31: Boogeyman Can Lick Too (Scotland-Indiana)

31: Boogeyman (Scottish Urban Legend)
+ Humans Can Lick Too (American Urban Legend)

⋆༺𓆩☠︎︎𓆪༻⋆

CIPRIANO'S RESIDENCE - 8:19 A.M.
"Huwag muna kayong masyadong maglalalabas hanggang sa hindi pa nahuhuli iyong magnanakaw na pumatay kay Peanut at nanloob sa atin no'ng isang gabi," paalala ni Rob sa pamilya niya matapos mamatay ang kanilang alagang aso na si Peanut noong isang gabi nang looban sila nang hindi pa nakikilalang magnanakaw.

Iyon pa rin ang tingin ng mag-asawa sa nangyari kahit na ni isa sa mga gamit nila ay wala namang nawala maliban sa buhay ng alagang aso nila.

Hindi naman maiwasang isaboses ng asawa niyang si Vina ang pag-alala para sa kapakanan ng pamilya nila. "Ewan ko ba pero simula nang gabing iyon ay pakiramdam ko hindi naman talaga umalis dito kung sinuman iyon. Pakiramdam ko ay kasama pa rin natin siya. Magtawag na kaya tayo ng mga paranormal expert, hon?"

"Hon, don't worry. Babalik daw ang mga pulis mula sa ibang unit upang mag-imbestiga rito. Basta huwag muna kayong masyadong maglalalabas at siguraduhin mong nakakandando ang bahay."

Lalong kinabahan si Vina dahil pakiramdam niya ay wala naman sa labas ang panganib kundi nasa mismong loob ng bahay nila. Pag-alis ng asawa niya upang magtrabaho ay agad na pinuntahan ni Vina ang anak na si Daphne sa kwarto ng ate nitong si Kathryn.

Since the incident, the little girl has been too scared to return to her room. Katunayan, hanggang ngayon ay pinagpipilitan pa rin ng bata na nasa ilalim daw ng kama niya ang halimaw. Nang suriin naman ng pulisya ang buong kwarto nito at kama ay wala naman silang ibang nakita maliban sa sugatan at duguang bangkay ng aso nilang si Peanut sa banyo.

Tahimik na sinilip niya ang dalawang anak na natutulog nang mahimbing habang magkayakap sa kama. Hindi na niya ginising pa ang mga ito dahil simula no'ng insidente ay bihira nang magpahinga at makatulog ang mga ito.

Sinara niya ang pinto at sunod na tinungo ang kwarto ni Daphne. Pumasok siya rito at napansin ang mga nakakalat sa sahig. Sa sobrang busy nila sa pag-aayos ng kaso ay nakaligtaan na niyang magligpit ng mga gamit at maglinis sa kwartong iyon.

Umuklo siya upang simulang pulutin ang mga stuffed toy ni Daphne na nakakalat sa sahig. Napaatras siya at napaupo sa sahig sa sobrang gulat nang biglang may napakaitim na kamay na may matutulis na kuko ang humablot sa teddy bear ni Daphne mula sa ilalim ng kama.

Nang makabawi ay agad na sinilip ni Vina ang ilalim ng kama at wala namang kahit na anong nakita roon maliban sa teddy bear ng anak. Napailing siya dahil maging tila siya ay naaapektuhan na rin ng mga sinasabi ng anak-na may halimaw daw sa ilalim ng kama nito.

Ipinasok ni Vina ang kamay sa ilalim ng kama. Naabot na niya ang teddy bear at hinila na iyon palabas doon nang biglang may kung anong malakas na puwersa ang humatak sa kanyang muli papasok sa loob ng kama.

Her daughters were startled awake by her screams from the other room, but by the time Daphne and Kathryn hurried to the youngest sister's room, it was already too late.

Their mother was already gone.

Umiiyak na tiningala ni Daphne ang kanyang Ate Kathryn. "Ate, kinuha na ng Boogeyman si Mama!"

"Daphne, tumigil ka na! Hindi totoo ang Boogeyman!" galit na awat naman ni Kathryn sa kapatid at yumuko upang tingnan ang ilalim ng kama. Lalong hindi siya naniwala sa kapatid nang wala naman siyang makitang kahit ano roon pagsilip niya.

"Ate..." takot na takot na tawag ni Daphne sa kapatid.

"Sinabi ko na sa 'yo, Daphne! Wala ngang Boogeym-"

Napasigaw na lamang si Daphne habang nakatingala sa kisame kung saan gumagapang ang Boogeyman na tangay na rin pati ang Ate Kathryn niya.

Nagsisisigaw pa rin si Daphne sa takot habang kumakaripas ng takbo palabas ng kwarto niya at pababa sa hagdanan hanggang sa mabuksan na niya ang main door kung saan nakasalubong niya sina Keena, Alohi, at Raegan na pumaroon sa kanila upang muling ibalik ang rewritten o mas angkop tawaging Reimagined Urban Legend sa Monsters Playbook na siyang kagagawan ng mga miyembro ng Hundred Tales Clan.

Parallel narratives, also known as reimagined classics, are fictional works that employ characters from different books, mirror familiar plots, or expand their stories. This Reimagined Urban Legend features the Boogeyman in the exact plot of another urban legend titled Humans Can Lick Too.

The term 'Boogeyman' originated from the Middle English word 'bogey,' which means 'hobgoblin.' The legend of the Boogeyman may have started in Scotland, as there are references to it dating back to the 1500s. Although the exact origins of the Boogeyman are unclear, it is a concept recognized globally and known to prey on disobedient children in the shadows of the night.

The intriguing and unsettling aspect of the Boogeyman lies in its undefined appearance. Unlike other mythical monsters with distinct traits, the Boogeyman's formless personification allows it to transcend gender and habitat. This makes it a mysterious presence that could lurk anywhere and take on various forms and locations.

Meanwhile, in 1987, young Lisa got a dog from her frequently absent parents in Farmersburg, Indiana. One night, an unsettling dripping sound bothered her, but her dog's reassuring lick from under the bed comforted her. The following morning, a shocking discovery awaited her in the bathroom: her dog hung with a slit throat, and a blood-written message on the wall read, 'Humans Can Lick Too.'

"Tulungan niyo po ako!" umiiyak na pagmamakaawa ng batang si Daphne. "Kinuha po ng Boogeyman ang Mama at Ate Kathryn ko po! P-Please po..."

"Saan mo sila huling nakita?" ang mahinahong tanong ni Alohi rito.

"Doon po sa kwarto ko. Iyong pinakahuling kwarto po sa second floor."

"Stay here with this police officer," bilin ni Keena at iniwan na muna kay Raegan ang bata.

"Teka, sasama ako-"

Mabilis naman siyang sinulyapan ng dating nobya. "Dito ka lang kasama niya. We'll just have to catch the Boogeyman and seal it back to the Monsters Playbook, and everything will be done."

"Okay, pero mag-iingat kayo. Tumawag kayo kaagad kung kailangan niyo ng backup!" paalala ng binata sa mga dalaga.

Nagtungo na sila sa loob ng bahay at paakyat sa pangalawang palapag sa kwarto ni Daphne kung saan lumitaw ang Boogeyman at dinukot ang kanyang pamilya.

Wala nang makita na kahit ano ang magkapatid na Sagrado pagdating nila sa kwartong itinuro ni Daphne. Keena immediately ordered Alohi to close the door and position near the light switch so that they could again summon the Boogeyman.

"Do not stop switching on and off the lights alternately until the Boogeyman comes out," she told Alohi, who promptly obliged.

Nagsimula na si Alohi na ipatay-sindi ang ilaw sa kwarto. Umuklo si Keena na hawak ang Monsters Playbook saka dumapa sa sahig upang silipin ang ilalim ng kama ni Daphne.

"Continue flickering the lights," she reminded Alohi.

Patuloy na sinunod naman ni Alohi ang bilin ni Keena. "Is this how you summon the Boogeyman?"

"They love dark places."

"Kailangan naka-flicker talaga? Hindi ba pwedeng patayin na lang iyong ilaw hanggang sa dumating siya? Sayang 'yong kuryente." Nagpatuloy sa pagbibigay ng komento niya si Alohi nang mapansing hindi na sumasagot pa ang kanyang Ate Keena. "Ate? Ate, nasaan ka?"

Gusto niyang tingnan ang kapatid na nakadapa sa sahig subalit masyado siyang malayo sa banda nito. Minaigi na lamang ni Alohi na tigilan ang ginagawa at nilapitan ang puwesto ng Ate Keena niya upang tingnan kung ayos lang ito.

"Ate Keena?" Namilog ang mga mata ni Alohi nang mapansing wala na sa sahig ang Ate niya. Dumapa rin siya upang silipin ang kama ngunit wala rin ito roon. "Ate Keena, nasaan ka na?"

Ipinasok niya ang kamay sa ilalim ng kama at kinapa-kapa iyon para sa posibleng bukas na portal subalit bigo siyang makahanap ng kahit ano. "Ate Keena!"

Pagdilat ni Keena ng kanyang mga mata ay wala siyang nakita kundi pawang kadiliman lamang na binabalot ang lugar na kinaroroonan niya matapos siyang hatakin nang malaking itim na kamay papasok sa ilalim ng kama ni Daphne.

Keena stepped deeper into the darkness while wondering if she had already stumbled into the Boogeyman's lair. She used her mana and let her hand glow with a violet-colored light to illuminate the shadows around her.

Dozens of Boogeymen suddenly emerged from the darkness, drawn to her light like moths to a flame and ready to attack her. With no time to waste, she acted quickly and encased herself in a protective dome.

The Boogeymen clawed at the barrier as their snarls and growls echoed through the dark chamber. Still, Keena held her ground, determined to find the mother and daughter before finally sealing this Urban Legend back to the Monsters Playbook.

She continued walking silently as she carefully lit her way so the Boogeymen would not attack the Ciprianos when she found them. Half an hour passed in this seemingly endless darkness, but Keena still could not find Daphne's family.

"Where could they possibly be keeping their targets in this dark place?" pabulong na tanong ni Keena sa sarili habang patuloy na tinatahak ang madilim na lugar na hindi niya rin alam kung saan patungo. "Kanina pa ako paikot-ikot dito."

Nahinto si Keena sa paglalakad nang sa wakas ay may mapagtanto. Mas dumami pa ang mga Boogeyman na pumalibot at umatake sa force field niya at sinusubukang wasakin iyon. Dahil panatag siya at tiwala sa tibay no'n ay hinayaan niya ang mga ito. Muli niyang sinuyod ng tingin ang paligid niya. Madilim ang lugar na kinaroroonan niya at kanina pa siya hanap nang hanap sa mga biktima.

Maybe she was searching in the wrong area. She thought that if there were multiple Boogeymen nearby, they could be easily distracted by a faint light or slight noise. To keep their victims for themselves, the Boogeyman who had the mother and daughter might hide in a less noticeable spot.

Nang matanto ang posibilidad na iyon ay dahan-dahang nag-angat ng tingin si Keena sa kisame. She and the other Boogeymen overlooked the ceiling earlier because they were too absorbed in what was happening on the ground.

Hindi nga siya nagkamali dahil nandoon at nadikit sa kisame ang walang-malay na mag-ina na napapalibutan ng mga itim at malalaking ugat. The Boogeyman in charge of their abduction growled at Keena as soon as it noticed her observing its captives and promptly shielded them possessively.

Mabilis na kumilos din si Keena at binalot ng kanyang protective dome ang wala pa ring malay na mag-ina dahilan upang humilaway sa kanila ang Boogeyman. It snarled and aggressively attacked the dome, forcefully punching and scratching it with its razor-sharp, dark fingernails to reclaim its prey.

Keena used her mana manipulation ability to open the Monsters Playbook and sealed the Urban Legend back to its prison pages. After the blinding white light engulfed all of them, Keena opened her eyes to discover herself and the Cipriano Family on the floor. Alohi had just pulled them out from under the bed.

"Mama! Ate!" umiiyak na bulalas ni Daphne at agad na nilapitan ang kanyang ina at kapatid saka niyakap. Nasa loob na rin ng kwarto si Raegan na siyang naging babysitter ni Daphne.

"Are they still alive?" tanong pa ng lumuluhang bata.

"Of course, they're just sleeping," paglilinaw naman kaagad ni Keena na tinulungan namang tumayo ni Alohi. "I already sealed the Reimagined Urban Legend."

Sunod namang binalingan ni Keena si Raegan. "They're safe now, but do not let more people know about the other reimagined urban legends. Dahil nawala na iyong site ng Sleepy Hollow kaya hindi gaanong kalakasan ang Boogeyman na ito, but we should not be complacent."

Maagap namang tumango si Raegan bilang tugon dito. "Naiintindihan ko. Papayuhan ko ang IT Department at cybercrime unit na i-track ang mga ito hanggang sa hindi natin naibabalik lahat ng Urban Legends sa Monsters Playbook."

"Grounded si Ate Keena kaya magtutulungan kami para mahuli ulit ang mga Urban Legend na 'yon," Alohi shared before stretching her arms. "Konting-konti na lang at makakapagpahinga na tayo nang legit."

"You're not sure about that," Keena countered. "I think our enemies are brewing something big. In the meantime, let's find more information about the Hundred Tales Clan in the Library."

Raegan called his comrades and Mr. Rob Cipriano to settle the remaining stuff at the site of the incident. Nang masigurong ayos na ang lahat ay dinala ni Raegan ang magkapatid sa isang restaurant upang ilibre ang mga ito ng pananghalian.

"I feel like I shouldn't be here," pang-aasar ni Alohi matapos mailapag ang mga order nilang mamahaling pagkain.

"Why? Because you feel like a third wheel? Don't worry, we've already broken up."

"Isa na 'yon, Ate. Pero feeling ko kasi ilang buwan at taon din 'tong pinag-ipunan ni Raegan mula sa sweldo niya. Nakokonsensya ako, Ate! Ang mahal kaya rito!"

"Huwag mo na ngang isipin 'yan. Kumain ka na lang," awat pa ni Raegan sa kaibigang si Alohi.

"Wow naman! Ang galante na ng friend ko, ah!" Alohi remarked before nodding her head. "Pero tama 'yan. Ganyan dapat kapag brokenhearted, nagpapayaman para kapag hindi makapag-move on, may bragging rights na sabihing, 'ako nga pala 'yong sinayang mo!' sabay sampal sa pisngi ng salapi. Pak!"

Nagtawanan ang magkaibigan na natigil lang nang pukulin sila ni Keena nang matalim na tingin. "Kapatid ba talaga kita?"

"Of course! I love you, my dearest sister! Pero siyempre, alipin tayo ng salapin ngayon. Ano ba naman ang simpleng pambobola kapalit ng libreng lunch na ito sa isang mamahaling restaurant?" rason pa ni Alohi at marahang tinuro ang sariling sentido. "Think and thank before you eat the blessings."

Napangiwi si Keena at hindi makapaniwalang napailing na lang nang maghagikhikang muli ang magkaibigan. Gigil na gigil tuloy siya habang hinihiwa ang steak niya dahil sa pang-aasar ng dalawa sa kanya.

Mayamaya pa ay tumayo na si Alohi mula sa pwesto niya. "CR muna ako," paalam niya at tahimik na nginuso kay Raegan ang Ate Keena bago siya sumenyas ng fighting dito.

Pag-alis ng kaibigan ay humingang-malalim muna ang binata. He attempted to clear his throat, but Keena shot him a warning look because he did it too loudly. "Gross..."

"Alam mo nakakainis ka," puna ni Raegan. "Pero mas naiinis ako sa sarili ko kasi kahit gaano ka pa kanakakainis, gustong-gusto pa rin kita."

Pareho silang natigilan-si Keena dahil sa narinig at si Raegan dahil sa biglang nasabi niya. Pero sa halip na mag-iwas ng tingin sa isa't isa gaya noon ay mas pinili nilang magtitigan. Wala ni isa sa kanila ang may planong bumuwag doon, parehong ipinapakita ang determinasyon sa mga mata nila.

"Do you want to date again?" diretsahang tanong ni Keena sa binata.

Why bother dragging things? They were there before, but they didn't have enough of each other, and the only solution was to give it another shot.

"Paano kung ayaw ko?" panghahamon naman ni Raegan. "Paano kung pagod na ako?"

"Sa akin?"

"Sa klase ng relasyon natin noon."

"Kung ayaw mo, eh 'di..." Doon pa nag-iwas ng tingin si Keena. Buong akala ni Raegan ay susuko na ang dalaga nang bigla itong magpatuloy, "Let's try to start anew and be better for each other. Sabihin natin lahat ng ayaw natin sa isa't isa at sosolusyunan natin iyon nang magkasama."

Raegan exerted great effort to conceal the joyful smile on his face. Itinuko niya pa sa ibabaw ng lamesa nila ang isang siko niya at sinubukang takpan ng palad niya ang bibig niya upang itago ang ngiting iyon nang mahuli siya ni Keena pagbaling nito sa binata.

Napangiwi naman ang dalaga. "Kinikilig ka ba?"

"H-Hindi, ah," kaila naman ng binata. "Baka ikaw kapag sinabi kong pumapayag na akong maging tayo ulit."

Napahalakhak naman si Keena bago naiiling na sinabing, "You're so gago talaga."

「 ✦ 𝓛𝓸𝔀𝓵𝓪 𝓟𝓲𝓷𝓴𝓸 ✦ 」

It makes me happy to see your votes and read your comments. Thank you for your help! ♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top