Kabanata 3
Morbid
"Gago yun 'a!" Sinubukan siyang habulin ni Dos pero mabilis din siyang napigilan ni Clyde.
My heart is still in ruckus.
"Pasensya na kayo sa inasal ng captain namin. Don't worry I'll talk to him. An agreement is an agreement. Pasok kayo sa team." Saad ng isa sa member ng team. Tumingin ako sa mga pinsan ko pero kita pa rin ang pagkairita sa mga ekspresyon nila.
Kilala ko sila. I know they won't join until hindi pumapayag ang captain.
"I don't care. Kayo ng bahala. We won't force ourselves kung ayaw niyo." Saad ni Uno at nauna ng maglakad paalis. Sumunod na rin sila Gelo kaya pati kami ay napasunod na rin.
"Ayoko na sakanya! Kahit ang gwapo niya magalit. Ayoko na talaga" saad ni Tul. Wala akong masabi dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko.
Ipinilig ko ang ulo ko para matigil ako sa pagiisip. This is just plain crush. Madaling mawala.
Maliit na bagay.
Nakakahinayang lang na may nagiisip sa amin ng ganon. I never thought that someone would dislike us like that. This is the first time.
"Bakit ganon naman yung lalaking yon? I get it.. maybe he dislikes us pero hindi rason yon para baliwalain niya ang kakayahan nila Uno.."
"Whatever it is.. hayaan na natin. Remember our promise? We should behave and be proper. Hindi maganda to sa image natin. That guy looks so famous kaya maraming susunod sakanya." Its the truth. Kita ko na marami siyang tagahanga. Pag nalaman nila na ayaw niya sa amin ay baka hindi pa sila bumoto o kung ano paman.
"Yeah, Rian's right. Let's go"
"Wag niyong hayaan si Uno mag drive! Mainit ang dugo niyan. Mamatay tayo" saad ni Alice habang pasakay sa kotse ni Uno. Napatawa kami dahil sa sinabi ni Alice. Atleast despite of what happened, may tinatawanan pa kami.
"Alice! Kapatid ba kita talaga?" Wika ni Uno at sumakay na sa shot-gun seat. I see that Dos will be driving.
"Happy Birthday my beautiful grandma!" Bati ko kay Lola Selena, dad's mom. She smiled at me and hugged me.
I kissed and hugged her.
May party ngayon sa mansyon. Dapat ay maliit na party lang pero with the invited people, nagmukhang malaki. Mga ka-negosyo at kaibigan lang dapat pero pati mga politiko ay nandito.
Nag-suot ako nang puting casual dress para ngayong gabi.
"Thank you, Adrianna." Saad ni Lola Selena.
Napalingon ako nang dumating na ang mga pinsan ko at isa-isa nilang binati si lola. Isinabit ni Tul ang braso niya sa akin.
Kulay baby blue and suot ni Tul ngayon.
"Sige na at kumain na kayo sa loob. Itong mga batang to talaga. Batiin niyo ang lolo niyo pag nakita niyo siya ah." Wika ni Grandma. Natawa kami at binigyan siya ng huling yakap.
Kahit hindi sila okay ni lolo ay mahal pa rin niya ito. I remember she told me before.
Love isn't about being together. Its about loving despite of everything.
Kasama niya ang mga ilang politiko sa isang lamesa sa labas. Sa loob ng mansyon ang buffet table kaya muli kaming pumasok.
"Puro mga politiko" puna ni Alice habang iniikot namin ang paningin namin sa mga bisita. Nakakalula ang mga tao hindi dahil sa dami kundi dahil sa aura nila. Alam na alam na sila ay galing sa matataas na estado.
Iba ang aura ng mga politiko. Its somehow.. heavy.
"Kuha na tayo ng pagkain!" Masayang saad ni Alice pero hinila siya ni Simon. Alice was wearing a tube dress. Nanlaki ang mata ko at hindi ko napigilan, nasapok ko si Simon.
"Shit sorry!" Mabilis kong bawi pero nagpamaywang parin ako.
"Pero wag mong gagawin yon Mon! Nakadress si Alice." Dagdag ko pero napahawak lamang ito sa batok niya.
Natigilan ako nang tawagin ako ni Gelo. "Ate, pinapatawag ka ni dad doon sa table na yon"
Tumango ako at nilingon sila.
"Kumain na kayo. 'Wag niyo na akong hintayin." Wika ko at mabilis na lumapit kila daddy. He is with some people na ngayon ko lang nakita.
"Hi dad, pinapatawag niyo daw po ako?" Inilibot ko ang tingin ko sa mga ka-table ni dad at parang gusto kong tumakbo paalis. They we're all looking at me.. like undressing me.
What the heck!
"Maganda nga siya Theodore. Mana sakanyang ina." Sabi nang isang matanda. Napataas ang kilay ko pero pinilit ko iyong ibaba. I don't want to be rude.
"Bagay siya sa anak ko." Napalunok ako. What is this?
Napatingin ako kay daddy at kita ko ang pamumungay ng kanyang mata.
"If my son and your daughter be together. We can make a large dynasty here in the whole Visayas." Saad ng matandang lalaki. Naiyukom ko ang palad ko. What the hell is this? I didn't came here for this.
"Mawalang galang na po. Pwede ko po bang makausap si daddy? Privately." I tried to sound normal pero may halong pait pa rin sa aking boses.
"Oh! Ma-respetong bata. Sasabihin ko talaga ito sa aking anak" humalakhak pa ito na paranh tuwang tuwa.
Well ako hindi!
Hindi ko na pinansin ang matandang iyon at pumunta na ako sa gilid. I'll just wait for him here.
"Grace.." I looked at him. Alam kong hindi naman niya sinasadya iyon. Hindi naman niya pwedeng kontrahin ang mga yon dahil sila lang ang makakatulong sakanya.. but still, I hope he did.
"Dad, payag ka ba don?" Mahinahon kong tanong. I don't know kung bakit ko pa nga tinanong. I can see it in his eyes.
Naninikip ang dibdib ko. Ayoko ng ganito. He is my dad.. he's supposed to protect me.
"You're not with someone right? Why don't you give it a try. I met his son and he seems a good man. You're my daughter and I want the best for you. This thing is good for us.. try lang Grace. But I'm not forcing you"
Umayos ako nang tayo at napatingin sa paligid. I saw my cousins looking at me with so much worry. Ngumiti ako at tumango.
"Not forcing? I don't know about that, dad. Excuse me" wika ko at mabilis na tumalikod.
Umalis na ako doon dahil baka may masama lang akong masabi. Hindi ako bulakbol at hindi ko sila sinasagot pero ayoko ng ganon. Kaya bago pa ako may masabing iba ay aalis nalang ako.
Alam ko na gustuhin man ako habulin ni dad ay hindi niya magagawa. Maraming nangangailangan ng atensyon niya doon kaya alam kong hindi niya ako masusundan.
Nagmadali ako sa paglabas. Tinahak ko ang likod na parte ng mansyon. There was a mini maze there. Base sa pagkaka-alam ko, pinagawa ito ni Tito Ivor dahil malaki daw ang naging parte nito sal legendary love nila. Even with dad and mom. I don't know about Tito Ziel though.
Ate!
Rian, where are you!
Adrianna! Let's talk about this!
Mabilis akong pumasok ng maze at medyo natapilok ako. Fuck! Ang sakit!
It's not that I'm escaping. I just don't want to be caught. Ayokong makita nila akong ganito, na hindi sumasangayon. I told them that we will support everything about this whole politics thing pero ito ako ngayon at sumusuway na.
Mabilis kong inalis ang heels ko at tumakbo. Halos maligaw ako. No that is an understatement. Naliligaw ako. But atleast hindi ko na sila naririnig, maybe I lost them already.
Nakarinig ako nang lagaslas ng tubig kaya sinundan ko iyon. Napaawang ang labi ko nang makakita ako ng fountain sa gitna. Nakapalibot ang limang bench doon at kitang kita ang reflection ng buwan at mga bituin sa fountain.
Bahagya pa akong lumapit doon at napangiti. This is surreal. It is so beautiful. I can imagine my mom and my dad in here. It makes me want to touch the stars.
"I didn't know you want to be a Cinderella."
Natigilan ako at napako sa kinatatayuan ko. I will never forget his voice. I know who's this person behind me.
My throbbing heart, jelly feet and the butterflies in my stomach are a proof that this guy is the one who's making me very confuse right now.
"The difference is.. dalawang heels ang sayo" saad niya. Napalunok ako. Nanatili ang tingin ko sa fountain. Hindi ko alam ang gagawin ko. My whole being is in chaos. This is too much! Nakalimutan ko na kung bakit ako nandito, everything went blank and its because him! Dahil sakanya ay nawala nanaman ako sa aking sarili.
"Hindi mo ba ako lilingunin?" Napasinghap ako at doon lamang ako marahang lumingon.
Maybe I was rude.
Nag-angat ako nang tingin sakanya and there I saw his world wrecking smile with his dimples. His eyes that will make you fall on your feet. He was wearing a fitted long sleeves that emphasizes his broad shoulders and his manly built with maong pants.
Lumapit siya sa akin at lumuhod. Napalunok ako muli. Damn! Mauubusan ako ng laway dahil sakanya. This is morbid.
Inangat niya ang binti ko at isa-isa sinuot ang heels ko sa akin. With our background, he, on his kneels and I with my attraction towards him. We look like some sort of manga characters. Nag-angat siya muli ng tingin at ngumiti.
How can this man be so handsome?
"Is this okay?" Tanong niya sabay kagat sakanyang pang-ibabang labi. Marahan akong tumango. Tumayo siya at naglebel sa akin. This is the first time I get to see him closely. Parang manunuyo ang lalamunan ko dahil sa nararamdaman ko.
"Why are you here alone?" Isang tanong lang niya at parang nangatog na naman ang binti ko. Buti nalang at hindi pa ako natutumba.
"Wala nagiikot lang" sagot ko. I am still wondering why is he talking to me. I thought he hates us?
"Liar. I know about the whole meet the son thing" sinamaan ko siya ng tingin.
Now, I believe he hates us.
"Alam mo naman pala bakit mo pa tinatanong" hindi ko tinago ang iritasyon sa boses ko pero imbes na magambala ay natawa pa siya.
His laugh.. his laugh will make you merry go round. It was so sexy.
"Chill.. alam ko kasi, he is my dad." What the fuck! Ibigsabihin? Damn! Totoo ba to?
"Oh no! Hindi ako.. you're mistaken. He was talking about my older brother." Saad niya. Parang tinarak ang puso ko ng isang-daang beses. Hindi ko alam bakit ganon.. nung nalaman ko na may tyansa na siya ang tinutukoy ng matandang iyon ay medyo nawala ang bigat sa dibdib ko pero ngayon.. I don't even know what to feel.
May mas worst pa ba don? May attraction akong nararamdaman sakanya tapos irereto ako sa kapatid niya? Oh, What a life!
Yeah, what dad said is true. Mabait nga iyong Osiris na yon pero, I don't feel anything.
"Oh.. Osiris?" I need to say something. Kita ko ang pag dilim ng ekspresyon niya pero mabilis din itong nawala at napalitan ng nakakalokong ngisi.
"You remembered his name." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Of course I would. Anong akala niya sa akin? Atsaka with that unique name talagang maalala ko. I never met a Osiris Ciro in my whole 18 years lf existence.
"Why? I remember yours.."
Kita ko ang pag-angat ng dalawang sulok ng kanyang labi. It makes me want to smile to. I can't believe I'm this close to him. I am not the type who gets to easily like someone. Pag may gwapo, si Tul at Alice agad ang nakakapuna pero ngayon.. ayaw ko ng tanggalin ang tingin ko sakanya.
Alam kong masama ito para sa akin. Its very very unhealthy.
Mula sa amoy niya na nunuot na sa akin. He smell so good and its addicting.
"Really? Then what is it?" Napahakbang ako patalikod dahil sa pag-abante niya. He's so close. I can't bear it. Baka hindi ako makahinga.
Hindi ako makasagot dahil sa lapit niya sa akin.
Parang panaginip lahat to. Kung panaginip ito ay sana 'wag na akong magising.
"Tell me.."
Napaawang ang labi ko. He said it with his deep voice and it sent shiver down my spine.
Caden. Bakit ang hirap isatinig nito?
"Caden" mahina kong sagot. Lalo siyang napangiti. His eyes we're smiling too. Naalala ko tuloy nang una ko siyang makita sa restaurant. He was smiling like this too.
Nakita niya kaya ako non? Wait, I forgot.. he hates us. He is just talking to me for the sake of his brother.
"Oh.. that's nice to hear."
Akala ko ay titigil na siya pero muli siyang umabante kaya napa-hakbang ako patalikod.
"My whole name. Say it." He is not asking me. He is commanding me and my heart is a follower.
"Evander Caden Claveria"
Damn! Hindi ko akalaing magugustuhan ko rin ang pagsabi ng pangalan niya.
"Nice to meet you Adrianna Grace Montgomery."
Hindi ko mapigilang mapangiti. Alam niya ang buo kong pangalan! I don't care paano nangyari yon basta alam niya. This night is worth remembering.
This isn't just morbid. It's torture.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top