Kabanata 12

Ethereal

Lahat ng tao na nagbabalak dumaan sa hallway na kinakatayuan namin ngayon ay tumitigil at nag-iiba ng daan.

Ngumisi siya at umayos ng tayo.

"Bakit nga pala naglalakad ka mag-isa dito? Where are you headed to?" Aniya na parang normal na makausap niya ako dito.

Huminga ako ng malalim.

"Sa council sana." I tried to sound normal. Tumango naman siya at tumingin sa orasan niya.

"Let's go. Hatid na kita." Hindi sana ako papayag pero hinawakan niya ako sa braso at hinila. Napapaiwas ako ng tingin tuwing may dadaan at titingin sa amin.

Bakit hindi ko magawang bawiin ang kamay ko?! Dammit!

"Wala ka bang pasok?" Tanong ko sakanya. Binagalan niya ang paglakad niya. Mukhang meron.. bakit niya pa ako ihahatid?

"Actually, I do." Kumunot ang noo ko. Kahit naman hindi na niya kailangan pumasok dahil may business na siya ay mas maganda pa rin kung hindi siya nag cucutting.

"Ako nalang maghahanap magisa sa office ng council. Pumasok ka na." Napakagat ako sa ilalim ng labi ko. Do I have the rights to tell him what to do?

Tumingin siya muli sa relo niya at mukhang napaisip.. hindi ko mapigilan mapangiti habang pinapanuod na unti-unting lumilitaw ang dimples niya.

Tumingin siya sa akin kaya mabilis kong inalis ang ngiti ko. That was close!

"No. Hahatid pa rin kita. It's not like araw-araw naman ako nag cucut. I can catch up." Aniya at hinawakan ako muli. This time.. sa kamay ko na. Pilit kong hinihila ang kamay ko pero mas lalo lamang niya ito hinawakan ng mahigpit.

"Baka may makakita sa atin.." mahinang wika ko habang lumilingon lingon. Baka mapahamak pa ako.

May mga ilang estudyante na nakakakita sa amin pero hanggang tingin lang sila.

"Yun naman ang gusto kong mangyari."

This is really making me crazy. Totally.

Tumigil kami sa harap ng isang pintuan at hinarap niya ako. Unti-unti niya na rin binitawan ang kamay ko.

"Here is it.. hanggang dito nalang muna. I need to go." Napalunok ako at tumango. Bakit ba siya ganito?

"Maraming salamat." Saad ko at nauna na sakanya. Hindi ko ata kayang makipagtitigan pa sakanya. Pumasok na ako sa pintuan na 'yon.

Linibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. May mga ilang estudyante dito.

"How may I help you?" Napalingon ako sa nagsalita at isang lakaki ang lumapit sa akin.

Ngumiti ako. "Hi. Bago lang kasi ako.. I just want to ask if may available slots pa sa council? Kahit helper lang."

Ngumiti rin siya. Kung may common characteristic man ang mga sumasali ng council.. siguro ay yung pagiging mukhang approachable. This guy in front of me has this Osiris vibe na pwede mo siyang kausapin anytime.

"Hello. I am Sean Marquez. The council president." Napaawang ang labi ko. The heck! Hindi man ako oriented na ang kausap ko pala ay ang president ng council.

"You're Adrianna Montgomery right?" Naglahad siya ng kamay at doon lamang niya muli nakuha ang atensyon ko. Tumango ako at tinanggap ang kamay niya.

"Kalat sa buong school ang init ng apilyido niyo. Lalo ka na.." kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. What does he mean by that?

Natigil ang pag-iisip ko nang kumuha siya ng papel sa isang lamesa at inabot sa akin.

"Here.. this is our form. Just fill it up. Kompleto na kasi ang line-up ng council bit we definitely need a help." Tinignan ko ito at pinasadahan ng kaunti.

Tumango ako. "Thank you"

"Thank you, Ms. Montgomery." I smiled. Tumalikod na ako at lumabas. Yes! Meron na rin akong mapapagka-abalahan.

Napagdesisyunan ko na pumunta muna sa restroom bago ako maglunch at hanapin ang mga pinsan ko.

Pero nagulat ako nang buksan ko ang pintuan ng banyo. What the heck are they doing here? Yung tatlong babae kanina.. they're mopping and cleaning the restroom.

Mayroon na akong idea pero.. shit. This is too much. Nagulat din sila ng makita ako doon.

"Anong ginagawa niyo?" Damn. Wrong question, Adrianna! Sabay sabay silang pumunta sa harap ko.

Napaurong pa ako. Ibang iba sila sa mga matatapang na kaharap ko kanina. Ngayon ay parang ma-among tupa sila. Kita ko ang pag-siko ng isa sakanila sa isa pa nilang kasama.

"We're sorry, Adrianna. Hindi ka namin dapat pinagsabihan ng ganon. Hindi ka namin dapat jinudge. We are very sorry. Please forgive us." Ito ba ang ginawa ni Evander? So he's true to his words? Pag sinabi niyang po-protektahan niya ako.. gagawin nga niya.

May kumirot sa puso ko.

"It's okay. Bayaan niyo na 'yan. Tapos na ang parusa niyo." Saad ko at kita ko ang pagiging masaya nila sa sinabi ko. I know that they're not sincere sa paghingi nila ng tawad pero pinabayaan ko na.

The mere fact na linunok nila ang pride nila at humingi ng tawad ay malaking bagay na iyon. Dahil man kay Evander 'yon o hindi.

Ganon naman palagi.. there will be a sorry that's more sincere than the others pero hindi naman yon ang importante, kung hindi ano ang ginawa mo para makahingi ng tawad.

Hindi man sincere ang kanila, masaya pa rin ako kasi nagawa nila..

"Thank you! Thank you!" Nagmadali silang tatlo na lumabas ng rest room. Napangiti ako at tinungo ang sink. Pinatong ko ang bag ko doon at pinasok ang papel. Naghugas ako ng kamay at hinarap ang salamin.

Inayos ko ang buhok ko. Evander's face flashed in my mind. Pinilig ko ang ulo ko at nag-ayos nalang. Lumabas na ako at tinungo ang cafeteria. Mula sa kalayuan ay kitang kita ko ang mga pinsan ko pero halatang paalis na rin sila.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ko nang marating ko ang table nila.

"Ang bilis mo? Akala ko pumunta kang council?" Tanong ni Adrian habang nagpapasok ng gamit. Bakit ba nagmamadali sila? Hindi pa ako kumakain.

"Tapos na.. I got the form. Kayo?" Tanong ko. Everyone's so busy. Pakiramdam ko ako lang ang walang ginagawa.

"May pasok pa sila Kuya. Ako naman may call back sa Theater. Si Tulip naman ay pupunta ng library dahil pinagpapasa siya ng short story within the day. Si Agatha naman ay may interview for broadcasting." Kaya pala.. yung akin kasi, form lang at okay na. Sila ay mahaba pa ang proseso.

"Paano ako? Hindi pa ako kumakain." Lumapit sa akin si Adrian at tinapik ako sa braso. Si Clyde ay binigay ang dala niyang gitara kag Gelo. Si Simon ay may pinasang notebook kay Uno.

Everyone seems so busy.

"I'm sorry twin. Kain ka na muna mag-isa or kung gusto mo.. try the roof top of your building. Sabi nila maganda daw doon." Napanganga ako sa sinabi ni Adrian. Ngumisi ito at nauna ng maglakad paalis. Pinagtatapik ako ng mga pinsan kong lalaki at nagsi-alisan na din.

"Kung gusto mo hintayin kita.." saad ni Tulip pero maagap akong umiling. Alam kong busy siya at kailangan niyang maghanda.

"No! It's okay.. punta ka na ng library. You need all the time you have." Saad ko. Tumango siya at humalik sa pisngi ko.

"See you later" aniya at sinabit na ang bag niya.

"Bye ate!" Saad ni Agatha. Napangiti ako.

"Goodluck sainyo!"

Alam ko naman na mangyayari to. We all have different fields. Hindi naman pwede magkasama kami palagi.. there will be a time na I need to stand on my own.

Pinanuod ko silang makalayo. Bumili nalamang ako ng pagkain ko at pumunta sa sinasabing roof top ni Adrian. Atleast doon, alam kong walang tao.

As I entered the roof top agad kong naramdaman ang sariwang hangin ng Cebu. It felt so nice.. lumapit ako sa pinakadulo para matanaw ang buong lupain. Umakyat ako doon at umupo. Buti nalang at hindi nakakapaso ang sikat ng araw ngayon.

Binuksan ko nag pagkain ko at kumain habang pinagmamasdan ang buong lupain.

Naiintindihan ko na ngayon kung bakit hindi mabitawan nila lola at daddy 'tong lupa namin sa Cebu. It's such a beautiful place.. very beautiful.

"Beautiful.." mabilis akong napalingon sa nagsalita. Napalunok ako at pinilit na mag-iwas ng tingin pero ayaw sumunod ng mga mata ko.

Evander was beside me. Habang tinatamaan ng sikat ng araw ang mukha niya.. nakangiti ito habang nakatingin sa malawak na lupain. Totoo kaya to? Baka sa sobrang pagiisip ko sakanya ay imahinasyon nalang pala ito?

"It's lunch. Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa akin. Casual talk huh?

Isa lang ang hindi nagbago sa paguusap namin. Ang puso ko ay sobrang bumibilis pa rin.

"Busy ang mga pinsan ko.. wala akong kasabay kaya dito ako pumunta." Tumango ito at mabilis na umakyat rin para makaupo. Ako ay nakaharap sa malawak na lupain habang siya ay nakatalikod naman.

Nagkalapit ang mga braso namin.

"Kumain ka na?" Tanong ko sakanya at mabilis ko rin itong pinagsisihan. Rinig ko ang marahan niyang halakhak. Nakakahiya!

"Nope.." saad niya. Napatingin naman ako sa pagkain ko. It's just carbonara pero hindi pa naman masyadong bawas. Inabot ko ito sakanya. Liningon niya ako at ngumiti siya. Kita ko nanaman ang dimples niya.

"Mahalaga ang maging healthy. Dapat kumakain ka in time. Share na tayo.." yun ang tinuro sa amin sa bahay. Whatever happens, dapat ay kumakain in time. Your body should not be neglected.

Andito na rin siya.. hindi ko naman siya pwede paalisin. Better share my food.

"You're gonna make me use your fork?" Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Nagiwas ako ng tingin. Maarte pala siya sa mga ganito? Tama nga naman.. unhygienic.

"Sorry.." saad ko at binaba na ang pagkain ko pero nagulat ako ng kunin niya ito at ipaikot ang fork sa noodles. Kinain niya ito habang nakatingin sa akin. Akala ko ayaw niya? Napilitan lang siguro siya.

"You know.. that we just had indirect kiss?" What?

Yun ba ang iniisip niya? Hindi dahil unhygienic?

Indirect kiss? Damn. Totoo ba yung mga ganon?  Ngumisi siya at binigay ulit sa akin ang pagkain. Umayos siya ng upo at humarap na rin sa tanawin. Tumabi na siya sa akin ng tuluyan.

Heart. Stop. Bakit ba hindi ka nakikinig sa akin?

"Alam mo ba kung saan kita unang nakita?" I was intently looking at him habang tinatanong niya ako. I never imagined that we will have a talk like this. Mahinahon.. sa harap ng tanawin. Tahimik at kaming dalawa lang. Too beautiful..

Sumimangot naman ako. "Sa try outs nila Kuya. You told us that you hated us.."

Para akong mababasag sa tingin niya. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Siguro ay para hindi masakit sa mata dahil nakatapat sa amin ang araw.

"No.. sa Manila. Sa isang restaurant na binibili ko ang pwesto." I remember that time. He captured my eyes from the very first time our eyes met. Napangiti ako ng hindi namamalayan. Akala ko ay hindi niya ako ma-aalala.

"I saw a very pure and beautiful girl that time. Pero may away na naganap.. so I did what I have too para kahit bago lang siya umalis ay mapansin niya ako. Binangga ko siya."

What? Heck! Totoo ba to? He was surely talking about Ivan and Tulip's issue at sinadya niya akong banggain?

"The second was sa isang fast food chain. Nag stop by kami bago umuwi dito. I saw you laughing with your cousins that time. Nung dumating kayo dito.. I hated how I realized that you're so above me. You're a princess."

Naramdaman ko ang pagtusok sa puso ko. Of course I'm laughing at that time! Siya ang topic namin non!

So hindi niya kami hate? He hates the fact that I'm a princess? What? I don't understand. Above him? No! Siya nga diyan ang sobra sobra. He owns a freaking business habang kami ay wala pang napapatunayan. He can stand on his own habang kami ay well supported.

"Evander.." mahinang tawag ko sakanya. Pumikit lamang siya..

"Caden please.. call me Caden." Nagmulat siya muli ng mata at nagtama muli ang mata namin. Naramdaman ko ang pagtalon ng puso ko. Para na talaga akong sasabog!

"But.. most of them calls you Evander."

"Please.." napakagat ako sa ilalim ng labi ko. Why suddenly? Caden? And did he just said please? Evander Claveria just said please!

"Okay.. Caden." Nagiwas ako ng tingin dahil hindi ko na kaya ang mga tingin niya. Nakakatakot na nakakahulog. It's too much.

I hate how comfortable I am with him. Walang takot o ano man.. takot ang puso but that's it. I can stay here with him without even thinking about everything. It's like time stopped for us. It's like everything is behind us.

"Bakit mo sinasabi sa akin to?" Tanong ko sakanya. Kita ko ang pagsusuri ng mata niya sa akin. Natatakpan ng mukha niya ang araw kaya hindi na ako natatamaan non.

Halos lumundag na ang puso ko. Nangingilabot na rin sa nararamdaman ko. It's so strong.

Too ethereal.

"Alam ko kasing iniisip mo na ayaw ko sainyo but that's not it.." Ano? Ano ang ayaw niya? Why don't he just get on the point?

"I hated the fact that I'm not good enough.."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top