The Reason Why
Chapter 49
The Reason Why
Second Monster War is coming to its end..
~
Hindi na halos magkanda-ugaga pa si Rai sa paglibot sa buong computer room. Patuloy pa rin siya sa pagbibigay ng instruksyon sa bawat sundalong nakikipaglaban sa labas. Mas pinabilis niya ang kanyang galaw, pagkat patuloy sa pagsugod at pagdoble ang bilang ng kanilang kalaban.
Pagkatapos ng isang round ng pag-ikot, bumalik ang kanyang atensyon sa pinakamalaking computer kung saan nakapaloob ang microchip na 'regalo' ng Master ng Sirenade. Nakakonekta ito sa main computer sa loob mismo ng palasyo ng kalaban.
Limang video screens ang lumabas rito, pawang ipinapakita ang isa pang labanang nagaganap sa loob ng palasyo. Walang magawa si Rai kundi sulyapan ang kanyang mga kaibigan kasalukuyang kaharap ang isa sa pinakamalalakas na halimaw--ang Dark Reapers.
Hindi alam ni Rai kung gaano katagal simula nang magsimula ang labanan sa pagitan ng kanyang mga kaibigan at ng limang Dark Reaper. Nasa magkaka-hiwalay na lugar ang mga ito, ngunit parang halos pare-pareho lang ang disenyo ng kwarto.
Napangiwi si Rai nang makita ang estado ng mga kasamahan. Halos hindi na makilala ang mga ito sa sobrang dami ng galos at sugat sa katawan. Naghalong dugo at pawis ang tumutulo mula sa kanilang ulo, pababa sa katawang natatakpan ng unipormeng sira-sira na.
Kahit gustong-gusto niyang puntahan ang mga ito at tumulong, alam niyang mas kailangan ang kanyang kakayahan sa loob ng palasyo. Maraming sundalo ang dumidepende sa kanya, ngayong kaunti na lang ang bilang nito at patuloy na dumadami ang kalaban, kailangan nila ng madaliang stratehiya kung paano malulusutan ang mga ito.
Muling sinulyapan ni Rai ang mga kaibigan sa maliit na video screens. Said na said na ang kanilang kapangyarihan, halos wala na silang lakas pa. Parang kahit anong oras, handang-handa na silang bumigay. Kanina pa kasi nila nalagpasan ang kanilang limitasyon. Pero alam ni Rai na hindi titigil ang mga ito, na hindi sila basta-basta mapapatumba. Kung patuloy na lalakas ang Dark Reapers, patuloy pa rin silang tatayo at lalaban. Kung kinakailangang itaya ang kanilang buhay, gagawin nila.
Kahit na umabot na sila sa kanilang limitasyon at hindi na makakagamit pa ng kapangyarihan, patuloy nilang po-protektahan ang bawat isa, ang mundong nagsilbing tahanan nila. Panghahawakan ang rason kung bakit sila lumalaban, ang katiting na pag-asa na maisasa-ayos ang lahat. Alam nila na hindi magtatapos ang lahat sa ganito. Hindi nila hahayaang mapunta sa wala ang kamatayan ng libo-libong sundalo at halimaw na ipinaglaban ang tama.
Malayo na ang kanilang narating at wala silang balak umatras at bumalik. Sama-sama silang kakapit hanggang dulo. Walang bibitaw. Walang susuko.
Sapagkat may kanya-kanya silang dahilan kung bakit ayaw nilang bitawan ang isang bagay na matagal na nilang pinanghahawakan.
~
"Ms. Skye!"
Umalingawngaw sa buong kwarto ang sigaw ni Tabitha. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita kung paano hilahin pataas ng isang pakpak ni Mephisto ang kanang paa ng kanyang amo, at malakas itong ibinagsak sa sahig.
Naikuyom ni Tabitha ang kanyang mga kamay. Bagay na bagay kay Mephisto ang kanyang pangalan, isang pangalan ng demonyo, pero ang kanyang kapangyarihan ay kaibang-kaiba sa kanya.
Isang anghel.
Mayroon siyang puting pakpak na nagagawa niyang kontrolin sa kahit anong paraan na gusto niya. Para itong may sariling buhay, ang nagsisilbing armas para protektahan ang kanyang sarili. Kung titignan, gawa ito sa malalambot na feather, ngunit nagiging matulis ito at nagmimistulang pakpak na gawa sa daan-daang espada.
Napahawak si Tabitha sa kanyang bibig at umubo ng dugo. Hindi niya na napansin kung gaano katagal simula nang labanan nila ni Skye ang Master ng Sirenade, ang may pakana ng lahat ng kaguluhang ito. Nakaupo lang ito sa trono ng hari sa buong labanan, tanging mga pakpak lang ang gumagalaw para pigilan at salagin ang tira nilang dalawa ni Skye. Parang walang kahirap-hirap sa kanya ang bawat atakeng ibinibigay ng mga dalaga.
Gumapang si Tabitha upang maabot ang kanyang espada. Dahan-dahan siyang tumayo, hinahabol ang bawat paghinga. Pagod na pagod na siya, nahihilo sa sobrang dami ng dugo na nawala sa kanya. Pinalitan ng likidong ito ang orihinal na kulay ng kanyang damit at ginawang pula.
Mahigpit niyang hinawakan ang Seif at sinubukang tumayo ng matuwid. Kanyang pinunasan ang dugo sa gilid ng kanyang labi. Naabot niya na ang kanyang limitasyon. Alam niya sa kanyang sarili na handang-handa nang bumigay ang kanyang katawan anumang oras, pero patuloy na sinasabi ng kanyang puso na hindi pa. Konting tiis pa.
Hindi pa siya pwedeng bumitaw. Hindi pa siya pwedeng sumuko.
Sa kanya nakasalalay ang resulta ng labanang ito. Siya, si Tabitha Klein, ang nagmamay-ari ng Zephyr Stone na tatapos sa digmaan.
Nakita niya si Skye na nakahiga sa sahig kung saan ito ibinagsak ni Mephisto. Duguan na rin ito, punong-puno ng galos ang katawan na para bang halos bawat parte nito ay meron. Mahigpit itong naiipit sa matatalim na pakpak ni Mephisto, ang ilang matutulis nitong parte ay nakabaon sa katawan ng kanyang amo.
Walang pag-aalinlangan sumugod si Tabitha papunta kay Mephisto. Kailangan niyang gumawa ng paraan para makalaya ang kanyang pinakamatalik na kaibigan. Sa buong labanan, si Skye na lang ang laging pumoprotekta sa kanya. Dapat naman siyang kumilos ngayon.
Hindi pa man nakakalapit ng lubusan ay mabilis na siyang nahagip ng isa pang pakpak ni Mephisto. Muli na naman siyang umubo ng dugo at ramdam na ramdam niya ang pagtusok ng matutulis nitong feather sa kanyang katawan. Hindi niya na napigilang sumigaw pa ng maramdaman ang paghampas ng kanyang katawan sa sahig bago ito tuluyang ibato ni Mephisto sa pinakadulo ng kwarto.
Nanlalabo na ang kanyang paningin. Halos hindi niya na maramdaman ang sarili. Isang mainit na pakiramdam ang nanuot sa kanyang loob. Binalot siya ng maliit na kaginhawaan matapos ng ilang segundo. Ito ang naging sandalan niya sa bawat sakit na nararamdaman niya ngayon.
Ang Zephyr Stone. Ang dyamante ang nagsisilbing kuhaan niya ng lakas at kapangyarihan. Ito rin ang gumagamot sa mga sugat na natatamo niya sa labanang ito. Ito ang nagpapanatili ng buhay sa kanya, kung bakit nagagawa niya pang tumayo at makipaglaban.
Kung wala ito, alam niyang hindi siya tatagal sa pakikipaglaban kay Mephisto.
Binalot ulit ng pakpak ni Mephisto ang kanyang katawan. Naramdaman niya ang sarili na umangat mula sa sahig, at gumalaw papalapit sa kalaban.
"The keeper of the Zephyr Stone," tinitigan siya ni Mephisto ng may kakaibang ngiti sa mga labi. "How kind of you to show yourself to me. Hindi mo na ako pinahirapan pang hanapin ka."
Umangat ng tingin si Tabitha. "Kung ako lang kailangan mo, wag mo nang idamay pa ang mga kaibigan ko. Pakawalan mo na sila. Pakawalan mo si Ms. Skye."
"If that's your death wish, I believe I can't grant it, Ms. Zephyr. You see, they are part of the bigger picture," sinilip ni Mephisto si Skye na wala pa ring malay bago bumalik ang tingin niya kay Tabitha. "Especially that Demon."
Matalim na tinitigan siya ni Tabitha. "Itigil mo na 'to! Bakit mo ba kinakalaban ang sarili mong ama?!"
"Sarili kong ama?" Humalakhak si Mephisto. "That is one funny joke you have there."
Nagulat si Tabitha sa sinabi nito. Sa ilang segundong iyon, nakita niya sa mga mata ni Mephisto ang tunay nitong nararamdaman.
"Well, I suppose I have given you enough entertainment for today. It must be sad to end it now.”
Lumawak ang ngiti ni Mephisto at nagsimulang kumilos ang kakaiba nitong pakpak. Naramdaman ni Tabitha ang paghigpit ng pagkakahawak nito, mas dumami ang tumusok at bumaon sa kanyang katawan. Para siyang naiipit sa isang bagay na punong-puno ng malalaking karayom.
Hindi nagtagal at biglang nag-init ang katawan niya, pero hindi ito katulad ng kanina kung saan makakaramdam siya ng kaginhawaan. Akala niya ay nagsisimula na namang pagalingin ng Zephyr Stone ang katawang pinagtataguan nito, hindi pala.
Napapikit siya nang may sumilay na liwanag mula sa mga pakpak na naka-pulupot sakanya. Lalong uminit ang kanyang pakiramdam, na para bang unti-unti siyang nasusunog. Ang mga matutulis na bagay na nakabaon sa kanya ay nagsisimulang uminit din.
Nagpakawala si Tabitha ng malakas na sigaw. Nagmistula itong magandang melodiya sa tainga ni Mephisto. Hindi na mapalis ang ngiti sa kanyang labi habang pinagmamasdan ang babaeng nahihirapan. Konting-konti na lang at maaabot niya na ang inaasam na kapangyarihan.
"Angel's Kiss," bulong nito habang pinapanood ang babaeng nakakulong sa kanyang mga maliliwanag na pakpak. "Where one can experience what hell is like. Oh the irony."
Tumayo si Mephisto mula sa tronong kanyang kinauupuan at nilapitan si Tabitha. Walang pag-aalinlangan hinawakan niya ang leeg nito, at naimpit ang mga sigaw ng dalaga.
Napansin niya ang kwintas na nakasabit sa leeg nito. Binitawan niya ang leeg ng dalaga at hinablot ito, tinitigan, bago durugin ng kanyang mga kamay. Muli na naman niyang sinakal si Tabitha, na ngayo'y sinusubukang kumawala mula sa pag-hihirap na ito.
Hindi na pinatagal pa ni Mephisto ang pangyayari. Lalo niya pang pinaliwanag ang kanyang pakpak, dahilan upang dumoble ang init na bumabalot dito. May ilang salita siyang binigkas at unti-unting lumabas ang puting aura mula kay Tabitha papunta sa kanya.
Nararamdaman niya na ang paglipat ng makapangyarihang dyamante sa kanyang katawan.
'It will take time, but never mind. The Zephyr Stone is all mine.' Napalawak nito ang ngiti sa labi ni Mephisto.
Hindi alam ni Tabitha kung anong nangyari. Kanina lang ay ramdam na ramdam niya na para bang naliligo sa apoy ang kanyang katawan. Naririnig niya ang sariling sigaw, puno ng paghihinagpis at sakit. Ngunit ilang minuto ang nakalipas ay para siyang napunta sa ibang dimensyon. Parang siyang humiwalay sa kanyang katawan, at natagpuan na lang ang sarili sa isang panaginip.
///
"Dad!"
Bumukas ang pintuan ng library kung saan siya naroroon. Isang batang lalaki ang pumasok, nasa edad pitong taong gulang. Halatang kagagaling lang nito sa eskwelahan dahil nakasuot pa ang uniporme nito, pati na rin ang backpack na nasa likuran niya.
Hindi man lang nag-angat ng tingin ang matandang lalaki na nakaupo sa study table kung saan may tinatype ito sa kanyang computer. Tuloy-tuloy na pumasok ang batang lalaki at pumunta ito sa harap ng kanyang ama.
"What it is tha--" naputol ang pagsasalita ng matanda nang iniangat ng batang lalaki ang mga papeles na hawak niya.
"Straight A's, Dad! Just like what you expected," malawak ang ngiti ng bata.
Bahagyang umangat ng tingin ang kanyang ama upang tignan ito at muling bumalik din sa ginagawa.
"Good."
Bumagsak ang magkabilang-balikat ng bata. "Don't you have any more to say, Dad?"
Tumigil sa pagtitipa ang matandang lalaki at matamang tinitigan ang anak. "Getting straight A's is a must, Mephisto. They are also achieved by any other children from noble families. It is just normal and not something to be proud of."
"But--"
"Why don't you try to be like Gabriel? Your older brother is trying to achieve far greater than just getting straight A's."
Muling bumalik ulit sa kanyang ginagawa ang ama. "If you don't mind, I have more important things to finish."
Laglag ang balikat na tumalikod ang batang lalaki sa ama at naglakad papalabas ng library. Kalungkutan ang nakapinta sa kanyang mukha, sapagkat ginawa niya ang lahat ng makakaya upang matuwa ang kanyang ama sa kanya.
Sa halip, kahit anong gawin niya ay kailanman hindi ito mapapansin ng matanda. Dahil wala naman itong inisip kundi ang trabaho sa pagpapatakbo ng Monster World, at ang kanyang nakakatandang kapatid na kahit kailan ay hindi niya mapapantayan.
///
Natagpuan ni Tabitha ang sarili sa panibago na namang scenaryo. Nasa isang party siya, at pinagmamasdan ang tatlong lalaking napapalibutan ng mga kilala at respetadong tao sa Monster World.
"These are my sons, Gabriel and Mephisto."
Napagtanto ni Tabitha na ang nakakatandang lalaki ay ang namumuno sa Monster World, si Lord Hales na nasa dati nitong kaanyuan. Kasama niya ang dalawang binata na si Mephisto at Gabriel, na halos walang pinagkaiba sa itsura ni Skye--puting buhok, pulang mga mata.
Ipinakilala ni Lord Hales ang kanyang mga anak na lalaki. Mabilis na nahalata ni Tabitha na pabor ang matanda kay Gabriel, kahit na ito ay anak ng kanyang asawa na si Serafina kay Phelestien. Itinuring pa rin na tunay na anak ni Hales si Gabriel, kaysa kay Mephisto.
Pawang magagandang salita ang lumabas sa bibig ng ama tungkol sa kanyang mga anak. Nauna niya nang ikinwento si Gabriel, at hindi na maikakaila pa na sobrong pinagmamalaki ito ni Hales sa lahat ng taong nandoon. Sunod namang ipinakilala si Mephisto, nagsambit ng ilang karangalang natamo ng binata at muling bumalik ang atensyon kay Gabriel. Aliw na aliw ang mga bisita sa kanya, na hindi nila napansin ang pag-alis ni Mephisto sa kumpulan.
Pumunta ito sa sulok at uminom ng wine habang tahimik na tinitignan ang kanyang nakakatandang kapatid na binibigyan ng atensyon na dapat ay sa kanya.
///
Nalipat na naman ang scenaryo kung saan natagpuan ni Tabitha ang sarili sa isang sementeryo. Pamilyar ang lugar sa kanya, sapagkat madalas silang dumalaw dito ng kanyang amo, kasama ang mga magulang nito na umampon rin sakanya.
Dalawang lalaki ang nakatayo sa harapan ng puntod. Agad niya itong namukhaan, walang iba kundi si Mephisto at ang isa naman ay si Lord Hales, na nagpalit na ng anyo kung saan isa na muli itong batang lalaki--ang kasalukuyang niyang anyo ngayon.
"Dad," sambit ni Mephisto
Nag-angat ng tingin ang batang lalaki sa kanyang anak, walang emosyon ang mababasa sa mga mata nito. Maya-maya'y saglit itong sumulyap sa puntod at tahimik na umalis sa lugar.
Napatingala si Mephisto at tinakpan nito ang mga mata na para bang pinipigilan nitong umiyak. Kinuha niya ang badge na nakasabit sa damit, at walang ano-ano’y itinapon sa harapan ng puntod.
Pinilit tumawa ni Mephisto, ngunit hindi na niya napigilan at tuluyang kumawala ang mga luhang kanina pa gustong bumagsak sa kanyang mga mata.
"He forgot the most important day in my life," marahas na pinahid ni Mephisto ang luha at pilit na ngumiti. "Instead of attending the event where he was supposed to pin that badge and declaring that his own son is now a part of the Higher Council, he just waited here all day long and spent his hours beside you."
"Akala ko noong namatay ka, mapapansin niya na ako. That he'll realize he still has his other son, his real son. Nagbago siya simula noong namatay ka. Tatlong taon na ang nakakalipas. Tatlong taon, Gabriel and yet, ikaw pa rin ang paborito niya. Ikaw pa rin ang bukam-bibig niya. At kahit may libre siyang oras mula sa trabaho, pupunta siya dito para dalawin ka. Wala siyang oras sa'kin, Gabriel. Lahat nasa'yo. Lahat ng akin inagaw mo!"
"Alam mo kung anong masakit, ha? Ako yung tunay na anak. Pero bakit kailangan kong mamalimos ng pagmamahal? Konting atensyon lang ang kailangan ko. Konting-konti lang. Pero wala eh, binibigay niya lahat sa'yo. Wala siyang itinitira pa sa akin."
"Kinasusuklaman kita, Gabriel. Kayo ng sarili kong ama, kinasusuklaman ko kayong dalawa! At itong mundong 'to na sinusubukan niyong baguhin at ayusin? Wag kang mag-alala, ako ang magpapatuloy ng nasimulan mo. Sa paraang alam ko."
"Ito na ang huling pag-uusap natin Gabriel. Matatagalan pa bago ako bumalik pero sisiguraduhin ko na sa susunod na pagdalaw ko dito, nabawi ko na lahat ng inagaw mo."
///
Isang malakas na pagsabog ang narinig sa buong kwarto. Naramdaman ni Tabitha ang pagluwag ng pagkakahawak sa kanya ng mga pakpak ni Mephisto, at nahulog siya sa sahig, napapalibutan ng usok ang kanyang buong katawan.
Pinakiramdaman ni Tabitha ang sarili, nandoon ulit ang mainit na pakiramdam na nanunuot sa kanyang kalooban. Napagtanto niya na hindi pa nakukuha ni Mephisto ang kabuuan ng Zephyr Stone at may natitira pang maliit na bahagi nito sa kanyang katawan. Sinusubukan nitong gamutin ang mga natamong sugat ni Tabitha, pati na rin ang katawan nitong nagmistulang naligo sa apoy.
Unti-unti niyang minulat ang mga mata. Nakita niya ang isang babaeng nakatayo di kalayuang sa lugar kung saan siya nakahiga. Nagdurugo ang mga kamay nito, at ang pulang likido ay tumutulo pababa sa armas na kanyang hawak.
Scythe.
"Ms. Skye," mahinang sambit ni Tabitha.
Napalingon sa kanyang direksyon ang dalaga at dali-dali itong tumakbo papalapit sa kanya. Lumuhod si Skye sa kanyang tabi at inilapag ang sandata sa gilid niya.
"A-are you okay? Can you stand?" hingal na hingal nitong tanong. "I'll take you to a safer place."
Hinawakan ni Tabitha ang kanyang kamay at sinubukang makaupo. "K-kaya ko pa Ms. Skye. Kaya ko pang makipaglaban."
"No!" Umiiling na sabi nito. "What I want you to do is save yourself, Tabitha. You're the only family that I have. I can't lose you now."
Matamang tinitigan ni Tabitha si Skye. Nagmamakaawa ang mga mata nito, para bang bata na iniwan at naghahanap ng makakasama.
"Akala ko ba sabay nating tatapusin 'to? W-wag mong sabihing sinosolo mo na naman ang problema."
"You don't under--"
"Ms. Skye, hindi mo siya kayang talunin nang wala ang tulong ko, ng Zephyr Stone. At hindi matatapos ang labanang ito kung hindi natin siya matatalo. Hayaan mo akong tulungan ka, Ms. Skye. Tutulungan kita sa pagprotekta sa mundong pinaghirapang ayusin at baguhin ng lolo mo."
Nanlaki ang mga mata ni Skye. "How did you know about that?"
"Nakita ko ang dahilan kung bakit ginagawa 'to ni Mephisto, Ms. Skye. Nakulangan siya ng atensyon at pagmamahal galing sa sarili niyang ama, at naniniwala siyang dahil ito sa iyong lolo. Kaya ngayon, naghihiganti siya. Gusto niyang sirain at baguhin ulit ang mundong pinapangarap ng iyong lolo, ng iyong pamilya."
Natahimik si Skye at naikuyom nito ang kamao. "Mephisto.. he killed my own grandfather, and he is also the reason why my whole clan is killed."
"Ms. Skye."
"I'll make him pay for it. I'll make sure his plans won't succeed."
Sa huling pagkakataon, niyakap ni Tabitha ang kanyang amo at bumulong. "Sabay natin 'tong tatapusin. Katulad ng dati, Ms. Skye. Ikaw at ako."
"If that's what you wish,” nag-aalangan pa si Skye pero alam niyang tama si Tabitha. Kailangan niya ang tulong nito. “Lend me your strength, Tabitha. Lend me the monster you have inside."
Nanatiling magkayakap ang dalawa. May puting aura ang lumalabas kay Tabitha, samantalang itim naman ang kay Skye. Nagsanib ang dalawang ito, para bang gumagawa ng isang force field sa palibot ng dalawa. Ilang segundo ang lumipas, lumabas ang itim na pakpak ni Skye. Lumaki ito at pinalibutan ang dalawang dalaga. Kaiba sa mga puting pakpak ni Mephisto na matutulis, banayad ang haplos nito, malambot na para bang nakahiga ka sa mga ulap.
Tumayo si Mephisto sa tronong kanyang kinauupuan. Pira-piraso na ito, matapos pasabugin ni Skye ang kanyang kinalulugaran at tumilapon sa pader. Inayos niya ang sarili at pinagpagan ang damit na kanyang suot na para bang walang nangyari. Unti-unting sumilay ang kanyang ngiti sa mukha.
"That demon really knows how to surprise me."
Lumabas ulit ang kanyang mga puting pakpak at lumipad sa taas ng throne room. Napapalibutan ng usok ang buong kwarto dahil sa pagsabog na naganap kaya naman hindi niya makita ang kabuuan nito.
"Okay kids, enough with playtime. Let's start the real thing," tinignan ni Mephisto ang ibaba ngunit wala siyang maaninag na aninong nanggagaling sa dalawa. "Come out, come out wherever you are."
Biglang napalingon si Mephisto sa kanyang likuran at iniharang sa kanyang sarili ang isang pakpak. Nagulat siya sa pwersang tumama dito, kaya naman hindi niya napigilan pa at dire-diretsong bumagsak sa ibaba.
Mabilis naman siyang tumayo at lumipad muli sa ere. Doon nakita niya ang isang babaeng may itim na pakpak, isang pulang scythe ang hawak nito sa kanang kamay habang sa kaliwa naman ay puting espadang nagliliwanag.
Napangiti si Mephisto. "Ah. The demon's secret technique, Soul Fusion."
Nag-angat ng tingin ang babae. Isang kakaibang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Napadako ang tingin ni Mephisto sa mga mata nito. Magkaibang kulay, isang pula at isang dilaw. At ang aura na lumalabas ngayon sa taong kaharap niya, nag-aagaw ang puti at itim na bumabalot dito.
Ang mga ito ay patunay lamang na nagsanib ang dalawang tao sa iisang katawan. Ito ang kapangyarihan ng Soul Fusion, nagagawa nitong pag-isahin ang dalawang tao, pati na rin ang kanilang kapangyarihang taglay para makabuo ng isang napakalakas at delikadong armas.
Hindi na mai-alis pa ni Mephisto ang ngiti sa mga labi. Alam niyang magiging maganda ang labanang ito.
Isang anghel laban sa isang demonyo. Ang taong huling nakatayo ang siyang mananalo.
Nagsimula na ang huling laban para sa ikalawang digmaan.
Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang dalawa at sumugod sa isa't isa. Naging mabilis ang kanilang kilos, sinusubukan umatake at depensahan ang sarili. Para silang mga liwanag at dilim na nag-aagaw sa kalangitan, sumasayaw sa ritmong sila lamang ang nakakaintindi.
Magkasing-lakas ang dalawa, mahirap hulaan kung sino ang nakalalamang. Balanse na para bang yin at yang ang mga ito. Pero alam nila na sa huli, mayroong mauubusan ng oras, ng kapangyarihan. At bago pa man mangyari iyon sa kanilang sarili, kailangan na nilang matalo ang kanilang kalaban para sa minimithing inaasam.
Nawalan na ng kontrol si Skye sa sarili. Kusa nang gumagalaw ang katawan niya na para bang may sarili itong buhay. Ilang minuto pa lang ang nakalilipas nang ipagsanib niya sa sariling katawan si Tabitha gamit ang Soul Fusion. Hindi niya aakalaing ganito kalakas ang taglay nitong kapangyarihan. Kahit na halos nakuha na ni Mephisto ang ibang piraso ng dyamante, para bang wala man lang itong epekto sa inilalabas na kapangyarihan ng Zephyr Stone.
Ramdam na ramdam ni Skye ang pagdaloy ng kakaibang sensasyon sa buo niyang katawan. Ngayon lang niya naranasan ito, na umaapaw ang kapangyarihang namumuo sa kanyang loob. Alam ni Skye sa sarili na naabot niya na ang kanyang limitasyon nang dahil sa labanang naganap kanina, pero ngayong nasa loob niya ang Zephyr Stone at nararamdaman niya ang abilidad ni Tabitha sa pagpapagaling, parang bagong replenish ang kanyang kakayahan.
Ngunit gaano man ito kalakas ngayon, siguradong bigla-bigla na lang itong mawawala. Iisang plano na lang ang tumatakbo sa isip niya. At umaasa si Skye na ito ang tatapos sa digmaang nagaganap. Sa pamamagitan nito, maililigtas niya ang mga kaibigan, pati na rin si Tabitha. Mapro-protektahan niya ang mundong pinangangalagaan ng kanyang lolo at mapipigilan ang pagkabuhay ni Phelestien pati na rin ang iba pang plano ni Mephisto. Sa madaling salita, maililigtas niya ang mga taong mahahalaga sa kanya.
Walang kasiguraduhan kung kakayanin pa ba ito ng kanyang katawan sa oras na gamitin niya ang tunay na kakayahan ng isang demonyo. Walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa siya matapos ang lahat ng ito.
Mahigpit na hinawakan ni Skye ang kanyang scythe. Alam niyang isa siya sa mga dahilan kung bakit umabot ang digmaan sa ganito, at pinagsisisihan niya ang desisyong sumanib siya sa Sirenade. Gusto niyang itama ang lahat. Gusto niyang makabawi. At kung iyon lang ang natatanging paraan, gagawin niya.
Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Skye. Muli niyang kinontrol ang sarili, kasama na rin ang Zephyr Stone na nasa loob niya. Inihiwa niya ang scythe papunta kay Mephisto, na sinundan naman ng Seif na hawak niya sa kabilang kamay. Pinabilis niya ang mga galaw, dinoble ang lakas. Sunod-sunod ang pagtira, walang panahon at lugar pa para sa pagkakamali.
Tatapusin niya na ito ngayon din.
Sumeryoso ang mukha ni Mephisto. Nagkaroon ng kakaibang lakas ang kanyang kaharap. Hindi niya na halos mahabol ang ikinikilos nito. Nagsisimula na siyang mataranta, ramdam niya ang intensidad ng kapangyarihang lumalabas sa dalaga. Nagtataka siya kung bakit palaki ng palaki ang agwat ng lakas ng kanilang kapangyarihang gayong parehas lang nilang ginagamit ang dyamante. Hindi niya maintindihan ngunit kailangan niyang makaisip ng paraan para mapigilan ang paglakas ng kaharap.
Huli na bago pa makaisip si Mephisto. Matapos ang sunod-sunod na malalakas na pag-atake ni Skye, bahagya itong lumayo at iniikot ang scythe. Isang itim na aura ang bumabalot dito, hanggang sa unti-unti itong nabuo at nagmistulang black hole na nasa itaas.
Pinakawalan ito ni Skye papunta kay Mephisto. Sinubukan itong salagin ng kalaban gamit ang mala-anghel nitong pakpak. Itinaas naman ni Skye ang Seif at doon naman inipon ang lakas bago inihagis diretso sa mga pakpak ni Mephisto.
Nagmistulang basag na crystal ang puti at elegante nitong mga pakpak. Nagkapira-piraso ito at nahulog sa baba, kasama ang katawan ni Mephisto na duguan dahil sa pagkabasag ng kanyang mga pakpak.
Bumaba si Skye sa ere at lumapag sa lupa. Muli niyang ipinalibot ang itim na pakpak sa katawan.
Oras na para isagawa niya ang huling alas.
Ilang segundo ang lumipas at tuluyan nang nagkahiwalay ang katawan nila ni Tabitha. Sinigurado ni Skye na naiwan ang Zephyr Stone sa kanyang katawan. Ngayong wala na si Tabitha na kumokontrol dito, lalong nabigla si Skye sa lakas ng kapangyarihang dumadaloy sa kanya. Nawawala na siya sa kanyang sarili.
Kailangan niyang makontrol ito. Kahit ilang minuto lang.
"M-ms. Skye.." mahinang sambit ni Tabitha na nakahiga at nakapikit.
"Hey," hinaplos ni Skye ang buhok ng kaibigan. "I'm right here."
"T-tapos na ba?"
Tinitigan ni Skye ang kaibigan. Bukod sa kanyang pamilya, ito at si Sebby lang ang kasa-kasama niya sa buhay bago pa man sila pumasok sa Academy. Silang dalawa ang pinagkakatiwalaan niya.
Si Tabitha, kahit ilang beses niya itong itinutulak palayo, mas pinili pa rin nitong manatili sa tabi niya. Na kahit magkaibang-magkaiba ang mundong kanilang ginagalawan, na kahit magkaiba ang kanilang personalidad, hindi imposibleng mabuo ang salitang pagkakaibigan.
"Almost."
Masaya si Skye na ang isang tulad niyang demonyong kinatatakutan ay nakahanap ng tunay na mga kaibigan. Sila, pati na rin ang pinapangarap na mundo ng kanyang pamilya, ang naging rason na kanyang pinanghahawakan para lumaban. Sila ang mga dahilan kung bakit pa siya hindi bumibitaw.
Muling bumalik ang atensyon ni Skye kay Tabitha. Naghahabol ito ng hininga, at hindi na halos makagalaw pa sa sariling pwesto. Alam niyang nararamdaman na nito ang sobrang pagod at sakit ngayon wala na ang Zephyr Stone sa kanyang katawan. Nananatiling nakapikit ang mga mata nito, ngunit sinusubukan nitong magsalita at gawin ang lahat para samahan siya hanggang dulo.
Kinuha ni Skye ang kanyang scythe at pinaliit ito na para bang isang pendant ng kwintas. Isinilid niya ito sa mga kamay ni Tabitha.
"Hey, can you still hear me?" bulong niya sa kaibigan. Bahagya naman itong tumango.
"Take care of it for me, okay?" tinapik niya ang kamay nito na hawak ang kanyang scythe. "And my chocolates, lollipops and gummy bears. You're free to have it all."
"Ms. Skye… saan ka pupunta?"
Hindi niya pinansin ang tanong nito. "Just make sure you don't get toothache from eating all of it."
Sinubukang maigalaw ni Tabitha ang isang kamay at mahigpit na hinawakan ang nakapatong na kamay ng kanyang amo. Hindi niya maintindihan ang gustong iparating ni Skye. Para bang... namamaalam na ito at ipinapaubaya sa kanya ang mga bagay na pinapahalagahan nito.
Ayaw niyang pakawalan si Skye. Gustong-gusto niya itong pigilan sa kung ano man ang tumatakbo sa kanyang isip, pero wala na siyang sapat na lakas. Hindi niya na halos maigalaw ang buong katawan.
Naalarma siya nang dahan-dahang binawi ni Skye ang kamay at naramdaman niya ang pag-alis nito sa kanyang tabi.Sinubukan niyang tawagin ito, ngunit walang sagot ang kanyang naririnig.
Hinanap ni Skye si Mephisto na bumagsak sa kung saan. Sinundan niya ang nagkalat na pira-piraso nitong pakpak. Hindi inalintana ni Skye ang matutulis na bagay na dumadaplis sa kanyang mga paa. Nakatuon lang ang atensyon niya sa duguang anghel na nakahiga sa kalayuan.
Nilapitan niya ito. Nakatulala lang ito sa kisame, bago nalipat ang tingin nito sa kanya.
"You've reach your limit too?" tanong nito sa kanya.
"Fuck you."
Tumawa si Mephisto. "You just don't know how to respect me, do you? I am still a member of the higher council."
Itinaas nito ang badge na naka-pin sa kanyang damit.
"Oh? Then with all due respect, Sir, fuck you."
Ngumiti si Mephisto na para bang aliw na aliw siya na dalagang nakatayo sa gilid niya. Ito na lang ang natitirang survivor ng mga Einzbern, ang natitirang kadugo ni Gabriel. Isa ito sa mga susi para mabuhay si Phelestien, dahil kailangan nito ang dugo ng isang tunay na demonyo.
Hindi na maitatago pa ang kasiyahan sa mga ngiti ni Mephisto. Alam niyang wala nang sapat na lakas si Skye para patayin siya nito ngayon. Wala nang makakapigil sa kanya, sa mga pinapangarap niya.
Dahan-dahan niyang inabot ang isang basag na piraso ng kanyang pakpak. Sa isang iglap, nagbago ito ng anyo at naging maliit na espada. Napangiti siya.
Nagsimulang magbago ng anyo ang iba pang piraso ng kanyang pakpak. Iba't ibang disenyo ng espada, at unti-unti itong lumutang sa ere. Lahat ito ay tumutok sa babaeng nakatayo sa gilid niya at hindi na siya nagdalawang-isip pa para patamaan ito.
Ito ang kapangyarihan ng pakpak ng isang anghel.
Nagawang ipalibot ni Skye ang itim na pakpak sa sarili at ito ang sumalo sa lahat ng armas na tumama sa kanya. Nakagat niya ang ibabang labi sa sakit, ngunit pinigilan niyang sumigaw. Alam niyang magmimistula itong musika sa pandinig ni Mephisto at ayaw niyang mangyari iyon.
"Oh? You're risking your life, dearest devil. Do you badly want to go back to where you came from?" tumawa si Mephisto. "Say hi to Satan for me."
Ang kanilang itim na pakpak ang pinaka-importante sa kanilang mga demonyo. Hindi katulad ng mga anghel, oras na masira ang kanilang pakpak, tapos na ang lahat para sa kanila.
"Why don't you greet him personally?" Inilabas ni Skye ang huling alas niya. Binuksan niya ang libro na iniwan ng kanyang namayapang lolo at doon ibinuhos ang natitirang lakas.
Isang magic circle ang gumuhit sa kanilang kinatatayuan. Kumuha si Skye ng isang itim na feather sa kanyang pakpak, pinatuluan ito ng dugo at inihulog sa sentro ng magic circle. Sinundan ito ng spell na nakasulat sa libro.
Ito ang isa sa pinakamalalakas na technique ng isang demonyo. Kaya nitong ipatapon ng buhay ang isang napakalakas na halimaw sa pinaka-ilalim ng impyerno at hindi na muling makababalik pa. Sa oras na makumpleto ang magic circle, ito ang magsisilbing daanan nila papunta sa impyerno.
Ngunit kapalit nito ay isang sakripisyo ng buhay, sapagkat ang taong ito ang mismong magdadala sa kanyang kalaban sa impyerno at katulad ng kasasapitan nito, ay mangyayari rin sa kanya.
"W-what are you doing? You can't possibly--"
Isa-isang nagliwanag ang mga linya sa magic circle. Mabilis na nagpapalit-palit ng kulay ang mga mata ni Skye, isang sign na hindi na kinakaya ng kanyang katawan ang kapangyarihang lumalabas.
Hindi na niya makontrol pa ang sarili. Inilalabas niya na ang halimaw na matagal nang natutulog sa kailaliman ng kanyang sarili.
Nagawang maimulat ni Tabitha ang mga mata. Kakaiba ang pakiramdam niya, ng buong kwarto. Ramdam na ramdam dito ang kakaibang lakas ng kapangyarihan. Dahan-dahan siyang tumingin sa kabilang dulo ng kwarto. Malabo ang kanyang paningin pero sigurado siyang ang nakatayo doon ay ang kanyang amo.
Hindi na napigilan pa ni Tabitha ang pagtulo ng kanyang mga luha. Naririnig niya hanggang dito ang sigaw ng kanyang amo, na para bang isang demonyo ang lumalabas dito. Unti-unti na rin nagbabago ang itim na pakpak nito, palaki ng palaki, at hindi katulad ng kanina na malambot at banayad na haplos, nakakatakot na itong tignan, lapitan.
Humaba ang mga kuko ni Skye sa kamay, tumutulis ang kanyang tainga na para bang isang engkanto. Ang kanyang puting buhok ay nagiging itim. Tumutubo ang sungay sa kanyang ulo, pati na rin ang buntot ng isang demonyo.
Ito ang tunay na kapangyarihan ni Skye. Isang napakalakas na kapangyarihan kung saan maaari niyang ikamatay. Ang naging dahilan kung bakit kinuha siya ng mag-asawang Einzbern para bantayan ang kanyang amo, kung bakit nabuo ang kwintas.
Mabubuo na ang pagliwanag ng magic circle. Napansin ni Tabitha ang mga kadenang nakapalibot kay Mephisto. Nag-aapoy ito, at nanggaling sa ilalim, sa impyerno.
"Ms. Skye…"
Humarap sa kanya ang amo. Wala na ang pulang mga mata nito at napalitan ng kakaibang kulay.
Gustong magsalita ni Tabitha. Gusto niyang pigilan ang kaibigan ngunit walang boses ang lumalabas sa bibig niya. Sa halip, sinubukan niyang umiling, sa pagbabaka-sakaling mapipigilan nito ang binabalak ni Skye.
Ngunit sa pagkakataong 'yon, ngumiti sakanya ang kaibigan. Isang ngiti na alam niyang kahit kailan ay hindi niya na masisilayan pang muli.
"Ms. Skye..."
Sa huling pagkakataon, nasilayan ni Tabitha ang mukha ng kaibigan, bago manlabo ang kanyang paningin at tuluyang pumikit ang kanyang mga mata.
~
Kyamii: Kalma guys. Tinatype ko pa yung Epilogue. Post ko rin mamaya. I do not own the video right there, I just love the piece she's playing. Credits to the owner.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top