04: Beijing Ghost Bus (China)
04: Beijing Ghost Bus
(Chinese Urban Legend)
⋆༺𓆩☠︎︎𓆪༻⋆
BONIFACIO HIGHWAY - 10:39 P.M.
Nakahinga nang maluwag si Hiro nang huminto sa tapat niya at ng iba pang mga naghihintay na pasahero sa bus stop ang huling bus na tutulak papuntang Civoleg Hills. Inukopa naman ni Chris ang upuang nasa kabilang panig ni Hiro at umidlip muna upang kahit papaano ay makapagpahinga mula sa pag-o-overtime. Nang makapuwesto na ang lahat ng mga pasahero sa loob ay umandar na ang bus.
Alas-diyes cuarenta y cinco nang daanan nila ang tahimik at madilim na palayan na kung hindi dahil sa ilaw ng bus ay hindi nila makikita ang pigura ng dalawang lalaking pumapara. The bus stopped and opened its doors for the new passengers.
When they boarded the bus, Hiro realized that the two men he had noticed earlier were actually three. They were all dressed in traditional Chinese robes and had pale skin with long braided hair. The men on either side carried the man in the middle, whose face was hidden by his long, unruly hair.
The atmosphere inside the bus was replaced with an eerie tension as the strange trio made their way to the back seat. The passengers were visibly uneasy with whispers of concern evident on the background.
"Kaya dapat hindi ka nagpapakalasing kapag galing ka sa costume party," ang umiling-iling at nakangising bulong ng babaeng konduktor na kahit gabing-gabi na ay pumuputok pa rin sa pagkapula ang mga labi dahil sa makapal na lipstick.
Hiro nodded, fully accepting that the odd trio was likely from a costume party and had gotten drunk.
Isa-isang nagsibabaan ang mga pasahero sa kani-kanilang destinasyon hanggang sa ang naiwan na lamang ay sina Hiro, Chris, ang babaeng konduktor, drayber, at ang misteryosong tatlong lalaki.
Hiro noticed that Chris started to panic as he frantically searched for something on his seat. Nang magkatinginan silang dalawa ay biglang itinuro siya ni Chris. "Akin na ang pitaka ko!"
Si Hiro ay biglang umalerto rin sa biglaang pang-aakusa ni Chris sa kanya. Maagap siyang umiling-iling dito. "Hindi ko po alam ang sinasabi niyo."
"Ano pong nangyari rito?" tanong ng konduktor na lumapit din.
Tumayo si Chris at dinuro-duro si Hiro. "Itong batang 'to magnanakaw. Nawawala 'yong pitaka ko. Nakaidlip ako kanina at siya lang naman ang malapit sa akin."
"Sir, nagkakamali po kayo. Wala po akong ninanakaw na kahit ano sa inyo. Kanina pa ako nakaupo rito."
"Sir, check na lang po natin ulit ang bag niyo. Baka nando'n lang po," suhestiyon ng konduktor at hahawakan na sana ang bag ni Chris nang mabilis na inilayo ito ng lalaki sa kanya.
"Hindi, hindi," pagmamatigas ni Chris at nilapitan si Hiro saka hinatak patayo. "Tumayo ka r'yan. Tayo!"
"Sir, wala nga po akong ninanakaw!"
"Sa presinto ka na magpaliwanag!" sigaw ni Chris at binalingan ang drayber. "Manong, ihinto niyo nga po kami sa pinakamalapit na presinto! Dapat turuan ng leksyon 'tong batang 'to!"
Umiling-iling na napabuntong-hininga ang drayber at hininto nga ang bus sa malapit na presinto. Pagbaba nina Chris at Hiro ay galit na galit na binawi ni Hiro ang braso niya mula sa pagkakahawak ni Chris.
"Wala nga po akong ninanakaw sa inyo!" muling giit ng binatilyo.
Ang kaninang galit na si Chris ay nag-aalala siyang binalingan. "Toy, niligtas ko ang buhay mo, Toy."
"Ano pong sinasabi niyo?! Lasing din po ba kayo?! Paano na ako uuwi niyan ngayon? Gabi na at iyon na ang huling bus!"
Hinawakan ni Chris sa balikat si Hiro upang subukang pakalmahin ito. "Makinig ka, Toy. Nakita mo 'yong tatlong lalaking weirdo sa likod ng bus?"
"Iyong mga naka-costume po?"
"Alam ko nang may kakaiba sa kanila pagpasok na pagpasok nila ng bus kanina. Ano 'yon? Costume party sa gitna nang madilim na palayan?"
"Bakit? Ano pong mayro'n sa kanila?"
"Nang sulyapan ko sila kanina, shit, Toy! Walang mga paa!" sigaw ni Chris, halos hindi rin makapaniwala sa nasaksihan kanina. "Mahaba iyong mga damit kaya aakalain nating natatakpan iyong mga paa pero wala talaga pagsilip ko kanina! Lumulutang lang sila!"
Maging si Hiro ay biglang nahintatakutan kahit na hindi pa man siya lubos na naniniwala. Subalit mas matanda si Chris sa kanya at naapektuhan siya sa nakikita niyang takot sa mga mata nito at paraan ng pagpapanik.
"Ano na pong gagawin natin?"
"Mag-report muna tayo sa mga pulis. Timbrehan natin sila para ro'n sa konduktor at drayber na naiwan kasama no'ng tatlo. Mabuti na lang tinandaan ko 'yong plate number ng bus. Magpahatid ka na lang din sa kanila, Toy."
Tinungo ng dalawa ang police station at ini-report ang nangyari subalit wala ni isa sa mga pulis na nakausap nila ang naniwala sa mga pahayag nila. Kinabukasan ay naiulat na lamang sa balita ang nawawalang bus na may parehong plate number.
──✧❁ 𝐌𝐨𝐧𝐬𝐭𝐞𝐫𝐬 𝐏𝐥𝐚𝐲𝐛𝐨𝐨𝐤 ❁✧──
𓆩◇𓆪꧁ 𓆩◇𓆪 ꧂ 𓆩◇𓆪
"PAANO NATIN SILA mahuhuli?" Raegan asked me.
Napatingin kaming pareho kay Ate Keena na nakabalik na at itinuko ang palad sa mga larawang nakalapag sa lamesa. She was holding a tissue on her other hand.
"We'll do and tell you on one condition," anito. "Do not give this case to Papa."
"At bakit hindi? Tito Levi asked me to update him."
"Listen, Raegan, Papa has been so stressed these days with all these monsters. Dinagdagan pa nang parating na graduation ni Tavleen. Can you give him some slack?" Ate Keena retorted. "Hindi naman kalabisang hingin na pagpahingahin muna ang ama namin bilang anak niya, 'di ba?"
Maagap naman akong sumang-ayon sa sinabi ni Ate at tumango-tango. "Tama, basta may isang Bibliokinetic at Gatekeeper, kayang-kaya naming ibalik ang mga Urban Legend sa libro. You just need me and Ate Keena to do Papa's job."
Nakipagsukatan ng tingin sa amin si Raegan bago siya napabuntong-hininga. "Okay, okay. Pero sa isang kondisyon. Sasamahan ko kayo."
And that's what the three of us did the following days. Raegan and I interviewed the witnesses, Hiro and Chris, in the morning while Ate Keena was working. As expected, parehong-pareho sa urban legend ng Beijing Ghost Bus ang detalyeng ibinahagi nila.
Three strange men dressed in Qing Dynasty robes boarded the last bus headed to Xiang-shan or Fragrant Hills from Beijing. The event is believed to have occurred on the stormy midnight of November 14, 1995.
The last two passengers on the bus pretended to fight to leave when they realized that the strange trio they were with didn't have feet and were actually floating. They told the police, but no one believed them until the next morning when the bus company said the bus hadn't reached its destination and was missing.
Two days later, the police found the missing bus in the Miyun Reservoir, about 100km from Fragrant Hills. Inside the bus, they found three badly decomposed bodies: the bus driver, the female conductor, and an unidentified man.
The following puzzling things also surround this case:
1. The bus didn't have enough gas to reach the Miyun Reservoir, yet when the police checked the fuel tank, they found it filled with blood.
2. The bodies were severely decomposed after only two days, which is unusual even in hot weather. An autopsy confirmed no foul play.
3. The police reviewed security camera footage from all the entrances to the Miyun Reservoir, but the bus wasn't seen in any of them. There was nothing unusual on the tapes.
Pagdating ng gabi kung saan kasama na namin si Ate Keena ay pumupunta na kami sa terminal upang sumakay ng pinakahuling bus na babiyahe. We have been doing this for six consecutive nights now. Salit-salitan pa naming sinasakyan ang last bus sa Eastbound at Westbound Terminals pero wala talaga kaming makasabay na tatlong Tsinong lalaki.
Then on the 7th day, napabalitang nawawala raw ang last bus ng Eastbound Terminal. Windang na windang kaming tatlo dahil ito ang sinakyan namin no'ng isang gabi. Saka pa may nangyari rito kahapon kung saan nasa huling bus ng Westbound Terminal naman kami nakasakay.
We interviewed the last passenger of the disappeared second bus. "Wala nang ibang sumakay pa bago ako bumaba," the male passenger told us.
This time, dalawang bangkay na na-decompose agad ang natagpuan. Parehong identified na bilang ang drayber at konduktor.
Upang kumalap pa ng mga impormasyon ay dinalaw namin ang funeral ng mga biktima. Wala namang kakaiba, maliban do'n sa unidentified na bangkay sa unang kaso. Iyon ang sunod naming pinuntahan ni Raegan sa funeral homes.
The authorities had stored the body in the cremation closet for a week and waited for someone to claim it. When nobody did, they chose to cremate it to reduce costs, especially since the government didn't allocate enough funds for the maintenance of unclaimed bodies. It's not that the government is unkind or indifferent, but rather a practical decision due to limited resources.
Sa huli ay wala rin kaming nakuhang impormasyon doon. I grew more and more frustrated when we reached the 9th night of our Ghost Bus hunting. Hindi ko matanggap na lagi kaming nasasalihan ng Urban Legend na ito. May nakakaligtaan ba kaming detalye o ano?
Itinuko ko ang mga siko sa countertop at sinapo ang sumasakit kong ulo kakaisip kung bakit ganoon ang nangyayari sa hunt namin kada gabi.
"Do you have a problem?" tanong ni Griffin sabay abot sa akin ng inorder kong taho na available na sa café niya.
Napangiti ako siyempre dahil paborito ko iyon at mabibili ko na rito every time my cravings call for it.
"Thank you." Humigop ako saglit bago siya binalingang muli. "Griffin, I have a friend who has friend who have a problem."
Umangat ang gilid ng mga labi ni Griffin bago siya yumuko upang ipatong sa countertop ang mga braso niya. "Let me hear your friend's friend's problem."
"Ganito kasi 'yon, may hinahanap siya pero lagi siyang nasasalihan. Ginawa naman niya lahat, from data gathering, interviews, to consistent practice, pero hindi sila nagkakatagpo no'ng hinahanap niya. Lagi talaga siyang nasasalihan nito."
Saglit na napaisip naman si Griffin. "If I were your friend's friend dealing with that problem, I'd seek assistance from others to monitor all entry and exit points to ensure we catch that person."
Napanguso ako habang tinitimbang ang suhestiyon ni Griffin. If I ask Papa to guard either the East or Westbound Terminal, it would really be a win-win situation. Pero sinisikreto nga namin ito mula kay Papa. Tiyak kong pagagalitan niya kami ni Ate Keena kapag nalaman niya ito. Isa pa, masyado na siyang maraming inaalala.
"Bukod d'yan, wala na bang ibang paraan?"
"If your friend's friend with that problem...," he repeated, obviously teasing me. "If she doesn't want help, I recommend that she carefully review everything again, from the major to the most minor details, and pay close attention to her surroundings. Baka kaya siya nasasalisihan dahil maling tao ang hinahanap niya."
I remembered Griffin's advice as we prepared for our next Ghost Bus hunt that evening. I suggested to Raegan that we split up for the night to keep an eye on both terminals simultaneously and share our findings later. Kaya kasama ko ngayon sa Westbound Terminal si Ate Keena samantalang nasa Eastbound naman si Raegan. Naghihintay kami ng huling bus na babiyahe ngayong araw.
Habang naghihintay sa mga bench ay inihiga ko muna ang likod at ulo ko roon at patuloy na nag-isip. Kailangan kong i-review ang Urban Legend. Baka may mga detalye akong nakaligtaan since matagal na since huling nabasa ko iyon.
Binalingan ko si Ate Keena na abala sa pag-tse-tsek-out ng mga order niya sa tabi ko. "Ate, can you give me a review of the Beijing Ghost Bus urban legend ?"
Ate Keena gave me a refresher course on the said Urban Legend. Pareho lang din naman iyon sa natatandaan ko.
"However, in another version..."
Doon na ako napaupo nang maayos. "There's another version?"
"Yes, they had various versions of the Ghost Bus around the world. However, sa Chinese Urban Legend na ito, pabago-bago ang mga detalye, like the bus numbers." Ate Keena continued, "Some also claimed that it's not the three traditionally-dressed Chinese men who will ride the last bus, but a woman dressed in red."
A woman dressed in red.
Itinuko ko ang mga siko sa hita ko at sinapo ang ulo ko upang pigain iyon. Ramdam kong malapit na kami sa katotohanan, lalo na at alam ko na ang detalyeng nakaligtaan namin tungkol sa Urban Legend na ito.
Pero kung walang sumakay na kahit sinuman sa dalawang tauhan na mula sa Urban Legend na iyon sa pangalawang bus na naglahong bigla, papaanong nangyari rin ang parehong insidenteng iyon doon?
Natigilan ako nang may matanto. The Urban Legends that escaped the original Monsters Playbook have grown physically stronger and developed stronger willpower and awareness. That's why the Kuchisake-onna didn't want to return to the book.
Now, I'm afraid that they might have become more clever at hiding to avoid being captured and sealed once more.
I pulled out my phone from my pocket and dialed Raegan. "Can you describe the conductor accompanying the driver of the last bus there?"
"Okay, sandali." It took him five minutes to return to the phone. "Lalaki. Nasa late 30s na at balita ko, pamangkin daw 'to no'ng driver."
"May sasakay pa ba? Aalis na ang bus!" anunsyo naman ng konduktor ng huling bus sa terminal namin.
"Thank you," I said and ended the call before standing up and stretching. "Ate, halika na. Text mo na lang si Raegan na huwag nang sumakay sa bus sa Eastbound."
Itinago ko ang mga kamay sa bulsa ng suot kong utility jumpsuit saka sumakay na ng huling bus. Naguguluhan man ay sumunod na sa akin si Ate Keena sa loob.
Limang pasahero lang kaming lahat sa loob kompara sa dating punuan. The news about the two missing buses might have really terrified a lot of commuters. Kaya konti na lang ang sumasakay ngayon ng last trip.
Pumuwesto kami ni Ate Keena sa second to the last seat at naupo sa magkabilaang banda no'n. Nang umandar na ang bus ay kinuha ko ang phone sa bulsa at nagtipa ng mensahe para sa kanya.
This Urban Legend is smarter than usual. Ayaw magpahalata para hindi mahuli.
Ate K: What do you mean?
The last passenger of the second case said that nobody boarded the last bus. He was the last one, but the same incident still happened. It was because the perpetrator had already been inside the bus since the beginning of the trip.
Ate K: Naguguluhan na ako, ALohi! Tell me directly!
Ate, ang sabi ng mga witness na ang konduktor daw na kasama ng drayber no'ng gabing 'yon ay babae. Nagpunta ako sa libing ng mga biktima kanina, puro lalaki lahat! Paano nangyari 'yon?!
Napakunot ang noo ko dahil naka-seen lang si Ate sa huling text ko. Kaya binalingan ko siya sa banda niya. Naabutan ko siyang windang na nakatitig sa harapan na para bang nakakita siya ng mga multo.
I looked ahead, and my eyes widened in shock as the bus stopped in the middle of an expansive rice field. Only the bus' headlights lit the very dark path and revealed two figures approaching us.
The conductor opened the door for them, and as they stepped inside, we saw three Chinese men in traditional attire with pale skin and long braided hair. The two men at the sides supported the one in the middle, whose head hung low and was hidden by his long, unkempt hair.
Biglang tumayo ang lalaking pasahero sa unahan at tinuro ang tatlong bagong pasahero. "S-Sila 'yong nasa kwento-kwento!" Bumagsak ulit siya paupo sa puwesto niya dahil sa takot nang magsimulang maglakad ang tatlo.
A haunting silence filled the air as the strange trio walked toward the rear of the bus. Their movements were so fluid and graceful that they appeared more like phantoms rather than living beings. The few passengers held their breath as they watched in silence. It was as if they were witnessing the opening scene of a horror movie, and we were all the characters doomed to suffer.
The female conductor stepped forward, her lips painted a deep, sinister red, and with an eerie smile, she uttered, "Kaya dapat hindi ka nagpapakalasing kapag galing ka sa costume party."
「 ✦ 𝓛𝓸𝔀𝓵𝓪 𝓟𝓲𝓷𝓴𝓸 ✦ 」
Your votes and comments are highly appreciated! Thank you! ♥︎
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top