Kabanata 13
Comfessed
Halos wala na akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Everything seems like a bliss. Naisip ko nga na baka nanaginip lang ako o ano.
I never imagined us talking so casually. I thought it would be impossible but here I am..
"Wag mong minamaliit ang sarili mo. You're too much, Caden. Pag ako, umalis ng bahay namin.. I don't know where to go pero ikaw, may sariling negosyo ka na at kaya mo pang pag-aralin ang sarili mo.." bakit niya minamaliit ang sarili niya? Can't he see? Halos ipagtulakan ng mga tao ang sarili nila para sakanya.
They can do everything to protect him.. to satisfy him. Damn satisfy.
"Everyday, I'm struggling. Kaming dalawa ni Osiris.. lagi kaming pinagkukumpara. I am the insolent child, he was always the good son. I'm the black sheep, I'm the disgrace."
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Why is he opening up to me?
Naramdaman ko ang sakit na nararamdaman niya. So that's the reason why he keep on proving that he's good.. kahit alam na ng lahat na kayang kaya niya. He already proved his worth pero siya mismo ay hindi niya iyon matanggap sa puso niya.
Nagiwas ako ng tingin at pinagmasdan muli ang tanawin. Bumuntong hininga ako. Gusto kong bumalik dito pag sunset na. Too see the beauty of the sun with the landfield.
"Ganon naman talaga.. may isang tao talaga sa buhay natin na magpaparanas sa atin ng ganon pero kung ako sayo. Magpapasalamat pa ako sakanya kasi dahil sakanya nagpursige ako. To be what I am now.. nakaka-proud ka Caden, if I was your mom.. I will be really proud of you." Saad ko at nilingon siya ulit. Kita ko ang paninitig niya sa akin.
It was so hard not to look at him. Para akong lobo na konting konti nalang ay puputok na.
"Really?" Napangiti ako sakanya. I didn't know he has this side.
"Yeah.." tumango pa ako para makumbinsi siya.
"Now I know why you're a princess to your family." Here we go again with the princess thing. Hindi naman ako prinsesa. Siya lang naman ata ang nag-iisip non.
"I'm not a princess.." mahina kong bulong pero umiling siya. Lalo niya pang pinagdikit ang mga braso namin.
"You are.. because no one can be a princess except you." I made a face and he laughed. Bolero talaga. Natawa din ako at tumingin muli sa harap.
"Ang sarap dito.." pumikit ako at hinayaan na liparin ng hangin ang buhok ko. I always loved this kind of places. I am happy sa Manila.. but this kind of places are really worth looking for.
Liningon ko siya at kita kong nakatitig pa rin siya sa akin. Kumunot ang noo ko sakanya at mahina siyang humalakhak.
"Bakit?" Tanong ko pero umiling siya habang nagpipigil ng tawa. What's his problem? His dimples is showing again. Sarap pindutin.
"You know.. halos lahat ng blockmates ko, topic kayong magpipinsan. Kayong mga babae." The heck? Should I be happy or not?
"Why?" Tanong ko sakanya at kita ko ang pagdilim ng ekspresyon niya. Did I said something wrong?
"You're really clueless. Hindi mo alam kung anong dulot mo sa mga lalaki dito. Everytime you pass by them.. lagi ka nilang sinusundan ng tingin. Everyone wants to get on your pants." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Mabilis akong napaiwas ng tingin.
How can he say that without even thinking twice? Napakagat ako sa ilalim ng labi ko. Binobola lang niya ako. Pants agad?
"Bolero. Hindi naman lahat siguro ganon. Baka nagkakamali ka lang. Maybe they're thinking bad things about me. Hindi naman siguro lahat ay mabubuting bagay." Siya nga ay hindi kami gusto nung dumating kami dito. Paano pa ang iba?
"No, trust me. I know.." napailing nalang ako sa sinabi niya. Tumingin ako sa daliri ko at pinaglaruan 'yon. Naiintimidate ako sakanya. Natatakot ako na baka may magawa akong mali.
"Can I fetch you later? May gusto sana akong i-pakita sayo." Doon ko lamang siya nilingon muli. Ipapakita?
Tumango ako at ngumiti. Ano naman kaya 'yon?
I just need to think of a way para makatakas kay Adrian. This will be hard.. akala ko hindi naman masyado. Sanay na kami na sabay-sabay tapos biglaan akong hindi sasabay. Atleast alam naman nilang may mga iniisip din ako.
"Saan tayo magkikita?" Tanong ko. Of course.. I can't just tell my cousins that Evander Claveria invited me to go with him.
Adrian will be a mad dog.
"Ako ang pupunta sayo." Tinaasan ko siya ng kilay sa sinabi niya. Siya naman ay ngumisi. This guy is really..
"By the way Caden. Yung sa mga babae kanina--" natigilan ako nang tumingin siya sa relo niya at ngumisi.
"I need to go. Eat up. Don't think about them. I already told everybody that I'll protect you pero suway sila ng suway so don't blame yourself. I really need to go. See you later." Hindi na niya ako hinayaang sumagot at mabilis na bumaba sa kinauupuan namin at tumakbo palabas.
Hindi ko alam kung totoo ba 'yon o tinakasan niya lang ako dahil sa tanong ko.
Pinanuod ko ang paglayo niya pero sandali siyang lumingon muli at nagtaas ng kamay. Hindi ko namalayan na kumaway na din ako.
Napahawak ako sa puso ko.
Lumingon ako muli sa tanawin at pakiramdam ko doon lamang ako nakahinga. Anong nangyari? How in the world I ended up here with him?
"Did you pass?" Tanong ni Agatha kay Alice. I'm thinking how to make them go home without me.
"Yeah. I did!" Masayang balita ni Alice kaya napangiti ako. Lumingon lingon ako. Where is she?
"Saan si Tulip?" Tanong ko. Kanina pa ako nag-iisip kaya hindi ko alam kung kanina pa ba siya wala at hindi ko lang napansin na hindi namin siya kasama.
"I don't know.. baka naman inaayos pa ang pagsali sa org." Nagkibit-balikat si Agatha. Org? Ang tagal naman.. dapat ay mabilis lang 'yon.
Mamaya ko na po-problemahin si Tulip, sa ngayon.. paano ko sila mapapaniwala na may lakad ako? Lalo na si Adrian. He will asks thousands of questions for sure.
Napalingon ako sa gilid at nakita si Osiris. Damn. Bakit ngayon ko lang to naisip? Great! May naitulong na sa buhay ko si Osiris.
"Guys.. hindi ako makakasabay umuwi sainyo." Saad ko habang tinitignan si Osiris. Hindi siya pwedeng mawala sa paningin ko. Sobra na akong kinakabahan. Hindi naman ako sanay na nagsisinungaling lalo na sa mga pinsan ko.
"Huh? Bakit?" Kita ko ang pagtataka kay Agatha. This is the first time.. never pa akong hindi sumabay. Maybe sila ay may ilang pagkakataon na lalo na sa Manila pero ako hindi. Lagi akong present.
"May lakad ako.." this is making me crazy. Ayoko mag sinungaling!
"With? Saan?" Lalo lang sila nag curious. Napakagat ako sa labi ko. My palms are sweating dammit.
"With Claveria." I didn't lie though. Hindi ko lang sinabi sinong Claveria.
"Hindi pa ba nakausap ni kuya si dad about kay Osiris Claveria?" Tanong ni Agatha. So they really expected na siya..
"Wala pang nabanggit si dad. Just tell Ad na may lakad pa ako. I really need to go. Bye!" Kita ko ang pagakalito sakanilang mga mata. Hindi ko na sila hinintay sumagot at mabilis na akong umalis.
"Osiris!" Sigaw ko at mabilis na sumabay sakanya sa paglakad. Kita ko ang pagtataka sa mga mata niya.
Napalingon siya at nagbalik ng tingin sa akin. Kasabay non ay ang pag-ngisi niya.
"Are you using me?" Napabuga ako ng hangin dahil sa sinabi niya. Unti-unti ng bumabagal ang takbo ng puso ko dahil nawala na ang kaba ko.
"Using agad? Grabe ka. I just need your help." Sige lang Adrianna. I can't belive I'm doing this!
"Just tell me the truth. You're using me bacause you'll have a date with him.." kasabay non ay ang pagturo niya sa harap namin. Napaawang ang labi ko at natigil ako sa paglalakad.
Prente siyang nakasandal at halukipkip sa pader. Nakangisi siya habang nakatingin sa amin.
Date? Considered ba as date 'to?
"Do you want me to keep this a secret?" Muli akong napalingon kay Osiris. I can sense that he's enjoying this.
Damn. Bakit ngayon pa siya nagtatanong. Rinig ko ang pagtikhim ni Caden. It sent thousands of things to me. Sa simpleng ganon lang ay nagrereact na ako.
"Osiris, I trust you. Nung araw na tinanong mo ako kung pwede tayo maging magkaibigan ay pinagkatiwalaan na kita. Ikaw ng bahala.." I honestly said. Kita ko ang pagkawala ng ngisi niya at napalitan iyon ng ngiti.
"Me too. I trust you for my brother. Goodluck." Aniya at tinapik ako sa balikat. Sinundan ko siya ng tingin pero mabilis lang iyon dahil may humablot na sa akin.
Hinawakan niya ako sa braso ko at pinaharap sakanya.
"Close na kayo?" Ano? Sino? Kami ni Osiris? Bakit..
"Hindi naman.." hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko nga alam kung kailangan bang sagutin iyon. Pero dahil kita kong seryoso siya ay sinagot ko.
Unti-unti niyang binaba ang pagkakahawak niya sa braso ko.
"Bakit kayo magkasama?" Huminga ako ng malalim. I get it.. may insecurities siya. I need to have patience.
"Kasi.. ang alam ng mga pinsan ko. Siya ang kasama ko." I honestly said.
Ganon naman talaga siguro 'yon. Kahit gaano mo kahawak lahat ng bagay. Kahit halos meron ka na ng lahat.. may hahanapin ka pa rin at may insecurities pa rin sa kaloob looban mo. Those people we thought that are very fruitful.. has insecurities too.
Nakita ko ang sakit sa mga mata niya pero mabilis lamang iyon at hindi ko na siya mabasa. Ngumiti nalamang siya pinasadahan ang buhok niya. Yun ang isa sa mga natutunan ko tungkol sakanya.. hindi siya mabilis mabasa.
He's like a puzzle.. na sobrang hirap buo-in. Yung akala mo alam at kilala mo na pero hindi pala. It will frustrate you to ask yourself.. ano bang iniisip ng lalaking to?
"Let's go" aniya habang nakangiti. Nakalitaw pa ang dimples niya pero alam ko.. may hindi siya sinasabi. Ayoko naman masira ang plano niya dahil sa akin kaya kahit tumalikod na siya ay ako naman ang humawak sakanya sa braso niya at hinarap siya ulit sa akin.
Nakaramdam ako ng kakaiba nang mahawakan ko siya.. is that even possible?
"Damn. Did you felt that? I hope you felt it too.." nagtama ang mga mata namin. So hindi lang ako ang nakakaramdam non. Binitawan ko ang braso niya habang nanatiling nakatingin sakanya ang mga mata ko.
"Hanggang mamaya magkasama tayo.. ayoko naman sana na pakiramdam ko may nasabi akong mali.." I'm always the honest type. Hangga't maari ay pipilitin kong sabihin ang totoo. Hangga't maari ay sasabihin ko ang totoo. Ayoko ng mga sikreto.
He was just intently looking at me. Bawat tingin at bawat hagod ng mga mata niya ay pinipiga ang puso ko. Like what I said.. it's very Ethereal. It makes me shiver.
There are too many first times that I only felt when he's around.
"You want me to be honest?" Tanong niya sa akin. I took a step forward. Damn.
Parang gusto ko ng umurong ulit.
"Yes." I took a deep breath.
"I'll be totally honest if that's what you want. Osiris is being paired with you.. hindi ko mapigilan maisip na kahit anong gawin ko o kahit anong kaya kong gawin ay hindi na magbabago ang gusto nila para sayo."
Sa lahat ng sinabi niya.. ay kinukuha ko nag main point nito. Pero nakakakilabot malaman kung ano nga ba ang ibig niyang sabihin. Kita ko ang kabado niyang ekspresyon. Ang napaka perpekto niyang kilay ay kumunot na dahil sa pag-iisip.
Maybe he's looking for the right words.
"That between me and Osiris. It will always be him."
Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Parang may kutsilyo sa puso ko na patuloy iyong sinasaksak. How can they make him feel like this..
Bakit ba sobra niyang minamaliit ang sarili niya?
"Say something.. shit! This is the first time I confessed."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top