Kabanata 22
Liar
"Ipasok niyo na ang mga gamit."
Kinuha ko na ang gamit ko dahil sa sinabi ni Adrian. Sa Hotel Monticello kami mag se-stay. May mga tumutulong din sa amin sa pagpasok ng gamit.
I was caught off guard nang may humawak sa gamit ko. Nilingon ko ito at nakangiting Caden ang sumalubong sa akin.
"Ako na."
He was trying to be a gentleman pero hindi ko siya kayang tignan ngayon. Ramdam ko pa rin ang kiliti sa aking tyan lalo na at ang gwapo niyang tignan ngayon pero hindi ako papatalo.
I hate liars. Minsan nagsisinungaling ako, tulad ngayon tumakas kami pero as much as possible.. sa mga ganitong usapan, gusto ko katotohanan lang.
I've seen deep damages just because people lied. I can't bear that to happen. Wala pa man ay nagsisinungaling na siya.. paano pa kung meron na?
"Grace.." tawag niya sa akin.
Napansin kong napatingin na rin ang mga pinsan ko. Hindi ko sila pinansin at binigay sa bellboy ang gamit ko.
"What is it Evader?"
Kita ko ang pagkagulat sa mga mata niya dahil tinawag ko siyang Evander. Marahan akong napalingon at nakita kong hinila ni Simon ang mga pinsan kong gustong makinig.
My Caden wouldn't lie to me..
Shit. Inaako ko na, wala pa man.
"You're mad." Gusto kong bumigay lalo na sa klase ng tingin na binibigay niya sa akin.
"No, I'm not."
Oo! Galit ako! Naiinis ako!
When his lying aura flashes back.. mas lalo akong naiinis.
I'm not that stupid. Ramdam ko nagsisinungaling siya. Kung hindi big deal sakanya 'yon. Bakit siya magsisinungaling? He can tell me.. maiintindihan ko naman.
"Una na kami.." tinapik ako sa balikat ni Carl. Tumango lamang ako.
"Call me when you need me" bulong sa akin ni Tulip kaya napangisi ako nang bahagya.
Hindi nila ako kailangan bantayan dahil alam nila ako pag nagalit. I can tolerate physical wounds but not emotional and mental wounds. I surely won't forgive easily. Masama na, pero ayoko talaga sa mga sinungaling.
I can remember what my mom told me.. nung kinwento niya ang story nila ni daddy. Ang pinaka malaking away nila ay dahil sa kasinungalingan.
"Let's go inside." Saad ko at tumalikod na pero hinigit niya ako. Napaawang ang labi ko dahil sa lapit namin.
He knows my weakness! He's using it! Damn, dirty player!
Lumalim ang paghinga ko. Naa-amoy ko ang pabango niya at para ako nitong nilulunod. Baka bigla akong bumigay nito.
Hindi pwede!
"We will talk." Matalim niyang saad sa akin. Sinubukan kong agawin ang kamay ko pero matigas ang pagkakahawak nito sa akin.
Sinisigurado niyang hindi ako makakawala. Nakakatakot din ang boses na ginamit niya sa akin. Nakikita ko ngayon kung sino ang Evander na kinakatakutan nila.
Naiyukom ko ang mga palad ko at tinignan siya ng matalim. I'm going to give him what he wants.
"Bakit ka nag sisinungaling?" Deretso kong tanong.
Kita ko ang pagkagulat sa mga mata niya. Bahagya rin lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin. Lalong lumaki ang guhit sa puso ko. Nakumpirma ko na ngayon.. he is really lying.
"Hindi ako nagsisinungaling."
"What the heck, Evander? Hanggang ngayon i-dedeny mo pa rin? Mas lalo lang akong nagagalit sa ginagawa mo. The more you try to keep it from me, mas lalo mo lang akong tinutulak na magalit."
I tried not to raise my voice. I still don't want to make a scene as much as possible.
"Ano bang sinasabi mo?" Bullshit!
"Hindi ako tanga Evander. I know you're lying. Ang kilala kong Caden.. pure, sincere at tagos sa buto at laman ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya pero ang kaharap ko ngayon? Si Evander na blangko. Parang hindi kita kilala. The blankness in your eyes told me. Sinasabi nito na nagsisinungaling ka." Mariin ang bawat pagkakasabi ko nito.
I was intently looking at him in his eyes. Bawat tingin ko sakanya ay sumasakit ang puso ko. Kitang kita ko sa mata niya. It's in front of me! Nag sisinungaling siya at nasasaktan ako dahil doon.
I'm trying my best not to ruin my trust for him but if he insist on lying.. I don't know anymore.
"You're just jealous."
Napabuga ako nang hangin sa sinabi niya. I can see na naiinis na rin siya at nagtitimpi nalamang but heck I care?! Wala akong pakielam! Ilalabas ko lahat ng frustrations ko sa mga sinungaling!
"Shit lang? Nagseselos? May dapat ba akong ika-selos? Ikaw mismo ang naglalaglag sa sarili mo. Walang kaso sa akin 'yon. May first love ka? Ayos lang. It's damn okay Evander! Ang ayoko.. bakit kailangan mong mag sinungaling? What's with the lies?"
Tumaas-baba na ang dibdib ko. I'm damn mad. Lumambot ang tingin niya sa akin at napa-iwas siya ng tingin. It hurts like fuck!
Kahit anong gawin ko, hindi niya sasabihin?
"What's happening here?"
Mariin akong napapikit sandali. Liningon ko ang nagsalita at bumungad sa amin ang nakapamulsang si Osiris. He was grinning while looking at us.
Marahas kong inagaw ang kamay ko mula kay Evander.
"Wag kang makielam." Saad niya kay Osiris.
Huminga ako nang malalim at humakbang palapit kay Osiris.
"Grace. Distance." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Evander. He's being a mad ape for nothing.
Galit ako.
"Anong ginagawa mo dito? I mean.. I didn't know you'll come." Mahina kong tanong. I want to make my voice normal lalo na at nanginginig ako sa inis. I can't transfer from one emotion to another.
Wala akong talent na ganon.
"Well.." napahawak siya sa kanyang batok. Nangiti naman ako.
"Pinadala ako nang buong pamilya niyo. I don't know what happened. Basta alam ko tumakas kayo pero natunton kayo at instead na sila ang pumunta ay ako ang pinapunta."
I know this will happen. Mahahanap nila kami agad pero hindi ko inaasahan na ganito ang gagawin nila? Instead na pauwiin kami ay, ipapadala nila si Osiris dito?
"Kayo? Anong nangyayari? Are you two fighting?" Tanong niya.
Napayuko ako at huminga ng malalim. Ramdam ko na napalapit na si Evander sa amin. I can sense his presence behind me.
"Ate let's go--"
Sabay sabay kaming napalingon sa lumapit sa amin. It was Agatha wearing her cheerful smile na agad nawala nang masilayan niya si Osiris.
"What are you doing here?" Tanong niya rito.
Kita ko ang matatalim na tingin ng kapatid ko. Bago pa ako makapagsalita ay may humila na sa akin at pinasok ako sa loob ng hotel. Pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak niya sa akin pero matigas talaga siya.
Naisip ko bigla ang insecurities niya kaya pinabayaan ko nalang.
Kinausap niya ang nasa front desk at hinila ako muli. Pababayaan ko lang siya dahil sa ayaw ko naman damdamin niya ang mga walang kwenta niyang insecurities. Naiinis talaga ako! Kahit ang paghawak niya sa akin na nakakapaso ay hindi kayang patayin ang inis ko.
Tumigil kami sa isa sa mga kwarto.
"This is the room for girls." Aniya.
Tinitigan ko lamang siya. He can't look at me directly.
"Evander, I hate liars." Deretso kong saad sakanya. Napa-angat siya ng tingin sa akin at pinigilan kong ma-apektuhan nang magtama ang mga mata namin.
Napahawak ako sa bodybag ko para mapigilan ang sarili ko.
Napasinghap ako nang humakbang siya palapit at hinawakan niya ang kamay ko. Napaiwas ako nang hawak. Ayokong bumigay. He is too unfair.
"I'm not lying." Aniya at binalik ko ang tingin ko sa mga mata niya. Nanikip nanaman ang dibdib ko.
He is.
"You are. You can't fool me at mas lalo lang akong nasasaktan sa pag insist mo na hindi." Binawi ko ang kamay ko sakanya at pumasok sa loob ng kwarto.
Napasandal ako sa pintuan. Nakita na niya.. kung paano ako ma-frustrate. All this time akala niya siguro, ako ang tipo ng ta-tanga tanga but I'm not like that.
"Are you okay?" Nilingon ko si Alice na kumakain sa lapag. She really has a different way of eating.
Lumapit ako sakanya at umupo sa harapan niya. Kumuha ako ng isang sushi at malungkot na kinain 'yon.
"He lied." Simple kong sagot.
Kumunot ang noo ko nang humaglpak sa tawa si Alice. What's wrong with her?
"What?"
"Gumana nanaman 'yang secret powers mo? You're creepy when you do that. Tuwing nagsisinungaling kami sayo ay agad mong nalalaman. Katakot! Madaya! Pag ikaw nagsisinungaling, hindi namin alam.. sabagay madalang ka lang magsinungaling."
Napabuga ako ng hangin at natawa sa sinabi niya.
"Well it's because halata kayo." Saad ko.
"Pag nag ka-boyfried na ako. Ihaharap ko siya sayo at pasasabihan ko siya ng I love Alice. Tell me if he's lying or not." Saad niya sabay hagikgik.
Sumandal ako sa kama at pinagmasdan siya.
"Are you talking about Jacob?" Tanong ko sakanya. Kita kong namilog ang mga mata niya.
Kumuha siya ng sushi ulit at kumain.
"No! Ayoko na sakanya. May first love pala 'yon. Ayoko ng may sabit." Depensa niya.
Tinaasan ko siya ng kilay at tumayo ako.
"You're lying." Saad ko atsaka siya iniwan doon.
"Ri! 'Wag mong pagsasabi 'yon!" Humalakhak ako sa sigaw niya at namili ng kama. May dalawang kama, pinili ko ang sa right side, malapit sa balcony.
Inayos ko nalamang ang mga gamit ko atsaka panandaliang natulog. I need to have a break and I need energy para pagnag-harap kami ay full boost ang energy ko.
Nagising ako nang naramdaman kong nilalamig na ako. Lumingon ako at nakita si Agatha sa gilid ko na natutulog. Tumayo ako at kinuha ang jacket sa gilid. Sinuot ko ito at tumungo sa balcony. Pagkabukas na pagkabukas ko palang dito ay ramdam ko na ang simoy ng hangin.
Yinakap ko ang sarili ko at pumikit ako. Ramdam ko pa rin ang hapdi sa puso ko.
"Ms. Montogomery" napalingon ako sa katabing kwarto at bahagya akong natawa nang makita si Osiris doon. He was also leaning on the railings.
Humarap ako sakanya.
"Are you with the boys?" Tanong ko sakanya.
"Yeah.. with Sky and the others. Kabilang kwarto ang mga pinsan mo." Aniya at tumango ako.
"What happed a while ago?" Bahagya akong ngumiti sa tanong niya.
"Bakit lagi kang dumadating pag kailangan kita?" I notice that.. lagi siyang sakto.
Humalakhak siya sa tanong ko. "Maybe we're meant to be bestfriends."
It's my turn to laugh. "What the heck." Saad ko. Nagkibit-balikat naman siya.
"I know things that your cousins doesn't.. so we can say that." Napangiti ako sa sinabi niya. Well what he said was true. Alam niyang umalis kami before ni Evander. Nakita niya rin yung nangyari kanina.. he was there nung nasaktan ako physically.
"Meron na bang minahal si Evander?"
Napa-ayos siya ng tayo sa tanong ko. He knows something.. nakikita ko 'yon. Maybe dapat nag psychology nalang ako.
"Before you? What do you mean?" Lumapit ako lalo at napahawak sa railings.
"Yeah.. before."
I gripped the railings tightly. Natatakot ako sa sagot. Hindi ako natatakot na meron, natatakot ako na.. tama akong nagsisinungaling siya.
"I'm gonna tell you this because you're my bestfriend." Biglang nawala ang sikip sa dibdib ko dahil sa sinabi niya.
Tumango siya.
"Yeah he did. Meron siya.. three years ago."
Damn. Napaiwas ako ng tingin. He lied.
Bakit kailangan niyang magsinungaling sa akin? Hinihintay niya pa ba 'to? Parang tinutusok ng needle ang puso ko. This are the hurtful truths that I'm talking about.
"Bakit mo natanong?"
"He lied to me. Sabi niya wala.." Halos pabulong kong sagot. Pakiramdam ko nawawalan ako ng lakas.
"He lied? Galit ka kasi nagseselos ka?" Sinamaan ko siya ng tingin.
"Bakit ba iniisip niyong galit ang mga babae pag ganyan? Selos na din agad? Hindi ba pwedeng galit muna kasi nag sinungaling? It's not about jealousy.. it's about trust, Osiris." Madiin kong tugon.
Tinaas naman niya ang dalawa niyang kamay bilang pagsuko. Huminga ako ng malalim at muling yumakap sa sarli ko nang humihip ang malamig na simoy ng hangin.
"Okay.. okay.. I'm sorry."
"Bakit kailangan niyang mag sinungaling? Big deal pa rin ba sakanya 'yon? Is he protecting her? Is he.. still in love with her? Is he still waiting for her?"
Parang kutsilyo ang mga tanong ko at sinasaksak ko ang sarili ko bawat labas nito sa aking bibig. Parang sinasaktan ko ang sarili ko.
Pumikit ako ng mariin para pigilan ang kung anong namumuo sa puso ko.
Kung tutuusin ay wala pang sinabi sa akin si Evander tungkol sa tunay niyang nararamdaman. It's all in actions. I mean he told me that I mean so much to him and what he feels towards me can't be out into words... pero iba yung sa babaeng 'yon. He loved her. It's a fact.
"I don't know.. I'm sorry Adrianna. 'Yan ang hindi ko masasagot. Kita mo naman.. we're not that close. Alam ko lang kasi nakita ko na yung babae dati." Tumango ako sa sinabi niya.
Napatingin ako sa langit. Kitang kita na ang buwan.. the stars are shining so bright.
Damn.
"Why don't you ask him? Siya lang ang makakasagot niyan."
Nilingon ko siya at tinignan sa mata.
"He'll just lie again.." I traced. "I'll be hurt.." halos hindi ko na mabigkas ang sasabihin ko.
"Because I know that somehow, he won't answer my questions with honesty."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top