Kabanata 2

Caden

"Ang ganda" napalingon ako at nakita si Gelo na nakatingin din sa lupain ng Argao. Ngumiti ako at inakbayan siya.

"Yeah, too beautiful" saad ko habang pinagmamasdan din ang lupain. It was so peaceful, tipong nakakatakot isipin na baka isang araw ay mawawala ito.

Huminga ako ng malalim.

"Rian! Let's go!"

Lumingon ako at nakitang kami nalang ni Tul at Gelo ang nasa labas. I was staring at the land of Argao too much.

I realized that maybe this isn't bad after all.

"Yeah" sagot ko at sumunod na kami sakanya.

Pumasok kami sa mansyon at kahit ilang beses na ako pumunta dito ay namamangha pa rin ako. They preserved every part of the mansion. May mga pinaayos lang pero kitang kita pa rin kung gaano ito ka-antique. May nakasabit na malaking picture frame ng pamilya sa may living room.

Ang mansyon na ito ay apat na palapag. Sa pangatlong palapag ang kwarto ko kasama ang kwarto ni Tul, Agatha at Alice.

"Nasaan sila?" Tanong ko kay Tul habang pinapasadahan ng tingin ang buong mansyon.

Tinatahak namin ang papuntang dining area. Nakakarinig na ako ng mga halakhak kaya sigurado akong nandoon sila.

"Hmm.. perhaps kitchen?" simple niyang sagot habang tinatali ang kanyang buhok.

Pagkapasok namin sa Dining Room ay nakita ko agad si mommy at daddy na nakikipag tawanan sa mga pinsan ko at sa mga auntie at uncle ko.

"Hey, mom!" Bumati si Tulip kay Tita Jade. Lumapit naman ako kay mommy at daddy para yakapin sila.

"Kumusta ang byahe?" tanong ni daddy kaya napatingin ako kay Adrian habang nagpipigil ng tawa. The way he looks at me is like asking me not to say a thing that will go against him.

Ipinilig ko ang ulo ko. "Okay naman po. Carl took over Ad after we ate for lunch"

Kita ko ang pag-relax ng ekspresyon ni Ad.

Inabutan ako ni mommy ng inumin at kinuha ang gamit ko saakin. Si Gelo naman ay umupo na sa tabi ni daddy at nagkwentuhan na sila.

"No mom! Ako na" wika ko pero sadyang pursigido si mommy kaya nahablot niya ito.

"No. Let me.. umupo ka muna diyan. Ipapasok ko lang ito. Nag bake ng cookies ang Tita Pia niyo, kumain kayo diyan." saad niya at bago siya lumabas ay hinalikan pa siya ni daddy sa kamay. Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil doon. Hanggang ngayon ay sweet na sweet pa rin sila.

Umupo ako sa tabi ni daddy. Everyone is busy talking about the land trip.

"Bukas, magenroll na kayo" saad ni Tita Pia, asawa ni Tito Ziel. Tumango ako bilang pagsang-ayon. Kailangan na rin dahil in 6 days, magsisimula na ang klase.

"Ma, maayos na ba yung mga papers namin? Papayag ba talaga silang mag enroll kami kahit hindi kami dito nag start?" Tanong ni Simon kay Tita Jade. Its a good question, may mga school kasing masyadong strict minsan na hindi tumatanggap ng transferee.

"Yes.. actually nakausap na ng Tito Teo niyo ang principal ng university, they told him that you still need to take the entrance exam though." paliwanag ni Tita.

Mahigpit nga.. base sa narinig ko, ang papasukan naming school dito ay isa sa pinaka magandang school dito sa Cebu. It provides the quality of education that we need.

"Sure. Kaya naman yan" hindi ko mapigilang matawa sa sinabi ni Uno. His cocky expression says it all. He is over confident.

"Dad? By the way, ano ba talagang plano? How will you completely take over Visayas?" Tanong ni Adrian habang ako naman ay busy sa pagaayos ng connection ng wifi ko.

"By politics. Papasok kami ng politika. Mauuna si Ivor, pag okay na at secured na ang pwesto niya ay doon palang kami papasok ni Ziel" natigilan ako at napa-angat ng tingin sa sinabi ni Dad.

"Bakit niyo po gusto i-take over ang Visayas? I mean, we have Argao and lots of land from different part of Cebu." Tanong ni Clyde. I also wanted to ask that question.

"Your grandmother loves this place. Gusto namin magkaroon ng permanenteng marka ang pamilyang Montgomery dito." Doon ko lamang naintindihan lahat.

Dad, together with my uncle wanted this for our Grandma. It's not about the power but its about the legacy of our family.

"Then we support you" saad ni Carl habang nakangisi. Napangiti din ako at nagkibit-balikat.

"I'm in!" Sabay naming wika ni Simon kaya natawa kami.

"Oh my gosh! I am so excited for this!"

Nagtawanan kami at linahad nila daddy lahat ng plano nila. I can clearly see that they've planned everything. Masaya ako dahil malinis at maganda ang mga plataporma nila. It clearly embody our family's morals.

Kaming magpipinsan ay paakyat na para pumunta sa mga kwarto habang pumunta naman sa study room sila mommy.

"Entrance exam for tomorrow? What are we gonna do after that?" Tanong ni Agatha.

Sa first floor ng mansyon ang kwarto nila mommy at nila uncle habang sa second floor naman ay ang kwarto ng nila Adrian, Uno, Dos at Carl habang sa pang-apat na palapag naman ang kwarto ni Gelo, Simon at Clyde.

"May try out pa kami bukas" saad ni Uno. Basketball? Bukas na agad? Oh well, sabagay.. late na kami.

"Damn! Nakakapagod bukas! Makakapagisip pa ba kayo non? Sigurado ako basketball nalang nasa isip niyo" saad ni Tul at humalikipkip.

"Tul, boyfriend mo lang ang ganon. Ibahin mo kami. We have the brains" napabuga ako nang hangin sa sinabi ni Uno. Pero sa huli ay natawa din ako dahil totoo nga naman, yung boyfriend ni Tul ay sa basketball lang naman magaling. Actually.. he's not that great.

"Sus! Oo na" saad ni Tul at yinakap na si Carl para mag goodnight.

"Goodnight guys.." I hugged Ad. Iniwan na namin sila sa second floor at umakyat na sa thirdfloor. Nagpaalam na rin sila Gelo at umakyat na.

I entered my room and familiarity hit me. Lumapit ako sa balcony at napangiti sa view. Kitang kita ang Argao mula dito. Nakakapanatag ng puso, nag-angat ako nang tingin at pinagmasdan ang mga bituin.

I don't know if I'm the only one who noticed this but.. mas clear makita ang stars pag nasa province. I don't know if its just me.

Humilig ako sa railings at nanatili pa ako doon ng ilang minuto.

"Nasaan na ba sila?" Tanong ni Alice.

Lumingon ako sa pagbabakasakaling makita sila Adrian. Kaming mga babae nalang ang naiwan sa testing room dahil ang bilis natapos ng mga boys.

"Maybe nasa gym? Try out remember?" Wika ni Gath kaya napahawak ako sa noo ko. Yeah right! I nearly forgot!

Hahakbang sana ako pero napansin ko ang mga tao na nakatingin sa amin. Kanina pa nila kami tinitignan, everytime we pass by.. lagi silang lumilingon. I don't know if that's a good thing or no.

"They know us. I heard one of them said hindi ba sila ang mga Montgomery?" saad ni Tul habang ginagaya pa ang pagsasalita nung nagsabi.

"Ang gwapo nung mga magpipinsan! Sabi ni mama, sobrang yaman nila at hawak nila ang mga pinakamalalaking lupa sa buong Cebu." Dagdag ni Alice habang tumatawa. Kanina pa kami nakakarinig ng mga usapan tungkol sa amin.

Yeah! They we're all talking about the boys. I shook my head and focused myself in looking for Adrian and the others. Wala naman akong pakielam kung anong isipin nila basta we're gonna support the family and be as good as we can be.

"Bilis! Try outs na! Nandon daw ang mga Montgomery!" Mabilis akong napalingon sa narinig ko. Maraming tumatakbo palabas ng building na tinatahak namin.

Doon ba ang papunta sa gym?

"Pati daw ang mga Claveria! Nandon!" Nagkatinginan kami nila Agatha at sumunod sa mga babaeng iyon. We we're almost half running dahil sobrang daming tao. Hirap kaming sumingit, halos hindi na nga kami makahinga. Everyone wants a glimpse of what's happening in the court.

"Claveria! Claveria!"

"Montgomery! Moooontgomeryyy!!"

Puro yan lang ang naiintindihan ko sa mga sinisigaw mg mga tao. Sinusubukan kong mag tip-toe at baka may makita ako pero wala pa rin. Sobrang daming tao sa gym at sobrang ingay pa.

"Excuse me! Excuse me!" Sumigaw na si Agatha kaya napalingon ang mga nasa harapan namin. Nang makita nila kami ay nagsi-alisan sila kaya nakadaan kami.

Nang malampasan namin ang mga tao sa harap ay doon ko lamang nakita ang mga pinsan ko. Kompleto sila at naka jersey na rin. Pawisan na sila at mukhang pantay ang laban.

"Go Uno! Go Kuya! Ayusin niyo yan!" Sigaw ni Alice kaya napalingon sila sa amin. Kumaway si Gelo at Dos sa amin habang ang iba ay masyadong naka-concentrate sa laro.

Nag pasahan sila ng bola at natili ang paningin ko kay Uno dahil sakanya binigay ni Clyde ang bola. Siya ang pinaka sharp shooter sakanila kaya lagi siya ang offense.

Natigilan ako nang makita kung sino ang kaagawan ng bola ni Uno. Damn! Napahawak ako sa puso ko. Ito nanaman.. 100 km per second.

Why is he here? What the heck is he doing here? I thought.. I thought..

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. I didn't realize that the world is so small para makita ko ulit siya.

"Oh my mother! Yung gwapo nandito! Rian! Nandito siya!" Masayang masayang balita ni Tulip.

Oh Tul, I can clearly see that. Napatingin ako sa likod ng jersey niya. Napakagat ako sa ilalim ng labi ko.

Caden

Caden ba ang pangalan niya? Taga dito ba siya? Kung ganon, anong ginagawa niya sa Maynila?

"Nasaan?!" Tanong ni Agatha at tumabi kay Tul para makita ito ng maayos.

Ganon na din ang ginawa ni Alice. Gusto ko man silang pakinggan ay hindi maalis ang tingin ko sakanya. Napalingon siya sa bandang pwesto ko kaya parang natigil ako sa paghinga.

Hindi siya ngumiti pero lumitaw ang dimples niya. Damn! Pawisan siya at kitang kita ang braso niya. He look so! How should I say this? Dashing? Sexy? Urg! This is driving me crazy.

Head to head ang game. They all want to prove something at hindi ko alam sinong iche-cheer ko. But of course I should cheer my cousins! Whatevery happens I'll cheer for them. No questions asked.

"Tul ang gwapo nga!" Narinig kong puna ni Alice habang nakatingin pa rin sa lalaking iyon.

"Diba! Ang gwapo! Pasado na para kay Adrianna! Bagay sila! Destiny!" Napailing ako sa sinabi ni Tul at binaling nalang ang tingin ko muli sakanila.

As if he would notice me.

Napahakbang ako paharap nang makitang isho-shoot na ni Uno ang bola. Parang magnet na sumunod ang mata ko sa bola at napatalon ako nang mashoot ito at tumunog ang timer. Napayakap ako sa mga pinsan ko dahil sa saya!

Makakapasok sila! I'm so proud!

"Montgomery!" Sabay sabay kaming sumigaw at naki-sabay sa amin ang mga tao. Mukhang wala pa man ay magiging kilala na sila dito.

"Papicture tayo!"

"Ano ba! Lapit tayo!"

"Teka! May girlfriend na kaya ang mga yon?"

"Hindi ko pa rin pagpapalit si Evander!"

"Yeah! No one would beat Evander!"

Ilan lamang yan sa mga narinig ko mula sa mga tao sa paligid.

Mabilis kaming lumapit sakanila at inabutan sila ng mga pamunas. They look so tired but smile are evident on their faces. Masaya sila kaya masaya din ako.

Si Gelo ay sobra ang paghinga kaya inalalayan ko siyang umupo at pinainom ng tubig.

"You're the man!" Saad ni Carl kay Uno at nakipag fist-bump. Ngumiti ako at pumalakpak.

"Diyan ako walang masasabi sayo. You did really well there" saad ko at kita ko ang pamumula ni Uno kaya natawa ako. Omg! Naflatter ko ba ang isang Uno Montgomery?

"Alam ko na yan. Maliit na bagay" inismiran ko siya. He still wants to look so cool kahit namumula na siya. Umiling ako at binatuhan siya ng pamunas.

Nagkatinginan kaming mga girls at ngumiti sa isa't isa.

"Congratulations!" Sabay sabay naming wika at natawa naman ang mga pinsan kong lalaki. Its a great day indeed.

"Welcome to the team" Napalingon kami sa nagsalita. Kinamayan nito si Uno at ang mga pinsan ko. Sumunod na rin ang ibang team members pero nay hinahanap ang mga mata ko. Napaawang ang labi ko nang makitang nakaupo lamang siya sa may bleachers at mukhang walang balak lumapit dito.

"I am Osiris Ciro Claveria" pakilala nang isa sakanila. Nanliit ang mata ko.. parang may iba.

His features resembles dimple guys', though wala siyang dimple. Maybe they're related.

"Sino ang captain niyo?" Tanong ni Uno. Binigyan naman ni Tul sila Uno nang tubig.

Lahat sila ay sabay-sabay na lumingon sa lalaking gumugulo sa isip ko ngayon. So he's the captain? Bakit hindi siya lumapit?

"There.. Evander Caden Claveria. Captain ng basketball team na ito at kapatid ko." Oh.. that's why medyo may pagkakahawig sila. Medyo nanikip ang dibdib ko nang hindi siya lumapit.

Evander? Yung sinasabi ng mga babae kanina? So he's famous..

Is there something wrong?

"Ayaw niya ba kaming tanggapin?" Deretsong tanong ni Adrian. Ganon ba iyon? Hindi lang lumapit ay ayaw na agad? Hindi ba pwedeng napagod muna siya?

"Masakit lang loob non. Madalang lang may makapasok sa team dahil walang nakakatalo sakanya pero nagulat kami kanina dahil nalamangan mo siya" paliwanag ng kapatid niya. Siniko ko si Uno dahil ngumisi siya.

Ano ba to? Naghahanap ba siya ng away?

"Magaling siya. No doubt he was really good. Tulad niya ay minsan lang din kami mahirapan sa game but I can say that this game was really good. It was a challenging one. Actually mas magaling pa sa akin pero he got pre-occupied..."

Napalingon ako kay Uno sa sinabi niya. Pero doon ko lamang napansin na naka tingin na siya sa akin. Kumunot ang noo ko at pinanlakihan siya ng mata.

Why is he looking at me like that?

"Kuya, kung ayaw niya lumapit. Bakit hindi tayo ang lumapit" saad ni Gelo. Binuhat niya ang gamit niya at tumango sila Uno.

Napangiti ako. This is what I like about them. Hindi sila nanghahamon.. maybe they are cocky but they know when to lower theirselves.

Para akong lumulutang habang palapit kami sakanya. He was fixing his shoelace nang makalapit kami sakanya. Nag-angat siya ng tingin kaya napalunok ako. Tul held my hand na para bang kinikilig.

Tumayo ito at halos kasing tangkad niya na si Uno. Mas lamang siya ng kaunti sa tangkad. Pero parehas lamang sila ng built.

Halos wala ng mga tao dahil pinaalis na sila ng facilitator.

"Hindi mo ba kami i-wewelcome?" Tanong ni Clyde mula sa likod ni Uno. Napatingin ako kay Agatha at nagkibit-balikat lamang siya sa akin.

"Sino bang nagsabi na isasali ko kayo?" Napaawang ang labi ko. Kahit gustuhin ko mang punahin ang boses niya na ilang araw ko ring hindi nakalimutan ay nasaktan ako sa sinabi niya. Nasaktan ako para sa mga pinsan ko.

His joyful look with his dimples is gone. Pinalitan iyon ng pagtagis ng kanyang bagang at kitang kita sa mga mata niya ang pagka iritado.

"Aba tarantado ka pala! You told us that we just need to beat your team para makapasok! Tapos ganito?!" Napalakas na ang boses ni Carl. Kinilabutan ako sa sinabi ni Carl. They're pissed. I know they are pero hindi man lang natinag ang lalaking kaharap namin ngayon.

Lumapit ang kapatid niya sakanya at hinawakan siya sa balikat. Lumunok ako at kinuha lahat ng lakas ng loob.

"Ano bang problema mo?" Tanong ko sakanya. Doon lamang siya bumaling sa akin at mas lalo kong nakita ang pagkairita niya.

His eyes met mine and it felt so different. Kasabay nito ang pagsikip muli ng dibdib ko dahil alam kong ako lang ang nakakaramdam nito. Sana ay mawala na ang pagkamangha ko sakanya para hindi na ako mahirapan.

"Ano? Kayo ang problema ko. I hate how you show you're.. all above everyone. I hate you're cockiness. I hate how you think highly of yourself. I hate how you just enter this university and the people think they need to be scared just because of your surname!" Napaawang ang labi ko. His eyes was piercing through my soul. May humila sa akin at linagay ako sa tabi. It was Dos.

I want to say something.. I want to say that this is not our intention. Wala naman kaming ginagawang masama.

Sabi ko wala akong pakielam pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Why am I affected on how he looks at us?

"Oh? You're jealous?" Napakagat ako sa ilalim ng labi ko. Wrong Uno!

"I hate your shit" wika niya at kasabay non ang pagtalikod niya at paglakad niya paalis.

Naiwan kaming nakatingin lamang sakanya. I was looking at his back.  Something tugged my heart..

Hindi na pwede to. I should stop.

He hates us. He hates our surname. He hates me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top