The Elf's Reason

Kyamii's Note (MUST READ)

Matatagalan po ang susunod na update nito dahil patapos na po siya at kailangan magback-read. Wag po kayong mag-alala, estimated 10 chapters na lang po kasama Epilogue. Kaya konting push na lang. :)

Maraming salamat po pala sa mga nagcomment doon sa last chapter, antayin niyo na lang po yung dedications niyo.

Salamat po sa patuloy na pagsuporta sa MA (lalo na kay PrincessPayn XD). Hanggang sa susunod na Update. Enjoy reading.

~

Chapter 41

The Elf’s Reason

Sebby’s POV

Wala na siguro akong kagandahang ihaharap kapag nagkita kami ni Tabitha.

Napabuntong-hininga na lang ako. Mula dito sa dinaraanan namin, tanaw na tanaw ko na yung castle ng Sirenade. Ilang minuto na lang, magiging official na kasapi na ako dito, which I really don’t want to do but since I got no choice, kailangan gumora.

Tinignan ko yung tatlong prinsipe na nakakulong sa isang malaking cage. Tatlo lang sila, dahil kakampi rin pala ng Sirenade si Eros Alastair, yung taong nagbigay ng life-and-death situation sakin at ang dahilan kung bakit nagawa kong magtraydor sakanila.

Nangyari ito two days ago, matapos ang meeting namin kay Secretary Reodica at madistribute ang mission samin. Madaling araw non nang pumasok si Eros sa kwarto ko. Akala ko nga re-rape-in niya ang beauty ko. Pero ayon nga, akala lang.

He got straight to the point. Ni-reveal niya talaga kung bakit nagpakasal si Skye sakanya. Bukod sa makukuha ni Skye ang kapangyarihan ng isang bampira, matutulungan pa siya ni Lyre Alastair, head ng mga bampira, na paghigantihan si Lord Hales, ang pumatay sa kanyang mga magulang. Isa pa, isa si Skye sa magiging pinakamalakas na halimaw na mamumuno sa panibagong Monster World na bubuoin nila.

Oo, may plano ang Sirenade na gumawa ng panibagong Monster World kung saan sila ang mamumuno, sila ang pinakamalakas at sila ang kinatatakutan.

Ngayon, binigyan ako ni Eros ng life-and-death situation na sadyang pinaloka ang beauty ko. Niyaya niya akong sumama sakanila, sumapi sa mismong kalaban. Syempre tumanggi ako nung una, andito ang mga kaibigan ko at alam kong ito ang tama. Bakit ako mag-iiba ng landas diba?

Pero naalala ko pa sinabi niya nun.

“Are you sure you want to sacrifice your familiy’s life for that silly choice of staying under Hales’ orders?”

Halos mapaiyak na nga ako nun. Hawak na pala nila yung pamilya ko. What’s worst, kapag tumanggi ako sa offer niya, sigurado akong ang malalamig nilang katawan ang tatambad sakin isang araw. At ayokong mangyari yun. Kaya nga ako lumalaban eh, para mabigyan ng isang tahimik at masayang mundo ang mga taong mahahalaga sa buhay ko.

Humingi ako ng oras sakanya para makapag-isip. Binigyan naman niya ako ng isang oras para ma-finalize yung decision ko. Bago siya tuluyang umalis, sinabi niya na mayroong 20% chance na lang ang kampo ni Lord Hales para manalo sa labanang ito. Bakit 20%? Dahil ang buong clan ng mga bampira ay kasapi na rin sa Sirenade Kingdom, syempre sa pamumuno ito ni Lyre Alastair. Sila ang pumapangalawa sa pinakamalalakas na pamilya sa buong monster world. Nangunguna dito ang pamilya ni Skye, ang mga Einzbern na pinatay dahil sa kahina-hinala nitong koneksyon sa kalaban.

Iniwan niya ako para makapag-isip. Kung sabagay, may punto siya. Walang kasiguraduhan na mananalo ang kampo namin laban sa Sirenade kung ganito kalalakas ang mga halimaw na lalaban para sakanila. Malaki pa talaga ang tsansa nilang manalo, nasa kanila na ang isa sa apat na hari, ang bangkay ng Dark Reapers at si Ms. Skye. Ano pa bang panama namin sakanila diba?

Ayoko namang mapahamak ang pamilya ko. Gusto lang nila ng buhay na tahimik. At kung malaki ang tsansang manalo ang Sirenade sa labanang ito, bakit pa ba ako tatanggi sa inooffer ni Eros diba?

Sa huli, pumayag akong sumanib sakanila. Kaya tinulungan ko si Eros na isagawa ang plano niyang kidnapin ang mga hari para tuluyan nang mabigyang lakas ang Dark Reapers. Alam kong mali, pero sa taong nagigipit, hindi mo na talaga alam kung anong ipinagkaiba nito sa tama.

Dalawang araw akong nagkulong sa kwarto. Dalawang araw akong sumubok na layuan si Tabitha. Mahirap, oo. Sinubukan kong ma-dettach sa kanya para kapag dumating ang araw na aalis na ako, hindi magiging ganoon kasakit para sakin.

Naging busy ako sa paggawa ng spell na kakailanganin namin ni Eros. Isa itong spell na made-drain ang kapangyarihan nila sa loob ng 24 hours, makakatulog at mahihirapang gumalaw.

Nilagay ko ito sa tea na ginawa ko noon habang nagtre-training kami kasama ng apat na hari. Bumaba si Tabitha noon sa kitchen, at grabe yung saya na nakikita ko sa mga mata niya nung nakita niya ako.

Lalong bumigat yung loob ko. Parang gusto kong magback out.

Gusto ko na ngang umiyak pero pinigilan ko. Lalo pa akong naguilty nung pinainom ko sakanya yung tea at sinabihan niya akong masarap ang pagkakagawa nito. Madali akong umalis noon, habang pasimpleng pinahiran ang luhang dumaloy sa maganda kong mukha.

Pumunta ako sa computer room para ihatid ang tea kay Rai. Matapos niyang inumin ito, nagsagawa ako ng spell sa pintuan para hindi siya makalabas. Ito na rin ang pinakalamas na barrier na ginawa ko sa tanan ng buhay ko.

Hindi naman naging mahirap ipainom sakanila yung tea. Pero mas malakas pa sila sa inaasahan ko. Hindi sila tumumba agad, nagawa pa nilang makipaglaban kahit hinang-hina sila. Buti na lang at nandyan si Eros kasama ang dalawang impokrita na sina Shontelle at Ayesha. Syempre nandun yung bakulaw nilang sidekick na si Nerd.

Paalis na kami non nang nagawa pang makawala ni Zeke at patamaan ng blue fireball si Eros, kaya napatumba ito. Sakto namang lumabas si Tabitha, pero dahil nakainom siya ng tea, parang nagmistualng yelo ang katawan niya hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng kapangyarihan.

Inutusan na nila akong tapusin to. Pinatumba ko si Zeke sa pamamagitan ng isa pang spell. Narinig ko si Ayesha na inutusan akong magpaalam sa kaibigan ko.

Mangiyak-ngiyak akong lumapit kay Tabitha non, humingi ng tawad bago siya tuluyang pinatulog.

“I’m sorry Tabby. I’m so sorry.”

 ~

“Finally home!” Shontelle exclaimed. Bumukas ang malaking arch-shaped palace door at sumalubong sa amin ang mga black knights. Inutusan sila ni Nerd na dalhin sa underground prison ang tatlong hari at mabilis naman silang sumunod.

“Oo nga pala, pinapatawag tayo ni Master sa throne room. The meeting will start in ten minutes,” pagpapa-alala ni Ayesha. “Kasama ka dito, Eusebio. Gusto ka niyang makilala.”

Tumango lang ako as the three of them smirked. Sheez. Ano bang problema nila sa kagandahan ko? Naiinsecure siguro sila na may dyosa na sa kastilyong ito.

Dumiretso na kami sa throne room kung saan mayroong isang semi-circle shaped red couch ang nasa harap ng king’s throne. Umupo silang tatlo habang nanatili naman ako sa pinaka-dulo ng upuan. Ayoko ngang lumapit sakanila, masira pa kagandahan ko.

“So Sebby, kamusta naman ang experience na mapabilang sa isang bunch of loosers?” childish na tanong ni Shontelle. This time, ako naman ang nag-smirk.

“Oh you mean this group? Well who knows? Bago pa lang ako dito. I still haven’t got the chance to work with the loosers,” I gave emphasis with the last words habang nakatingin sakanila. Lalo akong napangiti nang umirap sakin si Shontelle. Haaay, dapat kasi maging maingat sa kinakalaban. And don’t she dare mess with a goddess.

This time, si Nerd naman ang bumawi sakin. “C’mon Sebby. Alam naman naming gusto mong maging part ng grupo namin na isa sa pinakamalalakas. Why would you care to be with someone so weak and helpless?”

“Yeah, Nerd’s right. Just like Tabitha. Oh I remember the emotion in her eyes. Para siyang batang iniwan ng kaibigan. Poor thing, hindi niya ba marealize na ipinagsisiksikan niya lang ang sarili niya sa inyo?" Naningkit ang mga mata ko sa sinabi ni Shontelle. Mukhang nag-eenjoy ang bruha sa pakikipaglaban sakin.

"If I know, pabigat lang siya sa grupo and a good-for-nothing monster. Tama lang na iniwanan siya ni Skye, don’t you think so too Sebby? Probably that’s one of your reason kung bakit mo siya pinabayaan," segunda pa ni Ayesha habang nagbabasa ng makapal na libro.

I clenched my fists pero itinago ko to sakanila. Now is not the right time para patulan ang mga ganito. Kelangan kumalma ng beauty ko. Wala namang magbabago kung papatulan ko sila. I would never stoop down to their level.

I let out my sweetest smile at them and shrugged, "Mm. Siguro nga."

I saw annoyance plastered in their faces. Hindi sila nagtagumpay na inisin ako. Totoo ngang the best weapon against your enemy is to show them your sweetest smile. Or so ganun yung quote. Well, whatever.

Bumukas ang pintuan ng throne room at pumasok sina Ice at Lancer. Hindi ko alam pero gumuhit ata sa mukha ni Ice ang pagkagulat nang makita niya ko. Madali naman siyang makabawi at tinanguan ako. Umupo sila sa bandang gitna ng semi-circle na couch.

Out of nowhere, biglang sunulpot si Eros at kalmadong umupo sa tabi ni Lancer. Nagbro fist ang dalawa nang biglang sumulpot ang bruhang sina Ayesha at Shontelle sa magkabilang gilid niya. Dead na dead ang mga loka.

"Kumpleto na ba tayo?" tanong ni Nerd.

"Baka nakakalimutan mong wala pa ang leader natin at si Master," ngumisi naman si Ayesha. "Sawakas, makikita na natin ang true form niya."

True form? You mean, hindi pa nila nakikita ever since ang master ng Sirenade?

Biglang namatay ang ilaw at unti-unting nagcreak ang arch-like door ng throne room. Saglit na sumilay ang liwanag mula sa labas ngunit nawala agad nang sumara ang pinto.

Nakarinig kami ng footsteps, hindi lang galing sa isang tao kundi sa dalawa. Parang bumigat ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang mga tuhod ko. Gosh, naloloka na ata ako.

Siguro, dahil napakalakas ng aura na ineemit nilang dalawa. Nakakatakot. Parang gusto ko nang umalis sa lugar na to.

Nalagpasan na nila ang kinauupuan namin pero hindi ko pa rin sila maaninag. Kahit sila Eros ay ganun din. Sobrang dilim ng lugar na halos anino nila ay hindi mo makita.

Narinig namin ang pag-akyat nila papunta sa trono ng hari. Doon naaninag ko ang pag-upo ng isang tao habang nakatayo naman sa gilid niya ang isa pa. Sabay ng kanyang pag-upo ang isa-isang pagsindi ng kandila na nakapaskil sa dingding.

Wow, ano to? Haunted House?

Sumindi ang natitirang tatlong kandila na nagbigay ng liwanag sa dalawang tao na nasa trono.

Oh my gosh. This can't be.

Si Skye kasama ang Master ng Sirenade Empire.

Ang taong iyon..

Imposible.

~

Tabitha's POV

"Your Highness," nagbow kami sa harap ng hari bilang pagbibigay respeto. Kasama ko si Secretary Reodica at si Rai ngayon, nasa throne room na pagmamay-ari ni King Nicholas, ang ama ni Princess Shey Kaguya at ang kasalukuyang namumuno sa Night Kingdom.

"It is an honor to have Hales' secretary as well as his students. I will not hold you much longer. They are waiting for you in the Vault," pumalakpak ng dalawang beses si King Nicholas at isang General naman ang lumapit sa amin. Siya ang maghahatid samin ngayon papunta sa Vault Room na sinasabi ng hari.

Bago kami tuluyang makaalis, nagpahabol pa si King Nicholas ng mensahe.

"Please do your best. The future of the Monster World counts on you."

Bago kami makarating sa Vault Room, isang mahigpit na security ang dinaanan namin. Magmula sa mga knights na nagbabantay sa mismong kastilyo, hanggang sa isang kwarto na may secret password para malagpasan ang mga patibong ng buhay, tatlong malalaking pinto na may kakaibang lock, at isang wala sa ayos na spiral staircase na kapag hindi mo sinabi ang magic words, hindi mo ito magagamit.

"Mauuna na ho ako," nagpaalam ang General kay Secretary. Habang naglalakad kami, doon ko lang narealize na ito pala ang Head General at kanang kamay ng hari. Sinabi niya rin samin na limitado lang ang nakakaalam papuntang Vault Room. Kahit ang ibang pinagkakatiwalaan ni King Nicholas ay hindi alam ang tungkol dito.

Kumatok si Secretary sa pinto nang biglang may green light na lumabas at iniscan kami mula ulo hanggang paa. Nang matapos ito, doon lang in-analyze ang data at napagalaman kung sino kami.

"Whoa. Hands down na ako sa technology ng Night Kingdom," kumento ni Rai.

Bumukas ang pinto at sinalubong kami ni Ayame, habang hawak-hawak niya ang isang nakarolyong blueprint.

"Tabitha!" tumakbo siya at yumakap sakin. Teka, umiiyak ba si Ayame-chan? Anong problema niya? Ah, baka namiss niya lang ako.

"Okay ka lang ba? Wala bang masamang nangyari sayo? Wala bang masakit?" sunod-sunod niyang tanong. Eh? Parang sobrang nag-aalala naman ata si Ayame. Tatlong araw pa lang kaming nagkakahiwalay eh.

Ngumiti ako sakanya at nagpeace sign. "Ano ka ba, okay lang ako. Tsaka wala namang nangyaring masama ah. Okay lang ang lahat."

Parang nagulat si Ayame sa sagot ko. Eh? Ano bang nangyayari? Bakit parang ang weird niya ata ngayon?

"H-Ha? S-Sigurado ka bang okay ka lang? S-Si.. ano.."

"Sino? Dapat ata ako magtanong sayo kung okay ka eh. Ang weird mo ngayon."

"S-Si.. Se.. Sebby?" biglang humina ang boses niya at parang nagcrack ata?

Tumawa ako at ginulo ang buhok niya, “Si Sebby? Okay lang siya. Diba kasama niya sina Yuuki at Neo papunta sa Sirenade Kingdom para sa misyon nila? Nako, masyado ka namang nag-aalala. Okay lang yun, siya pa. Dyosa yun eh.”

“Ha?” gulat niyang tanong. Ay, nagiging makakalimutin ata si Ayame-chan? Magkasabay kaya silang umalis.

Natigil ang pag-uusap namin nang nagsalita si Secretary Reodica, “Tabitha, why don’t you go inside with me to have the meeting started? And Ayame, is that it?” nakatingin si Ms. Reodica sa blueprint na hawak ni Ayame. Tumango naman siya bilang pagsagot.

“Please explain some of its details with Rai. You know, the two of you will work on it.”

Nagpaalam na ako sakanila at sabay kaming pumasok ni Secretary sa loob ng Vault Room.

~

Ayame’s POV

I know exactly what the Secretary was trying to say.

Hindi naman tungkol sa blueprint ang pag-uusapan namin ngayon ni Rai. Yes, we do have to work on it since kaming dalawa ang magtratrabaho outside, kami ang susuporta sakanila.

“I’m sorry. Hindi agad namin nasabi sainyo ni Secretary,” Rai said. “I guess nabalitaan niyo naman ang nangyari sakanila, diba? Kaya medyo napaaga ang punta namin dito.”

Tumango lang ako. Hindi ko lubos-maisip na magagawa iyon ni Sebby. But I know he has his reasons. Alam kong hindi niya magagawang magtraydor sa kaibigan niya.

“What happened to her?,” nag-aalala kong tanong. I can feel something different about Tabitha. masyado siyang masaya. At yung sinabi niya kanina..

“Si Sebby? Okay lang siya. Diba kasama niya sina Yuuki at Neo papunta sa Sirenade Kingdom para sa misyon nila? Nako, masyado ka namang nag-aalala. Okay lang yun, siya pa. Dyosa yun eh.”

Sebby’s not included in the mission. Naiwan siya sa training grounds para makagawa ng makabagong spell natutulong samin. Pero iyon ang pinaniniwalaan ni Tabitha.

“Secretary messed with her memories. Biglang nakaramdam si Secretary ng kakaibang ihip ng hangin kaya napaaga ang uwi niya sa Training Grounds. Doon niya nakita si Tabitha na walang malay. Pinuntahan niya ako sa computer room at sinira ang barrier na nilagay ni Sebby. Doon ko pinlay yung video ng pangyayari. That’s when she decided to use her powers on Tabitha while she’s unconscious, the Memory Confusion.”

Memory Confusion, isang kakayahan kung saan kayang ibahin, palitan at tanggalin ang memorya ng isang tao. Or should I say that she can actually play with someone’s memory. Kung titignan, parang napakahina ng kapangyarihang ito para maging Secretary ng isang namumuno sa Monster World.

But that’s not just it.

Kaya nitong tanggalin ang lahat ng memorya mo, at the very least, maaari mong kalimutan kung sino ka at anong monster type ka. Makakalimutan mo ang kapangyarihan mo and before you knew it, talo ka na sa labanan ninyong dalawa.

Ganyan kalakas si Secretary.

Kaya pala iba ang sagot ni Tabitha kanina. Siguro pinalitan niya ang tungkol kay Sebby at pinaniwalang kasama ito nina Neo at Yuuki.

“It is for her own good,” maya-mayang sabi ni Rai. “Sana matulungan niyo kami sa sitwasyon niya. Baka kapag naalala niya ang nangyari ng gabing yon, who knows what she can do after realizing her friend actually betrayed her.”

“Anong malay natin, baka lumabas ang totoong kapangyarihan niya nang wala sa oras. Baka mas lalong maging kumplikado ang lahat.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top