Kabanata 15
I'm hurting
Nanliit ang mata ko dahil nakita ko si Adrian na may kinakausap na babae. Napailing nalang ako. Walang klase ngayon for 3 days dahil freshmen days. Nagtayo ng mga booths ang mga freshmen at may mga patimpalak din sila.
"I need to go. Ako mamaya ang mag bo-broadcast sa lunch" ani Agatha. Tumango kami at pinanuod siyang magmadali paalis.
"May game kami mamaya. Lalabanan namin ang mananalo sa freshmen." Nakuha ni Clyde ang atensyon ko.
"Hindi ba.. ayaw kayo isali ni Evander?" Tanong ko sakanya. I can clearly remember that day.. nung sabihin niyang ayaw niya.
Natawa si Clyde at inakbayan ako. Pilit kong tinatanggal ito pero ayaw niyang tanggalin.
"Malakas ang tama sayo non. Pumayag na siya kahapon.." I made a face. As if naman. Kinurot ko siya sa tagiliran kaya napadaing siya.
"Ri! It hurts!" Natatawang wika ni Clyde. Natatawa kong inalis ang pagkaka-akbay niya sa akin.
"Pumayag lang, dahil na sa akin? Hindi ba pwedeng magaling lang talaga kayo." Wika ko habang inaayos ang palda ko.
"Well.. magaling kami tsaka gusto ka niya." Ani Simon. Napabuga ako ng hangin sa sinabi niya.
"Hindi nga!" Damn, Adrianna. Kung hindi ka niya gusto.. ano pa yung pinapakita niya? Ah basta! Ayoko mag-isip.
"Bahala ka. Basta ako, alam ko kung anong style nung Claveria na 'yon." Ani Simon at umiling nalang ako.
They're thinking too much.
"Nood kayo ah?" Ani Gelo. Mabilis naman akong tumango. Of course! It's my brother. I should watch!
"Manunuod si Ri. Nandon si Captain 'e" wika ni Uno habang humahalakhak. Agad ko siyang inabot at marahang sinapok sa braso.
"Shut up." Wala akong masabi kung hindi yan.
"Sige na.. papractice pa kami." Saad ni Carl sabay tayo. Kinuha niya ang bag niya at ganon din ang iba. Tumango ako at tinulungan si Gelo sa bag niya.
"Go! See you later!" Paalam ni Tulip. Kinindatan naman siya ni Uno kaya natawa kami. Napailing nalang si Tulip.
"Ako.. may aayusin pa sa org na sinasalihan ko. Mabilis lang naman to.." saad ni Tulip habang pinapasok ang gamit niya sa bag niya.
"Yeah, me too. Kita-kita nalang sa gym" ani Alice at nagligpit na din.
Napabuntong hininga ako. Tumango ako at ngumiti sakanila. "See you guys"
Naiwan ako dito sa cafeteria habang pinapanuod silang umalis. Next week pa magsa-start ang tulong ko sa council. Foundation day nextweek kaya kailangan na daw ako. May rides, live show, cheerdance, tsaka game of sports.
Tumayo ako at napag desisyunang pumunta nalang sa gym. Ang daming tao na pumupunta. Siguro ay narinig nila na maglalaro ang seniors.
Marahan akong natulak ng isa pero buti nalang ay nakuha ko ang balanse ko.
Ano ba yon? Hindi ba sila makapaghintay na makapasok? Lahat naman makakapasok. Sa laki ba naman ng gym. Napailing nalang ako at hahakbang na sana pero may nakatama nanaman sa akin.
Damn! I landed on my knees! Nakapalda pa ako. Hindi naman ako maarte sa ganito pero.. nakakahiyang madapa diba? Hindi naman ako 7 years old na normal madapa.
"What happened?" Napa-angat ako ng tingin. Umiling ako ng makitang nakaluhod na sa harap ko si Osiris. Hinawakan niya ako sa braso at tinulungan tumayo.
"Bakit walang tumulong sakanya dito?" Mahinahon pero malakas niyang tanong. Natigil lahat ng tao at napatingin sa amin. May temper ata ang mga Claveria. Mahinahon ngalang ang kanya, hindi tulad ng kay Evander na parang tigre.
Lumuhod siya at pinagpag ang tuhod ko. Nakarinig ako ng ilang mura mula sakanya kaya napatingin ako sa tuhod ko. May kaunting gasgas iyon.
"Gusto niyo talagang malagot kay Evander no? Mga hindi kayo nadadala." aniya sa malakas na tinig. Walang gumalaw kahit isa. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila.
"Ayos lang ako. Aksidente ang nangyari. Natamaan lang ako." Saad ko sakanya habang pinipigilan siya sa paghila sa akin.
"Sabihin mo 'yan sa kapatid ko." Aniya at hinila ako papasok sa isang kwarto.
Napaawang ang labi ko ng malamang boys locker room iyon. Hinila niya ako papasok.
"Osiris.. bawal ako dito." Saad ko at sinubukan lumabas pero sinara niya ang pinto. Marahan niya akong pinaupo sa bench doon at pinanuod ko siyang kumuha ng isang first aid kit.
Lumuhod siya sa harap ko at ginamot ang sugat ko.
"Pag nakita to ni Evander.. they'll be dead." Saad niya. Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang mukha ni Evander. Napalunok ako at marahang ngumiti.
"Hindi naman siguro.. maliit na sugat lang yan tsaka aksidente lang." Saad ko at medyo napadaing dahil sa hapdi. Linagyan niya ito ng band-aid at nag-angat ng tingin sa akin.
"Hindi yun ang point dito. Ang point.. walang tumulong sayo. Wala ba silang mga mata? Wala silang alam kung hindi magpapansin." Natigilan ako sa sinabi niya. Never ko siyang narinig na magsabi ng saloobin.
"Gulat ka? Siguro hindi ako tulad ni Evander na kayang ipaglaban ang mga gusto niya at tingin niyang tama. I can't go out from my dad's plot but.. I have my own sentiments too." Tumango nalang ako sa sinabi niya at marahang ngumiti.
"Alam ko Osiris. I know you're a good person. Maybe you're a cunning jerk but you're good. I know.."
Siguro ay papunta siya sa practice dahil naka jersey na siya. Kung titignan ay sobra ang pagkakahawig nilang dalawa ni Evander. Pero may kulang..
"Ewan ko lang." Aniya at nagkibit-balikat. Tumayo ako at inayos ang palda ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto at lumabas kami doon. Kita kong napatigil ang mga tao. Napaawang ang labi ko.. baka ma-misunderstand nila.
Napapikit ako nang makarinig ako ng ilang bulungan. Nilingon ko naman si Osiris na deretso lang ang tingin habang naglalakad kami. Parang wala lang sakanya. Damn.
Tuloy lamang kami sa paglalakad. Nang nasa harap na kami ng gym ay hinarap niya ako.
"Magpapractice lang kami.. pasok ka nalang at manuod na muna." Aniya at tumango ako. Nauna na siyang pumasok. Tinignan ko ang cellphone ko at walang message mula sa mga pinsan ko.
Ako nalang ang nagtext sakanila na papasok na ako sa loob ng gym. Humakbang na ako papasok pero napa-daing ako nang may humila sa akin at binalibag ako sa pader. Napahawak ako sa ulo ko dahil tumama iyon. Fuck!
Matalim kong tinignan ang tumulak sa akin at nakita ko nanaman ang mga babaeng nang bu-bwisit sa buhay ko last time but this time.. marami sila. Ano nanaman ang ginawa ko!
"Ano bang problema niyo?!" Damn! I snapped! Naiinis na ako. Hindi ako martyr. Kung alam lang nila ang reputasyon namin sa Manila, hindi nila ako magagalaw.
Huminahon ka Adrianna.. your dad's reputation remember? Bullshit!
"Ano? Ikaw! Ikaw ang problema! Malandi ka! Hindi lang si Evander ang gusto mo? Pati ba naman si Osiris?!" Naiyukom ko ang mga palad ko. Lalong dumami ang mga tao. Imbis na pumunta sila sa loob ng gym ay napapatigil sila.
"Hindi ako malandi! Wala akong pakielam sa iniisip mo!" Saad ko at sinubukang umalis pero hinila niya ako at tinulak muli. Tumama ang likod ko sa pader kaya napaupo ako.
Bumibilis na ang paghinga ako at mabilis akong tumayo at nakipag sukatan ng tingin sakanila. Lahat sila.
"Malandi ka Adrianna Montgomery! Siguro hindi ka na virgin no? Siguro yung ginawa niyo sa loob ni Osiris--" hindi ko siya pinatapos at mabilis ko siyang sinampal. Napasinghap ang mga tao.
Walang hiya! This is making me furious! Wala akong pakielam sa sasabihin nila!
"How dare you!" Aniya at mabilis akong sinugod. Hinila niya ang buhok ko at hinila ko rin ang kanya. Damn! Mag-isa lang ako!
Napasigaw ako ng maramdaman kong may iba na rin nakahawak sa buhok ko. What the heck?! Pagtutulungan nila ako? This is unfair!
May humawak sa dalawa kong kamay at binagsak ako sa pader. Ano ba?! Sinugod akong muli. Nakaramdam na rin ako ng mga kumakalmot sa balat ko. Nagpupumiglas pa rin ako pero masyado silang marami.
Ayokong sumigaw. I don't want to give them the satisfaction that I'm hurting. But heck! Fuck this! I am hurting!
"Malandi ka!"
"Kayo ng mga pinsan mo!"
"Akala niyo? You can rule everything here? Pwes hindi!"
Ang dami pa nilang sinabi pero hindi ko na naintindihan. Dahan dahan na akong nanghina. My scalp, knees, arms, hands, everything hurts. Dahan-dahan akong napapaupo pero mahigpit ang hawak sa akin sa kamay kaya kahit gusto ko ng bumagsak sa semento ay hindi ko magawa.
I suddenly thought of him.. akala ko po-protektahan niya ako?
Caden.. nasaan ka na? Napakagat ako sa labi ko sa sakit. I never felt so humiliated!
"What in the world are you doing?! Gusto niyo bang mamatay?! Lahat kayo umalis diyan!" Napaigtad ako sa sigaw na yon. Lalo akong napahagulgol sa narinig kong boses. Damn.. his voice.
It sent thousands of electrolytes in my body.
Natigil ang mga sumugod sa akin pero nakahawak pa rin sila.
"Bullshit! Alis sabi! Alis!" Napapikit ako sa sigaw niya. Natahimik lahat. His voice was hard and authoritative. Nakakatakot na parang magwawala siya pag hindi sumunod sakanya ang mga tao. Gusto ko siyang makita pero nahihiya ako sa itsura ko. I sure look like a mess.
Sabay sabay akong binitawan kaya bumagsak ako pa-upo.
"Shit" nakarinig ako ng mura at may naramdaman akong humawak sa binti ko. Minulat ko ng bahagya ang mata ko at nakita ko si Osiris na inaayos ang band-aid ko.
"Bitaw. Osiris. Bitaw." Mariin niyang saad. Kita ko ang pag-ngisi ni Osiris at pagbitaw niya sa akin. Napasandal ako sa pader dahil sa pagod. I can still feel the stinging pain on my scalp and arms.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Ramdam ko ang paglapit niya sa akin. Why do he need to see me like this. Naramdaman ko ang pag angat ako. Binuhat niya ako. Ramdam ko ang balat niya sa balat ko. Kasabay non ang pagbilis ng pintig ng puso ko. I tried to stop crying but heck! My tears won't listen!
"Jacob, tawagan mo ang mga pinsan ni Adrianna. Sky, ilista mo lahat ng pangalan ng mga gagong nanonood dito kanina lalong lalo na ng mga putang-inang nanakit sakanya. Siguraduhin mong walang kulang." Saad niya gamit ang pinaka malamig niyang tinig. Napamulat ako ng mata at kita ko ang pag-igting ng panga niya.
"Sure, Captain." narinig kong wika ng isa sakanila.
"Uno?" Narinig kong panimula ng isa. My cousins will go crazy with this. I can only imagine their faces.
Liningon ko muli siya. Sobrang gwapo niya sa jersey niya.. kung wala lang akong iniindang sakit ngayon ay ang sarap niyang pagmasdan. Naninikip ang dibdib ko kasi.. nandito siya. Nandito siya para ipagtanggol ako.
"Pero.. kasalanan niya! Nilalandi niya ang kapatid mo. Nag two time siya!" Rinig kong sigaw nung babae.
"Caden.." mahina kong tawag sakanya kaya napatingin siya sa akin. Ang matigas niyang tingin ay nanglambot ng tignan ko.
Pakiramdam ko lumilipad ako dahil sa tingin niya. Walang importante.. kaming dalawa lang.
I want to tell him na hindi totoo iyon..
"Caden.. hindi totoo 'yon." Napahikbi ako at napakagat sa ilalim ng labi ko. I don't want to look so weak.
I don't need to prove myself. Wala nga akong pakielam sa tingin nila.
Pero sakanya.. fuck! It fucking matters!
Marahan siyang ngumiti.. parang nawala ang pangamba ko ng makita ang dimples niya. Tumango siya sa akin. That's enough..
"I know." Aniya at tumingin ng matalim sa iba.
"Osiris, what happened?" Matalim niyang tanong.
Nangangamba ako na baka mabigatan siya sa akin pero mukhang walang kahirap hirap niya naman akong binubuhat.
"Well, nadapa siya kanina kasi may nakatama sakanya. Pero walang tumulong sakanya sa mga taong dumadaan so I need to bring her to the boy's locker room. First aid lang naman. I don't see anything wrong with that." saad ni Osiris.
Nasa tao lang naman 'yon kung anong iisipin nila. You can't force everybody to understand, you can just hope. Hope that they will try to understand. The sad truth is.. we accept what we want to accept. We are more on the subjective type.
Dito ko naintindihan kung gaano siya ka-mahal at gaano siya ka-importante dito.. para sa mga tao dito. They are willing to do everything for him. They can go beyond and beyond just for him.
"Pero.." narinig kong pilit ng isang babae.
"Nanakit kayo dahil sa maling akala?! Walang makakalagpas dito! Lahat mananagot. Nanakit man o nanuod lang, mananagot!" Napapikit nalamang ako sa sinabi niya.
Hinigpitan ko ang hawak ko sa leeg niya. Nagsimula na siyang maglakad at doon lamang ako napanatag. Ramdam ko ang paninitig nila sa amin. Tinago ko ang mukha ko sa dibdib niya. Amoy ko ang mabango niyang pabango. I suddenly felt safe.
"I'm sorry.. for being late." Banayad niyang wika. May humaplos sa aking puso dahil doon.
Ngumiti lamang ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top