30: Reimagined Versions

30: Reimagined Versions

⋆༺𓆩☠︎︎𓆪༻⋆

TUMINGALA AKO SA makulimlim na kalangitan paglabas ko ng simbahan pagkatapos ng pang-Linggong misa. Mayamaya pa ay tuluyan nang bumuhos ang ulan. I raised my hand and felt the gentle raindrops fall on my palm. A smile spread across my face, and I closed my eyes to enjoy the moment. It was a peaceful and calming feeling, and for a moment, all of my remaining worries seemed to disappear.

I couldn't help but reflect on the weight that had been lifted from my heart. For so long, I had been carrying heavy feelings and struggling to deal with them on my own. But now, after sharing them with my loved ones, I realize the importance of open communication in relationships, especially within families. It was a way to share the pain and divide the grief, just like Ate Keena had told me.

Hinintay kong tumila ang ulan dahil wala akong dalang payong. Walking distance lang kasi ang simbahan mula sa bahay kaya hindi na ako nakapagdala ng payong sunod sa dati kong gawi. Iyon nga lang ay mukhang walang planong tumigil iyong ulan ngayon.

Hinila ko ang likod ng cardigan ko papunta sa ulo ko at tatakbo na sana nang makabangga ko ang isang asungot na may dalang payong at agad iyong ibinahagi sa akin. Dahan-dahan kong ibinaba ang cardigan na ipinatong ko sa ulo ko habang kunot-noong nakatingala pa rin ako sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba ako?"

"You weren't visiting the café anymore," sagot niyang nahihimigan ko ng lungkot sa kabila ng ngiting ibinibigay niya sa akin.

"Ano pang gagawin ko ro'n ngayong alam ko na kung ano talagang gusto mo sa akin? Isa pa, hindi ko pa rin nakakalimutang ikaw ang totoong Book Thief at hindi mo rin puwedeng sabihin kung sino ang humiling no'n sa 'yo," giit ko naman. "I understand that you have a responsibility to protect your clients, even if their intentions may be evil. But I aslo need to protect my own peace and family, so I have to keep my distance and not visit your territory anymore. It's nothing personal, really. I just need to prioritize my safety."

"I was hoping you could stop by for your favorite snacks at least, but it looks like you're too upset with me even to do that."

Napabuntong-hininga ako sa narinig. Kung hindi lang siya composed tingnan ngayon ay iisipin kong nagmamakawa siyang dalawin ko dahil sa banayad ng pagsasalita niya at tingin sa mga mata niya.

"Griffin, isipin mo naman iyong mararamdaman ko kung ikaw iyong nasa sitwasyon ko. You could be a god who's pretty skilled at lying, manipulating people, and making them feel bad. Ako kasi hindi. I felt betrayed when I found out the truth and hurt when you tried to manipulate me into becoming your weapon..." pag-amin ko.

Pansin kong sumeryoso naman ang itsura niya. "I will never force you into something you do not want, Alohi."

Habang nakatingala ako sa kanya ay nanatili kaming nakatitig sa isa't isa. "Ang dami-daming tao at mga kakaibang nilalang sa mundo, bakit ako pa? Bakit kailangan ako?"

He gazed at me with a tender expression in his eyes and said sincerely, "Because you're strong, you're beautiful, one-of-a-kind, and... I like you."

Hindi ko lubos maintindihan ang nangyari. Basta ang alam ko lang ay nagpadala ako sa naghuhuramentado kong puso at hinatak siya kwelyo niya payuko saka ko inabot ang mga labi niya.

Sa tabi ng simbahan, sa ilalim ng ulan, at sa gitna nang tumutunog na kampana ay natagpuan ko ang sarili kong nagpapaalipin sa mga damdaming hindi ko maamin-amin sa loob ng mahabang panahon.

Namilog ang mga mata ko nang maramdaman kong nagsimula nang gumalaw ang mga labi ni Griffin. Doon ako natauhan at agad siyang tinulak saka sinampal na ikinagulat naman niya, naming pareho, actually.

"Anong ginagawa mo?!" gulat at pasigaw na tanong ko sa kanya. "Bakit mo ako hinalikan?!"

Nang mapansin niya pang medyo nababasa na ako ng ulan ay lumapit ulit siya upang payungan ako. Sapo-sapo niya rin iyong namumulang pisngi niya na nasampal ko nang medyo may kalakasan dahil sa magkahalong gulat at pagkahiya.

"You kissed me first."

"Bakit hindi ka umilag?!"

"I'm just a willing victim," he reasoned.

Ngayon ay hindi lang ang dibdib ko ang nagkakarambola. Ramdam ko na rin ang matinding panginginit ng mga pisngi ko dahil sa matinding kahihiyan. "Hindi ba nababasa mo 'yong isip ko? Sigurado akong alam mo nang gagawin ko 'yon! Dapat umiwas ka!"

"I didn't. Your mind just went blank suddenly, so I was surprised, too." Yumuko ulit siya. "How about we try it again so that we both can be ready?"

Napahalakhak naman siya nang mabilis na tinakpan ko ng kanang palad ko ang mga labi niya bago niya pa magawa ang balak niya.

"Tumigil ka na! Utang na loob!" awat ko sa pang-aasar niya, hiyang-hiya na sa nangyayari.

When Griffin said that he liked me for being strong, beautiful, and unique, my heart swelled with happiness. It was a refreshing change from how Jared treated me during the nightclub incident, where he insulted me for being a strong woman and said that it didn't make me look attractive and that no man would ever want me. I was so stunned that I couldn't even respond at that moment.

Griffin's words, even if they had a hidden agenda, were a gentle reminder that I could be admired and appreciated for those very reasons. I get that not everyone sees you positively like that, but basic respect doesn't cost a thing. That's all I was asking for, and I didn't get that from Jared that night.

HINATID AKO NI Griffin pauwi pero hindi na siya pumasok sa Library. Hindi ko na rin inalok kasi ayokong isipin niya na okay na kaming dalawa at pwede na ulit niya akong manipulahin. I still have to stay on my guard around him.

Pagdating ko ay nandoon na sa Library si Raegan kasama sina Ate Keena at Tavleen. Dala na naman niya ang pangmalakasang brown envelope niya na naglalaman ng mga supernatural na kaso. Wala si Papa ngayon dahil kasama niya si Mamita Carmen at ang iba pang elders ng clan para sa isa na namang meeting.

"Anong bagong kaso natin?" tanong ko paglapit ko sa table nila. "Bakit ganyan ang mga itsura niyo?"

Gulong-gulo kasi ang itsura ni Ate Keena, maging si Tavleen ay ganoon din. Ibinigay sa akin ni Raegan ang mga larawang kuha mula sa crime scene.

"A couple reported an intruder in their daughter's room last night. Natagpuang patay na iyong aso ng bata sa may banyo nito kinabukasan," panimulang paliwanag ni Raegan. "Ang asong kasama ng bata ay regalo ng mga magulang niya sa kanya. The dog was sleeping inside the daughter's bedroom to guard her since she was scared of being alone. May narinig daw itong tunog mula sa banyo nito pero dahil nga takot ay mas minaigi na lang niyang siguraduhin kung kasama niya pa ang aso niya. She extended her hand towards the floor, and lets the dog lick it to reassure herself that she wasn't alone."

"This is one of the famous urban legends. It's The Licked Hand," I pointed out and continued the narrative, "The next morning, as she wakes up, she goes to the bathroom for a drink of water, only to discover her lifeless and mutilated dog hanging in the shower. On the wall, written in the dog's blood, are the words 'Humans Can Lick Too.' That human was a serial killer on the loose."

"Exactly, pero may konting pagbabago sa nakasulat sa pader," paliwanag ni Raegan at ipinakita sa akin ang isang larawan na kuha no'ng pader na may mensahe na sinasabi niya.

Napakunot ang noo ko sa nabasa at ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit naguguluhan ang mga kapatid ko. May konting pagbabago kasi roon sa mensaheng nakasulat sa dugo. Sa halip na 'Humans Can Lick Too' ay 'Boogeyman Can Lick Too' ang nakalagay.

"Paano nangyari 'to?" I asked Ate Keena but then realized something. "Baka lalong tumalino ang mga Urban Legend na kinokontrol no'ng mga kalabang Bibliokinetic."

"That's not the case here," Ate Keena corrected me. She really seemed bothered and concerned. "They really managed to unseal two Urban Legends by overlapping similar elements and rewriting them into one scary story. They're using the Parallel or Entwined Narratives style to create reimagined versions of two tales combined in one. Tavleen, ipakita mo iyon sa Ate Alohi mo."

Parallel novels, entwined narratives, or reimagined classics often intertwine storylines connected by a person, place, or object, such as a diary or a piece of art.

Agad namang ibinigay sa akin ni Tavleen ang cellphone niya. Flashed on its screen was a website called Sleepy Hollow. It was an online community for horror enthusiasts featuring a compilation of diverse urban legends and short scary stories. The majority of the stories were anonymously sourced from various websites. Over time, the platform started accepting direct submissions and was well-maintained by site managers.

"Iyan po iyong website na sikat ngayon para sa published horror stories nila. Nag-viral nga po 'yan no'ng hinarap natin ang Serbian Dancing Lady kasi karamihan daw po sa mga naka-post d'yan na Urban Legend ay nagkakatotoo," paliwanag ni Tavleen sa akin.

By the looks of it, mukhang naipaliwanag na rin niya iyon kina Ate Keena at Raegan. May kinalikot si Tavleen sa webpage hanggang sa mapadpad kami sa bagong published na estoryang may pamagat na 'Boogeyman Can Lick Too.'

Naglalaman iyon ng mga eksaktong detalye ng bagong kaso at pinagsama ang mga magkaparehong elemento mula sa urban legends ng The Licked Hand at Boogeyman at iyon ay ang bata at ang kama niya. Tama nga si Ate Keena, they're overlapping two urban legends by connecting similar elements from them.

Our unknown enemies were no ordinary Bibliokinetics. They were really something else. Dahil hindi pwedeng maglabas ng dalawang Urban Legends nang sabay mula sa Monsters Playbook ay pinagsama na lamang nila ang parehong elemento ng mga ito nang sa ganoon ay makapagpalabas sila ng iisang kuwento, a reimagined version.

Napapikit ako nang matantong talagang nilalabas na ng mga kalaban namin ang pinakamalalakas na mga baraha nila, lalo na at iilang Urban Legends na lang ang natitira. Nagdilat ako ng mga mata nang marinig kong tumayo si Ate Keena.

"They're really taking advantage of the power of the internet and social media to generate sensation. The more these urban legends are shared, the stronger they become," seryosong aniya.

"Sinubukan na ng IT department namin na tukuyin ang lokasyon ng mga nag-ma-manage ng page na iyan. Nasa may istasyon na rin ang mga ito at kasalukuyang kinukwestiyon. But they said that most of the stories there were published anonymously and directly kaya hindi rin nila matukoy," dagdag-impormasyon pa ni Raegan. "But they also promised to coordinate in taking down the page."

"Kaya siguro nila ginagawa 'to ay dahil iilan na lang ang natitirang Urban Legend na hindi pa lumalabas mula sa Monsters Playbook," I suggested. "But that also means na hindi magiging madali ang mga susunod na kahaharapin natin."

"Pero tingin niyo po ba kapag naubos na lahat ng Urban Legends sa Monsters Playbook ay hihinto na sila? After po ba no'n matatapos na 'to lahat? Hindi po ba parang may mali?"

Natahimik kaming lahat sa sinabi ni Tavleen dahil tama siya. We also don't believe that everything will end just because every Urban Legend has been sealed back into the Monsters Playbook. There's more to what our enemies want us to see and believe.

──✧❁ 𝐌𝐨𝐧𝐬𝐭𝐞𝐫𝐬 𝐏𝐥𝐚𝐲𝐛𝐨𝐨𝐤 ❁✧──

𓆩◇𓆪꧁ 𓆩◇𓆪 ꧂ 𓆩◇𓆪

"THEY ALREADY KNEW about Sleepy Hollow," Mindy shared with her siblings. "Where should we publish the reimagined Urban Legends that Ate Sierra made next?"

"Kuya is working on hacking the webpage so we can take control until we publish all the reimagined Urban Legends there," Sierra replied with a knowing smile. "Just a little more time and Westwood City will be ours, and everything stolen from our family will rightfully return to us."

Nakangising binalingan naman ni Mindy ang bunsong kapatid nila na tahimik lang. "Konting-konti na lang at pwede ka nang magpasikat."

Tahimik na ikinuyom naman ng bunsong kapatid nila ang kamao nito na nakatago sa ilalim ng lamesa. Konting panahon na lang at masasakatuparan na nila ang matagal nang plano ng kanilang pamilya. Hindi niya tuloy maiwasang mabahala para sa mga inosenteng buhay na madadamay sa paghihiganti nilang ito.

「 ✦ 𝓛𝓸𝔀𝓵𝓪 𝓟𝓲𝓷𝓴𝓸 ✦ 」

It makes me happy to see your votes and read your comments. Thank you for your help! ♥

Huhu malapit na tayong matapos. (˚ ˃̣̣̥⌓˂̣̣̥ )づ♡

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top