Welcome to Monster Academy

Chapter 1

Welcome to Monster Academy

 ~~~**~~~

Lumabas ang isang babaeng may asul na buhok mula sa estate ng mga Einzbern at tinahak ang daan papuntang garden. Nakasuot siya ng uniporme ng bagong eskwelahan na papasukan nila. May pagka-Japanese style ito. Sa likod ng makapal na salamin na suot niya, makikita ang kakaibang kulay ng kanyang mga mata. Dumiretso siya sa pinakagitna ng garden kung saan may isang bilog na lamesa doon at may tatlong upuan. Naghihintay doon ang isang lalaki na kanina pa nagpapalakad-lakad dahil sa sobrang kaba. Nakasuot din ito ng uniporme ng eskwelahan.

“Itutuloy po ba natin?” kinakabahang tanong ng babae sa kasama.  Umupo siya sa tabi nito at nilabas ang tatlong puting envelope.

“Wait lang Tabitha! Capital O with the M and the G! My heart is beating so fast! Matatanggal na siya! Meghad! Help me!”  maarteng sabi ng lalaki sabay pahawak effect pa sa dibdib nito. Umupo ito at hindi pa nakakatagal ay tumayo ulit.

Biglang umilaw ang pulang pendant ng kwintas na suot ng babaeng nagngangalang Tabitha. Ilang sandali lamang ay naging itim ito at mula sa bilog na pula lumabas ang isa nanamang babae. Kasing puti ng buhok nito ang snow habang kasing pula naman ng mga mata nito ang dugo. Ito ang nag-iisang anak ng mag-asawang Einzbern at ito rin ang amo ni Tabitha.

“Tch.”  Inabot niya ang isa sa mga puting envelope at binuksan ito. Lumapit sa kanya ang dalawa at sabay sabay na binasa ang nakasulat sa loob ng envelope.

 ~~~**~~~

WARNING:

This form happens to be visible to MONSTERS ONLY. If you are interested in becoming a part of our school, please fill up the application form.

Note: Once you completed the application form, there is no turning back. You shall be transported to the school immediately to take the entrance exam.

************************

Monster Academy Student Application Form

 

Name:

Gender:

Age:

Type of Monster:

Ability:

Brief Description About Yourself:

************************

  ~~~**~~~

Tiningnan niya ang dalawa at inabot dito ang natitira pang envelope.

“Seryoso ka talaga girl? Parang gusto kong mag-back out. Baka masira pa ang beauty ko sa Entrance Exam. I’m so nervous! Gosh! Wag na tayo tumuloy please!” nagmamakaawang sabi ng lalaki. Pinukol siya ng matalim na tingin ng babae kaya naman agad niyang pinalitan ang sinabi niya.

“Oo na! Eto na. Ang sungit mo no. Kahit parang di ko carry! For the sake of world peace and my beauty!” inabot nito ang isang envelope. Binigay naman niya ang isa pang envelope kay Tabitha.

Nagulat sila ng may sumipot na maliit na pulang kahon sa gitna ng lamesa. May simbolo ito ng mismong school. May mahabang hiwa ito sa ibabaw at sapat na para ilusot ang mga application forms. Sa gilid nito nakatali ang isang ballpen. Kinuha iyon ng babaeng puting buhok at ibinigay sa lalaki.

“Grabe?! Ako kaagad?! Agad agad?! I Don—“ hindi niya na natuloy ang sinasabi niya dahil binigyan nanaman siya ng masamang tingin ng babae. “Okay! Chill! Eto na. Pasalamat ka.. nakakapagtimpi ang beauty ko sayo ha! Kanina mo pa ko binibigyan ng iyong deadly glares. Hmp!” kinuha niya ang ballpen at nagsimula nang magsulat.

************************

Monster Academy Student Application Form

 

Name: Eusebio “SEBBY” Steinway

Gender: Uhm… Crossbreed between Female and Male. O:)  Well Male physically but emotionally, spiritually and emotionally Female.

Age: 17 years old

Type of Monster: Elf

Ability: Seducing males. RAWR! Joke. I mean, Casting Spells

Brief Description About Yourself: A boy who dreams of becoming a true woman not only in the heart and soul but also in physical state. I’m Sebby Steinway, the ever gorgeous Goddess of all time.

************************

Nang matapos niya nang sagutan ito, may lumabas sa ilalim ng form at kaagad naman niyang binasa.

You are now an official monster applicant.

Please prepare for the entrance exam.

Because the rule is..

YOU FAIL. YOU DIE.

Good Luck!

“Owmyghad! Ohmygosh! Owmyghad!” dali dali niya tiniklop ito at wala sa loob na naihulog sa pulang kahon.

“Bakit po?” tanong ni Tabitha.

“Jusko! Sabi na nga ba mali yang desisyon natin e! Gosh! Nakakastress! Pano na lang kung nagfail ako sa exam? MAWAWALAN NG KAGANDAHAN SA MUNDO!” O.A na sabi ng lalaking nagngangalang Eusebio o mas kilala bilang Sebby.

Tumingin ng alanganin si Tabitha sa amo niya. Nakatitig lang ito sa form at mukhang desidido na pumasok sa eskwelahan na iyon. Wala siyang nagawa kundi sagutan din ang mga tanong.

************************

Monster Academy Student Application Form

 

Name: Tabitha Klein

Gender: Female

Age: 16 years old

Type of Monster: Fairy

Ability: Solving puzzles. Healing.

Brief Description About Yourself: Hello. I'm Tabitha but you can call me Tabby. I love books especially the ones which are related to puzzles and riddles. 

************************

Tulad ng nangyari sa form ni Sebby, nag-appear din dito ang mga nakasulat. Medyo kinabahan si Tabitha noong una pero hanggat kasama niya ang amo niya, alam niyang ligtas siya. Isa pa, panahon na rin para pumasok sila sa isang eskwelahan.

Tiniklop niya ang form at ipinasa sa amo niya ang ballpen.

 ************************

Monster Academy Student Application Form

 

Name: Skye Ziel von Einzbern

Gender: Female

Age: 16

Type of Monster: Demon

Ability: See for yourself.

Brief Description About Yourself: I’ll kill you with this nonsense questions.

************************

Nilagay na rin niya ang form sa pulang box. Bigla na lang naglaho ito. Ilang sandali pa, nagkaroon na ng patch sa kaliwang dibdib ng uniform nila. Ito ang simbolo ng Monster Academy. Kaparehas nito ang simbolo na nakalagay sa pulang box. Magkapatong ang letrang M at A at nakaCross dito ang dalawang espada. Umilaw ang patch at sa isang iglap, napunta na sila sa eskwelahan ng mga kakaibang nilalang.

  ~~~**~~~

~Tabitha’s POV~

Bumukas ang Portal Hole at inihulog kami mula sa langit. Ito lang daw nag-iisang daan na nagkokonekta sa mundo ng mga tao at sa mundo ng mga monsters. Kaya wala kaming ibang choice kundi dito talaga dumaan.

“Aaa! Meghaaad!” rinig na rinig ang tili ni Princess Sebby habang nahuhulog. Wag kayong maconfuse. Siya ang nagsabing tawagin ko siyang ganyan. Ewan ko ba dyan kay Eusebio, gwapong lalaki naman. Pero nanlalaki din. Kaya nauubos ang lahi ng mga gwapo e. Teka, speaking of nahuhulog, asan na ba yung amo ko? Hala! BAKA KUNG ANO NA NANGYARI DUN?! Lagot ako kay Mr. and Mrs. Einzbern.

*CACAW! CACAW!

Nakarinig kami ni Sebby ng malakas na huni ng ibon. Agad kaming napatingin sa kaliwa at hindi nga kami nagkakamali. Isang higanteng uwak ang lumilipad papunta samin. Sakay nito ang amo kong si Skye. Ang astig talaga niya! Sinalo kami ng ibon at binigay ni Ms. Skye sakin ang tali na nagkokontrol sa uwak.

“Follow the rainbow.” Sabi niya at pumasok na ulit sa kwintas ko. Bumalik ulit ang itim na pendant nito sa pagiging pula. Ngayon ko lang napansin na may mahabang rainbow kaya sinunod ko ang sinabi niya.

“Ohgosh Skye beybeh! You’re my hero! Thank you thank you! You saved this beautiful face of mine!” maarteng pagdradrama ni Princess Sebby. “Meghaad! I’m exhausted! Tabby-lalu! Ayon sa mga magagandang senses ko, malayo layo pa tayo so wake me up na lang ha.” Naramdaman kong humiga siya sa gilid ko. “And gisingin mo ko if ever may nakita kang gwapo.”

“Sure Princess Sebby.” Ilang saglit lang ay nakarinig na ko ng malalakas na paghilik.

          Bata pa lang kami ay kami na ang magkakasama. Noong 6 years old ako, inampon ako ng mga magulang ni Ms. Skye. Nakitaan kasi nila ako ng potensyal bilang protector niya. Hindi naman sa mahinang babae si Ms. Skye dahil kinailangan niya ng protector. Sa katunayan, ilang beses na rin siyang nakapatay ng mga halimaw kapag napapahamak kami. Pero kinakailangan niya ng protector kasi may mga pagkakataong hindi niya na macontrol ang kapangyarihan niya. Kapag nangyari yun, maaari iyong ikasira ng lugar kung nasaan kami at ikamatay na rin niya. Ako rin ang nagsisilbing mana source niya. Mana.. kumbaga power source. May mga lugar kasi na hindi niya kinakaya ang atmosphere kaya awtomatikong nanghihina siya. At dahil isa akong specialize Fairy Healer, ako ang nagbibigay sakanya ng mana sa pamamagitan ng kwintas ko. Dito pumapasok siya at naicoconvert ko ang kapangyarihan ko para mapunta sakanya. Kapag nakakuha na siya ng sapat na mana, maaari na siyang makatagal ng ilang oras sa lugar na iyon. Mahilig siyang tumambay sa kwintas ko. Kalmado daw kasi dito at parang malayo sa kahit anong problema. Tahimik na babae lamang si Ms. Skye. Ayaw niya ng pinapakialaman siya. What she wants, what she gets. Pero hindi siya yung tipong spoiled brat. Pinaghihirapan niya itong makuha at kapag may humaharang sakanya, pinapatay niya kaagad. Masyadong brutal e. Pero mabait na tao si Ms. Skye. May pagkamataray at pagkamasungit pero kapag close na kayo, asahan mong magkakaroon ka ng tunay na kaibigan na handang ipagtanggol ka.

          Si Eusebio Steinway naman a.k.a Princess Sebby  ay isang lalaking nangangarap maging babae. Matagal na silang magkaibigan ni Ms. Skye since magkasosyo sa negosyo ang families nila. Bata pa lamang ay kinakitaan na ng pagkahilig sa mga pambabaeng laruan. Ang mga Barbie dolls ni Ms. Skye ay siya ang naglalaro. Kami ang palaging magkalaro ni Princess Sebby since mas gusto ni Ms. Skye na magbasa o kaya matulog. Masayang kasama ito. Maraming kwento at palagi akong inaayusan. Nakakatuwa din kapag nasa mood si Ms. Skye at nagtatarayan silang dalawa. Hindi pa alam ng pamilya nito ang tungkol sa pagkapusong babae niya. Kaya nung pagsapit nito ng 13 years old at ipinaalam na ipapakasal siya sa isang prinsesa, agad na tumutol ito at nagladlad. Noong una ay hindi makapaniwala ang pamilya nito pero sa huli ay natanggap naman siya. Simula noon, mas naging makulit si Princess Sebby at mas naging babae. Tinalo pa ako.

          Sa di kalayuan, natanaw ko na ang mga floating islands. Kaya pala ibinagsak kami galing sa langit. Mga lumulutang na isla pala ang nandito. Natatanaw ko din ang iba pang mga tao— ay sorry. HALIMAW na nagkatawang tao na papalapit sa mga isla. Yung iba ginamit ang monster form nila para makarating dun at ang iba naman ay ginawa kung ano ang ginawa namin. Hinila ko ang tali papunta sa direksyon ng mga lumulutang na isla. Inikot ko ito dahil umikot rin  ang rainbow. Maya-maya pa, natanaw ko ang isang malaking school na may tatlong naglalakihang buildings. Dun na rin nagtatapos ang rainbow kaya naman dahan-dahan kong pinalapag ang uwak na sinasakyan namin.

“Princess Sebby. Nandito na po tayo.” Yugyog ko kay Sebby na mahimbing pa ring natutulog. “Princess Sebby. Gising na pooo~.”

“Ohh.. Ahh.. Wait. Not there. No. Ahihihi. It tickles. Ohh. Ahh..” ungol nito. Nananaginip ng kalaswaan nanaman. Mabatukan nga.

*BAM

“A-A-AROUCH! Grabe Tabitha ha! Kelan ka pang natutong batukan ang ever beautiful goddess?! Ang ganda ganda  ko e. Tas ang ganda rin ng panaginip ko! Kaathar ka. Malapit na e.” pagmamaktol nito.

“Ekase po, nandito na po tayo.” Bumaba na ako sa uwak at inalalayan si Princess Sebby.

“Andito? Huh? Hmmm?” pagtataka niya na parang wala siyang naaalala na ngayon kami kukuha ng entrance exam sa Monster Academy.

“Monster Academy.” Pagpapaalala ko at biglang nanlaki ang mata niya.

“Ohgosh! Ngayon tayo kukuha ng entrance test?! Gosh! I’m not ready! Ohno! No! No! No waaay! No no no no way I’m leaving without you!” pagkanta niya pero bumalik ulit sa pagiging mataray na makakabahin. “Pero seriously? Now na talaga? Hindi pa ko ready na mamatay. Pano kung bumagsak tayo? Gusto ko pang Makita sina papa Zack Efron, Papa James Bond, Mga papa ko sa one direction! Gusto ko pang makasama sila sa iisang kwarto! Bigbaaang! TOP beybeh save me!”  pagdradrama nito. “Wag na tayong tumuloy!”

“Hindi daw po pwede. Mamamatay rin daw po tayo pag di tayo tumuloy sabi ni Ms. Skye. Hindi niyo daw po ba nabasa yung nakalagay sa form? There’s no turning back." Nagsimula na akong maglakad papuntang gate ng school.

“HOY SKYE! LUMABAS KA NGA DYAN! Sabihin mo hindi tayo matutuloy kasi natatae ako. Goraaa~! Dali na! Ayoko pang mamatay! May future pa ko sa buhay!” paglilitanya ni Princess Sebby.

Nilapit ko sa tenga ang necklace para marinig ang sinasabi ni Ms. Skye.

“Kapag hindi ka daw po tumigil Princess Sebby, hindi ka daw niya po tutulungan makapasa ng entrance test. Kahit na magmakaawa ka daw pa po. Hahayaan ka daw niya po kayong mabulok dun. Sabi po ni Ms. Skye.”

“Hmp! Siguraduhin mo lang Skye na hindi madadaplisan beauty ko dyan ha! Kung hindi ipapatapon kita sa Bermuda Triangle at ipapakain kay Barney.” Nagcrossed arms siya at nag pout. Maya-maya humabol siya sakin. “Hey! Wait for me!”

 Ang ingay niya talaga.

Isang mataas na gate ang bumungad saamin. Sa dalawang poste nito may dalawang statuwang leon na may pakpak ang nakaupo. Sa leeg nila, suot nila ang kwintas na may simbolo ng Monster Academy.

“Welcome to Monster Academy. Do you still want to continue to take the test or not?” anang ng boses galing sa isa sa mga leon.

“Can we quit?” tanong ni Princess Sebby.

“If you want to quit, you have three options. Please pick one.”

“See Tabitha? Pwede naman magquit e. Hindi tayo mamatay.” Pagmamalaki ni Princess Sebby. Humarap siya sa isa sa mga leon at tinanong “What are the three options?”

Biglang ngumiti ng creepy ang mga statuwang leon.

“The Three options are..

A. Burn Alive

B. Torture to your death

C. Eaten by the piranhas slowly

Please pick one.”

Napanganga si Princess Sebby. “Wala po bang D? Go back to your normal life with bonus hot sexy boys?”

Nawala ang pagkastatwa ng mga ito at naging higanteng leon. Lumapit ito sa mukha ni Sebby at tinanong sa boses na nakakatakot. Parang boses ng demonyo.

“DO YOU STILL WANT TO QUIT?”

“N-n-No! of course. Malay mo may g-g-gwapo sa loob diba? Hehe. Nagjojoke lang ako kanina. Hehe. Hindi kayo mabiro e.” kabadong sabi ni Princess Sebby. Bumalik agad siya sa mataray niyang aura. “Walanjo. Nakakawala kayo ng poise ha. Magsitabi nga kayo diyan. Nakaharang kayo sa daan. Dadaan ang pinakamagandang nilalang na makikita niyo sa balat ng lupa, tubig, hangin at apoy. Hala! Layas!” sabi nito sabay taas ng kilay at wasiwas ng kamay. Bumalik sa pagkakastatwa ang mga leon at nagbukas ang gate. Pumasok kami ng tuluyan.

Yung totoo? Eskwelahan ba to? Asan na yung mga halimaw na nakita namin kanina na papalipad papunta dito?

May makapal na fog ang bumabalot sa buong lugar. Walang tao ang makikita dito. Parang isang abandonadong lugar na tinubuan na ng ligaw na halaman at puno. Yung tatlong mga buildings, mga sira-sira na at parang batuhin mo lang ay babagsak na ng tuluyan ito. Nasaan na ba yung mga staffs ng school dito?

“Girl. It’s so creepy here. I wanna pee. Meghaadlalu!”  Sambit ni Princess Sebby. Humawak siya sa braso ko. “Waley ba C.R dito?”

“Dyan ka na lang umihi sa tabi tabi. Wala namang makakakita sayo e.” sabi ko habang nililibot pa rin ang tingin sa lugar. Ang creepy nga. Haunted school ata to e. Pero dito naman pumasok yung iba pang estudyante ah. San sila napunta?

“Gaga. I don’t pee in public places no.”

“Ang ingay mo daw sabi ni Ms. Skye. Tumahimik ka daw at tulungan mo kaming maghanap sa mga kakaibang bagay.” Patuloy kaming naglakad hanggang sa may binulong ulit sakin si Ms. Skye.

‘Find the fountain’

“Princess Sebby, yung fountain daw po.” Sabi ko sakanya. Maya-maya pa, natanaw namin ang puro lumot na fountain. Lumapit kami dun at sinilip ang nasa loob.

Itim.

Hindi pala ito pangkaraniwan na fountain. Masyadong malalim kaya halos wala kang maaninag kundi itim.

“Ano nga bang spell yun? Hmm.. Ahh! Oo tama tama.” Kumuha si Princess Sebby ng isang stick. Inihipan niya ito at hinawakan sabay nagchant ng isang spell.

“Light shall prevail. Darkness will vanish”

Bigla niyang itinapon ang stick sa fountain. Sumilip ulit kami nang umilaw ang stick. Tama lang ang ilaw nito para Makita ang nasa ibaba. Hindi namin inaasahan ang nadoon.

Mga higanteng ahas.

Napalunok ako at biglang kinabahan. Napaatras naman si Princess Sebby. Bigla na lang may nag-appear na isa pang fountain sa tabi ng lumang fountain. Kumpara dito, mas bago at mas malinis ito. May tubig na umaagos dito. Sumilip kami at kasing lalim din ng naunang fountain ito. Dito naman, dagat ang naghihintay sayo. Isang kalmadong dagat.

‘Jump’ narinig kong sinabi ni Ms. Skye. ‘Fountain with snakes’

“Talon daw po tayo sa fountain na may ahas.” Sabi ko kay Princess Sebby.

“What?! E anoo—ano—“ tinuturo niya yung fountain na may tubig. “Mas mukhang safe dito.”

‘Tch. Jump now Tabitha. Eusebio will follow soon.’ Utos sakin ni Ms. Skye.

“Bahala po kayo Princess Sebby. Tatalon na po kami ni Ms. Skye.” Sumampa ako sa fountain na puno ng mga higanteng ahas. Hindi ko na narinig yung sagot ni Princess Sebby dahil bigla akong tumalon. Malakas ang kabog ng puso ko dahil hindi ko alam kung tama ba tong pinasok namin.

Naramdaman ko na lang ang paggalaw ng higanteng ahas.

..at ang paglamon nito sakin ng buong buo.

 ~~~**~~~

AN :)) 

Yow yow! Mehehehe :3 After 1242421244254514 years. Nakabalik na rin sa wattpad. Namiss kong magsulaaaaaat~

Comments please. I'll be happy reading your thoughts about this :))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top