07: One Love Vengeance
07: One Love Vengeance
⋆༺𓆩☠︎︎𓆪༻⋆
PAGKATAPOS MAGLUTO NI Alohi ng hapunan nila ay agad siyang nagtabi ng dalawa pang bowl ng bulalo na niluto niya. Mula sa kusina kung saan siya patuloy na naghahanda ay sumigaw siya, "Pakidala naman 'to sa bahay nina Raegan at Griffin, please!"
Pagkarinig no'n ay mabilis na binitiwan ni Tavleen ang remote ng TV at nilapitan ang kanyang Ate Alohi sa kusina.
"Ako na po ang magdadala sa ulam ni Kuya Griffin," pagboboluntaryo nito.
Alohi, who was washing her hands, smiled gratefully at her. "Thank you so much, Tav!"
Nang umalis ng kusina si Tavleen ay sinilip ni Alohi ang Ate Keena niya sa sala na nagbabasa ng isang fashion magazine.
"Ate Keena, ikaw na lang maghatid nito kina Raegan, please," pakiusap nito sa nakatatandang kapatid. "Ako 'yong nagluto, eh. Tapos si Tavleen daw maghuhugas ng mga pinggan mamaya. 'Yon na lang ang gawin mo."
"Just ask Hanako-san to deliver it."
"Hinahanda niya pa 'yong hapag, oh." Tinuro naman ni Alohi ang batang Urban Legend na nilalagyan ng mga kubyertos ang bawat plato nila habang lumulutang.
Keena rolled her eyes and closed the fashion magazine before standing up. Padabog naman siyang nagmartsa papunta sa kusina at kinuha ang ceramic bowl na may hawakan sa magkabilang panig.
"Pakisabi na lang kay Tita Janice na okay lang kahit bukas na nila ibalik 'yong lalagyan," paalala ni Alohi sa nakatatandang kapatid na umismid lang.
Tiyempo namang namataan agad ni Keena ang kauuwi lang na si Raegan mula sa trabaho nito na papasok sa bahay nila. Kaagad niya itong tinawag, "Hey!"
Nagpakawala nang malalim na buntong-hininga si Raegan nang mapansin si Keena pagbaling niya sa direksyon ng tumatawag. Nahinto siya sa gate nila at hinintay muna ang dalaga na makalapit sa kanya.
"For dinner," simpleng sabi ni Keena sabay abot no'ng bowl kay Raegan na maagap naman nitong tinanggap.
"Thank you. Hindi ka na sana nag-abala pa."
"Oh, don't worry. It wasn't me. It was Alohi's idea," Keena remarked. "Kasi kung ako lang, hindi na talaga ako mag-aabala pa."
Raegan didn't appear impressed with Keena's words and quickly made it evident to the young woman with a displeased frown. "Yeah, wala ka nga palang pakialam. Kahit noong tayo pa, you were always, always being inconsiderate."
Tinapatan naman ni Keena ang tapang ng mga titig ni Raegan. "How dare you say that?"
"Bakit, hindi ba totoo? Halos lahat ng date natin, late ka kasi sabi mo nakalimutan mo. Ako naman 'tong si tanga, okay lang nang okay."
Natahimik si Keena sa mga narinig mula sa binata, lalo na nang malaman ang sakit na kinikimkim nito noong sila pa. She did not know that she made him feel this way.
She never really forgot about their dates. She just said that to cover up for being late because she felt too embarrassed to confess that she was a bit nervous, super excited, and really focused on getting all dolled up and looking her absolute best for their special time together.
While looking at him, she longed to share everything, yet she hesitated. She thought that it wouldn't change anything now that those precious moments had already slipped away.
Si Raegan ay kumalma nang mapansin ang gulat at tila nasasaktang kislap sa mga mata ni Keena. He sighed defeatedly and said, "It's okay. At least, you came. That was enough to make me happy."
Umiwas ng tingin si Keena sa dating nobyo at tumango. Hearing his reassuring words was a comforting surprise. She feared that her past actions had left him with only unpleasant memories where her love and appreciation seemed lacking.
"I'll be heading home now."
"Teka, paano 'tong lalagyan niyo?"
"I'll get it myself tomorrow." Tumalikod na si Keena at napapikit sa inis para sa sarili. Bakit ako mismo ang kukuha no'n?
"Kung gano'n... mga anong oras mo kaya kukunin?" pasimpleng tanong naman ni Raegan.
Sinilip ni Keena ang binata mula sa balikat niya. "Mga ganitong oras bukas."
Tumango naman si Raegan. "Okay. Pero kung wala ka pa ng mga ganitong oras, ako na mismo ang maghahatid nito sa inyo."
"Bahala ka," ang masungit na tugon ni Keena na pagtalikod muli kay Raegan ay hindi na niya napigilan pa ang masayang ngiti.
"KUYA GRIFFIN, BULALO po. Pinabibigay ni Ate Alohi para sa hapunan niyo," Tavleen informed the charming café owner as she handed him the ceramic bowl.
"Oh, thank you so much for this. Wait here, I'll give you a dessert, too."
Pagbalik ng binata ay may dala na itong maliit na tray na naglalaman ng brownies at butterscotch cake. "Here."
"Matutuwa po sila nito!" masayang ani Tavleen. "Maraming salamat po, Kuya Griffin!"
"I've heard you'll be graduating in senior high school with flying colors."
"Opo, pero hindi pa namin alam kung anong honors ang matatanggap namin."
"What do you want as a graduation gift then?"
Napaangat naman ng tingin si Tavleen sa nakangiting binata na naghihintay ng sagot niya. "Kahit ano po?"
Whenever asked about that, Tavleen could hardly think of anything material. It was because she always felt whole and content with what she had. However, there was just one thing she knew only Griffin could give her.
Griffin nodded his head smilingly to reassure her. "Anything that I could give you."
Tavleen suddenly realized that this was the chance she had been waiting for. She mustered all her courage to ask, "Kuya Griffin, can we go out on a date?"
──✧❁ 𝐌𝐨𝐧𝐬𝐭𝐞𝐫𝐬 𝐏𝐥𝐚𝐲𝐛𝐨𝐨𝐤 ❁✧──
𓆩◇𓆪꧁ 𓆩◇𓆪 ꧂ 𓆩◇𓆪
MASAYANG-MASAYA SI TAVLEEN pagbalik niya mula sa paghahatid ng ulam kay Griffin.
"Finally," said Ate Keena. "Let's eat!"
"Nagpadala po ng dessert si Kuya Griffin," masayang saad naman ni Tavleen at inilapag ang tray na naglalaman ng brownies at butterscotch cake sa lamesa.
Naupo na kaming lahat dahil pumasok na rin si Papa sa bahay matapos isara ang Library. Nagdasal kami saka pinagsaluhan na ang mga pagkaing nakahanda sa hapag.
Tavleen did the dishes as she promised. Tinulungan naman siya ni Hanako-san. Si Ate Keena ay dumiretso na sa kuwarto niya upang ituloy sa pagsusulat ang historical book na kinomisyon ng city government sa kanya.
Ate Keena is a celebrated author because of her versatility. She can effortlessly craft creative, academic, and technical pieces, a talent inherent in Writers like her and very much like Papa's.
Tinipon ko na lamang ang mga basura at dinala sa labas upang bukas nang umaga ay agad itong makita ng nangongolektang truck. Papasok na sana ulit ako nang maabutan ko sa gate si Griffin na tila naghihintay habang dala iyong lalagyan ng bulalo na pinasuyo ko kay Tavleen kanina.
"Gabi na ha. Pwede mo namang ibalik 'to bukas," I told him and retrieved the now empty and washed ceramic bowl from his grasp. "Na may lamang dessert na. Charot lang."
"I have to ask you something."
"Ano 'yon?"
"What if someone asks you out on a date? What does that mean?"
Nagtatakang napatingala naman ako sa kanya. "You're so smart yet you didn't know?"
"Well, I have a friend who has friend—"
"Okay, fine!" pigil ko sa tuluyang pang-aasar niya na ikinahalakhak niya nang mahina. "What do you want to know about it?"
"I just want to understand it from a woman's perspective. What does it mean to you?"
"Let me see..."
Napaisip muna ako nang isasagot sa kanya. Nakapagtataka lang kasi kung inaya man siyang mag-date nang sinuman, hindi na dapat bago sa kanya iyon. Dahil sa itsura niyang 'yan, hindi lang kape at mga meryenda niya ang mabenta kundi pati na rin siya. Natitiyak kong marami na ang umaya sa kanya no'n.
Hinarap ko siya at tiningalang muli kahit na sumasakit na 'yong leeg ko sa tangkad niya.
"Women usually do that because they like you, and they want to get to know you more." I pointed my chest using my palm and added, "Pero kung ako ang tatanungin mo, aayain kita kasi gusto kong iparamdam at ipaalam sa 'yo ang mga damdamin na hindi ko kayang sabihin sa 'yo nang diretsahan."
Nagkatinginan kaming dalawa. May kung anong nakakakiliti sa tiyan ko na hindi ko maintindihan kung dahil ba sa lamig ng panggabing hangin o dahil busog ako.
Napayuko ako at hinaplos ang batok ko. I faked a neck ache from our prolonged eye contact just to have a valid excuse to look away.
"Alohi..."
"Bakit?" tanong ko nang hindi tumitingin sa kanya at habang hinahaplos pa rin ang batok ko.
"You're wrong."
"Huh?"
"She requested to go out on a date with me when I asked her about the graduation gift that she wanted."
Gulat na napatingala akong muli sa kanya. "Wait, is that Tavle—"
"Should I go?"
"And why are you asking me that?" pagtataka ko naman.
"Because I'm planning to ask you out on a date soon."
His frank reply left me speechless, and his succeeding words only amplified the effect. "And it's not because I want it as a gift or to know you better, but because I want the emotions I can't quite explain to reach you."
"Griffin, ito na nga bang sinasabi ko," pagbasag ko sa katahimikan nang makabawi ako. "Tigilan mo na kasi ang pagbabasa ng mga romance novel mula sa library!"
He chuckled and pinched my right cheek. Nand'yan na naman 'yong nakakaliting pakiramdam.
"But I always find it fascinating how every great love story started when someone summoned the courage to face their unrequited love."
ANG TALIM NG mga tingin na ipinupukol ko kay Griffin na ngayon ay tahimik na nagbabasa na naman ng romance novel sa isang lamesa sa library namin. Tumayo ako mula sa pwesto ko sa counter at nilapitan siya.
"Tigilan mo na kasi ang pagbabasa ng mga romance novel para hindi ka na malito," I told him.
He flipped the book to its next page before answering, "This has nothing to do with the novels."
I scoffed in disbelief. Hindi raw pero... "Bakit ako kung gano'n? Gusto ka ng kapatid ko. Bakit hindi na lang siya?"
"Unrequited love seems challenging," he mused while sparing me a brief glance before refocusing on the book, "You don't like me, and I like it."
Hindi makapaniwalang napatitig ako sa kanya. Napabaling lang ang atensyon ko kay Papa na nakauwi na. Nilapitan ko agad siya sa may counter upang linawin ang bagay na kanina pa bumabagabag sa akin.
"Pa, 'di ba sabi mo ay espesyal lahat ng mga libro natin dito?"
"Yes, why?" sagot naman ni Papa habang nagtatanggal ng fedora hat niya at coat. "Nagkaroon ba ng problema habang wala ako?"
Lumapit ako kay Papa upang pabulong na kausapin siya. "May tsansa po ba na maapektuhan iyong mga nagbabasa ng mga binabasa nila. Lalo na po kapag iyong laging binabasa nila ay may specific na tema. Halimbawa po, unrequited love?"
"What we read inevitably shapes who we are and what we do, Alohi. Bakit?"
"Ito po kasing si Griffin, Pa, ang weird. Bigla na lang po sinabi sa aking gusto raw niya ako kasi hindi ko raw siya gusto. I told him to stop reading romance novels because it's making him crazy about this unrequited love thingy."
"Nasaan ba siya?"
Rumehistro ang gulat sa mukha ni Papa nang makita si Griffin. Sa sobrang pagtataka ko ay nilingon ko rin ang direksyon nito at naabutan itong nakangiti habang tahimik pa rin na nagbabasa no'ng librong hiniram niya kanina.
"Who gave him that book?"
Muli kong hinarap si Papa. "Bakit po? Kinuha niya 'yan kanina tapos ipinaalam sa aking tatapusin daw niyang basahin iyon."
"Alohi, that book... It's from the restricted section."
Naalarma ako sa narinig mula sa nag-aalalang si Papa. "Huh? Ano pong ibig niyong sabihin, Pa?"
"It's the One Love Vengeance. Our ancestor wrote that novel to share the pain of her unrequited love with anyone who reads it." Papa gazed at me firmly. "It means she cursed anyone who reads that book to feel the anguish and pain of her unrequited love. The person who reads that book will always choose someone they love one-sidedly and never someone who loves them back."
"You mean to say that Griffin was cursed by that book?" I repeated to check if I heard the right thing.
"Did you say he likes you?" Tumango naman ako bilang tugon kay Papa.
"Just be aware that he didn't do it because he really meant it, Alohi. He did it because of the curse. Hindi niya kailanman magugustuhan pabalik ang mga taong umiibig sa kanya. As soon as you return his love, he'll redirect his one-sided affection to another woman because he was cursed to never choose someone who loves him back."
「 ✦ 𝓛𝓸𝔀𝓵𝓪 𝓟𝓲𝓷𝓴𝓸 ✦ 」
Your votes and comments are highly appreciated! Thank you! ♥︎
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top