32: Jorōgumo's Bite (Japan-England)

32: Jorōgumo (Japanese Urban Legend)
+ The Spider Bite (British Urban Legend)

⋆༺𓆩☠︎︎𓆪༻⋆

TINAGO FALLS - 9:39 A.M.
"Welcome to another episode of Lakbay Westwood. For today's video, we are taking you to one of the best waterfalls in the city, Tinago Falls!" masayang hayag ng host na si TJ sa harap ng kamera.

As the camera slowly panned towards the background, the enchanting beauty of Tinago Falls came into view. Standing tall at 60 feet, the magnificent waterfall with its cascading clear turquoise water was surrounded by a lush green forest that seemed to stretch out endlessly. TJ and his crew were there for another travel vlog, and the waterfall's serene surroundings made it a perfect location for their shoot.

Nagpakita na rin sa kamera ang kapatid niyang si Missy. "That's right! After descending 500 steps, this enchanting waterfall will greet you. Come and join us as we explore this hidden beauty! Tara!"

The crew took all the necessary materials for their vlogs. After everyone was content with the shoot results, they enjoyed the falls together. This included the members working behind the scenes, as they had paid to have the falls exclusively for themselves on that day. Sayang naman kung hindi nila susulitin ang napakagandang talon.

One of the cameramen somersaulted as he playfully jumped into the water, causing TJ to laugh and Missy to groan. Sa inis niya ay hinampas ng dalaga ang tubig malapit sa banda nila ng cameraman. "That wasn't very nice, Vince!"

"He's just letting loose after the work, Missy," paliwanag naman ni TJ sa kapatid. "Let him be."

When TJ wasn't paying attention, Vince teased Missy by sticking out his tongue. This led to more banter between them as Missy continued splashing water on Vince. Meanwhile, TJ's focus shifted to a beautiful woman he spotted behind the waterfalls, her long black hair concealed her naked top. She smiled at him and turned away, which prompted TJ to emerge from the water and follow her quickly.

"Kuya, saan ka pupunta?" tanong ni Missy sa kanyang kapatid, nagtataka sa ikinikilos nito.

"Stay here. I'll just check on something."

Nanatiling nakasunod ang tingin ni Missy sa kapatid na umahon at nagtungo sa likod ng talon. Naagaw lamang ni Vince ang atensyon niya nang sabuyan siya nito ng tubig na mas ikinairita naman niya.

"Stop it!"

"Oh, nasaan na si TJ?"

"Nasa likod ng talon. May i-tsi-tsek daw. Ewan ko ba sa kanya," nakakunot-noong tugon naman ni Missy.

"Sundan natin. Baka napaano na 'yon. May local legend pa naman dito."

"What do you mean?"

"Ang sabi nila, tahanan daw ng napakagandang diwata ang talong ito. Napapanatili daw niya ang ganda ng talon sa pamamagitan nang pangunguha ng mga lalaking biktima na naaakit din sa kagandahan niya," paliwanag ni Vince kay Missy.

"You seriously believe that?"

"Missy, may mga nilalang na mas nauna pa sa atin sa mundong ito. Madalas sa kanila ay mga tagapangalaga ng kalikasan, and we have to respect them."

Mariing nakipagtitigan si Missy sa seryosong mukha ni Vince na nagpapaliwanag sa kanya. Malapit na sana siyang makumbinsi nito kung hindi lang ito tumawa sa pagmumukha niya sabay sabing, "Ang bilis mo namang utuin!"

Naiinis na sinabuyan ni Missy ng tubig ang hindi pa rin matigil-tigil sa pagtawa na si Vince saka siya umahon at sinundan ang Kuya TJ niyang kanina pa hindi bumabalik mula nang pasukin ang likod ng talon.

Missy was welcomed by cobwebs as she entered the cave behind the enchanting waterfalls. Napatili pa siya nang maramdaman ang paggapang ng isang gagamba sa pisngi niya at mabilis na hinawi iyon doon saka nanggigigil na tinapak-tapakan. She dreaded creepy crawlers, especially spiders.

"Kuya, where are you na ba?! Let's go back to the team na!" tawag niya sa kapatid sa madilim na kuwebang iyon subalit walang sinuman ang sumagot. "Kuya! Please, let's get out of here!"

Muling napatili si Missy nang may tumilapong malaking bagay sa banda niya. Nang makabawi ay mabilis siyang yumuko upang suriin iyon. Nadiskubre niyang nababalot nang makapal na sapot ng gagamba ang kabuuan no'n, maliban sa bandang tuktok na may umaagos na pulang likido.

Missy's breath hitched as she realized the red liquid was blood. "Kuya!" she screamed in fear.

Something rolled toward her again in response to her frantic calls. When it stopped, fear consumed Missy as she came face-to-face with her brother's severed head, detached from his body that was wrapped in a thick spider web nearby.

The trembling and shocked Missy covered her eyes while screaming at the top of her lungs. The gruesome sight of her brother lay before her, and a horrifying monster lurked in the shadows of the cave.

──✧❁ 𝐌𝐨𝐧𝐬𝐭𝐞𝐫𝐬 𝐏𝐥𝐚𝐲𝐛𝐨𝐨𝐤 ❁✧──

𓆩◇𓆪꧁ 𓆩◇𓆪 ꧂ 𓆩◇𓆪


KAAGAD NA PININDOT ni Keena ang audio system ng sasakyan niya kung saan nakakonekta ang incoming call ni Raegan.

"Yes?"

"Nasaan ka?"

"I'm driving Tavleen to my dermatologist. Nagka-pimple breakout kasi. Do you need anything?" Sinulyapan naman ni Keena ang bunsong kapatid sa passenger's seat na kanina pa niya napapansing may mapang-asar na ngiti.

Siyempre ay nakuwento na ni Alohi sa pamilya nilang nagkabalikan na sila ni Raegan. Hayan tuloy at hindi na matigil-tigil sa panunukso ang mga kapatid niya sa kanya. Napailing na lamang si Keena at itinuon ang atensyon sa pagmamaneho.

"It's about a new case."

"Tell me about it," Keena encouraged him.

"Natagpuan ang bangkay ng isang travel vlogger sa likod na kuweba ng Tinago Falls. Pugot ang ulo at nababalot nang makapal na sapot ng gagamba ang nahiwalay na katawan. The vlogger's sister was the witness, and she claimed that she saw a giant spider with the upper extremities of a woman," paliwanag ni Raegan sa kabilang linya. "The incident happened yesterday. Nahingan naman namin ng statement ang witness na si Missy Tiu nang magkamalay siya kagabi. Anong klaseng Urban Legends naman kaya ang involved sa reimagined tale na 'to?"

"It's no doubt to be the work of a Jorōgumo," Keena replied, sure of the involvement of the Japanese Urban Legend.

Jorōgumo, a demonic creature from Japanese folklore, is a Yokai spirit that transforms from a spider at 400 years old. Initially a killer spider, it evolves into a woman who lures young men using its beauty and biwa music. When ready to feed, it transforms into a gigantic spider that reaches up to two meters in height.

Jorōgumo lives in remote locations and possesses deadly venom. It consumes its prey quietly and sometimes using victims for future offspring. It can control other spiders, detect victims, and spit acid to erase traces. Aside from its exceptional speed, jumping power, and stealth abilities, Jorōgumo also creates large webs for efficient hunting.

"But since we're working with a reimagined tale, it requires another Urban Legend with similar features," Keena added while glancing at Tavleen. "Do you have any ideas about the other Urban Legend?"

"Spiders must be linked in this reimagined tale, and we cannot talk about spiders without mentioning this famous Urban Legend-The Spider Bite, also known as The Red Spot," ani Tavleen at napahawak sa mukha niya nang maalala ang pimple breakout niya. Nagpatuloy din siya sa pagpapaliwanag kay Raegan sa tawag ng tungkol sa Urban Legend na iyon.

The Spider Bite or The Red Spot is a contemporary urban legend that surfaced in England during the 1970s. It revolves around a young woman vacationing in a warm southern location who, while sunbathing on the beach, gets bitten on the cheek by a spider. The bite turns into a large boil, which prompted her to seek medical help. Upon lancing the boil, hundreds of tiny spiders emerge, causing the woman to go insane from shock.

This modern legend from Europe shares similarities with earlier tales of the bosom-serpent variety, where various creatures enter the body and sometimes reproduce inside.

"If we follow the plot of the second Urban Legend, Jorōgumo will certainly come after the witness," Keena informed Raegan through the call. "Have you noticed any swell or boil in her face or body?"

Natahimik naman si Raegan saglit at mayamaya pa ay mahinang sumagot nang, "Oo, may malaking pigsa sa pisngi niya. Katunayan, nasa operation room na sila ngayon dahil plano nilang magpatulong sa doktor na tanggalin iyon..."

"Gosh..." Napapikit naman si Keena at pagdilat ay pinaliko na ang sasakyan niya. "What hospital are you in? Once those spiders are out, they will attack everyone there. Jorōgumo will also take that woman and eat. Pupunta na kami r'yan ngayon."

Dumiretso na sina Keena at Tavleen sa ospital na sinabi ni Raegan. Pagdating nila roon ay agad silang sinalubong ng binata sa may counter. "We managed to stop the operation."

"That's good," ani Keena at ibinigay kay Tavleen ang Monsters Playbook. "Wala si Ate Alohi mo ngayon, so I have to fight. Make sure to seal the Reimagined Urban Legend back there."

Maagap namang tumango si Tavleen. "Opo, Ate."

Dinala rin sila ni Raegan papunta sa kwarto ni Missy Tiu na hindi natuloy ang operasyon. Sa pinto ng kwarto nito ay napansin nila ang ilang members ng vlog team na malungkot din ang mga itsura.

Nasulyapan naman ni Tavleen ang lalaking may kulot at makapal na buhok sa tabi na kinakamot ang ulo. Naagaw lamang ang atensyon niya nang marinig ang Ate Keena niya na kinausap si Raegan habang nakasilip sila sa vision panel ng pinto ng kwarto ni Missy. Sumilip din si Tavleen doon at naabutan si Missy na mahimbing na natutulog sa kama nito.

"Do you know how to summon the Jorōgumo aside from having Missy's boil removed?" Raegan asked his girlfriend.

"Kusang pupunta rito si Jorōgumo kung kailan niya gusto, lalo na kung gutom na siya. I just want the operation to stop to mitigate the casualties if that happens."

"Ano ba, Vince? Kanina ka pa kamot nang kamot sa ulo mo, huh? Makati ba?"

Muling ipinukol ni Tavleen ang atensyon sa crew members ni Missy, lalo na sa lalaking hindi matigil-tigil sa pagkakamot sa ulo nito.

"Ewan ko nga ba't ang kati ng buhok ko," sagot naman no'ng Vince.

"Mag-shampoo ka kasi!" Nagtawanan ang grupo pero sa sobrang pangangati ng ulo ni Vince ay hindi niya magawang sabayan ang mga ito. "Kailan pa ba nagsimula 'yan?"

"Kahapon, pagkatapos kong buhatin palabas ng kuweba si Missy," tugon naman nitong ikinaalarma ni Tavleen.

Napahawak tuloy ang dalaga sa braso ng kanyang kapatid na maagap namang lumingon sa kanya. Ngunit bago pa man maibahagi ni Tavleen ang nadiskubre, napasigaw at napatayo na ang mga crew member sa pagkagimbal sa sunod na nangyari.

Tiny spiders crawled out of Vince's hair, yet he continued to scratch desperately. The lights flickered, and screams filled the air. Suddenly, a pair of hands gripped Vince's pale face. Tavleen followed the hands to discover a naked woman with spider limbs suspended upside down from the ceiling, held by her giant webs.

Base sa nalaman niya kanina, natanto ni Tavleen na marahil ay hindi lang si Missy ang nakagat ng mga gagamba ng Jorōgumo. Kung pumasok din si Vince sa kuweba upang buhatin palabas ang walang-malay na dalaga ay hindi imposibleng mangyari nga iyon at mapisa saka mamugad sa makapal na buhok niya ang mga gagamba.

Hinatak ng Jorōgumo si Vince subalit agad din naman niya itong nabitiwan nang mabilis na hinagisan ito ni Raegan ng kanyang bolang apoy, bagay na kinatatakutan nito. Napasigaw sa sakit ang Urban Legend at umatras ngunit ang mga mata nito ay puno pa rin ng galit, uhaw, at pagnanais na umatake.

Keena placed the unconscious Vince inside her protective dome, laid him with his friends, and then used her mana to create a wall shielding them from the spiders. Raegan set his hands ablaze as he stood resolute and protective on the ground. His girlfriend stood beside him and illuminated her hands with her mana, both prepared to fight and prevent the Jorōgumo from harming the innocent.

Nang makita ang determinasyon ng dalawa ay mabilis na kumilos din si Tavleen at binuksan ang Monsters Playbook habang nagsimula nang labanan nina Keena at Raegan ang Jorōgumo na sumusubok tumakas.

"I hereby return this entity to these pages and seal it within them!" Tavleen recited the incantation and sealed the snarling Urban Legend back to the prison pages of Monsters Playbook.

Nang maikulong na nila ang Jorōgumo pabalik sa libro ay nanumbalik na sa normal ang lahat. Pagpasok nila sa kwarto ni Missy ay nawala na rin ang malaking pigsa sa pisngi nito. Paggising din ni Vince na inalalayan ng mga kaibigan niya ay hindi na rin pa ito nakaramdam nang makati sa ulo niya.

EXCITED NA EXCITED si Tavleen na ikuwento kay Alohi ang nangyari noong araw na iyon subalit ang seryosong mukha ng kanyang Ate ang kanilang nabungaran pag-uwi nila.

"What's with that face?" tanong ni Keena sa kapatid nang mapansin din ang pagigig seryoso nito.

"Pretty," sagot naman ni Alohi bago nagpatuloy, ngayon ay sa mas seryosong tono na, "I found additional information about the Hundred Tales Clan."

"Anong tungkol sa kanila?"

Inabot naman ni Alohi ang isang kupas at black and white na larawan. A handwritten note in cursive found at its back portion read:

To Lord Hyakku's children.

From Crisanto Sagrado.

Please take care of the Library. It is where our hearts and souls rest.

"Nakuha ko 'yang nakaipit sa lumang family album natin," pagbibigay-alam pa ni Alohi sa mga kapatid.

Ang larawan ay naglalaman ng dalawang binata na posibleng anak ni Lord Hyakku kung pagbabasehan ang mensahe ni Crisanto Sagrado. Sa likod ng dalawang binata ay ang Westwood Library, ang unang pangalan ng Sagrado Library.

"Ang ipinagtataka ko sa lahat ay bakit kamukha ni Lolo Andres iyong binatang seryoso?" Alohi shared as she pointed out the serious young man in the photo. "Pero ang nakasulat ay para sa mga anak ni Lord Hyakku. Ibig sabihin ba no'n, anak ni Lord Hyakku si Lolo Andres? Kung totoo man 'yan ay kadugo natin iyong mga natitirang miyembro ng Hundred Tales Clan. Sa tono rin ng mensahe ni Crisanto sa baba ay parang pinapamana niya sa dalawang binata ang Library. Naguguluhan na ako."

Nanatiling nakatitig sa larawan sina Keena at Tavleen. Alam nilang tatlo na iisang tao lang ang makapagbibigay-linaw ng lahat-ang kanilang amang si Levi. Iyon mismo ang ginawa ng magkapatid pagdating ng kanilang ama. Ibinigay nila ang larawan dito at pinakiusapan itong ipaliwanag sa kanila ang lahat.

"Kadugo po ba natin si Lord Hyakku? Buong akala ko po ay nagmula tayo sa angkan ni Crisanto Sagrado?" pambungad na tanong ni Keena sa ama na tinitigan naman ang larawan.

"Saan niyo nakuha ito?"

"Sa lumang family album po natin," pag-amin naman ni Alohi. "Ano po bang totoo, Pa?"

"Inampon ni Crisanto Sagrado ang mga anak ni Lord Hyakku. Anak niya ang Lolo Andres niyo at ang binatang nakangiti sa larawan, si Tito Simon. Both were immortals who married mortals, resulting in their children not inheriting that immortality. I was Andres' son, and Monogatari was Tito Simon's child."

"Ipinama po ba ni Crisanto sa kanilang dalawa ang Library? Kung gano'n, bakit si Lolo na lang po ang naiwan?" pagsasaboses din ni Tavleen sa katanungan.

Hindi kaagad nakasagot si Levi. Mababanaag din sa mga mata niya ang lungkot, takot, at pagkabahala.

"I had a wild guess that the remaining members of the Hundred Tales Clan are after us because of Tito Simon, Monogatari's father. They might want to reclaim the Library from us," Keena suggested.

"Ate, kung totoo 'yan, pwede naman nila tayong kausapin. Total, may karapatan din sila rito," mungkahi pa ni Tavleen.

Keena scoffed at her sister's innocence. "Isn't it obvious, Tav? Kaya nga nakasimangot si Lolo sa picture kasi ayaw niya nang may kahati. Gusto niyang solohin ang Library. Who wouldn't want to become as powerful as the Librarian, anyway? Ngayon naiintindihan ko na kung bakit kinailangan ni Monogatari na daanin ang lahat sa dahas. Dahil ayaw niyong ibigay ni Lolo Andres sa kanya at sa pamilya niya ang karapatan nila sa Library na ito, Pa!"

"Ate Keena," awat ni Alohi sa panganay na nagsisimula nang magalit. Hindi kasi nito matanggap na umabot talaga sa ganito ang simpleng alitang magkapatid.

Maraming buhay ang nawala at dugo ang dumanak dahil sa pagkagahaman ng pamilya nila sa kapangyarihan. Napahilamos si Keena ng mga palad niya at tinalikuran ang ama upang pakalmahin ang sarili niya. Sila pa rin pala ang puno't dulo ng lahat ng mga nangyayari.

Seryoso namang pinagmasdan ni Alohi ang ama nilang hindi makatingin sa kanila. "You're avoiding eye contact, which means you're guilty, but your silence also tells me you're hiding something else. Ano 'yon, Pa? Bakit gano'n na lamang katindi ang galit ng mga anak ni Monogatari sa pamilya natin? Anong ginawa niyo ni Lolo Andres para kamuhian nila tayo nang ganoon katindi? Alam kong hindi simpleng alitang magkapatid lang ito."

Umiling-iling naman si Levi, determinadong itago ang sikreto niya mula sa kanyang mga anak. Alam niyang kapag nalaman ng mga ito ang totoo ay lalo siyang kamumuhian ng mga ito.

Alohi quickly caught on to that, so she clenched her fists and shouted angrily, "Anong ginawa niyo, Pa?!"

"Ate, tama na..." umiiyak na pigil ni Tavleen kay Alohi. "P-Please..."

Tavleen looked at Keena to ask for help. "Ate Keena..."

Ang maluha-luhang si Keena ay umiling lang at tumalikod. Hindi niya kayang ipagtanggol ang ama sa sitwasyong alam at ramdam niyang may matinding kasalanan at sikretong ayaw pa ring sabihin. It was them who fueled the evil intention and thirst of the Hundred Tales Clan for revenge. Ang mas masaklap pa roon ay damay maging ang mga inosenteng buhay na nasa Westwood City.

Ang kaninang nakikinig pa sa labas ng Library na si Carmen ay pumasok na sa loob at hindi na nagawa pang pigilan ang sarili na makialam. Seryoso niyang binalingan si Levi at sinabing, "Levi, panahon na upang malaman nila ang totoo. Matagal ko nang sinabi sa 'yo, walang lihim ang hindi kailanman nabubuking."

Levi tightly grasped Carmen's wrist, as if pleading desperately while shaking his head and with tears streaming down his face. "Tita, please..."

Hinarap sila ni Keena nang marinig iyon. "Mamita, anong alam mong dapat naming malaman?"

Sinulyapan ni Carmen si Levi saka siya malungkot na umiling at marahang hinawi ang kamay nito paalis sa pagkakahawak sa kanya. Sunod niyang binalingan ang magkakapatid na naghihintay at uhaw sa katotohanan.

"It's time you knew," she started and went on, "Andres was a selfish man who greedily took everything from Simon. Before he killed the latter, he was cursed by him. His son would be the last in his bloodline. That's why your father became infertile."

"Tita..." mahinang pagmamakaawa ni Levi kay Carmen subalit nagpatuloy ito.

"Anong tawag mo sa amin kung gano'n, Mamita, huh?" ang matapang na tanong naman ni Keena na gulong-gulong na rin sa nangyayari. Her fiery temper struggled to confront such a challenging situation. "We have Bibliokinetic abilities, and Alohi inherited the regenerative ability and strength of our mother. Huwag mong sabihing anak kami ni Monogatari na ninakaw nina Lolo at Papa? What the fuck?! Anong klaseng teleserye ba ang pinapanood niyo?!"

"They didn't steal you from anyone. Your grandfather sacrificed his life force to give you his Bibliokinetic abilities, while your father, who became the Librarian at that time, created the three of you."

Alohi scoffed in disbelief. "Ano pong ibig niyong sabihin, Mamita?"

"Tita, please stop!" Levi's voice thundered. "Please..."

Malungkot na binalingan naman ni Carmen si Levi at kasunod ay ang tatlo nitong prinsesa. She retrieved a small book from her bag, a possession she always carried as Levi had requested her to safeguard the evidence and protect his greatest treasures safe and his secrets from discovery. Ibinigay niya iyon sa magkapatid na Sagrado. The book was titled Familia Sagrado.

"The three of you were characters he wrote from that book and raised as his and Nova's real children," Carmen finally confessed. "Monogatari found out about it, so he begged and insisted on making his real Bibliokinetic children the owners and guardians of the Library, but your grandfather disagreed. He made your father promise to never surrender the Library to them after helping him create you."

「 ✦ 𝓛𝓸𝔀𝓵𝓪 𝓟𝓲𝓷𝓴𝓸 ✦ 」

It makes me happy to see your votes and read your comments. Thank you for your help! ♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top