The Master

Chapter 46

The Master

Tabitha's POV

"O-oy Zeke."

Nanatili lang siyang nakahiga doon at walang-malay. Halos mawalan na siya ng kulay sa sobrang lamig ng temperatura niya. Naalarma ako nang hinawakan ko ang pulso niya at maramdamang mahina ang pagtibok dito. Ganito ba epekto ng ressurection process? Agad-agad kong tinapat ang kamay ko sa dibdib niya at nagsimulang magsambit ng spell.

Nagulat na lang ako nang bigla siyang maghabol ng hininga matapos ang ilang minuto. Lalo kong nilakasan ang spell na ginamit ko sakanya.

"Zeke, naririnig mo ba ako?" maya-mayang tanong ko. Medyo naging normal na ang paghinga niya pero parang hirap na hirap pa rin siya.

Inayos ko siya ng upo at sinandal sa pader. Ang lamig-lamig pa rin niya, parang ilang oras siyang nakakulong sa loob ng yelo. Inilabas ko ang 'absolute ring' at isinilid ito sa daliri niya. Pinagpatuloy ko ang panggagamot sakanya gamit ang isang kamay ko.

Nilabas ko ang espadang binigay sa akin ni Lord Hales, ang light sword Seif. Naalala ko pa noong unang araw namin sa Monster Academy, ang light sword Seif ang magiging reward ng kung sino mang grupo ang makakatapos sa task na 'Catch the Falling Star'. Ang alam ko, natira ang grupo namin at grupo nina Zeke noon. Kaso hindi natuloy ang activity dahil sa lumabas na Ultimate.

Awtomatikong nagliwanag ang Seif at ito ang nagsilbing ilaw namin. Bumagsak kami ni Zeke sa kwartong ito na halos walang laman maliban sa iilang torches na nakadikit sa dingding. Mahina lang ang apoy na umiilaw dito kaya maraming parte sa kwarto ang hindi ko maaninag.

Wala na rin ang mga kasama ko kanina. Mukhang may binabalak na naman ang Sirenade at pinaghiwa-hiwalay kami.

Nag-iisip ako ng paraan kung paano kami makakaalis dito nang bigla akong hawakan ni Zeke sa kamay. Pakiramdam ko, parang may taong yelo ang humawak sa akin.

Sinubukan niyang hilahin yung kamay ko kaso mukhang naubusan siya ng lakas. Wala akong nagawa kundi lumapit sakanya.

"Zeke, anong nararamdaman mo? Anong masakit sa'yo?"

Hindi siya sumagot at nanatiling nakasandal sa pader. Naramdaman ko ulit yung paghila niya kaya lumapit ulit ako.

Bumitaw siya sa pagkakahawak sa akin at dahan-dahang itinaas ang kamay niya papunta sa likod ng ulo ko. Nabigla ako nang hinila niya ako papalapit lalo sakanya at ipinatong ang noo niya sa noo ko.

"Z-zeke."

Nagsalita siya kaso hindi ko masyadong naintindihan. Ang narinig ko lang, 'stay' 'temperature' at 'warm'.

Naghahanap ata siya ng pwedeng makapagpatanggal sa lamig niya.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nanatili sa ganoong pwesto. Hindi ko magawang gumalaw kahit na nangangawit na ako dahil parang komportableng-komportable siya.

Humiwalay lang ako nang bigla akong makarinig ng mga yabag.

"You made it here," walang emosyon niyang sabi.

"Skye."

Lumipat ang tingin niya mula sa akin papunta kay Zeke at pabalik sa akin.

"It has been a while, Tabitha."

Bigla kong hinawakan ang Seif nang lumabas ang scythe niya. Bigla akong nakakita ng parang glint sa mga mata niya nang makita ang hawak-hawak ko.

"Mm? It's pretty unusual to see you holding a deadly weapon," amused niyang sabi. "I remember how you used to be scared touching one, saying it might hurt the others around you. As far as I remember, you are afraid of them, right?"

"I was. Not anymore," madiin kong sagot.

Nag-nod si Ms. Skye na para bang inaaprubahan niya ang sinabi ko.

"Very well then," tinitigan niya ako. Nagliliwanag ang pula niyang mga mata sa dilim. "Entertain me."

Bigla ko na lang siyang namalayan sa likod ko kaya napaatras ako at sinalag ang scythe niya gamit ang Seif.

Hindi pa rin ako makapaniwala.

Aaminin ko, hanggang ngayon, umaasa pa rin akong mababalik sa dati ang lahat. Ang pagkakaibigan naming tatlo.

Pero mukhang malabo na.

Kung aatakihin niya ako ngayon, lalaban na ako sakanya.

~

Rai's POV

Enter the code..

Tinitigan ko lang ang mga pulang letra na bumungad sa screen ko. Napatingin ako sa timer na nasa gilid ng computer ko, 23 minutes na lang.

Twenty three minutes na lang ang natitira pero hindi ko pa rin mabuksan itong pinapagawa sa akin.

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Is everything alright?" narinig kong tanong ni Lord Hales.

Humarap ako sakanya at tumungo bilang pagbibigay galang. "Yes, my Lord."

Si Lord Hales. Hindi ko inaasahan ang pagbisita niya kani-kanina lang. Pumunta siya dito kasama si Secretary Reodica at si Mrs. Dammon. Natapos na nilang i-decipher ang mga nakasulat sa journal na iniwan ng namayapang lolo ni Skye na si Gabriel Lucci von Einzbern. Ayon kay Secretary Reodica, maaaring mayroon daw na nakasulat dito ang makakatulong upang mapigilan ang saka-sakaling pagkabuhay ni Phelestien.

Sa ngayon, papunta na sina Secretary at Mrs. Dammon sa Sirenade Castle upang hanapin si Skye at ibigay ang journal na ito.

Naiwan naman si Lord Hales dito upang makita ang nangyayari sa labanan sa labas ng palasyo. Kasama ng pagdating nila dito ang huling grupo ng mandirigma, pati na rin ang iilan pang natitira sa Council.

Nakasuporta naman sa kanila si Lord Hales mula dito sa computer room. Kung paano niya nailalabas ang kapangyarihan niya mula rito, hindi ko alam.

Tumutok ulit ako sa screen at nagsimula ulit sa first process. Back to square one. Ang hirap makapasok lalo na kapag sobrang bantay-sarado ang system.

System hacking. Iyan ang trabahong ipinapagawa sa akin ngayon ni Lord Hales. Mayroon siyang binigay sa akin na maliit na microchip na ipinadala sakanya mismo ng Master ng Sirenade Empire. Sa microchip na ito ay may isang puzzle na kailangan i-decode para magkaroon kami ng access sa computer sa loob ng Sirenade.

Nakakapagtaka, diba? Bakit naman magbibigay ang Master ng kalaban ng access sa computer nila?

Pwedeng isang patibong lang pala ang microchip na ito, na kapag nadecode na namin ang puzzle, eh sumabog. Pwedeng may masamang mangyari sa amin once na nabuksan na 'to.

Pero sabi ni Lord Hales, isa itong regalo.

Hindi ko maintindihan noong una. Bakit niya pinagkakatiwalaan ang kalaban namin? Ang taong gustong magpatumba sa kanya?

Sabi sa akin ni Secretary, maaaring ito lang ang makakatulong sa amin upang malaman namin ang nangyayari sa mga kaibigan kong nasa loob ng Sirenade.

Nawalan ako ng koneksyon sakanila nang dahil sa hindi malamang dahilan. At kahit anong gawin kong ayos dito, parang tuluyan nang nasira ang mga camera at microphone na kinabit ko sakanila.

Pero kung makaka-access kami sa computer sa loob ng Sirenade, maaaring magkaroon ulit kami ng koneksyon sa kanila.

Nakakonekta kasi sa computer ng Sirenade ang iba't ibang camera na naka-implant sa mga lugar na nandoon sila. Sa madaling salita, mapapanood namin kung ano ang nangyayari sa kanila.

Nineteen minutes left.

Hindi ko na siguro mabilang kung nakailang ulit na ako sa pagdedecode. Konting oras na lang ang natitira sa akin.

Sa ngayon, si Lord Hales muna ang pumalit sa akin sa trabaho kong magbigay ng instructions sa libo-libong sundalo nakikipaglaban ngayon. Maliban doon, nagpapalabas din siya ng kapangyarihan niya mula dito sa computer room para sa suporta sa mga kakampi namin sa labas.

Pero kahit ganoon, kahit anong pagpapalabas namin ng kapangyarihan, kahit na nasa labas na ang halos karamihan sa Council, patuloy pa rin sa pag-advance ang mga kalaban.

Di hamak na mas nangingibabaw ang dobleng bilang nila kaysa sa lakas namin.

Ini-enter ko ulit ang sumunod na code pero ganoon pa rin ang lumabas. Mali pa rin ang pagkakadecode ko.

Hindi ko maintondihan kung alin ba sa ginagawa ko ang mali. Kung nandito lang sana sina mama at papa..

"Clear your mind. Focus on what you have in front and do not mind everything else around you. Understand why is it built like that. That is when you'll realize how things work their way," parang narinig ko ang boses ni papa. Iyan ang palagi niyang sinasabi sa akin noong bata pa lang ako at nagsisimula pa lang sa ganitong trabaho.

Tama siya. Kung patuloy kong iniisip ang mga iba ko pang problema, magugulo lang ang lahat, pati ang isip ko. Hindi ko maiintindihan ang ginagawa ko. Wala akong mareresolba at wala akong matatapos.

Clear. Focus. Understand. Three things I need to do.

Pinikit ko ang mata ko at tinanggal ang lahat ng mga iniisip ko ngayon. Wala akong ibang iintindihin kundi ang nasa harap ko.

Three.. two.. one..

Hinarap ko ulit ang screen at tinignan ang puzzle sa ibang anggulo. I need to understand this thing, how it works.

Kung ako ang gumawa ng puzzle na 'to, what would be my next move?

Nagsimula na ulit akong magtype at magdecode.

Nang pinindot ko ang enter button, iyon ulit ang lumabas. Mali na naman ako.

Back to square one. Focus, Rai. Focus.

Tinitigan ko ulit ang puzzle. There's something missing in this piece.. Something I couldn't understand. Something I should figure out.

Para akong tinamaan ng kidlat sa bagay na biglang pumasok sa isip ko. Bakit hindi ko iyon naisip noong una pa lang? Pero ang weird naman kasi.

Still.. it's my one and only chance.

Tumingin ako sa timer. Three minutes and twenty three seconds.

This is now or never.

Nagsimula akong magtipa at halos manginig-nginig ang kamay kong pindutin ang enter button.

I hope this works.

Processing.. Loading 3%

Yes!

I mean, wait. Hindi pa pala tapos. Crucial time. Three minutes na lang at nasa 3% pa lang ang loading.

Okay, kalma Rai. You can do this. Speed up. I'll speed it up.

Lumipat ako ng screen at ikinonekta ko ito doon sa kaninang ginagawa ko. Type ako ng type, using any ways to speed up the process.

Masyado akong na-absorb sa ginagawa ko at hindi ko na namalayang nagsimula nang mag-countdown ang timer.

C'mon! I can do this. I can make it in time.

Five.. Four.. Three..

Let's go Rai. You can do this!

Two.. One..

"Yes!"

Bigla akong napatayo at naisuntok ang kamay sa ere. Yes! Yes! I made it! I decoded it just in time!

Doon ko lang na-realize na nandoon rin pala sa loob si Lord Hales kaya parang gusto ko na lang lumubog sa kinatatayuan ko.

Huminga ako ng malalim at dahan-dahang humarap sakanya. "My Lord, I apologize--"

"It's alright. You are really their daughter. They used to have reactions like that everytime they accomplish their jobs."

Biglang nagkaroon ng ingay mula sa screen kung nasaan ang microchip kaya pinuntahan namin ito. Dito, may lumabas na anim na video screens, kung saan pinakita ang mga grupong pinadala doon.

Team One and Two!

Umupo ulit ako at bumalik sa pagta-type para ayusin ang video screens. Medyo malabo ito at hindi namin masyadong marinig.

Maya-maya, naging maayos naman ito at malinaw na nakita namin ang Team One and Two.

Nasa magkakaibang lugar sila, pero pare-parehas ng kwarto. Si Ayame, kasama si Xander. Si President Elei kay Ace, President Jenkyl kay Terrence, Yuuki at Neo, Tabitha at Zeke.

Pati si Sebby at Rai, kasama na nila si Princess Kaguya.

Isu-zoom in ko sana nang may isa pang video screen ang lumabas. Puti lang ito at may simbolong nakalagay sa gitna.

"Hmm? You decoded it right on time," isang boses ang narinig namin mula sa screen. "Greetings, Hales from your one and only fan. Do you appreciate my gift?"

"Whatever you have in mind, stop it this instant," kalmado ngunit ma-awtoridad na utos ni Lord Hales.

"Eh? Are you rushing things, my Lord?" humalakhak ang nasa kabilang linya. "The entertaining events will start in a matter of seconds. Don't you want to witness it?"

"I believe you should be prepared for your consenquences for disturbing peace and order."

"Ah.. calm down, My Lord. I am disappointed knowing that you are not thrilled for the surprises I made just for you. It is such a waste," muli siyang tumawa. "But then, you might change your mind once you see this."

Nangibabaw ang anim na screen kung nasaan ipinapakita ang mga kaibigan ko. Nakita ko kung gaano manlaki ang mga mata nila sa kanilang nakikita.

Sinubukan kong aninagin ang tinitignan nila sa harap. Mula sa dilim, unti-unting lumabas ang mga halimaw na hindi ko inaasahang makakaharap nila.

Dark Reapers.

Muling bumalik ang puting video screen kung saan may nagsasalita.

"Your thoughts, My Lord? It seems like your kids here have run into my warriors. Such sight, don't you think?"

"I command you to stop this right now--"

"There, there. The game has just started. Why don't we both enjoy this for now while we wait for the spectacular ending? Let's see.. will it be a tragic ending? Or a happy ending like most fairytales have?"

Nawala ang white screen at ipinakita doon ang isang lalaking nakaupo sa grand chair at may hawak-hawak na glass of wine.

"I think the perfect ending would be me taking over your throne as the ruler of this world. Brilliant, isn't it?" He grinned. "Long time no see."

"You will not succeed, I guarantee that."

"Very well then, if that is what you believe. I guess I'll see you soon, in your own funeral. Don't worry, I'll be willing to take care of that event."

Nawala na ang screen niya at nanatili ang anim na video screens kung saan kasalukuyan ngayong nakikipaglaban ang mga kaibigan ko.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Muli kong naalala ang mga sinabi ni Lord Hales kanina noong dumating sila.

"I know exactly what he is planning. He knows how to play his game and he will bring me down no matter what the situation is."

"I can't believe that my own son will turn his back against me. As his father, I will take the responsibility of his actions and I will do everything in my power to finish what he started."

"If he wants to bring me down, then I'll take him with me."

Sirenade Empire's master. The person behind this second world war is none other than Lord Hales' one and only son.

Mephisto.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top