Kabanata 29
Ikaw lang
"Saan kayo pupunta?"
Nagpatuloy lang ako sa paghila kay Shey. Bahala siyang humabol diyan. Hindi ako marunong magtago ng nararamdaman kaya sigurado ako na kapag hinarap ko siya ay hindi ko mapipigilang ipakita ang nararamdaman ko ngayon.
"Gym." Simple kong sagot. Nakahabol naman siya at sinabayan kami sa paglalakad.
"Grace, bakit ka nag mamadali?" Hindi ko siya sinagot. Damn my second name.
Ayoko naman na mag-usap kami sa harap ni Shey.
Nilingon ko bahagya si Shey at kita ko na sobrang naguguluhan siya sa pangyayari. Ngumiti lamang ako ng bahagya sakanya. Natigilan lamang ako nang si Caden na ang humawak sa braso ko para mapigilan ako sa paglalakad.
"The girl-"
"Mamaya na tayo mag-usap. Focus on the game, Evander. Ayoko maging rason ng distraction mo." Mahinang wika ko.
I used his first name to tell him that I'm serious. I know he was about to tell me something pero tinalikuran ko siya. Sumunod naman sa akin si Shey. Sa bawat hakbang ko ay ang lalong paninikip ng dibdib ko.
Damn. I'm so territorial. Namana ko yata kay daddy ang ugaling 'to. Montgomery's territorial trait is really killing me. But I can't do anything about it. Nasa dugo ko ito, ramdam ko ang pag kulo ng dugo ko nang marinig ko ang pangalan ng nasa tattoo niya.
"Bakit hindi mo tinanong kung sino yung Grace? Ikaw ba 'yon? Pero hindi eh.." napaka-inosenteng tanong ni Shey sa akin.
"Mamaya na.." sagot ko.
Pumasok na kami sa loob ng gym. Sobrang ingay ng hiyawan doon. Nakipagsiksikan kami ni Shey doon. Agad kong nakita ang mga pinsan kong babae sa loob. They are already sitting at the second row.
Hinila ko si Shey doon at tumabi sa gilid ni Agatha.
"What happened? Bakit ganyan ang itsura niyong dalawa?"
Napalingon ako kay Alice. She was looking at me. Napatingin din ako kay Agatha, she has this pissed expression.
"Are you okay?" Tanong ko sa kapatid ko. She look so pissed na parang kaya niyang manuntok, knowing Agatha, kaya niya 'yon.
"Yeah, I'm fucking shit fine. So fucking fine that I want to enter the army right now and kill that man!" Inis na inis niyang saad. Pati ako ay bahagyang napaurong dahil sa gulat.
"Nakakatakot pala ang kapatid mo.." bulong sa akin ni Shey. Napailing nalang ako.
"Man? Sinong man?" Tanong ni Tulip. Bago pa siya makasagot ay natigilan kami dahil sa pag-pito.
Sinundan ng mata ko ang tingin ng mga tao papunta sa pintuan. Dalawang team ang pumasok, team nila Caden at team ng kalaban. Nanatili ang tingin ko kay Caden, he look so angry and down. Pakiramdam ko ay dahil sa akin 'yon.. or baka dahil iniisip niya ang pagbabalik nang babaeng nasa tattoo niya.
Sa munting pag-isip non ay naninikip nanaman ang dibdib ko.
"Damn! Bakit nandito ang lalaking 'yan! Papatayin ko 'yan!" Nagulat ako kay Agatha kaya mabilis ko siyang nilingon.
Tumayo siya at tinuro ang court, sinundan ko ng tingin ang tinuro niya at isang lalaki na galing sa kabilang team ang tinuro niya. Bakit galit siya don? Kilala niya 'yon?
Hinila siya ni Alice paupo. Buti nalang at maingay kaya hindi niya nakuha ang atensyon ng iba.
"Agatha, kilala mo 'yon? Yun yung MVP ng kabilang team! Bakit galit ka sakanya?" Sunod sunod na tanong ni Shey sakanya.
Tumingin ako muli don para tignan ang MVP ng kabilang team pero nakuha ni Caden ang atensyon ko, he was looking through me. Sumakit ang puso ko dahil doon. Why is he making me feel this way?
Seryoso lamang ang tingin niya sa akin. He look so down, I want him to smile though. Ngumiti ako ng bahagya sakanya at kita ko ang pag-awang ng labi niya. I smiled again, doon lamang siya ngumiti at parang gumanda ang mood niya.
I need to tame my territorial trait. Nakakasama ito sa akin at sa iba. Lalo na sakanya..
"Hinayupak.." Agatha hissed.
Liningon ko siya at kita ko ang pag alog sakanya ni Alice. What happened? Dahil sa sobrang engrossed ko kay Caden ay hindi ko na alam ang nangyayari. Ganon naman palagi, pag magkasama na kami ay pakiramdam ko kami nalang ang magkasama.
"He winked at you! Grabe! Ang gwapo talaga!" Saad ni Alice kay Agatha.
Oh.. so the MVP winked at her. Knowing Agatha, hindi niya magugustuhan 'yon. 'Yan tuloy at nasabihan ng hinayupak ang lalaki.
"Winked? Kung bulagin ko kaya siya." Bulong ni Agatha.
I just focused my attention to the game. Nag simula na ang laban, agad nag harap ang MVP na 'yon at si Uno. Caden was behind Uno.
Nakahawak lamang ako sa bag ko sa buong game. The game was such a suspense. Masyadong mahirap.. hindi basta basta ang kalaban nila. The opposite team was so hard to beat. Kumunot ang noo ko nang mag time-out. May lumapit na mga naka black coat na lalaki sa MVP ng kabilang team.
Hinila naman kami ni Agatha para lumapit sa mga pinsan namin. Ayoko sana lumapit pero si Agatha mismo ang humila sa akin. Agad kong napansin si Caden, nakatingin din siya sa akin. Parang gusto niyang lumapit pero siguro dahil sa pagtataray ko kanina ay hindi niya magawa.
"Ano ba! Galingan niyo naman! Talunin niyo yung MVP na 'yon! Sikuhin niyo! I-foul niyo!" Naiinis na wika ni Agatha.
Natawa si Simon at Uno pero mabilis din silang tumahimik ng makitang galit na galit si Agatha.
"Kami ata ang ma fa-foul non, Gath" natatawang saad ni Dos.
"Wala akong pakielam. Make sure na matatalo sila!" Giit ni Agatha. I wonder what did that guy did to make Agatha this angry..
"Ano bang ginawa sayo?" Tanong ni Adrian. Kita ko ang malalim na paghinga ni Agatha.
"Basta! Hindi ko pwede sabihin! Walang hiya ang hinayupak na 'yon! Papatayin ko siya sa oras na matuto akong bumaril!" Hininaan ni Agatha ang boses niya pero kitang kita ko ang inis niya don.
Lumingon ako kay Caden. He was still looking at me. Lumapit ako sakanya at sinalubong ang mga mata niya.
"I am sorry sa pagsusungit ko kanina." Mahina kong wika. Umiling siya at hinawakan ang kamay ko.
Nakakalimutan ko nanaman ata na nandito kami sa gym at maraming tao. His eyes can take me to different world na kaming dalawa lang.
"I am sorry.. let's talk later. Pagpaalam kita sa mga pinsan mo."
Ngumiti ako at tumango. I tried to cheer up.
"Galingan mo! You're the most handsome when you're inside the court." Wika ko habang nakangiti.
Lalo akong napangiti nang makitang lumitaw na ang dimples niya. Nakangiti na rin siya siya sa akin.
"Damn.. I felt butterlies in my stomach." Natawa ako sa sinabi niya at pinalo siya sa braso.
Lumingon lingon ako. Napatingin ako sa kabilang team. Nag-usap saglit ang coach nila at in-escort siya nang mga lalaking 'yon. What's that?
"Can I have a lucky charm?" Kumunot ang noo ko at nilingon siya muli. He was looking at me with so much intense.
Kumabog ang dibdib ko dahil doon.
"What?"
Kay'sa sumagot siya ay hinawakan niya ako sa balikat at unti-unting lumapit sa akin. He kissed my temple. Napangiti ako dahil doon. Naghiyawan ang mga tao kaya nahiya ako. Bahagya akong umusog sakanya para magtago.
Tumawa lamang siya at yinakap ako.
"Back on the game!" Sigaw nang coach nila. Mabilis akong humiwalay sakanya at sumunod sa mga pinsan ko.
Si Agatha ay engrossed na engrossed sa game. Sinabi pang takot daw ang MVP na 'yon kaya umalis. Si Shey naman ay kinekwento ang pagkakilig niya sa amin ni Caden. Tumawa nalang ako at hindi ko nalang pinansin 'yon. Nakakahiya kaya.. tinuon ang tingin ko sa game.
Hindi ko alam kung nanalo sila dahil mas magaling talaga sila sa kabilang team o dahil umalis ang MVP ng kabilang team. Pinilig ko nalang ang ulo ko sa pagiisip non.
Sabi niya kanina ay dahil daw sa lucky charm niya kaya nanalo sila.. if I know, binobola lang niya ako.
"What are you thinking?" Napalingon ako kay Caden.
Umiling ako. Nasa bugasok kami ulit. Hindi ako makapaniwala na ang dami ng nangyari simula nung una kaming pumunta dito. It still felt like a dream..
"Iniisip ko lang yung pagkapanalo niyo." Natatawa kong wika.
Nilingon ko siya at mula sa buwan ay kita ko nanaman ang pagningning ng mata niya. So magical..
Kumunot ang noo niya at umalis siya sa tabi ko. Nakaupo kami sa likod ng kotse niya like we usually do. Tumayo siya at pumunta sa harap ko. I suddenly remembered the first time we went here. Ganitong ganito.. but now, much closer and I can feel him more.
"Are you saying hindi namin deserve ang pagkapanalo namin?" Tanong niya pero hindi ako makasagot..
Instead na mag isip nang sasabihin ay nadi-distract ako sa pwesto namin. Lumapit siya ng husto sa akin. Kinulong ako gamit ang dalawang kamay niya. He leaned forward to me. We're only an inch apart. Huminga ako ng malalim.
"No.." mahina kong sagot.
Hindi gumagana ng maayos ang utak ko. Nawawala ako.. damn! He is so unfair.
"Grace.." napaawang ang labi ko sa pagtawag niya sa akin non.
Bumalik ang ala-ala nang nangayari kanina. Naramdaman ko nanaman ang paninikip ng dibdib ko. Bakit ganito.. bakit ako nasasaktan?
"Call me Adrianna." I breathed. Halos bulong nalamang 'yon pero sapat na para marinig niya.
Kita ko ang pagkalito sa mata niya. Kahit ganito siya kalapit ay kailangan kong mag-isip. Hindi ako pwede magpadala.
"Why? Is this because of my tattoo?"
Napapikit ako. Bakit ganito.. it happened a month ago pero sobrang sakit pa rin na malaman at marinig sakanya na Grace nga ang nakalagay sa tattoo niya.
"Just call me Adrianna.. Rian or Ri. Kahit ano wag lang 'yon.." napahawak ako sa braso niya. Napayuko ako dahil sa naramdaman kong paninikip ng sobra ng dibdib ko.
My heart is bearing to much emotions.
"Please.." I pleaded.
I suddenly wondered kung anong tawag sakanya ng Grace na 'yon. Is it Caden? Kaya ba gusto niya ay yun din ang itawag ko sakanya? Hindi ko ata kakayanin kung ganon ang rason..
"But Grace-"
"Stop! Stop! I don't want to hear it.. please don't call me that. Nasasaktan ako Caden. Nasasaktan ako ng sobra.."
I didn't know kung bakit may luhang tumakas sa mata ko. Ang babaw babaw ko naman! Nakakainis! Hindi ko alam kung bakit nagiging ganito ako!
Napayuko ako pero hinawakan niya ang baba ko at inangat ang mukha ko para magtama ang mga mata namin. Naramdaman kong may tumakas na luha nanaman. Huminga ako ng malalim dahil sa hirap akong huminga. Nasisilaw din ako sa tingin niya.
"Why are you crying.." halos pabulong niyang tanong. Hinaplos niya ang pisngi ko at pinunasan ang luha ko.
Pero dahil ata sa ginagawa niya ay lalo akong nasasaktan at lalo akong naiiyak. I never cried this hurtful before. Ngayon lang.. and it's because of him.
Ngayon naiintindihan ko na, alam ko na. Nagkakaganito ako kasi nagkakatotoo na ang kinakatakutan ko.
Nahulog na ako ng tuluyan..
Minamahal ko na siya.
"Damn Gra- Adri- Fuck. Am I the reason why you're crying? Did I hurt you? I am so sorry.. please don't cry. Hindi ko kakayanin na ako ang rason ng pagiyak mo."
Napakagat ako sa labi ko. Pinigilan kong umiyak pero nagtakasan nanaman ang mga luha ko. He's stare was so intense.. so loving.
We we're too close but I felt like he's too far at the same time..
"Caden.. wag mo akong sasaktan please."
Napahawak ako sa puso ko. Sobrang sakit non, napakaraming dahilan kung bakit ito naninikip. Sa tingin niya, sa mga takot ko, sa nararamdaman ko at sa madami pang mga dahilan.
"What? How can you say that? Hindi kita sasaktan. Ano bang tumatakbo sa isip mo?" Kita ko ang hinanakit sa boses niya.
Umiling ako at lalong napahikbi pero natigilan ako ng mabilis niya akong siilin ng halik. Napasinghap ako dahil sa gulat, he inserted his tounge and ravished my mouth. It was so fierce.. the kiss was so powerful. It set my heart on fire.
My tears were flowing while he's kissing me. Napahawak ako ng mahigpit sa braso niya. Pinulupot niya ang braso niya sa bewang ko at mas lalo pang linalim ang halik namin. Nararamdaman ko ang pagguhit ng napakaraming bagay sa puso ko.
He didn't just invaded my lips..
My heart too..
Tumigil siya at hinabol ko ang hininga ko. I was still crying, my eyes just won't stop.
He leaned again and kissed my lips sweetly. Mabilis lang 'yon pero sapat na para kurutin ang puso ko.
"I'm so frustrated. What's making you like this?" Kita ko ang kaguluhan sakanya.
Huminga ako ng malalim at mariing pumikit sandali. Minulat ko 'yon at tinignan siya.. I want to convey my feelings to him. I want him to feel the Montgomery's frustration.
"Problema ko ang nararamdaman ko sa'yo Caden! I'm never like this! I never loved a man before! Sa bawat araw na ginawa ng Diyos ay nahuhulog ako sayo. It's making me weak.. I'm too afraid. Ang dami kong tanong na hindi masagot dahil natatakot akong magtanong.. natatakot akong makita sa mga mata mo na nagsisinungaling ka ulit.."
Napahikbi ako lalo. Damn this tears! Bakit ayaw tumigil! I want to face him eye to eye! I want to understand everything and this tears are not helping!
"I'm so sorry.."
I felt a piece of my heart fell again. Hanggang kailan mahuhulog ang mga 'to. Baka maubos sila..
Nasasaktan ako sa sagot niya.
Magsasalita pa sana ako pero pinigilan niya ako nang mabilis siyang humalik ulit sa akin. It was fast but what caught me..
"Mahal kita. Mahal na mahal kita. Ikaw lang.. kung ano man ang mga tanong mo. I'm really really sorry that they're hurting you. I promise.. it is not my intention. I can't afford to hurt you but I just did and I want to kill myself because of that. Kung galit ka sa akin, mas galit ako sa sarili ko. Hindi ko alam na nasasaktan na pala kita. I fucking want to kill myself. Damn. Adri- sweetheart.. I am so sorry. I love you so much please don't hate me."
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. A tear escaped again.
Hindi lang ako ang nasasaktan sa aming dalawa.. kitang kita ko sa mata niya na nasasaktan din siya. Sobra sobra siyang nasasaktan.
Inangat ko ang kamay ko at hinawakan siya sa pisngi..
"Mahal din kita."
Please don't break my heart.
But pain is part of loving..
I just hope that this pain is worth bearing.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top