The Late Enrollee
Chapter 17
The Late Enrollee
~~~**~~~
~Tabitha’s POV~
“Mabuti naman at gising ka na.” Unti-unting luminaw ang paningin ko. Nakita ko si Neo na nag-aayos ng mga prutas. Inalalayan niya akong makaupo pagkatapos ay bumalik na ulit siya sa pag-aayos ng mga prutas. Nasapo ko ulo ko.
Ugh. Ang sakit naman.
“Gusto mo bang ipagtalop kita ng mansanas?” Tumango ako. Pinagmasdan ko ang buong kwarto. Puro puti. Nasa clinic room pala kami. Napadako ang tingin ko sa wall clock sa loob. Alasnuebe na pala ng umaga. Sunday pala ngayon. Buti walang pasok. Napansin ko na may isang kama pa pala sa loob. Mahimbing na natutulog si Yuuki doon. Teka? Ano nga bang nangyari?
Lumapit si Neo sa higaan ko at inabot ang isang platitong puno ng hiwa-hiwang mansanas. Mukhang nabasa niya ang iniisip ko.
“Natagpuan ka na lang namin sa tree house na walang malay. Kaya dinala ka nanamin dito.” Pagsisimula niya. Umupo siya sa isang couch doon at binuksan ang isang laptop. Nagsimula siyang magtipa. Nilantakan ko na rin ang mansanas na binalatan niya.
“Anong nangyari sa mga kalaban?” maya-mayang tanong ko. Ang huli ko na lang natatandaan, yung babaeng nakahood na palaging sunod ng sunod saakin ay kinalaban yung may black cloak na lumulutang. Tapos may narinig akong kakaibang tunog. Tapos nawala yung kalaban at ipinatong nung babaeng nakahood yung kamay niya sa ulo ko.
“Ang totoo nyan. Hindi rin namin alam. Nataranta na lang kami ng nagsisigaw sa headphones si Ice na pinapaalis ka sa tree house. Pupuntahan ka namin dapat ni Yuuki kaso hinaharang kami ng mga kalaban. Sa kalagitnaan ng labanan, may biglang kakaibang tunog ang umalingawngaw sa buong lugar. Tapos yun, bigla na lang silang nawala. Ang daya nga e, matatalo na dapat namin sila.” Napabuntong-hininga na lang si Neo. Kung ganon, parehas lang pala ang nangyari sa amin.
“Anong nangyari kay Yuuki?”
“Wag kang mag-alala, wala namang masamang nangyari sa kanya. Napagod lang siya ng husto dahil sa dami ng kapangyarihang ginamit niya.”
Kumagat ako sa mansanas. Wala naman sigurong nasaktan.
“Sina Skye nga pala, nasa office ni Mrs. Dammon at nagrereport tungkol sa nangyari. Pabalik na rin sila dito.” Narinig kong sabi ni Neo. Patuloy lang akong kumain ng mansanas habang nagtitipa siya. Ang tahimik.
Awkwaaaard >.>
Napatingin ako sakanya. Seryosong-seryoso siya sa ginagawa niya. Ngayon ko lang napansin ang asul niyang mga mata. Parang kaparehas ng kay..Ice? O ako lang nakapansin non? Palagi kasi silang magkasama e.
Itinuon ko na lang ang pansin ko sa pagkain ng mansanas.
Maya-maya, biglang bumukas ang pinto at pumasok si Zeke at Ice.
“O asan yung dalawa?” tanong ni Neo na ang tinutukoy ay si Ace at Ms. Skye. Wag mong sabihing magkasama na naman sila.
“Sinamahan ni Ace si Skye pabalik sa dorm. May kukuhain ata.” Sumalampak sa tabi ni Neo si Ice at inusisa ang ginagawa nito. Ang Ace na yun. Pinopormahan niya ba si Ms. Skye?
Umupo si Zeke sa isa pang couch at natulog. Parang mga puyat sila na hindi lang halata kasi makukulit. Lalo na si Ice at Neo.
“Wahahaha! Level 8 ka lang pala e. Kalalaki mong tao level 8 lang kaya mo? Wahahaha.” Pang-aasar ni Ice.
“Ang kulit mo! Kakasimula ko pa nga lang sabi e!” naiinis na sabi ni Neo.
“Haha. Ang dami mong palusot. Weak ka lang talaga! Aminin mo na! HAHA. Level 8?! Bwahahaha pfft~!”
“Ang ingay mo Ice! Tigilan mo nga ako!”
“Weak Neo is Weak! HAHA!”
“Argh.”
“Wag ka na kasing maglaro ng Grand Chase kung ganyan ka ka-Weak. HAHA.”
“Shut up Ice.”
At patuloy po ang asaran. Bow.
Tumigil lang ang asaran nila ng bumukas ang pinto at pumasok sina Ace at Skye. May mga dala-dala silang lalagyan. Kinuha ni Ace ang hawak ni Skye at ipinatong iyon sa table sa loob ng clinic.
“Yun o! Breakfast.” Sabi ni Ice.
“Let’s eat. Darn I’m starving.” Walang sa mood na sabi ni Ace. Inayos ni Ice ang mga pagkain at ipinamahagi saamin. Saktong nagising na rin si Yuuki at agad na nilantakan ang pagkain na inabot sakanya ni Ice. Yuuki talaga e, basta pagkain ambilis. Lakas ng pang-amoy niya sa pagkain o. Nagising agad.
“Mrs. Dammon said that we will have a meeting with the council this Friday.” Sabi ni Ice. Nanatili lang kaming tahimik. Syempre kumakain e.
“We will meet the late enrollees tomorrow.” Nagulat kami sa sinabi ni Ms. Skye.
Late enrollees? Sino kaya sila?
~~~**~~~
MONDAY
Ngayon pala namin mamee-meet ang late enrollees no? Maugong nga ang usapan tungkol sa kanila kagabi sa dorm pagka-uwi namin galing sa clinic e. Sa lounge kasi kami nagdinner ni Yuuki. Doon din nagdi-dinner ang iba pa naming classmates na babae at rinig na rinig namin ang usapan nila tungkol sa bago naming mga kaklase. Hindi nga sila makapaniwala na pinayagan ng school na sa section namin makapasok ang mga iyon. Kapag late enrollee kasi, awtomatikong sa lower monster class iyon mapupunta. May tig-three sections sa Upper Monster Class at Lower Monster Class. Sa lowest section ng lower monster class dapat mapupunta ang mga late enrollees. Pero sa hindi malamang dahilan, binigyan ng special entrance test ang mga enrollees at nakapasa naman iyon kaya sa section namin sila mapupunta.
Sabay kaming pumasok ni Ms. Skye ng room. Dumiretso siya sa upuan niya na malapit sa may bintana. Katabi ko naman siya. Napatingin ako sa kabilang upuan. Bakante. Himala, na-late ata si Sebby.
“Depress pa rin ata si Onii-chan hanggang ngayon. Naibigay niya kasi yung isa sa mga make-up kit niya kay Shontelle e.” napaangat ang tingin ko kay Yuuki. Kararating lang pala niya. Inayos niya ang gamit niya sa upuan at umupo sa likod ko.
“Alam na nga pala ni Sebby no.” tumango siya. Naikwento na kasi ni Ice kay Sebby ang mga nangyari. Nagulat nga siya nung nalaman niya na si Ayesha, Shontelle at Nerd ang mga nandun. At ang loko, nag-iiyak. Andami niya daw kasing make-up kit na ipinamahagi sa dalawang babae. Sayang daw. Tama kayo, yung make-up kit yung iniiyakan niya.
Speaking of Sebby, pumasok na pala siya sa room. Walang imik na umupo sa upuan niya. Sigurado ako, mamaya magdradrama to.
Umayos kami ng upo ng dumating si Mrs. Dammon. Lumakas ang uggong tungkol sa bagong enrollees.
“Good morning class. As you all know, today you will meet your TWO new classmates.” Naputol ang sinasabi ni Mrs. Dammon ng isang faculty ang pumasok. May ibinulong siya sa adviser namin at umalis na rin. Inayos ni Mrs. Dammon ang salamin niya at hinarap ulit kami.
“Unfortunately, one of the new students has some things to do so she can’t attend our class today. Anyway class, meet the other enrollee.” Tumingin sa pinto si Mrs. Dammon. “Please come inside now.”
Bumukas ang pinto. Lahat kami naghihintay sa bagong papasok.
Isang babaeng may mahabang itim na buhok ang pumasok. Nakatungo siya. Lumapit siya sa tabi ni Mrs. Dammon.
“Please introduce yourself Miss.”
Unti-unti niyang inangat ang mukha niya. Captivating purple eyes.
Ang babaeng ito.
Siya yung nakahood na babae!
“I’m Ayame Erin Hitomi. 16 years old. Nice to meet you.” Nagbow siya. Parang si Yuuki, mahiyain din.
“You may sit infront of Mr. Steinway.” Itinuro ni Mrs. Dammon ang bakanteng upuan sa harap ni Sebby. Kung saan nakaupo si Ayesha dati.
Bago nagsimula sa lesson si Mrs. Dammon, inexplain niya sa buong klase ang tungkol kina Ayesha, Shontelle at Nerd. Hangga’t maaari ay iwasan na nila ang mga ito. Hindi ko alam pero bigla kong namiss sila Shontelle. Kahit saglit lang kaming nagkasama, masaya naman ang mga oras na iyon.
~~~**~~~
Lunch time na. Napansin ko na ang iba naming kaklase ay pinalibutan ang bagong enrollee na nagngangalang Ayame. Halatang hindi siya mapakali sa dami ng tao. Hiyang-hiya siya at nakatungo.
“Galing ka sa pamilya ng mga Hitomi? Diba kayo yung gumawa ng mga dorms katulad ng Random Rainbow?” –girl 1
“Ang ganda naman ng buhok mo at ang haba pa.” –girl 2
“Anong number mo Miss? Pwede bang makipagkaibigan?” –guy 1
“Hi Ayame. Anong klaseng monster ka?” –guy 2
“Uhmm.. ano, uhm..” hindi alam ni Ayame kung anong sasabihin niya.
“Kawawa si Ayame no? Ano kayang feeling na napapalibutan ka ng mga hindi mo kilala?” may dalang malaking basket si Yuuki. Oo nga pala, sa rooftop kami ngayon maglulunch.
“Tara na, Nee-chan.” Naglakad kami ni Yuuki palabas ng room. Naghihintay na pala sa labas si Ms. Skye, Ice at Sebby. Paakyat na kami ng hagdan papuntang roof top nang biglang may naramdaman akong humawak sa kamay ko. Awtomatikong napalingon ako.
Si Ayame, nakatungo habang nakahawak sa kamay ko.
“Ah.. eh..” hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
“Can I come with you?” bigla niyang sabi. Tumango na lang ako. Binitawan niya ang kamay ko at sinundan kami papunta sa roof top.
“HAPPY BIRTHDAY Happy-neko!” masayang bati ni Yuuki habang nilagay niya ang cake na binake namin kagabi sa harap ni Happy na stufftoy niya.
“Happy Birthday!” sabay-sabay din namin bati. Ngayon ang birthday ni Happy-neko. Yung kulay asul na pusa na alaga ni Natsu sa Fairy Tail. Mahalaga ito kay Yuuki. Ito kasi ang pinakapaborito niyang stuff toy. Tatlong taon na ito sakanya at ito ang pinakamatagal. Wala kasing nakakatagal na stuff toy sakanya. Kaya nga miracle daw yung stuff toy na ito para kay Yuuki.
Nagulat kami ng biglang inihipan ni Happy-neko ang kandila na nakalagay sa cake. At nagsalita pa ito.
“Arigatou, Yuuki-sama. Aye!”
“Yuuki! May buhay yan?!” hindi makapaniwalang sabi ko. Ni minsan hindi ko nakikitang gumagalaw ang stuff toy na yan. Paanong nakapagblow na nga ito ng candle, nakapagpasalamat pa kay Yuuki.
“Onee-chan, nagkakabuhay lang si Happy tuwing nagbir-birthday siya. Kaso hindi naman nagtatagal yung buhay niya. Ibo-blow niya lang yung candles at magpapasalamat. Tapos balik na ulit siya sa pagiging stuff toy niya.” Hiniwa ni Yuuki yung cake at ibinigay saamin.
“Itadakimasu~” at sabay-sabay naming nilantakan ang handa ni Happy-neko.
“Ayame-girl. Welcome to the club nga pala.” Masayang bati ni Sebby sa bagong classmate namin. Mabuti naman at napigilan niya ang supposed-to-be pagdradrama niya. Mamaya siguro, tatambay yan sa suite namin ni Yuuki para magdrama.
“Konnichiwa Nee-chan. Kain lang ng kain ha. By the way, can I call you Aya-chan?” tanong ni Yuuki na nagPuppy Eyes kay Ayame. Napansin ko na wala sa sariling tumango si Ayame. Syempre, tulala kay Yuuki na nagpu-Puppy Eyes.
“Mukhang nakalimutan nilang magpakilala sayo ah. I’m Ice. Siya si Sebby, then Yuuki, Tabitha and Skye. Nice to meet you Ayame.” Nakipagkamay si Ice kay Ayame. Tinanggap naman niya ito pero medyo nahihiya pa din.
“Wag kang mahiya, hindi kami nangangagat.” Sabi ko. Nagsmile lang siya saakin. Medyo awkward pa rin kami since siya yung babaeng nakahood na palaging sunod ng sunod saakin. Ano kaya kailangan niya?
Patuloy lang kami sa pagkwekwentuhan, sumasama na rin si Ayame sa kwentuhan namin. Habang tumatagal, parang si Yuuki lang nagiging makulit.
“Whoa! Ang cool naman ng monster type mo.” Nanlalaki ang mga mata ni Yuuki. Emotion Manipulator ang monster type ni Ayame. Kaya nyang basahin ang emosyon ng kahit sino at mula sa mga emosyon na iyon, nakakagawa siya ng gadget panlaban sa kanila. Astig! Kakaiba. *O*
“Ang family niyo rin ba yung gumawa ng Random Rainbow?” tanong ko. Naalala ko kasi yun, yung rooms na nagsasabi kung ano yung nararamdaman mo.
“Ah oo. Mommy ko may gawa.”
“Uwaaa~ Sugoi! Parang gusto kong pumunta sa Random Rainbow!” sambit naman ni Ice.
“Hindi ba kayo sa Random Rainbow tumuloy?” tanong ko.
“Hindi e. Ibang dorm yung pinagdalhan samin e.” sagot naman niya. Ngayon ko lang narealize, ilan kaya ang dorms dito sa Academy?
Nagpatuloy lang ang pag-uusap namin hanggang sa tumunog na ang bell at magsisimula na ang susunod na klase.
~~~**~~~
Natapos na ang klase namin. Nilapitan ko si Ayame.
“Saan ka tutuloy ngayon Aya?” Aya pala ang tawag ko sakanya. Ang haba ng Ayame e.
“S-sa Rapunzel Tower po. Naayos na daw kasi yung tutuluyan ko dun ngayon.”
“Ganun ba? Anong room mo?”
“RT8 p-po.”
Tatanungin ko sana siya kung bakit niya ako sinusundan kaso biglang sumulpot si Ms. Skye.
“Erin, can we talk?” tanong ni Ms. Skye. Uh-oh. I smell some trouble.
“A-ah. O-okay p-po.” Nagstastammer na si Ayame. Tumayo siya at sinundan si Ms. Skye palabas.
Ano kayang pag-uusapan nila? Bumalik na lang ako sa pag-aayos ng gamit ko.
“Onee-chan! Una na ako ha. Ja ne~” paalam ni Yuuki.
“Ingat ka.” Kumaway ako sakanya.
Pagkatapos kong mag-ayos, lumabas na rin ako ng building. Nadatnan ko yung sundo namin na naghihintay sa labas.
“Ay manong, wait lang po. Wala pa po si Ms. Skye. Hahanapin ko lang po.” Iniabot ko sakanya yung bag ko at nilagay niya sa loob ng kotse.
“Sige iha.”
Naglakad ako paakyat ng building. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko naman alam kung nasaan sila e. Basta dinala na lang ako ng mga paa ko sa third floor. Naglalakad ako sa hallway nang may narinig akong nag-uusap. Nanggaling iyon sa Music Room. Lumapit ako at sumilip sa bintana. Tama ang hinala ko, nandun sina Ms. Skye at Ayame. Idinikit ko ang tenga ko sa may pinto para marinig ang mga sinasabi nila.
“Let me get this straight.” Sigurado akong si Ms. Skye yun. Naiimagine ko tuloy na isa siyang mafia boss na nakadekwatro at may kain-kain na lollipop. Geez.
“Who are you and why did you follow Tabitha?” nakakatakot tono ng boses ni Ms. Skye.
“A-ano.. Uhm..” naiimagine ko din si Ayame na nanginginig. Uwaaa~ tinatakot mo naman siya Ms. Skye e.
“I’ll give you three minutes to talk. Who. Are. You?” dahan dahan niyang sinabi yung last sentence. Kung ako nasa kalagayan ni Ayame, malamang nawala na ako sa sarili ko.
“K-kasi.. a-ako yung.. yung bestfriend ni Tabitha sa orphan at.. at..”
“What?” impatient na sabi ni Ms. Skye.
Hindi ko na naintindihan yung sinabi ni Ayame sa huli.
~~~**~~~
AN :) Umuulaaaaan~ Magpugaaaay xDD HAHA joke. LOL Dedicated kay Winter_girl. salamat sa votes and comments. Hindi daw mamimigay si Ms. Skye ng lollipop xDD HAHA
Ranibaaaaabes! Lumabas na character mo xDD :)) Mwahahaha.
Yung next UD neto, may nakalaan na sa dedication :3 Mehehe :3 So peace muna sa unang magcocomment :)
Salamat sa pagbabasa. You Rock \m/
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top