Kabanata 11
Can't stop
"Ri!" Mabilis akong lumayo sakanya at bumaba sa stool. "Hinahanap ka ni Kuya Ad--Oopppsss" natigilan si Agatha at nagpabalik balik ang tingin niya sa amin.
"Ano 'yon? Tara na" sabi ko at sinubukan siyang hilahin pero hinawakan ako sa braso ni Evander.
Please Evander.. not now.
"Sige.. sabihin ko nalang busy ka. Just continue!" Masayang sabi ni Agatha at tumalikod pero hinawakan ko siya sa kamay. Lumingon siya sa akin at kinindatan ako.
Hinawakan niya ang kamay ko at inalis sa pagkakahawak niya. Mabilis niya akong tinalikuran at umalis siya.
"You hate me that much?" Nagpakawala siya ng sarkastikong tawa. Liningon ko siya at huminga ako ng malalim.
Tuwing tinitignan ko siya.. pakiramdam ko ay nauubusan din ako ng hangin.
"I don't hate you.." doon ko lamang nakuha ang atensyon niya kaya tinignan niya ako sa mata. I saw him smirked.
"Really?"
Tumango ako. "Ang alam ko.. you're the one who hates us."
Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. But it's the truth. Siya ang nagsabi sa amin non. Hindi niya pa naman kami ganon kakilala pero jinudge niya na kami.
"I'm having second thoughts with what I said.." parang malulusaw at pipigain ang puso ko sa mga sinasabi niya. I'm just looking at him dahil wala akong masabi.
"Sorry sa inyong dalawa pero kailangan na talaga kitang kunin." Doon lamang ako nahila sa pagkakatitig sakanya. Hinawakan ako sa braso ni Agatha.
"Si Kuyang Maarte.." napaawang ang labi ko at mabilis na lumayo kay Evander.
"Claveria, hindi ko sasabihin sa Kuya ko na kinausap mo ang ate ko dahil idol kita pero I'm still watching you!" Pinanlakihan ko ng mata ang kapatid ko. How can she just say that?
She's supposed to be on my side!
"Hindi ako natatakot sa kuya niyo." Napa roll-eyes nalang ako sa sinabi niya.
Of course! Siya si Evander Caden Claveria, paano naman siya matatakot kay Adrian?
But damn! So cocky!
"Good! Dahil hindi pwede ang walang tapang pag linigawan ang isang Montgomery. Pagpatuloy mo lang yan." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng kapatid ko.
"He is not courting me!" Ito na nga ba ang sinasabi ko! They will get a wrong impression with this!
"Not yet" sinamaan ko siyang tingin. Shut up! Kainis 'kang dimple ka!
"Kilig! Sige lang! Pagpatuloy mo yan. For now.. pahiram ng Ate ko" nakangising wika ni Agatha at hinila na ako. Napalingon ako ng mabilis at nakita ko siyang umupo sa stool na inuupuan ko.
"Si Kuyang Maarte hinahanap ka na" tumango nalang ako at mabilis namin tinungo ang table namin. Inisa-isa ko ang mga pinsan kong nandoon.
Wala si Clyde, Clark, Uno at Tulip. Napatayo agad si Adrian nang makita ako. What is it again?
"You're looking for me?" Tanong ko habang kumukuha ng pagkain na naka serve na sa table namin.
He was looking at me like hindi siya makapaniwala. I want to smash his face right now. Bakit hindi siya mag-kalma. He's making a big fuss about everything.
"Saan ka galing?"
"Sa liquor section. Just a small drink by myself, Ad" I emphasized the myself para matigil siya.
"Nandyan ang mga Claveria." Napabuga ako ng hangin sa sinabi niya. Tinignan ko ang mga pinsan kong nagkibit balikat lamang.
"So? This is Cebu, Ad. Kilala sila rito. Matagal na sila rito. They are here, bago pa tayo dumating. What do you expect? They'll stop going to places just because of us?" Nagulat siya sa sinabi ko. We never had this confrontation before. Hindi naman kami naguusap tungkol sa mga ganitong bagay.
Well maybe.. first time lang naman din may mangyaring ganito sa akin.
"I know. I know, Ri.. that they went here because of you" napatingin ako sa taas dahil sa sinabi niya.
This is frustrating me!
"Kuya chill. Ano ba? You also do those stuff before. Kaya nga walang nanliligaw sa amin dahil sa inyo." Sabat ni Agatha. True! In your face Adrian!
"But we don't make a person run for laps in a wide field just because that person had overtake one of you!" Damn. Is this what he's thinking? I also saw how frustrated he was.
"Kuya naman.. it's cool." Natatawang wika ni Gelo pero nang makita niyang hindi natawa si Adrian ay mabilis din siyang tumahimik.
"Ad, maybe he's wrong at that part pero.. we don't have the right to judge them. Pinarusahan niya ang tao dahil may maling ginawa.. it's just that mali lang ang paraan niya. He was just too much."
"Are you defending him?"
I can't believe this!
"Bahala ka na diyan. I don't want to talk to you." Saad ko at mabilis na umalis doon. I didn't even wait for him to talk.
He is closed minded right now so I better stop having that conversation with him. Hindi maayos kung magkaiba kami ng pinaniniwalaan.
Lumabas ako ng Alchology at nagpahingin muna. It's too crowded inside that I can't even breath. Pag-naiisip kong nasa loob din siya ay mas lalo akong nawawalan ng hininga.
"Do you like my brother?" Napalingon ako sa nagsalita. Napabalik ako ng tingin sa langit nang makitang si Osiris lamang iyon.
"Go away"
Humalukipkip ako.
Wala akong oras magkaroon ng battle of the minds kasama siya.
I need a break.
"O siya ang may gusto sayo?" What the fuck. How can he ask me that?
"Bakit ako ang tinatanong mo niyan? You should ask him instead." Saad ko at tinignan siya.
Kung titignan ay halos parehas sila ng kakisigan ni Evander. It's just he has soft features than Evander. He has this aura like.. you can always talk to him while Evander has this off limits aura and of course.. Osiris doesn't have the dimples but he also got the face.
"Hindi ko kasi alam.. pakiramdam ko kailangan ko sabihin sayo to. Evander is the type of person na, ipaglalaban lahat." Nakuha niya ang atensyon ko sa sinabi niya. Napaayos ako ng tayo at humarap sakanya ng maayos.
Just because Evander is our topic ay nagtyatyaga akong makipag usap sakanya.
"He always fight for the right things but with the wrong way."
That got me.
"He fought for his freedom from our dad. Tama iyon pero sa maling paraan. Umalis siya ng bahay.. not thinking masasaktan si mommy. Look at it this way, he will fight for everything kahit sino pa ang masagasaan. Basta importante sakanya, wala siyang pakielam sa iba." Bakit niya sinasabi sa akin to?
Sobrang gulo ng utak ko.
"Why are you telling me this?" He shrugged.
"Nothing, I'm just informing you. If ever.. in the future." Aniya atsaka ngumiti.
Natigilan ako ng maglahad siya ng kamay sa akin.
"Friends?"
Napaangat ang isang kilay ko sa sinabi niya. Bahagya siyang humalakhak at ngumiti.
"We need to be atleast friends kung gusto mo mabawasan ang isa sa mga iniisip mo." He's right. Ayoko na siyang dumagdag sa mga iniisip ko.
"Okay. Friends." Tinanggap ko ang kamay niya at kinamayan siya.
One Claveria is done..
"Anong org ang sasalihan natin?" Tanong ni Alice.
Kanina pa kami nag iikot-ikot sa buong university nila Tul. Pino-problema namin ang sasalihan naming org dahil halos lahat ng estudyante ay busy na sa pag oorganize ng iba't ibang activities. We also need an extra-curricular activity.
"Sila Clyde ba?" Tanong ko habang tumitingin sa mga bulletin board sa building namin.
"I don't know if they'll join but they do have basketball." Is that even counted? Sabagay.. they need to focus in their game if ever.
"Ikaw naman kasi, Ate. Pwede kang mag council." Saad ni Agatha.
That gave me an idea..
"Yeah! You're right! I'll just join the council! Kahit rep lang." Sa wakas! Nakaisip na rin ako ng sasalihan. Kita ko ang pagkadismaya sa mga itsura nila.
"Madaya! I'll just join the theater." Saad ni Alice habang nakahalukipkip. Natawa ako dahil kita ko ang frustration sa mukha nila.
I know that Alice can pull that off. She's born for the stage.
"Sa writing nalang siguro ako." Saad naman ni Tulip at kumuha ng available form na nakalagay sa gilid ng bulletin board.
Tulip is a side geek. Hindi lang halata.
"Broadcasting nalang ako." Nagkibit balikat si Agatha. Atleast we all have orgs to join.
"See you at lunch!" Sigaw ko habang palayo sakanila at kumaway. Nakangiti akong hinahanap ang assigned room for councils. Ang alam ko kasi ay sa second floor lamang iyon.
Walang mga prof ngayong morning dahil may emergency meeting daw kaya sinabi sa amin na ayusin ang mga sasalihang orgs para hindi masayang ang oras. Ang iba sa mga ka-block namin ay umalis na at hindi ko alam kung babalik pa pero kami ay napagdesisyunan namin na gawin ang inuutos.
Kung sakaling wala kaming pinoprotektahang pangalan dito ay malamang, kumain nalang kami sa labas o ano.
"Oh! She's here. The attention seeker." Nagkibit balikat ako sa narinig ko at tuloy-tuloy pa rin ako dahil I'm sure hindi naman ako ang pinaguusapan nila. It's just one of their preys.
"Tignan mo. Kunyari pa na hindi tayo naririnig. Deaf?" Natigilan ako sa sinabi at medyo lumingon lingon ako para tignan kung may kausap ba sila o may ibang tao pero napaawang ang labi ko ng makita na, ako at ang grupo ng mga babae lamang ang nandoon.
Humalukipkip ako at tinaasan sila ng kilay. I promised myself na hindi ako papatol sa mga ganitong klase ng tao pero shit lang. Kairita.
"Attention seeker?" Nakangisi kong sinabi sakanila. Malakas naman ang loob nilang lumapit sa akin. Hindi nagbago ang ekspresyon ko at tinignan pa sila mula ulo hanggang paa.
"Oo. Attention seeker ka. Hindi dahil Montgomery ka ay makukuha mo na lahat ng gusto mo." Naiyukom ko ang mga palad ko dahil sa sinabi ng naka ponytail sakanila.
What the heck?
Meron na akong napatunayan sa mundong ito. People will judge you whether you're doing the right thing or the wrong thing. So just be yourself, what they think about you won't ever matter. What you think about yourself will matter.
"Me? Attention Seeker? Sino ba nagsasalita ng mga bagay tungkol sa iba? Sino ba ang nakikielam sa buhay ng iba? Hindi ba mas mukha kang attention seeker? Wala naman akong ginagawa sayo pero kung umasta ka, akala mo may karapatan kang sabihan ako ng ganyan. Hindi kita kilala Miss. Buti ka pa.. kilala mo ako. You know that I'm a Montgomery samantalang ako.. hindi ko man lang alam kung anong first letter ng pangalan mo. Oh ngayon? Sino ang attention seeker?"
Damn! I miss this. I miss showing this side of me. Hindi naman siguro masama kung once in a while ay ipakita ito lalo na sa mga ganitong klaseng tao. Ayoko silang patulan pero hindi ako pinalaking martyr. I want to be the goody good girl pero hindi talaga.. I can't do that. I can't just stand here and do nothing so I'll slap their faces with the truth that I'm not the type to be treated like that.
Kitang kita ko ang pagkakairita sa mukha niya. Pati na rin ng mga kasama niya. What? Gusto ba nila isa isahin ko sila?
"Malandi ka. Pati ba naman si Osiris? Evander? Gosh."
This is too much. Kailan pa ako lumandi? Hangga't maaari ay magpipigil talaga ako para sa pamilya namin. Tsaka.. bakit napunta sa landi? Akala ko ba attention seeker ako? What the.
Linampasan ko siya dahil wala silang kwentang kausap pero naramdaman kong umakyat na ang dugo ko ng bigla niya akong hilahin at ibalibag para mapaharap muli sakanila. This is bullshit!
Inayos ko ang sarili ko at hinarap sila.
"You--"
"What the heck are you doing?!" Napapitlag ako sa narinig ko. Hinanap ng mata ko kung saan nanggaling ang boses kahit sigurado naman ako kung kanino 'yon. My heart beats so fast that I'm sure.. it's him.
Damn! It was nerve wrecking!
Napatingin ako sa mga babae at kita ko ang takot sa mga mata nila. This is his effect, huh?
"E-evander.. siya kasi eh" saad ng isa. Napalingon ako kay Evander na lumapit sa amin. Kita ko ang pagtagis ng bagang niya at ang pagdilim ng ekspresyon niya.
I can't handle him..
"I don't believe you pero wala akong pakielam. You heard me before? I'm protecting her at alam niyo kung anong ibigsabihin pag pinoprotektahan ng isang Evander Claveria. Kaya subukan niyo pa siyang pagsalitaan ng ganyan. You'll see.." Sinabi niya ng may diin ang bawat salita. Nanlaki ang mga mata ng mga babae at nagmadaling umalis. Kahit siguro ako ay hindi na sasagot at aalis nalang.
Huminga ako ng malalim at tinalikuran nalang siya.
"Ganyan ba ang makukuha ko pag pinagtanggol kita." Napapikit ako ng mariin at hinarap siya. Sinalubong ko ang mga mata niyang kayang pahinain ang buong sistema ko.
Bakit ganito ang epekto niya sa akin? Ikapapahamak ko kung ito lang ay hindi ko mako-kontrol.
"Kasalanan mo 'yon. Hindi naman nila ako pagsasalitaan ng ganon kung hindi dahil sayo." Napakagat ako sa ilalim ng labi ko. May nararamdaman ako sa puso ko na hindi ko mapaliwanag.
"Alam ko.." napaawang ang labi ko sa sagot niya. Akala ko ay makikipag-talo pa siya sa akin tungkol sa bagay na iyon. Sinara niya ang natitirang distansya namin at naglebel ng tingin sa akin.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi na ata mawawala ang hindi mapaliwanag na nararamdaman ko tuwing malapit siya. Dammit.
"I know it's because of me. But God knows that I can't just stop because of that, Grace." I'm speechless. Wala akong masagot sakanya. Gusto ko siyang patigilin dahil may nangyayari sa loob ko na ayokong mangyari. Hindi ito titigil hanggang hindi siya tumitigil.
"The least that I can do.. is to protect you."
May naramdaman nalang akong nahulog sa loob ko. This can't be.
His eyes.. his very expressive eyes. Just entered my soul and gradually into my being.
I'm scared.. what will he invade next?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top