10: Mysterious Cause

10: Mysterious Cause

⋆༺𓆩☠︎︎𓆪༻⋆

TAVLEEN HAS FINALLY graduated from senior high school. Sina Papa at Mamita ang sumama sa graduation rites niya. Kami ni Ate Keena naman ang naiwan upang ayusin ang library at ihanda ang buffet at iba pang mga dekorasyon.

She graduated as one of the two with the highest honors. Sa sobrang proud namin ay dalawang tarpaulin ang hinanda namin. Isinabit namin iyong isa samantalang pagdating niya ay agad ko namang kinuha ang isa at binitbit sa labas ng gate namin saka winagayway sa sobrang tuwa nang salubungin ko sila ro'n matapos ang ceremony.

"Congratulations, Tavleen! Proud na proud kami sa 'yo! Wohoo!" proud na proud ko ring sigaw habang winawagayway ang tarpaulin niya.

"Argh, you're so loud," reklamo ni Ate Keena paglabas niya rin ng gate. "Baka isipin ng mga kapitbahay na imbitado silang lahat."

Napahalakhak naman ang bunso namin bago kami niyakap. "Thank you po sa inyong lahat sa paghahanda."

We got inside and finalized all the necessary preparations before we invited Raegan's family and Griffin to Tavleen's graduation party.

Dahil hindi naman namin maimbita lahat ng kapitbahay namin sa loob dahil siyempre sa mga iniingatang libro namin, ako na lang ang pumunta sa bawat kabahayan upang mamahagi ng mga handa namin. Siyempre ay binitbit ko rin ang nagdiriwang nang sa gano'n ay mabati siya ng mga kapitbahay namin sa bawat bigay namin.

"Congrats, Tavleen!" ang paulit-ulit nilang bati.

"Grabe, ang gaganda na nga, ang tatalino pa ng mga anak ni Levi."

"Ah, sus..." sabi ko saka pabirong nilagay ang takas na hibla ng buhok sa likod ng tenga ko. "Maliit na bagay po."

Gabi na nang matapos ang handaan at nagsiuwian ang mga bisita namin. Tulong-tulong naman kaming tatlo sa pagliligpit ng mga pinagkainan. Nauna namang magpahinga si Mamita sa kwarto ni Ate Keena. Si Papa naman ay nanatili sa Library upang ibalik iyon sa ayos at siguraduhing nakakandado nang maayos. Naghahanda na rin siya upang matulog doon.

Bago kami matulog ay nagtungo kaming tatlong magkakapatid sa may rooftop. Naglatag kami ng mat doon at nahiga habang nakatitig sa mga kumukuti-kutitap na bituin sa langit. Ate Keena was wearing her chemise midi dress and robe, so instead of laying with us, she just sat on the mat and let Tavleen rest her head on her lap.

Tumagilid ako nang higa at ipinatong ang ulo ko sa palad ko matapos kong ituko ang isang siko sa mat. Mas mainam kasi ang posisyong iyon paharap sa kanila.

"Anong kurso nga pala ang balak mong kunin sa kolehiyo?" I asked Tavleen.

"Education po na Major in Special Needs."

"Why?" asked Ate Keena curiously. It seemed like we both didn't expect that from our younger sister.

"Gusto ko po kasi talagang magkuwento sa mga bata. Kaso hindi pa rin po ako confident kapag ka nagbabasa ako ng mga libro dahil nga sa kakaibang kakayahan natin. I was thinking that if I learn sign language, I can freely share with them those stories."

Hindi namin maiwasang mapangiti pareho ni Ate Keena sa paliwanag ng bunso namin. Ate gently caressed her head while I pinched her right cheek.

"Aba, lalo mo kaming binibigyan ng rason para mas maging proud sa 'yo," I told Tavleen who chuckled.

"I'm sure mom's happy to see you grow into an understanding lady with a passion for kids and storytelling," Ate Keena seconded.

"Nga po pala, mga ate. I've been meaning to us this for a long time. If gaya ni Ate Alohi na nag-re-regenerate si Mama and with only old age as their known cause of death, bakit po siya nawala sa atin nang maaga?"

Tahimik na nagkatinginan kami ni Ate Keena. Pareho kaming hindi alam ang isasagot sa kapatid namin. Wala pa siyang muwang no'ng mawala sa amin si Mama. Sa paglaki niya ay paunti-unti niyang natutuhan kung gaano kaespesyal ang pamilya namin. Kaya siguro ngayon pa siya nagkalakas ng loob na isaboses iyong matagal na niyang tanong.

It was true that Mama could regenerate and was expected to live until old age. It was a trait I inherited from her. That's why I'm at a loss for words when my younger sister asks about our mother's mysterious death. Even now, we have no explanation for it. All I remembered was that one evening, Papa returned home, crying while carrying Mama's lifeless body.

"Until now, we really don't know the cause of her death," pag-amin ni Ate Keena. "Kahit si Papa, hindi alam kung anong naging dahilan kung bakit namatay si Mama. Nang subukang alamin ni Mamita, ang tanging nalaman niya lang ay hindi mula rito ang dahilan ng pagkamatay ni Mama."

Nag-aalalang binalingan naman ako ni Tavleen. "Ate Alohi, kailangan mo pa rin palang mag-ingat. Hindi ibig sabihin na nag-re-regenerate ka tulad ni Mama ay ligtas ka na palagi."

Napabuntong-hininga ako at tumango saka humiga na lang ulit nang maayos sa mat at pinagmasdan ang mga bituin sa langit.

Alam ko.

Aaminin kong nababahala ako, lalo na ngayon sa misyon naming ibalik ang mga Urban Legend sa Monsters Playbook at hanapin ang orihinal na kopya no'n. I might encounter again that mysterious cause of our mother's death.

Ang totoo niyan ay hindi naman ako natatakot para sa sarili ko. I'm terrified of the idea of leaving my family alone to deal with our enemies. Even though we don't know who they are yet, we're certain these aren't just regular bad guys and ordinary supernatural beings. I believe they are something else.

Dala ng mga natanto ko mula sa usapan naming magkakapatid kagabi, mas naging pursigido ako na magpalakas upang magampanan nang maigi ang tungkulin ko bilang Gatekeeper ng Library at maipagtanggol ang pamilya ko at ang mga inosenteng residente ng Westwood City.

I woke up early, put on my windbreaker jacket and matching pants, tied my short curly hair with a big plaid scrunchie, and went for a run at dawn to exercise.

The Urban Legends are getting stronger and smarter, so I have to train to match them. Hindi pwedeng manatili ako sa kasalukuyang lebel ko at hayaan silang patuloy na mag-level up. Kapag nagpakampante ako, hindi malabong maungusan nila ako balang araw at tapusin nang walang kalaban-laban.

Lumabas na si haring araw nang matapos ako. I slowed down when I reached Lone Wolf Café. Tamang-tama at magtataho muna ako rito. Tinanggal ko ang earpods ko nang malamang sarado pa iyon paglapit ko sa pintuan.

Ang alam ko ay gising na at nasa labas si Griffin at ginagawa ang kinagawian niya tuwing umaga habang hindi pa siya nagbubukas. Hinanap ko siya sa may likod ng café. Tama nga ang hinala ko dahil doon ko siya naabutan na nakasandal sa pader habang binubuga sa hangin ang usok ng sigarilyo niya.

Nakagawian na niyang manigarilyo bago pa siya magbukas ng café niya dahil ayaw niyang gawin iyon habang nasa trabaho at kung saan-saang lugar upang hindi raw siya makahiyakat ng iba. He said he'd been smoking for a very long time now and found it really hard to quit, but he promised not to encourage others to start. Kaya tinatago niya sa iba.

Tahimik na pinanood ko siya mula sa kinaroroonan ko. His recently showered state was evident, and his damp hair swept to the right revealed a small crescent moon and star tattoo just below his ear.

Apart from his impressive business acumen and culinary expertise, this was one of the reasons why his café instantly became a hit the moment he moved here.

"Alohi," tawag niya, ngayon ay nakatingin na pala sa akin.

Saka ko pa lang natanto na kanina pa pala ako nakatitig sa kanya. Mabilis akong umiwas ng tingin sa kanya at marahang napakamot sa kilay ko.

Nahuli niya akong pinapanood siya. Nakakahiya...

"Ano kasi, galing ako sa morning jog ko nang magutom ako pagdaan sa café mo." I smiled up at him, trying to hide my embarrassment and play it cool despite my tensed interior. "Gusto ko sana ng taho."

He smiled and nodded. "You arrived just in time. My Portuguese custard tart already seemed cooked. I'll let you try them, too."

Hawak niya pa rin ang sigarilyo niya sa nakaangat niyang kamay habang nakatuon sa akin ang atensyon. "Let me just finish this one."

Tinapos niya agad ang paninigarilyo saka sinuklay ang itim niyang medyo basa pa ring buhok gamit ang mga daliri niya upang subukang ibalik iyon sa tipikal nitong ayos. Nang dumaan sa harapan ko ay naamoy ko kaagad ang natural na kaaya-ayang bango niya na hinaluan nang kaunting baho ng sigarilyo.

"Let's go inside. I'll prepare you a light meal for breakfast," aya niya bago nauna upang buksan ang kanyang café.

Tumango-tango ako at sinabing, "Okay."

Nang makatalikod na siya at nasa distansya ay tahimik na sinuntok-suntok ko ang dibdib ko.

Argh, maghunos-dili ka?! Bakit ba ang ingay-ingay mo gayung hindi naman ikaw ang nasumpa no'ng nobela?!

Griffin treated me to breakfast as a gesture of gratitude for our kindness while he was in the hospital. Ilang linggo na ang nakalipas since nakalabas siya. Kaya sinabi ko sa kanyang iyon na ang huling beses na ililibre niya ako.

"Kung ililibre mo kami kada punta namin dito dahil sa utang na loob mo sa amin, malulugi ka. Babagsak ang negosyong pinaghirapan mo. Kaya huwag kang magpaabuso dahil sa utang na loob na 'yan, naiintindihan mo?" pangaral ko kay Griffin.

Napahalakhak naman siya habang binibigyan ako ng refill ng taho. Napangiwi ako dahil hindi talaga siya nakikinig.

"Alam mo, Griffin, may pera ako pambayad kaya hayaan mo akong magbayad. Unlike you, I'm not really comfortable with that utang na loob thing."

"And why is that?" kyuryusong tanong niya.

"Because I'm a strong, independent woman!"

Nginitian naman niya ako. "It doesn't hurt to accept a little help sometimes."

"But it doesn't mean that I'm a strong, independent woman, I don't feel bad, hurt, or weak at all because I still do," I confessed.

Despite our best efforts to project an image of toughness and fearlessness, there are still moments when we feel vulnerable and afraid. In those times, we may find ourselves lashing out or breaking down, but it's important to remember that these reactions are completely natural and understandable. After all, even the strongest among us are only human, and there are some things that can shake us to our core.

"But when my sisters look at me, I hope to be a strong, independent woman who assures them that everything will be okay, even though the road may seem rough," I added.

We looked at each other in silence until he said, "I now understand why Tavleen idolizes you. She told me that you're a cool and badass older sister who takes on the role of a big brother in the family."

"She said that?"

"Yes, during the date. She also said that even though you're the one protecting them, you also need someone who can protect you." Itinuko niya ang mga palad niya sa countertop upang yumuko bahagya palapit sa akin. "If you're going to be completely honest with me, do you need that someone?"

Seryosong nagkatitigan kaming muli ni Griffin. Hindi ko maipaliwanag pero parang may kakaiba sa kanya ngayon. Hindi ko alam ang iniisip niya pero parang hinahamon niya ako.

"I don't need a specific someone, but it doesn't hurt to accept a little help sometimes," I replied, echoing his words earlier and making his lips curve up for an amused smile.



HINDI KO MAIWASANG matawa sa bagong hairstyle ni Tavleen para sa Oplan: New Hair, New Life niya. Kararating niya lang mula sa beauty parlor at windang kaming dalawa ni Ate Keena na nakaupo sa may sala nang makita namin siya.

"What the fuck is that?" tanong ni Ate Keena bago malakas na tumawa.

Natatawa man ay marahang hinampas ko ng throw pillow si Ate Keena para matigil sa pagtawa niya. Nahihiya na kasi iyong bunso namin sa mga reaksyon namin. Tavleen cut her hair really short and permed it, including her bangs.

Hindi na nga maayos ang itsura ng buhok niya ay lalo pang sumama iyon dahil sa kulay na napili niya. Sa dinami-dami ba naman kasi ng mga kulay sa color wheel ay orange pa talaga ang napili niya. Ang sakit tuloy sa mata.

Akmang huhubarin na niya ang sapatos niya upang tuluyang makapasok sa sala nang tumayo ako at pinigilan siya. "Don't take off your shoes. We're going back to that beauty parlor."

Dinala naman agad ako ni Tavleen sa parlor na pinanggalingan niya. Kahit siya ay mukhang hindi rin nagustuhan ang bagong buhok niya. Nahihiya lang sigurong magsabi nang totoo sa gumupit sa kanya dahil nangyari na.

Pagdating namin doon ay agad kong kinausap ang hairstylist na ulitin iyon. Noong una ay ayaw niya pang pumayag dahil nasasayangan daw siya sa hard work na ibinuhos niya sa buhok ni Tavleen.

"Anong hard work ang sinasabi mo?" Hinila ko palapit sa akin si Tavleen at ipinakita ang nakakairita niyang bagong buhok sa nagmamatigas na hairstylist. "Pag-uwi niya kanina hindi ako sure kung kapatid ko pa ba ang nakikita ko o si Mad Hatter."

"Ate Alohi, naman..."

Lumapit ako kay Tavleen upang pabulong na sabihing, "Sumakay ka na lang para mabigyan natin ng hustisya iyang buhok mo."

Muli kong binalingan ang hairstylist. "Miss, kapag hindi kayo pumayag, ipo-post ko 'to sa social media at ita-tag kayo. Lalagay ko sa caption na, 'Halloween promo no one asked for.' Tingnan natin kung hindi 'to mag-viral," pananakot ko sa kanya na hindi ko naman talaga balak totohanin.

"Ma'am, huwag po. Masisira po ang negosyo namin."

"Kaya nga nandito ako ngayon at nakikiusap nang maayos sa inyo para hindi na tayo umabot pa ro'n. Alam niyo po ba ang kasabihang 'the public is the worst judge?' Kaya please lang, pakiayos po ito."

Habang hinihintay si Tavleen ay naupo muna ako sa may couch nila at nagbasa ng magazine. Pero kunwari lang 'yon dahil abala ako sa pakikinig sa tsismisan ng dalawang empleyado sa malapit.

"Kumusta na kaya si Sussie ha no?"

"Hala, oo! Ano nga pala ang chika ro'n sa anak ni madame?"

Sussie, the subject of their conversation, appeared to be the daughter of the owner of the beauty parlor.

"Ewan ko, nakakatakot na talaga rito sa Westwood nitong mga nakaraang linggo. Jusko!"

"So, ano nga? Ano bang nangyari ro'n kay Sussie?"

"Ito, makinig ka, bakla ha, para hindi tayo paulit-ulit. Alam mo namang ayaw ni madame na pinag-uusapan natin ang tungkol sa nangyari sa anak niya."

"Oo na, promise. Quiet na ako after this, sis. Go na," hikayat pa no'ng isa at nakinig na nang maigi. Siyempre ay ako rin.

"Ang sabi-sabi kasi may engkanto raw na nagkagusto kay Sussie. Naku, sis! Kitang-kita nila madame at ng asawa niya kung paanong haranahin daw nang maliit na lalaki na naka-itim at may malaking sombrero iyong anak nila no'ng gabing 'yon!" pagkukwento nito. "Ito pa, pagkarinig daw ni Sussie no'ng kanta, aba'y na-in love!"

"Bakit? May gayuma ba 'yong kanta?"

"'Di ko knows, te, pero ito pa! Naku, naku! Tinaboy daw nila madame 'yong lalaki tapos umiyak si Sussie kasi bakit daw nila sila pinaglalayo ng true love niya!" Sabay namang sumigaw ang dalawa ng, "Sanaol!"

"Pero, sis, ayoko no'n. Magkaka-love life na nga lang ako, sa maligno pa."

"As if naman papatulan ka no'n, gaga ka! Pero hindi pa tapos 'yong kwento ko, bayet. Pagkatapos daw no'n ay ilang gabi nang walang tulog si Sussie kasi hinihintay daw ang pagbabalik no'ng lalaki. Hindi rin kumakain kasi sabi ni madame, ang laging galit na tanong ni Sussie ay bakit puro lupa raw ang hinahanda sa kanya. Pero hindi naman daw. Hinandaan pa nga na pang-piyesta, gano'n pa rin daw ang tingin ni Sussie ro'n."

Buong akala ko ay tapos na ang kuwento kaso ay nagpatuloy pa sila. "Tapos ito pa ang pinakanakakakilabot, sis! Isang gabi nang kumustahin nila si Sussie sa kwarto nito nang marinig nila itong humahagikhik ay naabutan nila iyong lalaki na tinatali pa-braid iyong buhok ng anak nila!"

"Oh my G! Paano nakapasok?"

"Obviously, binuksan nang nabaliw sa pag-ibig na si Sussie ang bintana niya at pinatuloy iyong lalaki. Tumalon din daw iyon kaagad sa bintana nang tinaboy nina madame at nang silipin nila, hayun nag-disappear bigla."

Niyakap ng nakikinig ang sarili niya at hinimas ang sariling mga braso. "Shit, goosebumps, sis! Confirmed, maligno nga! Kumusta naman si Sussie ngayon?"

"Nababahala nga sila madame kasi hinang-hina na pero ayaw pa rin kumain o matulog. Wala namang makitang sakit nang patingnan nila sa doktor. Pero pinayuhan silang painumin na lang ng pampatulog para kahit papaano ay makapagpahinga ito."

"Tapos na po, ma'am," anunsyo ng hairstylist ni Tavleen.

Hindi ko namalayang umabot na pala sa ganoon katagal ang pakikinig ko sa mga nagtsi-tsismishan. Isinara ko ang magazine at tumayo na saka pinasalamatan ang hairstylist na umayos sa buhok ng kapatid ko.

I also gave her a tip for her extra-hard work in fixing my sister's hair. Bago kami tuluyang lumabas ng beauty parlor ay nilapitan ko ang mga empleyadong nagkukwentuhan kanina.

"Excuse me, pwede ko bang malaman ang address no'ng Sussie?" I asked them politely.

Nagkatinginan naman sila bago ako tinanong no'ng isa, "Bakit po, ma'am?"

"I know how to help her and her parents get things back to normal."

"Paano niyo po gagawin 'yon, ma'am?" Lumapit siya sa akin at sa maliit na boses ay sinabi niyang, "Maligno po 'yong pinag-uusapan natin dito."

"It's El Sombrerón, an Urban Legend from Guatemala," nakangiting pagtatama ko sa kanila. "And my family can get rid of it. Tell us your boss's address or bring us to them so we can help Sussie before it's too late."

「 ✦ 𝓛𝓸𝔀𝓵𝓪 𝓟𝓲𝓷𝓴𝓸 ✦ 」

Your votes and comments are highly appreciated! Thank you! ♥︎

Tavleen's "the Mad Hatter" hair 😆:

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top