Kabanata 31
Stay
"Why are you dressed up?"
Napalingon ako sa pintuan. Agatha entered and she's giving me fishy look. Kasama niya si Tulip. Humarap ako sa salamin at sinuklayan ang buhok ko.
"May lakad kami ni Caden." Wika ko. No need to sugarcoat words. Ngumiti ako sakanila at kita kong napangiti din sila.
"Damn. Even Alice has a date tonight." Naka ngiwing wika ni Agatha. Napataas ang kilay ko dahil doon.
Kinuha ko ang heels ko sa gilid at sinuot ko 'yon.
"With who?" Tanong ko.
I didn't know about Alice going out. Buong araw ay inokupa ko ang sarili ko sa pag rereview at pag gawa ng mga assignments ko para kahit gabihin ako ngayon ay walang problema.
Pinigilan ko din ang sarili ko sa pagiisip ng mga bagay na hindi makakabuti sa akin. Just like the message I received. Salamat naman at hindi na ako ni-message non ulit.
"I don't know. She didn't say." Sagot ni Tulip. Tumango nalamang ako at inayos ang dress ko.
Hindi ko alam kung overdressed ba ako o hindi. But still, I want to look good. I just decided to wear a casual dress.
"Ate, nandyan na sundo mo."
Automatic na bumilis ang tibok ng puso ko nang pumasok si Gelo sa kwarto ko. Napakagat ako sa ilalim ng labi ko dahil pinigilan kong mapangiti.
I was looking forward in seeing him. Kanina ay napapa imagine pa ako ng itsura niya.
"Call me when you need me." Ani Gelo at inakbayan ako. Siniko ko siya kaya napadaing siya. Kahit anong pigil kong matulad siya sa mga pinsan kong lalaki ay hindi ko na ata talaga mapipigilan 'yon.
"See you later, Gath, Tul." Wika ko at kinawayan sila.
"Umuwi ka ah." Ani Gath kaya pinanlakihan ko siya ng mata.
Anong akala nila? Akala ba nila.. the heck!
Lumabas na kami ni Gelo ng kwarto at hinatid niya ako sa labas.
"Ate.. I'm happy for you. Ingat ka. Ako ng bahala kay dad. Umalis kasi sila." Saad ni Gelo. I hugged him. He will always be my bunso.
"Thank you. Pahinga na kayo." Sabi ko at tumapak na sa labas. Liningon ko siya sandali at ngumiti ako.
Huminga ako ng malalim at nag angat ng tingin. I saw him standing beside his car. He's wearing a coat and tie. This is the first time I saw him wearing this. Saan kaya siya galing?
Nagtama ang mga mata namin at automatic ata siyang napangiti. Pakiramdam ko linilipad ako sa klase ng titig niya sa akin. Dahan dahan akong lumapit sakanya at ganon din siya sa akin.
Sa bawat paghakbang ko ay parang tumatapak ako sa ulap. I remained my eyes on his eyes. Ganon din siya..
"Hey.." mahina kong bati sakanya.
Kita ko ang pagningning nanaman sa mata niya. His eyes will always be something I look forward on looking. Pinipigilan kong maging emosyonal dahil sa saya. Ayoko naman sirain ang moment na 'to.
This is our first official date.
"You're beautiful. So damn beautiful." He breathed. Natawa ako sa sinabi niya at napangiti.
"You look so good. So dashing." Kita ko ang pag ngisi niya sa sinabi ko.
Pinanuod ko ang pag-angat ng kamay niya. Linagay niya sa braso ko 'yon at binaba papunta sa kamay ko. Ang haplos niya ay nakakapaso. Ngumiti nalamang ako dahil nagustuhan ko ang haplos niya.
It sent thousands of unidentified emotions.
"Let's go?" Tanong niya. Tumango ako at sumunod sakanya sa kotse.
Pinagbuksan niya ako at sumakay ako. Nanatili siyang nakatayo sa gilid pero alam ko na kung bakit.
"Seatbelts" bulong niya kaya ngumiwi ako.
"I know!" Giit ko at tumawa kaming dalawa. Nakakatawa na dahil sa seatbelts ay nawala ang seryosong ambiance namin kanina.
Sinara niya ang pintuan at pinanuod ko siyang sumakay din sa kotse. Napalunok ako at tumingin sa labas dahil hindi ko mapigilang pagmasdan siya. Gustong gusto ko siyang titigan.
Napalingon lamang ako sakanya nang hawakan niya ang kamay ko. Sanay naman ako na hinahawakan niya ang kamay ko minsan pero may iba ngayon. I can't help but feel different. Maybe because of our talk yesterday.
Bacause I felt like we're more open and I can see more of him.
"I want to hold it. May I?" Tinaasan ko siya ng kilay.
I leaned closer to him. I stared at him and admired his face. His eyes.. nose.. lips. Kahit kailan ay hindi ko naintindihan ang mga tita ko pag sinasabi nilang darating ang panahon na may labi kang hindi matatanggihan. Yung kahit anong gawin mo.. you'll always want to kiss it. To feel it..
Pero ngayon naiintindihan ko na. I can feel it.. the need to kiss it. Pero bawal, hindi ako ganon.
"Don't ever let go of it." Wika ko sakanya. Kita ko ang unti-unting pag litaw ng dimples niya at ang pag ngiti niya.
Pwede banh ipatanggal ang dimples niya? Dapat ay pinagbabawal ito!
"Don't get too close. It's hard to stop myself from kissing you."
Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya at lumayo sakanya. Rinig ko ang paghalakhak niya kaya halos magtago ako. Kainis siya! Kung kailan ako nagkakaroon ng lakas ng loob tsaka siya ganyan!
Nagpipigil din ako! Pero hindi ko pwede sabihin 'yon.
"Caden, stop it." Wika ko nang hindi siya tumigil sa pagtawa.
"Yeah.. yeah. Sorry." Sabi niya at pinaandar na ang kotse.
I just found myself getting busy browsing his playlist, loving the view outside, talking to him and laughing with him. Sobrang saya ko kahit kasisimula palang ng gabi namin, I hope mas masaya pa mamaya.
Natigil ako sa pag iisip nang tumigil kami sa isang restaurant. Tumaas ang tingin ko at nakita ko ang pangalang nasa harap. Evergarden.
Napaawang ang labi ko. New branch? Nakaya niya pang mag new branch?
Pinagbuksan niya ako ng pintuan at bumaba ako. Agad niyang kinuha ulit ang kamay ko at hinawakan 'yon. Ramdam ko ang mainit niyang palad.
We entered the restaurant while we're holding hands. Sarado pa 'yon, sigurado akong hindi pa nag bubukas dahil hindi pa tapos ang interior.
"Bagong branch mo?" Tanong ko kahit halata naman ang sagot.
Uminit ang puso ko nang pisilin niya ang kamay ko at haplusin 'yon. Lumingon ako sakanya at tumango siya. Walang bakas ng pagod sa mata niya kaya nakahinga ako ng maluwag. Nag aalala ako na hindi niya na kaya tapos nakikipag date pa siya sa akin.
"Gusto ko ikaw ang una maka alam. I want you to be part of my world as much as I want to be part of yours. I want you to see my world."
I can see love in his eyes. Lumambot ng sobra sobra ang puso ko. Ngumiti nalang ako at tumango. I hope he can see my love for him too.
"I will be part of it. I'll work hard to enter your world." Mahina kong wika. Umiling siya kaya kumunot ang noo ko.
Ayaw niya?
Pumungay ang mga mata niya. Inangat niya ang kamay niya at hinaplos ang mukha ko. Halos ihilig ko ang mukha ko sa kamay niya dahil gustong gusto ko ang haplos niya.
"You don't need to work hard. Ako mismo ang magpapasok sayo sa mundo ko. Just hold my hand and I'll do the rest."
Damn. Adrianna, don't cry! Wag mong sisirain ang moment.
Ako na ang kumuha ng kamay niya at pinisil 'yon. Hinila niya ako papasok ng kitchen. Unlike sa labas, kompleto na ang kitchen. Siguro ay inuna niya 'to.
"Next month na 'to mag bubukas. Kung titignan, this is my first branch with you. This is my favorite.." sinamaan ko siya ng tingin para matago ang pagkakilig ko sa mga sinasabi niya.
How can he be so sweet and corny? Nakakainis! Liliparin ako ng mga paru-paro sa mga sinasabi niya.
"Don't play favorites, Caden." Bawal ko sakanya at natawa kaming pareho. It's like telling your husband not to play favorites with your children.
Ano bang mga iniisip ko? Nahahawa na ako sa pagka futuristic nila.
Kumuha siya ng upuan at iniupo ako doon. I can manage to sit on my own! His little gestures will be the death of me. Baka masanay ako..
Baka hanap hanapin ko 'to at pag nawala ay ako ang mahihirapan.
"Yes Mrs. Claveria. I am sorry. To compensate with my wrong doings.. let me cook for you."
Lalong lumawak ang ngiti ko sakanya at binigyan ko siya ng halik sa pisngi niya. Linapit ko ang bibig ko sa tenga niya at napahagikgik muna.
"Okay.. please make it tasty." Bulong ko at lumayo sakanya. Kita ko ang pamimilog ng mata niya at pamumula niya. Natawa ako dahil doon.
Akala niya! Siya lang marunong magpakilig!
"Don't do that to others, Adrianna. I'm warning you." Aniya at tinignan ako ng seryoso habang ako ay hindi pa rin mapigilan matawa.
Tumango tango ako at napakagat muli sa labi ko para mapigilan ang pagtawa.
Tumayo siya ng maayos at naglagay ng apron.
"Can you tie it?" Pakiusap niya habang tumatalikod sa akin. Pinagmasdan ko ang likod niya.
It look so wide.. alam kong maraming babae ang papatay para lang sa pwesto ko ngayon.
Maraming nangangarap na makausap siya, mahawakan siya, mapansin niya at ito ako ngayon.. nagagawa lahat 'yon. Sa kahit anong oras, kahit gaano ko kadalas gusto.
Hindi ko tuloy maiwasan matanong. Hanggang kailan 'to?
Nakaramdam ako ng pagkirot sa puso ko. Tumayo ako at marahang lumapit sakanya. Hinawakan ko ang dulo ng tali ng apron at tinali ito. Napakabagal ng pagtali ko dahil ang daming pumapasok sa utak ko.
Bumuntong hininga ako ng matapos ako. Bago niya ako harapin ay hinawakan ko ang braso niya para hindi siya gumalaw. Nanatili siyang nakatalikod sa akin. Naramdaman ko ang panunubig ng mata ko. Ang tahimik ng lugar kaya rinig at dama ko ang bilis at lakas ng tibok ng puso ko.
Nakakainis! Nagiging iyakin ako! Hindi ko alam na nakakaiyak pala maging ganito kasaya at nakakaiyak ang mag mahal. Kung alam ko lang ay pinaghandaan ko sana..
"Is there a problem?" Tanong niya at sinubukan akong lingunin pero hinigpitan ko ang pagkakahawak sa braso niya.
Nagsimulang magpatakan ang mga luha sa mata ko. Pinagdikit ko ang mga labi ko para hindi ako makagawa ng ingay. Huminga ako ng malalim at dahan dahan kong pinaikot ang mga braso ko sa katawan niya. It felt so good to hug him.
Ang amoy niyang hindi ako linulubayan..
Hinilig ko ang ulo ko sa likod niya at naramdaman ko na natigilan siya dahil doon.
Naninikip ang dibdib ko.
"Are you okay?" Mahina niyang tanong. Marahan akong tumango at hinigpitan ko ang yakap ko sakanya.
Kung pwede ko lang utusan ang mundo ay ititigil ko ang oras para ganito nalang kami. I will never get tired hugging him. Never.
"Kahit gusto kong yakapin mo ako, ayoko ng ganito na alam kong umiiyak ka sa likod ko." Lalong naglabasan ang mga luha sa mata ko. Kainis siya! Dapat hindi niya alam!
Naramdaman ko ang paghaplos niya sa kamay ko. Nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa pagiyak ko.
"Hanggang kailan tayo masaya?" Mahina kong tanong sakanya. Napakagat ako sa labi ko dahil napahikbi ako. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.
Sinubukan niya ako lingunin pero umiling ako at hinigpitan ang yakap sakanya lalo.
"Hanggang kasama kita.. masaya ako." Sagot niya sa akin kaya lalo akong naiyak. Para akong bata ngayon pero wala akong pakielam.
Masakit ang puso ko at hindi ko kayang itago 'yon. Maisip ko lang na baka magkahiwalay kami.. sobra sobra na akong nasasaktan. I want to keep him pero hindi ko hawak ang hinaharap. Sa mga ginagawa niya ay nahihirapan ako, na-aattach ako sakanya ng sobra sobra.
Natatakot ako na baka pag bumitiw siya ay maiwan ako sa kabilang dulo at masasaktan ako ng sobra.
"Talaga.." yun nalang ang naging sagot ko dahil ayaw tumigil ng mga luha ko.
"Bakit ka ba nagkakaganito?"
Hinayaan ko na siyang humarap sa akin. Kita ko ang paglambot ng mga mata niya nang masilayan niya ako. Hinaplos niya ang mukha ko kaya napangiti ako kahit umiiyak ako. Hinawakan ko ang kamay niya at binaba 'yon.
Nararamdaman ko.. hindi pa 'to ang sukdulan naming dalawa.
Napapikit ako dahil naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Hinalikan niya ang gilid ng mata ko. What the heck? Umiiyak ako!
Bumaba 'yon at marahan niya akong dinampian ng halik sa labi. I'm sure na mas nalalasahan niya ang luha ko kay'sa sa labi ko. Pero kahit ganon ay dama ko ang lambot at tamis ng halik niya. Ako ang bumitaw doon.
"Caden.. sorry kung ganito ako. This is me, wala akong alam sa ganito kaya ang dami kong tanong. Hindi ako tulad ng iba na go with the flow basta masaya. Marami akong pangamba sa puso ko dahil seryoso ako. Sorry kung nadadamay ka sa frustrations at inhibitions ko."
Tinignan ko siya sa mata habang sinasabi 'yan sakanya. Nararamdaman ko talaga.. it's not just about my hunger for the truth. Hindi lang 'to about doon. Marami akong bagay na hindi alam. Mga bagay na makakasakit.. I don't know kung saan nanggagaling ang pakiramdam kong 'to pero hindi pa ako nagkamali..
Hindi ko alam kung hihilingin ko nalang na magkamali.
The only thing that's keeping me from holding on.. is my love for him. I will take a risk kahit masaktan pa ako. Atleast sa huli.. masasabi kong binigay ko lahat. Kahit ang tiwala ko, kahit ang kagustuhan kong malaman ang katotohanan ay ibibigay ko.
"No, I am sorry. Ako ang may kasalanan kung bakit ka nagkakaganyan. Sandali nalang.. maayos ko 'to. I just want you to trust me and hold me. Sisiguraduhin ko na sa huli, maalis lahat ng pangamba mo. I want you to stay beside me just loving me, ayokong marami kang iniisip. I will do everything for it to be like that."
Kita ko ang paghinga niya ng malalim. Tumango ako para iparating sakanya na naiintindihan ko. I will..
Kung gagawin niya lahat para sa akin, ganon din ako.
"I will do everything for you to stay with me."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top