Kabanata 1

Argao

"Uno, ano ba! 'Wag yan!" Narinig kong sigaw ni Tul kay Uno.

Mabilis kong kinuha ang mga gamit ko at pinasok ito sa loob ng kotse at baka ang gamit ko pa ang mapagdiskitahan ni Uno.

"Do you have a fetish for throwing things?" Saad ko.

I don't know but he seems like fond of throwing things. Buti nalang at MVP siya ng basketball team kaya kahit nakapikit ay saktong sakto ang pagbato niya.

"I'm practicing, Rian. Papasok kami ng varsity sa papasukan nating university sa Cebu" nanlaki ang mata ko. What the heck?

Ginagawa niyang alternative for balls ang gamit namin?

Sasagutin ko pa sana siya pero nagpatuloy na siya sa paglalagay ng gamit.

Sabay sabay kaming pupunta ng Cebu ngayon. Nauna na sila mommy, kahapon pa sila nandoon dahil kailangan pa nilang mag settle down. Lahat kami ay titira sa Mansyon habang tinatapos pa ang tatlong bahay na pinapagawa nila Dad with Tito Ziel and Tito Ivor. Though mas gusto ko na sama sama nalang kami tutal the Mansion is too big for all of us.

"Nandyan na ba lahat? Wala na kayong naiwan? Ayoko na may maghahanap ng gamit mamaya." Sunod sunod na sabi ni Adrian habang tinutulungan si Carl magpasok ng gamit.

Napalingon ako kay Dos na inabot ang cardigan ko.

"Thanks Dos" wika ko at sinuot ito.

Ibinigay ko naman kay Alice ang hinihiram niyang cap. Alice and I wore a matchy dress. Magkaiba lang dahil ang akin ay off shoulders habang ang kanya ay tube dress kaya hindi ko alam bakit siya nag cacap.

"Nakiki-Agatha ka na ba?" Saad ni Uno nang makitang nag sumbrero si Alice.

Mabilis naman hinagis ni Alice kay Uno ang bag niyang puro damit ang laman. She looks so cute though. Bumagay ang cap sakanyang mahabang buhok.

"Whoa! Whoa! Chill little sister. I was just joking."

Napairap si Alice kaya pati ako ay hindi mapigilan ang matawa.

"She likes someone. Mahilig ata sa naka-cap ang gusto niya" mabilis na tumakbo si Dos pagkasabi niya non. Sinamaan lamang sila ng tingin ni Alice at nag roll eyes.

"Whatever Dos!" Sigaw niya sa inis.

"Mauna na ang sasakyan ni Uno. Sino ang sasabay?" Tanong ni Carl. Isinara na ni Adrian ang likod ng kotse niya.

Alterra at Chevrolet ang dadalhin namin ngayon. Nauna na ang ibang kotse kahapon doon. Kami nalang talaga ang hinihintay.

Pati ang ibang gamit ay nadala na doon. I almost brought everything that I could bring. We're gonna stay there for one whole school year so I should be prepared.

"Carl? Hindi ka ba mag dadrive?" Tanong ni Clyde.

Isinuot niya ang bonnet niya at binaba ang headphones niya.

Kung titignan ang mga pinsan kong lalaki ay masasabing si Uno agad ang mapapansin. They all got the looks but Uno was different. Nakuha niya lahat ng physical preference ni Tito Ziel and tito was known for his jaw dropping looks. Pero hindi rin naman magpapahuli ang mga pinsan ko.. they all have a good built and a sex appeal that no one can deny.

Kumbaga lamang lang ng dalawang pabango si Uno sakanila.

"Uno and Ad will be driving" napanganga ako sa sinabi ni Carl.

Ngumisi ito at nagkibitbalikat. Nagpamaywang ako dahil sa sinabi ni Carl.

"Why don't you drive for us Carl?" Tanong ko.

"I can hear you twin" umirap ako kay Adrian at nauna ng pumasok sa kotse.

Bahala na sila diyan.

"Don't worry papalitan ko siya mamaya. Mahaba ang byahe so we need to take shifts" tumango nalang ako at inayos na ang sarili ko.

I chose the part near the window. Dulo ako at sa harap ko ang driver's seat.

"Uno dahan-dahan. Clyde palitan mo si Uno mamaya pag nag stop-over na tayo" saad ni Simon at pumasok na sa loob ng kotse ni Adrian.

By land lamang kami, ewan ko ba at mas gusto namin ito. Lahat kami ay sang-ayon na mag land travelling kami, except for the ferry part. Actually our parents initiated to take a plane because obviously that's easier but we initiated to do this.

Besides, we still don't get the whole Cebu thing.

I'm with Simon, Agatha, Carl, Tul, and Angelo in Adrian's car. Sa likod umupo si Angelo at Simon while me, Agatha and Tul sat at the middle. Si Carl ay sa shot gun seat and unfortunately Adrian's driving.

"Adrian.. think that you're with your girlfriend so you need to take it slow" saad ni Simon mula sa likod.

I laughed.

Together with Uno and Dos.. they don't do girlfriends, flavor of the week pwede pa.

"Mon, if I am with my girlfriend, I won't take it slow. You know I like it hard" nanlaki ang mata ko habang natawa naman ang mga lalaki.

Nag earphones si Agatha habang si Tul ay binatukan si Simon.

Bastos!

"Gelo.. 'wag mong pakinggan si Ad" saad ko pero napahawak lamang sa batok ang kapatid ko. Natigilan ako nang marinig ko ang phone ko na tumunog.

"Grace?" Napangiti ako sa pagtawag sa akin ni Daddy sa second name ko. Siya lang ang tumatawag sa akin non.

"Hi Daddy" pagkasabi ko non ay nanahimik ang mga pinsan ko at kapatid ko.

"Who's driving?" Tanong ni daddy kaya napalingon ako kay Ad.

Oh.. looks like may mapapagsabihan.

"Si Ad po" nakita kong nilingon ako saglit ni Ad pero mabilis din ibinalik ni Adrian ang tingin sa harap.

Mabilis akong napahawak sa seatbelt ko nang medyo napalakas ang lundag ng sasakyan. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Isang beses pa itong lumundag mg malakas. Damn!

Nakarinig ako nang ilang mura sa likod.

"Ad! Yung humps!" Saad ko pero natawa lamang siya.

Napalingon ako kay Carl na nagkibit-balikat. Napailing ako at tumingin nalamang sa labas.

"Anong nangyari? Hand the phone to ad- nevermind baka lalo lang yan makadisgrasya. Tell him that I'll ground him pag may nangyari sainyo." Natawa ako at kasabay non ay binuksan ko ang bintana.

Napa pikit ako sa simoy ng hangin. Nakalabas na kami ng Manila.

"Okay dad. Thank you. I love you" I sweetly said.

"I love you too. Mag ingat kayo"

He ended the call kaya tinago ko na ang phone ko. Narinig ko namang kausap ni Tul si Alice sa phone.

"Anong sabi ni Dad?" Tanong ni Gelo. Ngumisi ako and I mockingly looked at Ad.

"He told me to tell Ad to bring us there safe and sound kung hindi grounded siya!" Kasabay 'non ang pagtawa ko kaya pati sila ay nakisabay sa pamumusit kay Adrian.

Last time he was grounded, no phone, laptop and car for a whole week and that is a torture for him.

"Stop by muna daw tayo sa nearest fast food chain. We need to eat lunch" saad ni Tul at pinakuha ang maliit niyang bag sa likod.

Tumingin ako sa labas at nakita kong malapit na pala kami sa gasoline station at nakapaikot dito ang mga fastfood chain. Lumabas na kami ng kotse at sabay-sabay na naglakad. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at doon ko lamang napansin na nandyan na pala sila Alice.

"Hey! Grabe! I want to kill Kuya Uno! Pakiramdam ko mawawalan ako nang kaluluwa dahil sakanya!" Saad ni Alice sa amin.

We laughed at her at kinwento niya kung paano mag drive si Uno kanina.

Atleast Ad is more tolerable.

Si Uno, akala mo nasa karera pag nagdrive. Like he was always in a hurry.

"I'll kill him for you" saad ni Agatha at biglang sinapok si Uno.

Napa facepalm nalamang ako dahil sakanila. Pumasok na ako sa Mcdonalds, matagal tagal na rin nang last akong kumain dito. I suddenly missed Sundae.

Napalingon lahat nang pumasok kami. Nagkibit balikat ako at patuloy na pumasok. Agad pinagdikit dikit ng mga staff doon ang table para magkasya kaming eleven doon.

Umupo ako sa dulo kung saan katabi ako nang glass window. Kitang kita ang labas. Marami rin bumabyahe ngayong araw kaya maraming kotse ang nakaparada sa harap ng mga fastfood chains.

"I'll miss Manila" saad ni Tul sa akin at hinilig ang ulo niya sa akin.

Sa aming magpipinsan ay masasabi kong pinaka close ako sakanya. Agatha is closer to Alice.

"We can still go back.. madalang ngalang. Look at the brighter side, hindi mo na makikita yung boyfriend mong.. urg! Mukhang bola dahil bounce ng bounce from one person to another." Saad ko habang nakatingin pa rin sa labas at napangiti ako nang humagikgik ang pinsan ko.

"Rian! You're so mean! Well true!" Natawa ako sa sagot niya sa akin.

We we're laughing nang mahagip ng mata ko sa labas ang lalaking may dimples na nakakapagpabilis ng puso ko. He's here.. what is he doing here? May pupuntahan ba siya out of Manila?

Damn! Hindi ba siya taga- Manila? Or out of town maybe? Parang pinipiga ang puso ko.. minsan lang ako magkagusto sa isang lalaki pero hindi ko naman iniisip masyado ang mga bagay na to. I know, I wouldn't be able to see him again. Atleast I know, may taong ganyan kagwapo sa mundong ito.

"Tsaka wala na akong paki don sa Ivan na yon- hey! Are you listening?" Nawala ako sa pagiisip nang narinig ko ang pagtaas ng boses ni Tul.

"Hah? Oo! Gusto ko nang Sundae" fuck! Ano yung sinabi niya? Tinatanong niya ba kung ano order ko? Pero nag oorder na ang mga boys.

Nagangat siya ng tingin at umalis sa pagkakahilig sa akin at tinignan ako gamit ang kanyang mapanuring mga mata.

"Who are you looking at? Bakit hindi ka nakikinig?" sinundad ng mga mata niya ang taong tinitignan ko kanina at kita ko ang paglaki ng mata niya.

"Oh my mother! Ang gwapo! Grabe! Hindi ako agad na-aamaze sa itsura ng mga lalaki dahil tignan mo naman ang mga pinsan natin pero damn! Talo sila nang lalaking to! He looks so cute but handsome at the same time. Oh look at that biceps! Nag feflex! Oh his broad shoulders! Oh M--"

Tinakpan ko na bibig niya. Baka marinig pa siya nila Adrian. Napabalik ang tingin ko sa lalaking iyon at parang tumigil ang puso ko. Is he looking at our side? No he didn't right? Impossible! Doon lang kinikilig na ako!

Prenteng sumandal pa ito sa kotse niya. I didn't know na nakakagwapo pala talaga ng sobra ang pagsandal sa kotse.

"He looked at you! He freaking looked  at you! Kinikilig ako!" Nakatingin pa rin ako sa lalaking iyon.

Kinausap siya ng kasama niya at kita ko ang pag ngiti niya. Damn that dimples! Sarap hawakan! Ang swerte ng girlfriend niya.

"Kuya Adrian! Adrianna is eyeing--" natigilan ako at mabilis na tinakpan ang bibig ni Tul. Agatha and Alice immedietly looked outside kaya napatingin din ako.

Sadly, luckily, he wasn't there.

"Sayang hindi niyo nakita! He is so handsome!" Ngiting ngiti si Tul habang sinasabi iyon. Kita ko naman ang pagkunot nang noo ni Ad. Here we go again.

"Who?" Isang salita pero lahat kami natahimik. I hate it when he's like this.

"Wala. Don't worry it was just a simple appreciation to a human." Saad ko at kinuha na ang inorder nila para sa akin.

Umupo na sila Uno habang tinitignan ako kaya pinanlakihan ko sila nang mata.

"We're just joking. Alam namin na hanggang ganyan lang yan. Pagbigyan niyo na" napaawang ang labi ko sa sinabi ni Uno kaya inabot ko siya at sasabunutan sana pero nakakailag pa din siya.

"Loser! Nakakainis ka!" Saad ko habang inis na inis sa kanya.

"I'm sorry." Sinamaan ko lamang siya ng tingin pero sa huli ay natawa pa din ako kasi nag puppy dog eyes pa siya.

Mahaba ang naging byahe. Halos nakatulog na kaming lahat. Carl took over in driving the car and Clyde took over Uno. Nakatulog ako ng mahimbing dahil doon. It took a day, I know it took a day, dahil hindi man ako nagising kahit nung nag ferry na kami.

Nagising nalamang ako nang nakapasok na kami sa vicinity ng Cebu City. Binuksan ko ang bintana at napangiti dahil sa sariwang hangin.

Nasa Argao na kami at kita ko na ang mga palayan. It's very beautiful and refreshing.

I love Manila but Argao is different.. it will always feel different.

"Hey.. Tul! Wake up!" Saad ko nang marating na namin ang Mansyon. Pinaggigising ko si Agatha at Tul.

"Maglalabas na kami nang gamit" saad ni Carl at lumabas na sila ni Adrian. Nagising na rin si Simon at Gelo. Tul and Agatha are still half asleep.

Nauna na akong lumabas at nakita kong lumabas na rin sila Dos.

Tumingin ako sa paligid at naglakad malapit sa malawak na garden ng Mansyon. Tanaw na tanaw ang malaking lupain ng Argao.

This is it.. the change.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top