The Other Dimension
Chapter 38
The Other Dimension
Tabitha’s POV
Hindi na natuloy ang 2nd training namin kay Ms. Skye dahil pinatawag siya ni Sir Lyre Alastair, ang head ng vampire clan at ang tatay nina Eros at Ace. Umalis siya agad kaya kami-kami na lang nina Ayame, Jenkyl, Sebby at Xander ang nag-train. Nagpapahinga naman ang apat na hari.
“Good work guys. Konting teamwork and synchronization pa, mas lalakas tayo,” sabi ni Jenkyl habang inaayos ang pana niya.
“Mga atiii~ dito tayo dalii~!,” nilayo kami ni Sebby mula kina Ayame at Xander. “Lovey dovey sila ano po?”
Napailing na lang ako. “Palibhasa wala kang lovelife eh.”
Siniko ako ni Jenkyl. “Meron yan. Si Princess Kaguya, remember?” Natawa kaming dalawa samantalang pinandidilatan kami ni Sebby.
“Oh eh kayo? Meron? Mga charotera kayo. Makalayas at nasasayang ang beauty ko,” nagwalk-out si Sebby at tumawa na lang kami ni Jenkyl. Mas masaya sana kung nandito si Ms. Skye.
Lumabas na lang kami at iniwan sina Ayame at Xander para makapagsolo sila. Habang naglalakad papunta sa kwarto, kinwento ko kay Jenkyl yung kilig moments nila Ayame at Xander nung bata pa sila.
“Meron pang isang beses, inutusan si Ayame na manguha ng prutas. Eh hindi ko alam kung saang lupalop nanguha yung babaeng yun kaya inabot ng gabi. Tapos umulan pa ng malakas, kaya ayun si Xander, sumugod sa ulan at hinanap si Ayame. Susugod na nga lang lahat-lahat, wala pang dalang payong. Ayun, umuwi silang kinabukasan na may sakit. Pero magkasama sila.”
Nagpahinga kami ni Jenkyl sa kwarto at maya-maya, tinawag na kami ni Princess Sebby para sa merienda. Tsaka may announcement daw si Secretary Reodica.
“Oh kamusta na kayo? Recover na ba?,” tanong ni President Jenkyl sa apat na hari nang makarating kami sa sala.
Nagsitanguan lang sila. Mukhang hanggang ngayon, hindi pa rin sila nagkakasundong apat, lalo na sina Ace at Eros.
“Oo nga pala Jenkyl, may ginawa akong device para sayo. Gusto ko sanang i-check mo mamaya,” sabi ni Ayame. Siguro yun yung pinagkakaabalahan niya nitong mga nakaraang araw. Naaabutan ko kasi siyang late nang natutulog. “Pati rin sayo Princess Sebby at Tabby.”
“Cookies everyone! Kainan naaa~” nilapag ni Rai yung dalawang platong punung-puno ng cookies sa table. “Pababa na rin si Secretary. Sa ngayon i-enjoy niyo muna yan. Gagawa lang ako ng juice.”
Natahimik kami habang kumakain ng cookies. Di ko alam na masarap pa lang magbake si Rai ng ganito.
Si Rai nga pala, isang nerdy type chic na pag tinanggal mo yung glasses, hindi mo aakalaing nerd pala. Cosplayer sa human world at madalas na tinatawag na barbie-look alike doon. Hindi kami masyadong close kasi palagi na lang siyang wala sa klase. Palaging kasama ni Secretary Reodica.
Maya-maya, bumaba si Secretary Reodica at seryosong umupo sa harap naming lahat.
“Your second trainer would be here by now, in 10 seconds..” nagcountdown siya habang nakatingin sa orasan. Second trainer? Eto ata yung sinasabi niya saming magtuturo sa pagcontrol ng kapangyarihan.
Biglang nabasag ang malaking glass window at isang lumilipad na kung anong bagay ang pumasok sa loob. Napatayo kaming lahat at naglabas ng sandata.
“Sorry. I broke it,” balewalang sabi nito habang nagpapagpag ng bubog sa damit niya. Batay sa boses niya, isang babae ito na nakatago sa asul na maskarang hinulma sa isang apoy. May suot-suot siyang itim na cloak kaya hindi namin siya masyadong maaninag pero kung titignan pa lang, mukhang maganda yung babae.
Lumapit sakanya si Secretary Reodica at pinakilala siya samin. “Azure of the other dimension. Rebel princess of Sirius Empire from Stella World. She’s a participant in the Stella Royal Games and she also needs this training with you guys. So I hope you have a nice time, right Azure?”
“Damn right.”
“Kyaaa~ it’s Azure! OMG!,” kinamayan siya ni Rai. “I’ve heard so much about you from Commander Kyamii and I love your powers. Type ko rin ang tag-team niyo ni Blizz~ Kyaa~ kinikilig ako!”
Napaface palm na lang si Azure. “Don’t even mention that bastard’s name.”
“Enough with the chitchat girls. Let’s have your training,” naglakad na si Secretary Reodica papunta sa battle ground.
“Since Zeke, Eros, Ace and Terrence are not yet fully recovered, I’ll have the second team train with Azure, are you okay with that?,” tumingin samin si Secretary.
“It’s our honor,” sagot naman ni Xander kaya’t napatango na lang kami. Tutal, ramdam kong mate-train kami ng husto dahil nararamdaman ko na ang malakas na aura ni Miss Azure.
“For the kings, I want you to watch closely because you’re next after their training. Try to learn her weakness,” hamon naman niya sa apat na hari.
Nakarating na kami sa battleground at iniwan na kami nina Secretary doon. Nasa bleachers naman ang apat na hari.
“Let’s see,” nagpalakad-lakad si Azure sa battle ground habang nag-iisip. “Damn. I forgot your training. Let’s just play instead.”
“Play?,” nagtatakang tanong ni Jenkyl. Bumulong naman sakin si Sebby, “she’s one hell of a princess, isn’t she? Makakalimutin.”
“Yeah. Pero malakas siya, Princess Sebby. Tsaka mukhang maganda.”
“Ang mysterious niyang tignan. Gusto ko tuloy makita kung anong nasa likod ng maskara niya,” sabi naman ni Ayame.
"Aynako. Mas maganda ako dyan," irap ni Sebby. Push niya.
“The game’s simple,” napatingin kami kay Azure. “You’re the mouse. I’m the cat. Dodge my attacks then get your cheese within 5 minutes.” Naglabas siya ng isang potion na may label na ‘cheese’ kuno. “Magagamit niyo rin tong potion sa digmaan. Created by my wizard friend. It would be yours if you have it.”
“Let’s start shall we?,” nagset na ng forcefield sa battleground si Jenkyl.
“Just stick to the plan and we would beat her,” paalala naman ni Xander. “Teamwork.”
Nanatiling nakatayo si Azure sa tapat namin. Tinanguan ko na sina Ayame para simulan ang operation: Catch the Cheese.
Katulad ng napagplanuhan, nanatili lang ako sa likod at magiging healer and power supporter ng apat. Sina Jenkyl, Ayame at Xander ang attacker samantalang si Sebby ang defender. Ginawa nila ang unang synchronization na napagplanuhan.
Nagsummon si Xander ng dalawang werewolf at hinayaan itong sugurin si Azure na hanggang ngayo’y nakatayo pa din. Nang makalapit ang dalawang werewolf, walang-ganang sinipa lang ito ni Azure at pinalipad sa ere.
“Jenkyl!,” sigaw ni Ayame sabay pindot sa flame thrower niya. Inasinta naman ito ni Jenkyl at nagpakawala ng maraming pana, dahilan upang maging flaming arrows ang tatama kay Azure.
“Tabby! Now na,” pagpapaalala sakin ni Sebby. Tinanguan ko siya at tinapat ang dalawang kamay ko sa mga panang nag-aapoy.
More power. More power. Sa isang iglap, mas dumoble ang lakas ng apoy sa pana at bumilis ito. Pero parang balewala lang kay Azure ang mga nangyayari. Nakangiti pa siya ng nakakatakot.
Nag-chant na rin ng spell si Sebby at nahawakan si Azure sa lugar niya gamit ang mga vines at halaman. Ngayon, wala na siyang kawala.
“One thing you should learn,” sabi ni Azure at ngumiti nanaman siya. “Know the enemy.”
Tumama ang mga pana sakanya, sunod-sunod ang mga ito hanggang sa nagsimula nang kumalat sa katawan niya ang apoy. Hindi siya gumalaw.
“Get the cheese!,” sigaw ni Jenkyl kaya’t nagsummon si Xander ng isang leon at mabilis itong tumakbo papalapit kay Azure.
Dadakmain na sana ito ng leon nang bigla itong magliyab.
“You know what,” sabi ni Azure habang tinatanggal lang ang mga panang nakatusok sakanya at ginagawa itong abo. “I control the fire. How are you going to kill me with that?”
Pinalibutan ni Azure ang buong battleground ng apoy. “Give me your best shot.”
Magandang description sa scene?
Umuulan ng apoy.
Nasira ang plano namin at nawala ang teamwork. Lahat kami iniiwasan ang bolang apoy na nanggagaling kung saan-saang parte ng battleground. Parang napunta kami sa araw at iniiwasan ang init nito.
She made the battleground like a living hell.
“Stand your ground! Counter-attack!” sigaw ni Jenkyl.
“Tubig! Kailangan natin ng tubig!” mukhang narinig nila ako kaya gumawa ng mabilisang device si Ayame.
Kung may flame thrower siya kanina, ngayon.. may higanteng watergun na siya.
Gumawa ulit ng spell si Sebby at nagsimula nang mamuo ng ulap sa taas ng battleground. Maya-maya, nagsimula nang pumatak ng ulan.
Tinaas ko ulit ang dalawang kamay ko at nagconcentrate sa kanila. “Replenish.”
Lalong lumakas ang ulan pati na rin ang buhos ng tubig sa watergun ni Ayame.
Nakita kong nagkatanguan sina Xander at Jenkyl kaya sabay silang sumugod kay Azure na noo’y busy sa pagcocontrol ng apoy.
Kapag pinatagal pa namin to, baka tuluyan na kaming matusta sa apoy.
Tinapat ko kina Jenkyl at Xander ang kamay ko at doon nagconcentrate sa pagpapalakas ng kapangyarihan nila.
Unti-unting nagkaroon ng malaking figure sa harap ni Xander at isang malaking dragon ang namuo.
"Fang of the night, awaken!" Ilang daang mga pana ang tumira kay Azure. Kasabay nito ang Dragon na kinokontrol ni Xander.
Isa-isa itong sinunog ni Azure. Sa tingin ko, pinipigilan niya lang ang sarili niya na maglabas ng kapangyarihan. Sinubukan niyang talunan ang mga ito at sinipa-sipa ang dragon.
Lalong lumakas ang apoy sa paligid namin. Parang nasusuffocate na nga ako sa sobrang init.
"We can do it! Xander, the cheese!," sigaw ni Jenkyl. Umatake ulit ang dragon and Xander grabbed the chance to steal the cheese habang nakaback-up naman sakanya si Jenkyl.
"Replenish!" lalong bumilis si Xander nang pinalakas ko ang kapangyarihan niya. Makukuha niya na sana kaso..
Biglang tumunog ang relo ni Azure at nawala ang apoy. Napatigil tuloy kami.
"Time's up. You failed," diretsong sabi ni Azure. "But I see your determination, teamwork and abilities. Your desire to win and that's all that matters. You passed my training."
Hindi man namin nakuha ang potion, at least nakasurvive sa training at nakapasa pa kami.
"Nice job team," Nagthumbs up si Jenkyl.
"Best training that I have," kumento naman ni Xander.
"Naloka ang beauty ko," irap ni Sebby. "Sige na, maganda ka na. Pero mas maganda ako." Tumawa naman kami.
Lumapit sakin si Ayame. "Okay ka lang?"
Nginitian ko siya. "Mm. Parang feeling ko lumakas ako."
Hindi lang yon, feeling ko mas tumatag yung bonding namin. Yung teamwork.
Hinatid muna namin si Azure sa living room at nakipagkwentuhan habang nagpapahinga siya para sa next battle laban naman sa apat na hari.
"Prinsesa ka? I mean as in?," tanong ni Sebby at tumango naman si Azure.
"May nabanggit si Secretary na training mo rin daw para sa anong games yun?," tanong ni Ayame.
"Stella Royal Games," si Xander ang sumagot.
"Ahh~ yes. Training for that. You see, in the past few years masyadong nadedegrade ang kingdom namin for losing the last Stella Royal Games. Kaya I joined to bring it back to the top."
Nagkwento pa si Azure. May kuya siyang prinsipe na hindi marunong makipaglaban. Kabaligtaran naman niya na palaging nasasabak sa gulo. Siya din ay isang shadow sa underground. Yung tipong gangster kumbaga sa world nila. Hindi sila nagkakasundo ng tatay niya and tinuturing siyang black sheep of the family dahil pasaway siya.
"Anong magagawa ko? I crave for adventure. Ayoko lang maging prinsesa. I want to enjoy the world."
Pagkatapos daw ng training na to. Babalik na siya para sa simula ng Stella Royal. And she'll make sure to bring what's lost to her kingdom.
"I need to go. Naeexcite akong kalabanin ang mga hari niyo. I want to know what power they have."
Bumalik kaming battleground at nandun na rin ang apat. Pumasok na si Azure at naupo naman kami sa bleachers.
"So here's the game," Azure grinned. "Extinguish my fire."
Then the battleground turns blue.
~~~**~~~
AN: Merry Christmas everyone. Sorry for the lame update. Nawawalan na talaga ako ng pag-asa dito XD anyway, I hope you and your family are enjoying this day. Spread the love.
Kilalanin niyo si Azure. The mischievous princess of Sirius Empire. Try checking it out if you want. Stella Royal Games. I'm sure you'll like it as much as I do. Patikim pa lang yung nasa taas. XD
So yeah, para-paraan ng plug. Merry Christmas guys! God bless.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top