin. He parked the car outside he's house. Tinanggal ko na ang seatbelt ko at ba-baba na sana pero hinawakan niya ako sa braso.
"Close na kayo?"
Kumunot ang noo ko sa tanong niya pero sandali lang 'yon. Hindi ko napigilan ang mapangiti sa tanong niya.
Oh damn butterflies.
"Selos ka?" Tudyo ko sakanya at kita ko ang pag iwas niya ng tingin. Kita ko ang paglitaw ng dimples niya. Pinipigilan niya ba ang ngumiti?
He's so cute!
"Yes I am." Deretso niyang sagot at sinalubong ang tingin ko.
I didn't expect that. Akala ko mag de-deny siya. Kumabog ang dibdib ko. He's jealous! Good thing or bad thing?
"Wala ka naman dapat ika-selos. You should know by now that you're so important to me and how much you mean to me." I love you. Gusto ko pa sana idagdag pero medyo nahiya ako..
"I love you."
Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Iniisip ko palang na nahihiya ako, ito siya at deretsong sinasabi sa akin. Bees are on my stomach again.
Hinawakan ko ang kamay niya at pinaglaruan 'yon.
"I love you too pero ligawan mo pa din ako."
Natatawa kong sinabi. Natawa din siya ng bahagya at tumango tango. His eyes were so expressive. Nanglalambot ang puso ko tuwing mag niningining 'yon habang nakatingin sa akin.
I can't wait for the time na hindi na ako nahihiya. That I can tell him every single second how much I love him.
"I will court you everyday. Even if we're already together, married and even if we're already on our deathbed." Mariin akong napapikit dahil sa sinabi niya.
Sobra sobra nanaman ang mga emosyon sa puso ko!
Naghihintay lang naman ako ng tamang panahon, I'm looking for the right moment.
Bumaba na siya ng kotse at pinagbuksan ako. He held my hand as we walk inside his house. Pagkapasok na pagkapasok namin ay nakarinig kami ng yapak mula sa kusina.
"Maybe Manang is here.." bulong ko sakanya habang nanatili ang pagkahawak kamay namin.
"Maybe.." nagkibit balikat lamang siya at tuloy tuloy kaming pumasok.
Natigilan ako at automatic akong napausog kay Caden at binitawan ang kamay niya. Kahit hindi ko pa siya nakita dati, I know.. she's Caden's mother.
"Who is she?" Tanong niya kay Caden habang nanatili ang tingin niya sa akin. She was sitting on the sofa while her eyes were intently looking at me.
"Mom? What are you doing here? Hindi mo man lang ako sinabihan." Dama ko ang ibang galaw ni Caden. Baka hindi niya expect na ngayon kami magkikita ng mama niya.
"You never bring girls here. You must be serious with her?"
Napalunok ako sa tanong ng mama ni Caden. Tumayo ito at lumapit sa amin. Nakaka intimidate siya..
Hindi ko na halos napansin ang sinabi niyang hindi nagdadala ng babae si Caden dito.
"Mom.."
Hindi ko alam kung bakit ganito nalang ang reaksyon ni Caden. Ayaw ba niyang makilala ko ang mama niya? Ayaw niya ba akong ipakilala?
"I am Adrianna Grace Montgomery, Mam. Nice to meet you po." Ako na ang nagpakilala sa sarili ko.
Hindi ko magawang tignan si Caden dahil pakiramdam ko nakaka bahala ang tingin sa akin ng mama niya.
Ramdam ko ang pagpisil ni Caden sa kamay ko at ang bahagya niyang pagtakpan sa akin na parang sasaktan ako ng mama niya. Napahawak ako sa damit niya sa likod at doon kumapit saglit.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ng mama niya kaya bahagyang napahigpit ang hawak ko kay Caden.
"Montgomery? I know you are. Your aura shouts injustice and cruelty."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top