Monsters Playbook
This is a work of fiction. Characters, places, and events are either created by the author or used to make the story a simulated one. If similarities between actual persons and actual incidents are discerned, it is merely coincidence.
Bear in mind that plagiarism is a serious crime, and it is punishable by the law that anchors on Republic Act No. 8293, known as the "Intellectual Property Code of the Philippines."
──✧❁ 𝐌𝐨𝐧𝐬𝐭𝐞𝐫𝐬 𝐏𝐥𝐚𝐲𝐛𝐨𝐨𝐤 ❁✧──
⋆༺𓆩☠︎︎𓆪༻⋆
From the slit-mouthed woman to cursed dolls and the Boogeyman, chilling urban legends have sprung to life in the idyllic Westwood City and shattered the peace that once graced its streets.
But how did all these frightening tales come to be?
Enter the Sagrado Family, keepers of a century-old secret. They are Bibliokinetics, a rare group of psychics with the uncanny ability to manipulate books and literary works. The family is headed by Levi Sagrado, also known as "the Librarian," who runs the Sagrado Library together with his three daughters.
The eldest, Keena, a successful author with a fiery temper, is dubbed "the Writer." The youngest, Tavleen, a bubbly high school student, is "the Reader." While Alohi, the middle child, compensates for her lack of bibliokinetic powers with her inhuman strength and regenerative abilities, making her "the Gatekeeper."
When the Monsters Playbook, one of the Library's most dangerous works, is stolen by a powerful and mysterious Book Thief, the Sagrados must use their powers and work together to seal the urban legends back. The family must balance this dangerous mission with their daily struggles, drama, and budding romances, all while ensuring the city's peace and safety.
⋆༺𓆩☠︎︎𓆪༻⋆
ANG MAKAPAL NA hamog agad ang bumungad sa akin pagpasok ko sa gate ng bahay namin.
"May sunog ba?" tanong ko sarili habang sinusubukang hawiin ang hamog gamit ang kanang palad ko.
Hindi naman amoy-sunog. Pero sa sobrang kapal no'ng hamog ay kakaonting ilaw na lang iyong nakikita ko mula sa lamppost.
Nasaan na ba ang mga tao rito?
Kauuwi ko lang galing sa trabaho at ang likod kong nananakit ay nag-ki-crave ng matinding masahe. Diyos ko, gusto ko nang magpahinga.
"Maganda ba ako?"
Naningkit ang mga mata ko sa pigura ng babaeng papalapit sa akin na lumitaw mula sa makapal na hamog sa kabilang banda.
The woman with unusual speed suddenly rushed towards me while I was standing there. She had long, straight black hair and a pale complexion. Her face was also covered with a surgical mask, and she was carrying a large pair of medical scissors on her side.
"Oo na," sagot ko sa kanya dahilan upang tanggalin niya ang suot niyang mask.
She took off her mask, and that's when I saw her mouth, which was sliced from one side to the other, like a creepy, permanent grin that made my skin crawl.
"Kahit na ganito ako?" she asked again.
Really tired from work, I heaved a deep sigh and held her by the shoulders before answering, "Ang tunay na kagandahan ay nasa kalooban. Kaya utang na loob, bumalik ka na sa loob ng libro, sis."
Pinihit ko siya paharap sa bunso kong kapatid na si Tavleen na yakap-yakap naman ang isa sa mga pinakamapanganib na libro na pagmamay-ari ng library namin, ang Monsters Playbook.
Napasigaw si Tavleen nang makaharap niya ang Kuchisake-onna o mas kilala sa tawag na Slit-Mouthed Woman, isang urban legend mula sa Japan.
"Ate Alohi, naman!" naiiyak na bulalas ni Tavleen at tinakpan ang mukha gamit iyong librong hawak niya.
"Ibalik mo na 'to sa loob, dali. Pagod na ako galing sa trabaho," mahinahong utos ko sa kapatid.
She may have unintentionally summoned the Kuchisake-onna by reading the Monsters Playbook again.
Kahit ako man ay paborito ang librong iyon dahil napakainteresante. The main difference between my younger sister and I is that I am not a Bibliokinetic. Kahit pasigaw ko pa na basahin ang anumang libro ay walang mga halimaw na lalabas mula roon o mga random na taong mahahatak papasok sa libro.
Bibliokinetics are considered the rarest type in the psychic spectrum. Iilan lang ang mga indibidwal na may ganitong kakayahan sa mundo. Unlike my sisters, who inherited that uncanny ability from our father, I took after our mother, who was also otherworldly.
Kahit na nangininig ay dali-daling binuksan ni Tavleen ang libro at sumigaw ng, "I hereby return this entity to these pages and seal it within them!"
The book emitted a blinding light, causing us to shut our eyes. When we opened them again, the malevolent figure from Japanese folklore had disappeared and safely returned to the pages.
Inagaw ko mula kay Tavleen ang libro. Delikado na at baka may iba na naman siyang matawag. Pumasok na kami sa loob ng library at nakabuntot naman siya sa akin habang ibinabalik ko iyon sa bookshelf.
"Sorry, Ate," paumanhin niyang muli.
Sinulyapan ko ang kapatid na hindi pa pala nakapagbihis ng uniporme niya. Huling taon na niya ito sa senior high school. Marahil ay ginugol na naman niya agad ang oras niya sa pagbabasa pagkauwi niya.
Tavleen's Bibliokinetic powers are stronger when she does the reading, so we call her the 'the Reader.'
"Si Papa, nasaan?" I asked her.
"Nasa loob na ng bahay, Ate. Nagluluto ng hapunan."
Nang may kumatok sa pinto ng library ay agad na sumagot si Tavleen, "Tuloy po kayo!"
Mabilis naman niyang tinakpan ang bibig niya nang mamilog ang mga mata naming pareho. Ngunit huli na ang lahat dahil tumunog na ang windchime, hudyat na nakapasok na sa loob ang bisita.
The Sagrado Library is a century-old business run by our family, generation to generation. Dahil kami ang mga Bibliokinetic sa angkan kaya sa amin naipamana ang library. Bukod sa nagsisilbing tahanan ito ng iba't ibang mga aklat at literatura, mula sa pinakaespesyal hanggang sa pinakadelikado, ay mahiwaga rin ang lugar na ito dahil may sarili itong buhay. It doesn't allow uninivited guests in.
Bagaman nakakapasok agad ang mga mortal ay hinaharangan nito ang mga Ayakashi o iyong mga supernatural na nilalang mula sa pagpasok nang hindi nagpapaalam sa amin.
Supernatural Book Thieves, iyon kasi ang pinakainiiwasan namin. The books stolen by humans return, but those taken by supernatural beings do not.
Ilang beses na kaming tinuruan at pinaalalahanan ni Papa ng pagtanggap ng mga tamang bisita. Kaya ang ginawang agarang pagsagot ni Tavleen sa paghingi ng permisyon ng bisitang hindi pa pumapasok ay mali at mapanganib.
Mabilis kong tinago ang kapatid sa likuran ko at hinarap ang bisita.
"Ano pong libro ang kailangan niyo?" magalang na tanong ko sa lalaking nakayuko.
He looked up at me and smiled menacingly as his completely black eyes shone.
It's an ordinary demon.
"Give me the Monsters Playbook," he said and rushed towards our direction.
Kumilos din ako agad at hinawakan ang noo niya upang pigilan siya sa tuluyang paglapit. Situations like this made me grateful for my atypical height among women my age.
When the demon screamed and resisted, I quickly smashed its head onto the floor and broke the tiled surface. I used only my right hand to pull out the unconscious demon and carried it outside the library while the broken floor automatically repaired itself.
Paglabas namin ay malakas na hinagis ko ang demonyong iyon sa kalangitan. Napabuga ako ng hangin at pinagpag ang mga palad ko pagkatapos.
I may not have the Bibliokinetic powers like my sisters and father, but I let my inhuman strength and regenerative abilities make up for it to act as 'the Gatekeeper.' I am the main protector of our family and library.
Pabalik na sana ako sa loob nang matiyempuhan ko ang pagdating ni Ate Keena. Kabababa niya lang mula sa mamahaling kotse at matamis ang ngiti habang nagpapaalam sa lalaking nasa driver's seat.
Napangiwi ako dahil isa na naman iyon sa mga lalaki niya.
Mula ulo hanggang paa ay branded lahat ng mga gamit ni Ate. Maganda rin at matalino. She is also a successful author. Kapag nawawalan kami ng libro, siya o si Papa ang nagsusulat ng panibagong kopya ng mga iyon. From the most important to the tiniest details, they never missed anything.
Ang mga librong sinulat din nila ang may kakayahang bigyan ng tinatawag naming existence ang mga karakter at bagay-bagay. Kaya kapag binabasa ng Reader na tulad ni Tavleen ay nabibigyan sila ng willpower at nakakawala sa mga pahina.
Ate Keena is our family's and library's 'Writer.' Si Papa Levi naman ang 'Librarian.' He has already mastered all the uncanny abilities of a Bibliokinetic, from the Writer to the Reader and the Gatekeeper.
Perfect na rin sana si Ate Keena kung mas bumait-bait lang siya.
Binuksan ko na ang gate namin para sa kanya pag-akyat niya ng sementadong hagdanan.
"Sino 'yon? Boyfriend mo?" pang-uusisa ko sa kanya.
"Boyfriend?" she retorted, her face twisted in disgust. "He's just a suitor, you little shit."
Magaan kong hinila ang dulo ng buhok niya gamit ang hinlalaki at hintuturo ko. "Nagtatanong lang ako. Hindi mo naman kailangan magsabi ng bad words!"
"Aray ko! Ang lakas mo!"
Bago pa man niya ako maabutan ay kumaripas na ako ng takbo papasok sa library habang humahalakhak.
Little did we know that our extraordinary lives would take an even more unexpected twist after that day.
「 ✦ 𝓛𝓸𝔀𝓵𝓪 𝓟𝓲𝓷𝓴𝓸 ✦ 」
Hello, Charmings!
This new supernatural story will follow the extraordinary lives of one of Olly's family members (distant relatives because they live in a different city and reality).
This will also introduce you to some Urban Legends.
Brace yourselves for another bumpy supernatural adventure with the Sagrados.
See you! Please vote and comment your thoughts!🌸
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top