Wedding Wreckage
Kyamii's Note: Kung hindi pa ipopost ni Ice na 30k na pala yung MA, di ko pa malalaman. Salamat sa suporta. God bless you all.
~~~**~~~
Chapter 32
Wedding Wreckage
Tabitha’s POV
“Teka po! Nagkakamali po talaga kayo! Hindi po talaga kami couples!,” pilit akong kumakawala sa pagkakahawak sakin. Grabe naman to! Bakit kasi bigla-bigla silang nanghihila eh! Hahanapin ko pa yung master ko!
Hindi nila ako pinansin at patuloy sila sa pag-uusap. Oh sige, ako na hindi nag-eexist. Kainis ah!
Napatingin ako kay Zeke. Isa pa to. Kusang sumama lang. Eh kung ginagamitan niya kaya ng death stare tong mga to para makawala na kami at mahanap namin si Ace at Ms. Skye. Ay nako!
“Hoy! Wala ka ba man lang gagawin?!,” bulong ko sakanya pero parang di bulong yun kasi medyo malakas. Ugh! Ang gulo ko kausap.
“Nothing,” simpleng sagot niya. Tignan mo to! Naku naman talaga!
“Hahanapin pa kaya natin sila! Nag-uubos tayo ng oras! Eh kung tinutulungan mo kaya akong makawala dito no?!”
“Tch. It would just take up all my energy. Now just shut up will you?,” naiinis pa nitong sabi. Aba’t ako pa ang may kasalanan! Ay! Ayoko na! Nakakainis!
AT dahil pagod na ako at kanina pa nag-aamok dito, hinayaan ko na lang yung mga humihila sa amin. Bahala sila dyan.
Dumating kami sa isang dome. Madaming nakahilerang miyembro siguro ng clubs sa labas. Parang kala mo eh, grand entrance lang.
Pagpasok namin sa dome, mayroon kaming nakitang 11 pairs ata yun. Nakahilera sila sa taas ng stage na nasa gitna, nag-aantay siguro ng mangyayari. Ano namang pakulo to?
“And we have our last pair! Brace yourselves and let’s start the greatest event in history!,” paninimula nung emcee. Pinaakyat kaming dalawa ni Zeke dun sa stage. Mas malaki at malawak pala ito kaysa sa inaasahan ko.
“This will measure your love for your partner. Can you protect your wife-to-be until the end? This is... Wedding Wreckage!”
Biglang nagkaroon ng barrier field sa paligid ng stage. Tapos nagbukas yung ilaw nung dome at nireveal yung ibang mga tao na nakaupo sa gilid para manood. Yung iba, mga classmate ata na nagcheecheer dun sa mga kasama naming pair.
Natuon ang atensyon namin sa malaking screen na bumababa mula sa taas.Bigang bumukas ito at nagpakita ng isang 3D map ng isang buong forest.
“To explain the mechanics of the game, here is the creator of the Wedding Wreckage,” tinurn over ng Emcee ang microphone sa isang babaeng mukhang 12 years old. Naka-pink attire siya with matching pigtails pa. Mukha talaga siyang bata.
“Konnichiwaaa~ minna!,” and confirmed! Bata talaga. Boses pa lang eh. Nagpakilala siya at pinasalamatan ang lahat ng pumunta para manood at makilahok. Pagkatapos ay inexplain niya na ang buong laro.
“Simple lang naman ang ating game mga onee-chan at onii-chan. Sigurado akong mag-eenjoy kayo ditoo~,” excited pang sabi nito at nagbublush pa ang mga cheeks niya. Kung hindi lang cute to, baka kung ano pang nagawa ko sakanya dahil hinila ako dito sa game na to.
“And these are the mechanics! Si kuya boyfriend-slash-husband-slash-hubby-slash o kung ano man ang tawag niyo sa lalaking partner niyo, ay kakargahin si ate girlfriend-slash-wife-slash-wifey-slash o kung ano man ang tawag niyo sa babaeng partner niyo at tatakbo kayo sa buong battle ground. Yehey! Maghahabulan kayoo~,” lakas din ng tama nitong batang to eh. Kumuha siya ng popcorn at chocolates sa gilid niya at pinagpatuloy ang pag-eexplain. Naalala ko tuloy si Ice at Yuuki. Kamusta na kaya sila?
“Syempre,” sabi niya habang ngumunguya. “Kailangan niyo magtakbuhan dahil proprotektahan niyo ang wedding rings mula sa ibang lovey-dovey na kasali sa game. Ang mga wedding rings na ito ay nakasabit sa leeg ni Ate wifey na parang necklace. Ang matanggalan ng wedding rings ay out na mula sa game. Ang may pinakamaraming wedding rings na makukuha ang siyang mananalo at tatanghaling Wedding Wreckage Couple of the Year! Yehey~,” nagpalakpakan sa loob ng dome. Nahawa siguro sa pagiging cheerful nung bata.
So madali lang pala eh. Magpapatalo lang kami ni Zeke and poof! Out na agad kami at pwede nang makaalis dito. Hahanapin na namin sina Ms. Skye and Ace!
“But wait wait wait! There’s more! Hindi niyo gugustuhing ma-out sa game! Why oh why? Dahil magbabayad kayo ng 500,000 exons pag na-out kayo! Oh diba? Ang saya! Yeheeeey~”
Ay wow! Wow. Ngayon, pag natalo pa kami ubos ang allowance ko pati na rin ang inipo ko! Ano ba naman yan! Malakas talaga trip ng batang to!
“Kayo na ang bahala kung paano niyo proprotektahan ang wedding rings basta kailangan, hindi ibababa ni kuya hubby si ate wifey! Maliwanag ba? So let’s start na! Ate emceee~,” tawag niya dun sa likod niya. Nagtake-over na si emcee at umalis na yung bata.
“And you heard her! Let the Wedding Wreckage begin!,” yumanig ang stage at nagsimulang lumaki ito at lumawak, dumoble pa ata ng laki kanina. Ang dating madulas na sahig ng stage ay naging lubak na daan, parang sa isang kagubatan. Nagsimula na ring magsitubuan ng mga halaman at puno sa paigid ng stage, naiwang open battle ground ang gitna.
Sa isang iglap, napalitan ng tuxedo ang lalaki at wedding gown naman ang babae.
“Ang haba naman nito!,” reklamo ko habang sinisiyasat ang wedding gown. Napatingin ako kay Zeke at nakatingin lang siya sakin. Nang makitang niyang nakatingin ako sakanya, napalingon siya sa ibang direksyon. Problema nito?
Bigla na lang nagkaroon ng necklace na may wedding rings sa leeg ko. Ang ganda nung wedding rings, kumikintab kintab pa dahil sa diamonds.
“Ay huy! Anong--! Saglit lang! Dahan-dahan!,” gulat ko nang bigla akong kargahin ni Zeke. Naka-piggy back ride ako sa likod niya.
“Dang! The game is already starting, can’t you see? I can’t afford to lose my allowance, so shut up,” naiirita niya pang sabi. Kahit kelan talaga! Masungit eh no?!
Nagsimula na siyang tumakbo. Bigla na lang akong nataranta nang may isang couple ang pumunta sa gilid namin at tinitignan ang wedding rings na nasa leeg ko.
“Wala ka bang plano?,” sigaw ko kay Zeke. Umiling lang siya. Nako! Hindi ko alam kung pano proprotektahan tong singsing. Dalawang kamay ko kasi, nakakapit sa balikat niya.
Muntik na akong mahulog nang bigla siyang tumigil at nag-iba ng direksyon. Naiwang tumatakbo ang couple na humahabol sa amin, pero mabilis silang nakabwelo at hinabol kami.
“Get the damn rings,” biglang sabi niya at tumigil ulit siya sa kakatakbo, pero ngayon humarap siya sa kalaban namin at.. at..
BALIW TALAGA TONG LALAKING TO!
Bigla niya akong binato papunta dun sa dalawa. Mukhang nagulat sila at natulala lang sa ‘incoming-bride’ na tatama sa kanila. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero biglang narinig ko ulit yung sinabi ni Zeke kanina.
‘Get the damn rings’
Parang slow motion ang nangyari, nakatingin lang ako doon sa singsing na nasa leeg nung babae, tapos ini-stretch ko yung kamay ko para maabot ito. Huli na bago niya pa iiwas ito sa akin. Hindi ako kasing-liksi ni Ms. Skye pero sinubukan kong gawin yung isang stunt niya. Pagkakuha ko sa kwintas, tinungkod ko ang dalawa kong kamay sa balikat nung babae, at kumuha ng bwelo para makapag-tumbling sa ere.
Oh diba? Bride in a stunt na ako. Sumabay pa tuloy sa pagtumbling ko yung pagwave nung wedding gown kong puti. Di ko alam kung anong mangyayari sa pagtumbling ko, basta ako, naastigan na nagawa ko yung isang stunt ni Ms. Skye.
Akala ko, babagsak ako sa matigas na lupa. Pero nakahanda na pala si Zeke sa likod, sinalo niya ako. Pa-bridal style pa. Kaya pala malakas ang loob na ihagis ako.
“Shit! You’re too heavy dang it!,” reklamo pa niya. Kung hindi lang ako sinalo nito eh! Binatukan ko pa sana.
Nilagay niya ulit ako sa likod niya at tumakbo kami. Nakita ko kung paano maubos ang mga naglalaro, hanggang sa kumonti na kami ng kumonti. Dumadami na rin yung mga wedding rings na nakalagay sa leeg ko. Ang bigat na nga eh.
“Yosh! Sorry. Trabaho lang,” sabi ko dun sa couple na nakuhanan ulit namin ni Zeke. Tatlo pa naman yung nakasuot sa leeg nung babae.
“And now we’re down to two pairs!,” bigla ko na lang narinig yung sigaw nung emcee pati nung crowd. Hindi na namin kasi namalayan na konti na lang pala kami sa game. Napatingin ako sa leeg ko, 12 rings ang nandoon, bale five pairs ang nakuhanan namin ng singsing, at yung isang pair ng singsing, sa amin ni Zeke.
“You may now put down your brides and let’s start the championship,” napatigil si Zeke at ibinaba ako ng dahan-dahan. Sa tapat namin ang isa pang couple pair. At nagulat ako nang makita kung sino ito.
“PRINCESS SEBBY?!”
“TABITHA?!”
Sabay pa kaming dalawang nagsalita. Kasama niya si Kaguya, at meron din silang 12 rings na katulad ng sa amin.
“Wag mong sabihing--,” di ko na maituloy ang sinasabi ko. Kinikilig kasi ako.
“Hoy Tabitha! Tigilan mo ko ha. I don’t have any choice you know? Nahila lang kaya kami dito! Haggardness na nga ang aking beauty itey! Naloka ako!,” maarteng sabi niya. Bumaling siya kay Kaguya na nasa tabi niya. “Eto kasi! Ambigat bigat! Dapat talaga ako ang may suot niyang wedding gown eh! Kaloka!,”
“Ayos ah! Parang ginusto kong suotin to ah! Ang kati kaya!,” balik naman sakanya ni Kaguya. Ang cute nila <3
“Tigilan mo ko babae! Mas bagay sa aking peys yan no! Hmp!,” pagtataray ni Sebby. Hindi ko alam kung natatawa ba si Kaguya o naiinis eh.
“Muling ibalik na talaga,” bulong ko. Napatingin ako kay Zeke. Nakatingin lang siya sa akin at tulad ng kanina, bigla siyang nag-iwas ng tingin.
“Problema mo?,” naitanong ko na sawakas.
“Tch. Shut up, annoying idiot,” Ouch ah! Annoying na, idiot pa. Ang sunget talaga!
Natuon na lang ulit ang attention namin sa malaking screen at nilabas si emcee para sa huling game. Ano nanaman kaya to? Kinakabahan ako eh.
“Congratulations on both of you! You survived the first part of the Wedding Wreckage! And now we are down to the last part! Are you ready?,” nagsigawan yung mga audience. Mas excited pa ata sila kesa sa amin eh.
“And for the last part! Let’s welcome the game, Eternal Love!,” nagpalakpakan ulit. “In eternal love, the couple who has the longest kissing time will win the Wedding Wreckage and receive the price!”
“Oh my gawd NO! NO! NO! My virgin lips! Oh my gawd!,” natatarantang sabi ni Sebby. Sus! First kiss din naman niya si Kaguya nung bata pa sila eh.
Pero. K-k-kiss? Pwede bang K-k-kill me now?
“Face your partners, guys!,” humarap si Zeke sakin.
“S-Seryoso ka?!,” gulat kong sabi. Teka oy! Akala ko aayaw siya! Ano to?! AYOKO uy!
“O-oy Zeke! W-walang ganyanan! Patalo na tayo uy!,” pero tinitignan lang niya ako.
“And in three, two..,” nagcountdown yung mga tao! Oy! Walang ganyanan! Maawa kayo!
“..and one, You may now kiss your bride”
Napatingin ako kay Zeke. Aatras na sana ako pero nahawakan niya na ako sa braso. Then he held my chin and whispered,
“Shut up and kiss me.”
~~~**~~~
Jenkyl’s POV
“Oh anong nangyari sa inyo? Para kayong sumabak ng giyera ah!,” tanong ko sa dalawang kakapasok lang. Nandito kami sa classroom ngayon at kaming tatlo lang. Abala pa kasi yung iba pa naming classmates sa pag-aayos ng booth. Pinagpahinga muna ako ni Elei dahil kaninang umaga pa daw ako nandun. Gabi na kasi.
“Eto kasing si Sebby eh! Hahalik lang ayaw pa! Nagbayad pa tuloy kami ng 500,000 exons!,” naiinis na sabi ni Kaguya. Ano?! Hahalik?! San ba sila nanggaling? Nabalitaan ko kasi na may humila sakanila kanina pero hindi ko alam kung saan sila dinala.
“ANONG AKO?! Eh sa hindi ko ma-take ang ka-levelan ng stress dun eh! Nakakaloka jitey! Ang beauty ko! Ahuhuhuhu~,” sagot naman ni Sebby. Ayun, war silang dalawa.
“Pano yan?! Wala na tayong allowance?! Ikaw kasi eh!,” balik naman ni Kaguya.
“Ikaw! Kanina mo pa sinasabi na dapat hinalikan kita! Kaloka ka rin e noh? Pinagnanasaan mo virgin lips ko no?! Hmp! Masyado silang maganda para sayo!”
“FYI Sebby! Hindi na po sila virgin! You already have your first kiss with me! Ikaw pa ang unang humalik non!”
“Che! Tigilan moko! Wag mong ibalik ang nakaraan! Kaloka ka!”
“Ewan ko sayo! I hate you!”
Umupo sila sa harap ko at nagtalikuran sabay nag-pout. Ang cute lang nilang dalawa. Kung hindi lang talaga pusong-babae tong si Sebby, perfect couple sana sila.
“Eh teka nga, ano bang nangyari sa inyo?” pagbabasag ko ng war sakanila. Ayun, nagkwento sila tungkol sa Wedding Wreckage booth na pinagdalhan sa kanila kung saan proprotektahan mo ang wedding rings at mangongolekta ng mga ito para manalo. Kaso sa dulong game daw, ang pinakamahabang kissing time ang mananalo. Eh ayaw ata ni Sebby nun kaya ayun, natalo sila at kapag natalo, magbabayad ng 500,000 exons.
“Eh sino bang kalaban niyo?” tanong ko ulit after ng kwento nila.
“Sina Zeke at Tabitha. Kung si Papa Zeke ang nakapartner ko, ay jusko! Okay lang! Baka isang oras pa kami don!,” malanding sabi ni Sebby. Napailing na lang ako.
“Ang cool nga nila eh, hinalikan talaga ni Zeke si Tabitha kaya ayun, kalahati ng kinita ng booth ay napunta sa kanila bilang premyo. Manlilibre pa nga ata sila eh. Kaso hahanapin daw muna nila si Skye at Ace,” dagdag pa ni Kaguya.
“Tamang-tama, magdinner na lang tayo sa isang restaurant na nakita ko. Wala pa din sina Ayame at Xander. Nag-date din ata,” sabi ko. Natalo kasi ni Xander si Ayame kaya magkasama sila ngayon.
“Eh ikaw? Wala ka bang ka-date? Sayang ganda mo friend!,” hirit ni Sebby.
Ngumiti na lang ako. Nakakatamad din kasi eh. Mas gusto ko pang manood ng anime kesa sa ganun.
Nagpatuloy pa ang usapan namin hanggan sa napagdesisyunan kong lumabas muna at magliwaliw. Naiwan ulit yung dalawa sa room na nagbabangayan nanaman. Hayaan niyo sila dyan, baka magka-developan.
Pumunta ako sa isang weapon shop at tumingin tingin ng iba’t ibang klase ng pana. Siguro kailangan ko na ding bumili ng bago para maidagdag ko sa collection ko. Tumitingin-tingin ako nang biglang may kumalabit sa akin.
“Mag-isa ka lang?,” lumingon ako at nakita ko si Terrence habang kumakain ng cotton candy.
“Ah oo, may mga kanya-kanya silang lakad. Ikaw?”
“Ganun din. Kanina pa nga ako paikot-ikot. Nakakatamad din palang mamasyal pag walang kasama”
Natahimik kami saglit at nagkatinginan. Doon pa lang, parang alam na namin ang tumatakbo sa isip ng bawat isa.
Nagtawanan kami. Walang sali-salita at nagkaintindihan kami.
Sino din pa lang mag-aakala na magkakaroon din ako ng sarili kong kasama?
~~~**~~~
AN :3 Patapos na siyaaa~ Yeah \m/ Mga 18 chapters pa tapos epilogue :3 Hoho. Kelangan ko siyang matapos before birthday ko. Do greet me on my day XD
Dedicated pala sakanya :)) Nakakainspire talaga pag nakakakita ka ng mga ganung comments. Salamat ng madaming madami <3 Sana dumami pa ang mga kagaya mo :3 Salamat talaga.
Sainyo rin na mga nagbabasa. Salamat sa pagsuporta dahil binabasa niyo tong trip ko. XD haha You rock!
So yun, off to watching Monsters University na~ Bye bye :3
God bless and have a nice day ahead.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top