The Story Behind The Light

Kyamii's Note: I have a new story entitled BEATS. Sana masubukan niyo though prologue pa lang yung nakapost. :) Click niyo na lang yung external link. :) Thank you

Chapter 24

The Story Behind The Light

Ayame's POV

 ~~~**~~~

"Tabitha, hindi mo ba talaga ako naaalala?" halos mangiyak-ngiyak ako habang tinatanong ko siya. 

"Pasensya na talaga Ayame. Wala talaga akong maalala. Ang totoo niyan, medyo malabo ang mga alaala ko pagdating sa orphan. Sorry. Sorry talaga,"  halos madurog na ang puso ko nang marinig ko sakanya yan. Gusto ko nang umiyak. Pero hindi pwedeng umiyak ako sa harap niya. She hates seeing me crying when we were kids. Instead, I managed a smile. A sad smile.

Napabuntong hininga ako. Paulit-ulit na sa isipan ko ang nangyari kanina sa amin dalawa ni Tabitha. Mabuti na lang at pumayag siya na sumama sa akin para mapakita ko sakanya yung photo album na ginawa naming dalawa nung bata pa kami. Sana maalala niya na ako at ang panahong nasa orphan pa siya.

Pero may mga tanong ang bumabagabag sa utak ko. Anong nangyari kay Tabitha at nawala ang memorya niya? At bakit tungkol sa orphan lang ang hindi niya maalala?

Higit sa lahat, may kinalaman ba ang mga Einzbern dito? Alam na kaya nila ang sekreto ng katauhan ni Tabitha? Kalaban ba o kakampi si Skye? Kung ano man iyon, kailangan kong protektahan si Tabitha. Kailangan kong protektahan ang unang taong tumanggap sa akin.

I was back from my deep thoughts when Ace snapped in front of me.

"The game is starting. I think we should go inside now," Wala sa sarili niyang sabi. Oo nga pala, kasama rin kaming maglalaro dun sa activity na ‘Alice’. Si Ace ang partner ko.

"A-ah oo! Sorry," napayuko ako at sinundan si Ace papasok sa loob ng maze. Hindi katulad sa ibang pairs na halos pagod na sa kakatakbo, naglalakad lang kami habang hinahanap ang white rabbit. Mukhang may problema si Ace dahil nakatulala lang siya habang naglalakad. Isa pa, nararamdaman ko din ang nararamdaman niya. I can detect feelings and emotions after all.

Mukhang walang katapusan itong paglalakad namin. Kanina pa kami paliko-liko at wala pang ni isang sign ang white rabbit. Parang wala naman kaming patutunguhan. Sinusundan ko lang kasi si Ace. At sa tingin ko, kailangan ko nang gumawa ng paraan para makita namin ang aming hinahanap.

"Ace, siguro kailangan na nating--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla siyang tumigil. He was looking intently at something. Tumingin din ako sa tinitignan niya. I saw a huge ogre for about ten feet high, sitting on a gigantic chair while sleeping. May hawak itong bote ng alak sa kanang kamay. Mukhang nalasing kaya nakatulog. But what caught our attention was a white fluffy thing on top of its head.

The white rabbit.

Ace aimlessly walked towards the sleeping ogre pero bigla ko siyang hinila pabalik. Itinuro ko ang bilog na nakapalibot sa ogre.

"Once you step inside, the ogre will be conscious and trust me, we have no chance of winning." I already sensed its power capacity. Kahit pa alam kong malakas si Ace, fifty fifty lang ang tsansa naming makalabas ng buhay dito sa maze kung makakalaban namin ang ogre na ito.

Nanatili lang emotionless si Ace. Kahit na hindi mabasa sa kanyang mukha ang kanyang iniisip, alam kong wala dito sa laro ang kanyang atensyon. Nasa ibang bagay, isang mabigat na problema.

Hindi ko alam kung paano siya i-co-comfort. Mas sanay kasi ako na ako ang kino-comfort. I don’t know how to deal with things like this. Hindi naman kasi ako palakaibigan. Kaya hindi rin ako sanay na may kasamang iba at hindi ko rin alam kung paano makikitungo sa kanila.

Labag man sa kalooban ko, hindi ko na lang pinansin ang iniisip ni Ace. Baka kung ano lang ang masabi ko. Instead, binigay ko sakanya ang iniisip kong plano.

Mukhang walang problema sakanya ang plano. Umatras siya nang konti papalayo sa akin at pumikit.

“Isipin mo yung mga alaalang parang invisible ka sa paningin nila. Memories like you don’t even exist.” Alam kong medyo masakit itong pinapagawa ko pero kailangan.

Nagsimula nang madetect ng aking kapangyarihan ang kanyang nararamdaman. Pinagdaop ko ang aking kamay at kinoncentrate ko ang daloy ng aking kapangyarihan dito. Nagsimula na akong gawin ang gadget mula sa emosyon at pakiramdam ni Ace.

“Okay na.” Sambit ko matapos ang ilang minuto. Hawak ko na ngayon ang isang itim na tela. Tinanguan ko siya na ang ibig sabihin ay handa na ako para sa susunod na plano. Ibinalot ko ang itim na tela sa akin at ilang saglit ay hindi ko na makita ang akin sarili. Invisible Cloak ang gadget na aking nagawa mula sa pakiramdam ni Ace. Pumasok na ako sa loob ng bilog at katulad ng aking inaasahan, hindi nagising ang higante at hindi nito naramdaman ang aking presensya. Lumingon muna ako sa likod at nakita ko si Ace na pinapalibutan na ang labas ng bilog ng yelo. Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa higante. Habang papalapit ng papalapit ay nagsimulang manginig ang mga tuhod ko. Para nakaharap ako sa isang building na pagkataas taas. Nagmimistula sigurong mga langgam ang kung sino man ang makakaharap nito.

Nilabas ko ang singsing sa aking bag at isinuot ito. Sa isang iglap, lumulutang na ako sa ere. That is the power of Gravitational Ring. Kaya mong makontrol ang gravity mo. Lumipad ako papunta sa ulo ng ogre kung saan nandoon ang white rabbit. Dahan-dahan akong lumapit dito at unti-unting inangat ang kuneho. Sawakas, makakalabas na din kami.

Akala ko okay na ang lahat.

Hindi pala.

Palabas na ako ng bilog nang biglang makarinig ako ng malakas at nakakarinding sigaw.

“GRUWAAAAAAAAAAAA!”

Naging mabilis ang mga pangyayari. Nakita ko na lang ang sarili ko na natatarantang lumilipad palayo sa higante. May napansin akong isang babae na nasa loob ng bilog at tinitira ng kanyang mga naglalakihang alagang daga ang halimaw. Siya siguro ang dahilan kung bakit nagising ito. Biglang natabunan ang ogre ng niyebe at nakulong ito sa loob ng crystal na gawa sa yelo. Ito ang hinahanda ni Ace kanina kung sakali mang may mangyaring masama.

Ang sumunod na nangyari ang nagpagulat sa akin. Biglang nakawala ang ogre at hinampas niya ang lupa gamit ang kanyang mga kamao. Yumanig ang buong lupa at nagsitapon ang mga malalaking tipak ng bato sa iba’t ibang parte. Nawala na sa paningin ko si Ace at ang babae.

Nagulat na lang ako ng biglang may isang malaking bato ang papalapit sa akin. Huli na bago pa ako makaiwas.

Bigla na lang nagdilim ang aking paningin.

~~~**~~~

~Tabitha’s POV~

Sino nga ba naman ang mag-aakala na makakaharap ko sa isang labanan ang sarili kong amo, ang presidente ng SMA, ang malakas na dragon at ang lalaki hindi ko alam kung ano ang problema sa akin.

“Interesting game,” tumatango-tangong sabi ni President Elei habang nakangiti sa amin.

“Skye, what’s the plan?” pati si Terrence the Metal Dragon, naimpluwensyahan na ni Ms. Skye na kumain ng lollipop. Tinignan lang siya ni Ms. Skye at nagshrug sabay naging busy ulit siya sa pagkain ng lollipop. Inenjoy na lang din ni Terrence yung lollipop niya.

“Let’s start this already,” Eros said while grinning. Nararamdaman ko na ang nag-uumapaw nilang kapangyarihan. Hay, kung pano ako napunta sa sitwasyon na ito ay hindi ko alam.

“The pair who will win the game shall have the white rabbit,” Elei declared while looking at the treasure chest in the middle. Naalala ko na kung paano ako napunta sa sitwasyon na ito. May tinalo kasi si Zeke na isang pair mula sa klase ng Superiors at nagkataong meron silang mapa kung saan makikita ang ilang white rabbits. Kaya dali-dali kaming pumunta rito at eto na nga, makakalaban pa namin sila.

Nagulat ako nang biglang yumanig ang lupa at nakarinig ng mga pagsabog sa di kalayuan. Pati sila Ms. Skye, Terrence, Zeke, Eros at Elei ay napatingin din sa direksyon ng pagsabog.

“I hope everything is alright,” bakas ang pag-aalala sa mukha ni President Elei. “Oh well, we have a battle here. Eros, I think we should end this battle now. I’m worried about that explosion.”

Mukhang may epekto rin ang pagsabog kay Eros kaya napatango na lang siya sa sinabi ni Elei.

Naghanda kami sa gagawin nilang pag-atake pero walang nangyari. Nagsimula nang maglakad si Elei papunta sa treasure chest at akmang susugod si Zeke nang biglang hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan. Akala ko may kung anong nangyari pero nang magsasalita na rin ako ay hindi na rin ako makagalaw. Pati sina Ms. Skye at Terrence, parang mga statwang humihinga at tanging mga mata lang ang gumagalaw.

Paanong?

“My Freezing Field is activated. I’m really sorry. I would like to give you a fun and intense battle but I think there’s something wrong with that explosion so I need to end this one fast. Don’t worry, we will just get the white rabbit and leave you here,” nabuksan na ni Elei ang tresure chest at kinarga ang white rabbit na nakakulong sa loob.

Kahit anong gawin kong paggalaw ay parang wala sa kontrol ang aking katawan. Kung ganoon, ganito pala kalakas ang Student Council President ng SMA. No doubt na siya rin ang valedictorian ng Superior Class.

Hindi na ako pumalag pa. Alam ko namang hindi kami makakaalis dito. Pinanood ko na lang kung paano inamo-amo ni Elei ang kuneho.

Naglakad si Eros papalapit kay Skye. Ano nanaman ang iniisip nitong lalaking to?

He grinned like a cheshire cat. Nagkalapit ang mukha niya at ni Ms. Skye. And the next thing he did suddenly suprised me.

He kissed the tip of her nose.

“Let’s go Elei,” Eros’ devilish grin scared the hell out of me. Parang bula, bigla silang nawala tangay ang white rabbit. Nawala na rin ang epekto ng freezing field ni Elei.

Gusto kong lapitan si Ms. Skye pero bigla na lang rin silang nawala ni Terrence.

~~~**~~~

Ayame’s POV

My head hurts.

Parang umiikot ang lahat nang magmulat ako. Lalo akong nagulat nang tumambad sa akin ang gwapong mukha ni Xander.

“Ahh!” para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Mabilis na tumayo ako sa pagkakahiga at umatras papalayo sa kanya.

“Nasaan ako?! Anong ginagawa mo dito?!” I demanded. Mukhang wala na ako sa loob ng maze. Puro puti na kasi ang nakapalibot sa akin at nakahiga ako sa puting kama.

“Obviously you’re in clinic,” he said sarcastically. “I saw you lying unconciously inside the maze so I decided to take you here.”

“Edi iniwan mo yung game?!” gulat na tanong ko. Ibig sabihin, wala siyang nakuhang puntos o mataas na marka.

“Not really. I got the white rabbit your supposed to have.” He smiled wickedly. Akala ko pa naman concern siya sakin. I doubt na naaalala niya pa ako.

“Kailangan ko nang umalis.” Hindi ako mapakali na kaming dalawa lang dito a kwartong ito. Akmang tatayo na ako nang bigla niya akong hinagip sa aking bewang at itinulak pahiga sa kama. He got on top of me.

“You’re not going anywhere, Missy. We have something to discuss.” His playful smile made me nervous.

“Wala tayong dapat pag-usapan,” sinubukan kong maging matapang sa harap niya. Lumapit siya sa akin hanggang sa naaamoy ko na ang kanyang malamig at mabangong hininga.

“We will talk,” sa pagkakataong ito, naramdaman ko na ang pagiging seryoso niya. Parang umurong ang lahat ng tapang ko kanina at hindi na ako makatingin sa kanya ng diretso.

Ilang minuto kaming nanatili sa ganoong posisyon. Ilang minuto rin siyang nakatitig sa akin. I can feel butterflies inside my stomach.

Nagulat ako nang bigla niyang ibinaon ang kanyang mukha sa pagitan ng aking leeg at balikat. Nanigas ang aking buong katawan.

“I never thought I would meet you in this place,” bulong niya. “It’s been a while, Erin.”

Biglang nagring ang school bell at mabilis siyang tumayo. Walang paalam na umalis siya sa kwartong ito.

Kung ganoon, naaalala pa rin pala ni Xander ang lahat.

Pati ang kasalanan ko sakanya.

~~~**~~~

“Pasok ka Tabitha,” binuksan ko ng malawak ang pinto at pinapasok si Tabitha sa suite namin ni Ace. Wala siya ngayon at magkakasama silang mga lalaki sa paglilibot sa buong lugar. Pati si Eusebio kasama kaya hindi ko alam kung matatawag ba siyang Boys Night Out.

“Okay ka na ba, Aya-chan?” nag-aalalang tanong niya. Nabalitaan nila ang nangyari sa akin. Mabuti na lang at hindi masyadong malala ang natamo kong mga sugat. Nginitian ko siya bilang pagsagot.

“Eto na ba iyon?” tanong niya matapos makita ang isang malaking photo album na nagmimistulang Guiness Book of World Records sa sobrang kapal. Tumango ako sakanya at nagsimula na kaming buklatin ang mga ito. Kinwento ko sakanya yung mga ginagawa namin sa orphan katulad ng mga pagbuburda, pagluluto at iba pa. Pinaalala ko rin sakanya sina Sister Madeline, Sister Celia at iba pang mga nag-alaga sa amin sa orphan. Pati yung mga malalapit naming kaibigan doon kabilang na si Xander, ang mga bully at yung may mga sariling mundo.

“Eto! Tignan mo, iyan ang unang beses na nakasakay ako sa swing tapos tinulak-tulak mo ko,” masayang sabi ko. Naaalala ko pa, halos takot na takot ako sa swing na ito dahil baka mahulog ako pero sinabi niya na magiging okay lang ang lahat at mag-eenjoy ako.

“Naalala mo to? Ito yung unang Christmas nating dalawa na magkasama,” sabi ko sakanya habang itinuro ang litratong binigyan niya ako ng salamin. Ito rin yung salamin na binigay ko sakanya nang magkita kami sa loob ng bathroom ng isa sa cafe ng Monster Town. Ang una naming pagkikita matapos ang ilang taon.

Tinignan pa niya ang ibang litrato habang patuloy ang pagkwekwento ko. Halatang na-miss niya ng husto ang orphan kahit na hindi ko alam kung naaalala na ba niya kami.

Halos maghhating-gabi na nang matapos kaming magkwentuhan. Tumayo ako at pumunta sa kusina para kumuha ng midnight snack. Inabot ko sakanya ang isang pack ng popcorn at milk with oreos.

“Yan ang paboritong midnight snack natin hindi ba?” nakangiting tanong niya. Kung ganoon, unti-unting bumabalik ang kanyang mga ala-ala. Nginitian ko siya pabalik.

“Ayame,”

“Hmm?”

Ngumiti siya at niyakap ako. Isa sa mga bagay na namiss ko ng sobra.

“Salamat. Maraming Salamat,” bulong niya at nakaramdam na lang ako ng basa sa aking balikat.

Nanatili kami sa ganoong pwesto hanggang sa tumahan siya.

“Nakakatuwa. Hindi ko akalain magkikita tayong dalawa sa Monster Academy.”

“Tabitha, ang totoo niyan, hinanap talaga kita. Ayaw ko mang sirain itong moment na ito pero may kailangan kang malaman.” Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Sa tingin ko, kailangan niya na talagang malaman ang katotohanan sa likod ng kanyang kapangyarihan. Ang katotohanan ng kanyang pagkatao.

Nakatingin lang siya sa akin at handang makinig.

“Dalawang taon na ang nakakaraan, bumalik ako sa orphanage para bisitahin sina Sister. Pero laking gulat ko nang madatnan ko ang isang nasusunog na bahay ampunan. Mabuti na lang at nabigyan na ako ng sapat na training magmula ng inampon ako ng pamilya ng mga Hitomi. Sa ganoong paraan, nagamit ko ang aking kapangyarihan at nakapasok ako sa nasusunog na ampunan. Sa kasamaang palad, si Sister Madeline lang ang aking nailigtas. Inutusan niya akong hanapin ka upang masabi niya sa iyo ang totoong pinanggalingan mo.” Tumigil ako sandali at nagpatuloy.

“Ang mga magulang mo ang isa sa mga kanang kamay ng Legendary Trio. Kasama sila sa paglaban sa Dark Reapers at kay Phelestien. Sila ang lider ng Spell Casting Unit o ang mga halimaw na magsasagawa ng ritual upang mapatay ang Dark Reapers at makulong si Phelestien habang buhay. Nagbuwis sila ng buhay para makapagsagawa ng isang restricted spell. Ginawa nila ito para mailigtas ang mundo,” Tumigil ulit ako dahil nahihirapan akong bigkasin ang mga susunod na salita. Hindi ko alam kung paano siya magrereact.

“Tabitha, naalala mo ba yung Zephyr Stone? Yung gem na nagtataglay ng napakalakas na kapangyarihan at kayang makapagresurrect?” Tumango siya sa tinanong ko. Huminga una ako ng napakalalim bago magpatuloy.

“Nahanap ito ng iyong mga magulang at para mapigilan ang pagkabuhay muli ng Death Reapers at makalaya si Phelestien, itinago nila ito gamit ang restricted spell. Tabitha Klein..”

“..nasa loob mo ang gem. Ikaw at ang Zephyr Stone ay iisa.”

~~~**~~~

AN :3 Ano daw yung nilagay ko sa last part? xDD HAHAHAHA bunga ng pagiging on the spot writer. Oh well, pati ako hindi ko na alam kung anong mangyayari. xD Bahala na.

Eto tanong ko, KINILIG BA KAYO? Trying hard akong magpakilig e. Hindi ko forte ang romance pero trip ko siyang subukan. Sana nagustuhan niyo.

Anyway, kamusta ang UPcat takers? KakaUPCAT ko lang nung weekends. Kaloka. :3 Okay daldal ko. 

Salamat sa pagbabasa at paghihintay :)) You rock!

A penny for your thoughts?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top