Kabanata 23

Kiss

"Happy Birthday, Tul!"

Napangiti ako nang makitang halos mangiyak ngiyak siya. We rented Hotel Monticello's restaurant to celebrate her birthday. Dinecorate namin 'yon at nag presinta si Uno na siya ang susundo kay Tulip mula sa pagtulog.

Lumapit siya sa amin. I was holding the cake and she looked at me. I saw her eyes brimming with tears. Napaawang bahagya ang labi ko.

I don't understand them when they say that I have special powers. Natatawa pa ako pero ngayon.. baka maniwala na ako. Kita ko sa mata ng pinaka malapit na pinsan ko na nahihirapan siya.. her eyes is not crying for happiness.. hindi dahil sa surprise. It was more than that.

Huminga ako ng malalim. "Happy Birthday, Tul. We love you so much. We will always be right behind you. We will never let go of your hand. Isa lang naman ang wish namin para sayo.. it's for you to be happy."

Lalo siyang napahikbi. May problema siya.. I know.

Sometimes.. even the greatest smile can have the greatest tears. It's not just about what you see outside.. it's what you'll see through the eyes.

"Make a wish, uhugin." Natatawang wika ni Simon at napahalakhak naman kami.

Pumikit siya at kita ko ang panginginig ng katawan niya. Nagmulat siya at ngumiti. Hinipan niya ang kandila at sabay sabay na pumalakpak ang mga pinsan ko at mga kaibigan na naroon.

"Happy Birthay Tulip Montgomery!" Sigaw namin. Binaba ko ang cake at mabilis siyang yinakap.

"I'm here for you.. I love you." I just felt the need to say that.

"Thank you.." aniya at yinakap din ako ng mahigpit.

"Let's eat!" Masayang sigaw ni Clyde. Napahalakhak ako at bumitaw kay Tulip. I smiled at her to make her worries away.

Hinayaan ko siyang batiin ng iba. Pumunta na ako sa buffet at kumuha ng pinggan ko. I can hear my cousins making fun of her crying moment.

"Goodmorning Ms. Montgomery." Napangiwi ako sa tawag sa akin ni Osiris. What's with my surname?

"Can you please stop calling me that?" Saad ko habang nag lalagay ng pagkain at ulam sa pinggan ko.

Sumunod siya sa akin. Siya rin ay kumukuha ng pagkain. I can still remember our talk.. it was helpful but also hurtful. I never thought that I will have that conversation with him.

Hindi ko pa rin hinahayaan ang mata kong dumapo kay Evander. I was avoiding him all this time.

Making him say the truth is wrong.. yun ang na-realize ko kagabi. He should be the one to appreach me and tell the truth. Making him admit.. will only make things worst.

"Adrianna then?" Sinamaan ko siya ng tingin at tsaka marahang tumango. It's better that Ms. Montgomery.

Natapos ako at pumunta sa isang table. Tumabi ako kay Agatha. Pansin kong sumunod din si Osiris sa akin at umupo sa tabi ko. Kita ko ang pagsimangot ni Agatha kay Osiris.

Oh they hate each other.

"I heard.. dumadalaw ka daw palagi sa Broadcasting?" Tanong ko sakanya.

Kita kong natigilan siya pero agad din 'yong nawala at napalitan ng ngisi. The same smirk when we first had our lunch together. Nung oras na kinamumuhian ko siya.

"Oo ate! Trespasser 'yan!" Inis na inis na saad ni Agatha sa tabi ko.

"Well.. you don't own that place. I can go there Agatha Joan." Aniya habang seryosong kumakain.

Here I am again.. feeling so out of place. Last time ay ganito rin ang naramdaman ko. Huminga ako ng malalim at tinignan silang pareho.

"Kukuha lang ako ng inumin para may maisaboy kayo sa pagmumukha ng isa't isa." Saad ko at tumayo.

"Mabuti pa nga" ani Agatha habang matalim na tinitignan si Osiris.

"You don't need to get wet by that water. I can make you--" bago niya pa matuloy ang sasabihin niya ay ako na mismo ang nagtakip ng bibig niya.

How can he say that! Kapatid nga siya ng sinungaling na Evander! Parehas silang sakit ng ulo.

"Ate, why did you stop him?" Inosenteng tanong ng kapatid ko.

Matamis akong ngumiti. "He's an asshole" saad ko at kita ko ang pag-sang ayon kay Agatha.

"Kuha mo!" Natatawa niyang wika at napahalakhak.

Napalingon ako kay Osiris na nakatitig lamang kay Agatha. I snapped my fingers in front of him kaya nagising siya sa katotohanan.

"Laway." Nakangisi kong saad at tinalukaran na sila.

Hinanap ko ang lugar kung saan nakakakuha ng drinks. Kumuha ako nang baso pero may humawak din doon. Nilingon ko ito at mabilis akong napaiwas ng tingin. Damn.. kaya pala hindi ako mapakali. Kaya pala nagwawala nanaman ang sistema ko dahil sakanya.

"Sa'yo na." Kumuha ako ng ibang baso at hinayaan siya doon. Binigay ko ito sa nag seserve at siya mismo ang nag lagay ng yelo at iced tea doon.

"Grace.. please talk to me."

Parang pipigain ang puso ko. I badly wanted to talk to him. I badly wanted to stare in his eyes. I badly wanted to touch him but I can't. Hanggang nakikita ko ang mata niyang puno ng pagtatago.. I can't do that.

"Say the truth then." Saad ko sakanya.

I looked at him in his eyes. Namiss ko ito.. ang bawat pag hagod ng mata niya sa akin. Ang tingin niyang nakaka panlambot. This is torturing me..

"Grace.." as he traced my name, hinawakan ko siya sa kamay. Napatingin siya doon.

I missed touching him.

"Yun lang naman ang hinihingi ko. Katotohanan. I'm not asking for anything except the truth. Tuwing naiisip kong ganon kahirap para sa'yo na sabihin sa akin ang totoo. Nasasaktan ako Evander."

He was just intently looking at me. Ngumiti ako sakanya at pilit binaling ang tingin ko sa server. Binigay niya sa akin ang isang tray na may tatlong baso at tinungo ko na ang pwesto nila Agatha.

Tahimik sila nang makarating ako doon. Hinayaan ko na sila dahil wala ako sa mood. Nakinig nalang ako sa mga pinsan kong lalaki na pinaguusapan ang kabataan ni Tulip habang kumakain.

Natapos kami sa pagkain at napagdesisyunan namin puntahan ang Tagaytay Picnic Grove bilang hiling ito ni Tulip. Alice was very mad.. ayaw kasi nito sa mga zipline o kahit anong matataas na lugar.

Mabilis din namin 'yon narating. Napa-angat ako nang tingin sa zipline at cable cars. Damn. Hindi ako matatakutin pero hindi naman ibig sabihin non ay wala ng takot sa dibdib ko. It is still scary..

Carl paid for everyone. Regalo niya daw kay Tulip.

"Sabay tayo?" Tanong ko kay Agatha. Mabilis siyang lumapit kay Adrian kaya kumunot ang noo ko.

"Kuya.. sabay tayo?" Napaawang ang labi ko. Natawa si Adrian at tumango.

"Okay. Sure." What the heck?

Napatingin ako kay Gelo at Simon na sumakay na sa Zipline. Hindi naman sila excited niyan no?

Kaming dalawa ni Alice ay nasa likod lamang. Pinagmamasdan namin sila habang excited na excited sila sa pag linya. Bakit hindi nalang sila magpalagay ng ganito sa harap ng mansyon?

"Damn! This is exciting!" Rinig kong wika ni Dos.

Uno was laughing and nodding his head. Tumabi siya kay Tulip.. ibig sabihin sila ang magkasabay sa zipline? Wow.. I'm amazed sa bilis ng progression ng closeness nila.

"After nito.. deretso sa cable cars ah!" Anunsyo ni Clyde habang sabay sila ni Dos. Tumango ako at nag thumbs up.

Ramdam kong may tao na nasa likod ko, base sa reaksyon ng katawan ko at pagbilis ng tibok ng puso ko ay si Evander 'to. My body only reacts like this when he's very near me.

"Ri, kung hintayin ko nalang kaya kayo sa kabilang dulo?" Napalingon ako kay Alice. I can sense fear in her. Hinawakan ko siya sa balikat.

"You can do this. Let's face your fear together."

Kita ko pa rin ang takot sa mga mata niya. Si Uno at Tulip na nasa harapan namin ay naglakad na papunta doon at sila na ang sumubok non. Kaming dalawa na ni Alice ang susunod.

Rinig ko ang mahinang pag-uusap ni Evander at Jacob sa likod namin. Mukhang nauna na si Osiris at Sky. Natigilan ako nang tinawag na kami. Liningon ko si Alice at akmang hahawakan na siya nang biglang may humablot sakanya at hilahin siya patungo doon.

Pipigilan ko sana pero hinayaan ko na nung makitang si Jacob 'yon. What was that?

Pinanuod ko silang sumakay doon at hinawakan ni Jacob ang kamay ni Alice. Pero hindi 'yun ang problema ko. Ang taong nasa likod ko.

"I guess.. tayo na ang huli." Saad ko sakanya nang hindi pa rin siya tinitignan. Just his mere presence can make me so alive.

Ang sarap sarap makipag-bati sakanya.

"Yeah.." mahina niyang tugon.

Nang makabalik ang gamit para sa zipline ay lumapit na kami doon. Hinintay ko ang lalaking helper na isuot sa akin 'yon pero napasinghap ako nang hablutin sakanya ni Evander 'yon at siya mismo ang mag suot sa akin non.

I can't even say a word. Nakatuon lamang ang atensyon ko sakanya. He made sure na secure na secure ito sa akin. Tumayo siya at nag lebel ng tingin sa akin.

"Galit ka man sa akin.. nothing will change. No one can touch you that close except me." Saad niya at ngumiti ng marahan sa akin.

Napabuga ako ng hangin nang humiwalay siya at ang kanya naman ang linagay. Damn this! Yun lang ang sinabi niya pero nagwawala na ang buong sistema ko. Buhay na buhay ang lahat ng cells sa katawan ko.

My heart was beating so fast, na pakiramdam ko ay hindi ko ito mahabol.

Tinuruan kami ng tamang pwesto, pinili namin ang nakaupo. I was seating so near to him.. humawak ako ng mahigpit sa taling nasa harapan ko. I clenched my teeth and closed my eyes nang mag bilang ang staff at bigla kaming binitawan. I'm not the shouting type. Ako ang tipong pipigilan ang takot hangga't maaari.

Sa kalagitnaan ng zipline ay ramdam ko ang mabilis pa ring tibok ng puso ko. I don't know if it's because of the zipline or bacause he is beside me. Lalo na nang hawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Unti-unti kong minulat ang mata ko at lumingon sakanya. Mata niya ang bumungad sa akin.

I was drawn by his eyes. Hindi ko magawang alisin ang mata ko sakanya. We we're seating beside each other. He looks so damn suited in the sky.

"Grace.."

Tawag niya sa pangalan ko. My name is different pag sakanya nanggaling. Funny but it's the truth.

Binitawan niya ang kamay ko at hinapit ang bewang ko. Damn that was dangerous! Napaawang ang labi ko sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Sumasakit ang dibdib ko.

I was never the romantic type.. hindi rin ako kinikilig sa mga super romantic movies pero damn this! I can see rainbows and butterflies. I can feel bees on my stomach.

Kita ko ang pagbaba ng tingin niya sa labi ko. He smiled while looking back at me.

"I'm sorry nung unang beses kitang hinalikan. Hindi ako humihingi ng tawad dahil hinalikan kita, I will do it over and over again kung pwede lang.. I'm saying sorry because you didn't deserved that. Hindi bagay sayo ang halikan sa bookstore. You deserve more.."

I didn't know where the wetness in my eyes came from. Sobra sobrang saya at sakit ang nararamdaman ko. I like him too much. Nakakatakot ang nararamdaman ko. I like him so much..

Ang puso ko ay para sakanya..

Bakit ganito siya? He is so confusing!

"Let me correct that, Grace." Aniya.

Linapit niya lalo ang mukha niya sa akin. Ramdam ko ang kusang pagpikit ng mata ko. I felt his lips on my lips. Kasabay non ang pagtulo ng luha sa mata ko. Hindi ko alam kung para saan 'yon.

He kissed me gently but passionately. It was the best kiss for me. He made me feel things I never thought I'm gonna feel. Dance in the rooftop? Kiss in the zipline? I never wished for these.. pero ito siya at tinutupad 'yon. Ang bawat hagod ng labi niya sa aking labi ay kasabay din ng pagtulo ng mga luha ko. Kasabay non ang pagkahulog ko sakanya.

I damn fell! I was caught by him! I like him.. and God knows if it was more than that. Napahawak ako sa kanyang braso dahil pakiramdam ko ay manghihina na ako. Lalong humigpit ang hawak niya sa aking likod at ang isa niyang kamay ay humawak sa aking batok. Marahan ang haplos ng kanyang halik. Ingat na ingat siya sa akin. It was so soft..

Dahan-dahan lumuwag ang hawak niya sa akin at bumitaw siya. I was breathing heavily.. para akong naubusan ng hangin. Nag-init ang mukha ko nang magtama ang mga mata namin. Nahihiya ako sa hindi ko malamang dahilan.

It was my second kiss. Alam kong wala akong alam sa paghalik. I don't even know if tama ba ang ginagawa ko. Dammit! Nakakahiya!

"Caden.." mahina kong tawag sakanya. Pakiramdam ko ang haba ng zipline na 'to pero the fact was.. nakalimutan kong nasa zipline kami.

Ngumiti siya at hinawakan muli ang kamay ko. I smiled too..

"I missed you calling me that." Aniya.

Huminga siya ng malalim at sandaling napatingin sa harap. Napansin kong malapit na kami sa kabilang dulo.

"Grace.."

Tawag niya muli sa akin at marahang pinunasan ang luha sa mga mata ko. Napapikit ako dahil doon.

"Gusto kita. Gustong gusto. Hindi kayang pantayan ng salitang I like you ang nararamdaman ko para sa'yo. Too fast? I don't give a fuck on the time. On my plot.. I'm the one who give the rules. No time can measure what I feel for you."

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Ang pagbilis ng puso ko ay bumagal dahil pakiramdam ko ay tumigil ang buong lugar. I can only hear it's heavy beating. Malakas na tambol ito.

Nang makarating kami sa dulo ay binitawan niya ang aking kamay pero hinarap niya ako.

"I can't afford to lose you. I'm sorry for lying."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top