The Beginning of an End

Chapter 39

The Beginning of an End

Tabitha’s POV

Iniwan namin sina Azure at ang apat na hari sa battleground dahil pinatawag kami ni Secretary Reodica. Mabilis kami naglalakad habang sinusundan si Rai, yung kanang kamay niya. Nagpalinga-linga ako, hindi pamilyar sa akin tong dinadaanan ko pero parang nasa ilalim siya ng bahay na inookupa namin ngayon.

“Ano bang nangyayari Rai?,” nag-aalalang tanong ni President Jenkyl.

“Emergency,” was all that she could say. Nagkatinginan kami ni Sebby at nagkibit-balikat lang siya.

Hindi nagtagal at napunta na kami sa isang dead end kung saan mayroon napakalaking pintuan. Binuksan ito ni Rai at nagsignal siya na pumasok na kami sa loob.

Hindi ko akalaing mayroong ganito.

Isang malaking kwarto na punong-puno ng computers. Walang ibang design kundi computers at flat screen lang na nakasabit sa dingding. Yung tipong kahit saan ka tumingin, wala kang ibang makikita kundi ang mga ito.

Pero hindi dito napunta ang atensyon ko kundi sa mga ipinapalabas nito.

Ang mga bahay na nasusunog, mga katawang nagkalat sa daan, duguan at wala na ang ibang parte ng katawan. Mga halimaw na kumakain ng kapwa nila halimaw. Mga taong nagtatago dahil sa sobrang takot. At ang kadiliman na bumabalot sa buong lugar.

Napatakip na lang ng bibig si Princess Sebby at pumikit. Humigpit ang hawak niya sa akin. "Tabitha, natatakot na ako."

Pinilit kong ngumiti sa harap niya, "Matatapos din to. Magiging okay din ang lahat."

"It has started," sambit ni Neo habang nakatitig sa screen.

"Ano nang gagawin natin President Jenkyl? Kailangan nating kumilos," natatarantang sabi ni Ayame. "Kailangan natin silang tulungan."

Ipinatong ni President Jenkyl ang kamay niya sa balikat ni Ayame, "Alam kong gustong-gusto mo na silang iligtas. Pero hindi tayo pwedeng sumugod dyan ng hindi tayo handa. Ang mabuti pa, hintayin natin ang utos mula sa nakatataas."

Napabuntong-hininga na lang siya, "I hope they are in a safe place."

Biglang napa-angat ang tingin niya nang hawakan ni Xander ang kanyang mga kamay. That lessen her worries somehow.

"Ice-neechan, Skye-neechan. Please be okay. Yuuki still wants to see you," naiiyak na sabi ni Yuuki.

"Don't worry, they will be fine. I can sense that," pinunasan ni Neo ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa mata niya.

"C'mon guys. Let's be strong enough to face this. Kaya natin to," sabi ni Jenkyl na nagpalakas ng loob namin.

"I see you're all here," anang ng bagong boses. Lumabas muli sa nag-iisang pintuan sa may sulok si Secretary Reodica habang suot-suot ang isang armour suit. "Get inside, we have something to discuss."

~~~

Dalawang araw na ang lumipas simula nang makita namin ang nangyayari sa labas. Nang pinapunta kami ni Secretary Reodica sa secret room ng training grounds, doon na namin nalaman ang role namin sa labanang ito. Wala kaming inaksayang oras sa paghahanda. Kailangang magtagumpay ang bawat misyon na ibinigay sa amin. Kung hindi, baka hindi na matapos pa ang kaguluhang ito.

Tuluyan nang babalik sa dati lahat, kung saan naghahari ang kadiliman at nangingibabaw ang takot.

Napasandal na lang ako sa puno at napatingin sa asul na kalangitan. Nasa labas ako ngayon ng training ground at nag-iisip ng paraan para makatulong sakanila. But sadly, I can't think of anything that will make everything lighter.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Habang sila ay nakikipaglaban sa labas, nakaupo lamang ako dito at walang ginagawa. Kung bakit ba naman kasi ako di pinayagan ni Secretary Reodica na sumama sa kanila eh. Haaay.

Pinadala sa Secret Palace ng Night Royal Family sina Ayame, Xander at Jenkyl para makipag-coordinate kay Shikuri at iba pang Royal Unit ng pamilya ni Princess Kaguya. Habang sina Yuuki at Neo naman ay inutusang hanapin si Ice at ang 'Pen and Ink' ni Yuuki at ibalik sila dito ng ligtas. Si Secretary Reodica ay pumunta sa Council upang kausapin si Lord Hales at mapagplanuhan ang susunod na hakbang nito. Tanging kami lamang ni Sebby, Rai at ang apat na hari ang naiwan dito sa training grounds para antayin ang susunod na utos mula sa nakatataas.

Pero sa dalawang araw na iyon, nakababad lamang si Rai sa computer room para imonitor ang mga nangyayari sa labas habang si Sebby naman ay busy sa paggawa ng makabagong spells.

Nakakainis naman, wala talaga akong magawa para matulungan sila. Hindi naman ako makapag-training dahil walang libro ang may sapat na impormasyon para sa kapangyarihan ko.

"Why do I have to be so worthless?" napapikit na lang ako at hinayaan ang hangin na dumampi sa pisngi ko.

Kelan kaya matatapos to? Kelan kaya babalik sa normal ang lahat?

"Why do you have to be so dramatic?"

Ang boses na yon. Ang nakakairitang boses na yon na nanggaling sa pinakanakakainis na tao.

Napamulat ako at napatingin sa kanan. Nakatayo siya doon habang nakapamulsa. Mukhang kakatapos niya lang sa training at bagong paligo pa siya.

"Zeke"

Lumapit siya sakin at pinitik ako sa noo. "Aray! Ano nanaman?!"

He just smirked at tumabi siya sakin. Ilang saglit kaming nanatiling tahimik, nakatingin lang ng diretso. Maya-maya, tinanong ko siya.

"Bakit wala ka sa training?"

He just shrugged at pumikit. Parang wala ata siyang balak kausapin ako, more like asarin. Netong nakaraang dalawang araw, tuwing matatapos ang training niya, pupuntahan niya ako and he will make fun of me. Entertainment kumbaga.

Natahimik lang ulit kami. Bumalik na lang ako sa pagkakapikit at sinubukan tanggalin yung mga bagay na gumugulo sa isip ko. Ewan ko, di ko na alam. Ang gulo-gulo na ng buhay ko.

Bigla na lang akong nakaramdam ng kamay na dumapo sa noo ko at sapilitang pinahiga.

"Ano bang problema mo--!"

Tatayo sana ako at iiwan siya kaso nahawakan niya ulit ang noo ko at tinulak pahiga sa hita niya.

"Rest," he commanded. Walang emosyon siyang nakatingin sakin.

Biglang uminit yung ulo ko kaya napaupo ako at hinarap siya. "Rest? Sa tingin mo makakapagpahinga ako sa ganitong sitwasyon?! Sa tingin mo kaya kong humiga-higa lang dyan habang nasa panganib ng buhay yung mga kaibigan ko?! Resting and doing nothing at all make me feel more worthless! Ako na walang ginagawa, Zeke! Ako na yung walang maitulong! Ako na yung pabigat! Ako na!"

I felt the tears streaming down. Napatakip ako ng bibig. Ano na bang nangyayari sakin? Wala namang kinalaman si Zeke dito pero nasigawan ko pa siya. Gusto niya lang naman akong makapagpahinga pero anong ginawa ko?! Nasabi ko pa yung mga ganung bagay.

Ang babaw ko. Nakakainis.

"I'm sorry, Zeke. N-Naguguluhan na kasi ako--"

Bigla niya kong niyakap. I never imagined to be in his arms. Pero bakit ganun? Bakit ayaw kong humiwalay? Bakit feeling ko, safe ako tuwing kasama ko siya?

"You're not worthless. You're the ace card of the game, the player who would make the final blow," he whispered. Parang may kung anong kuryente yung dumaloy sa buong katawan ko dahil sa simpleng gesture na yun. "The reason why they keep you here is that they want to protect the most important player. Just because they don't let you go on missions doesn't mean you're weak enough to accomplish them. They just want you to be ready for the main game, the main battle. Because you are the one fated to end this war."

Hindi ako makapagsalita. Siguro nga tama si Zeke. Hawak ko ang Zephyr Stone, ang gem na makakatalo kay Phelestien. Gusto lang siguro akong protektahan ng Council, dahil baka kapag napahamak ako, baka tuluyan na kaming matalo sa labanang ito.

Pinitik ulit ni Zeke yung noo ko. But this time, hindi na ako nainis sa kanya. I smiled at him pero inirapan niya lang ako. Suplado talaga.

Hinawakan niya ulit yung noo ko at pinahiga sa hita niya. Hinayaan kong dalawin ako ng antok.

Basta nung oras na yon, I felt secured with him. Basta alam kong andyan siya, hindi ako mapapahamak.

And that is the first time I ever felt peace taking over my restless mind.

~

Kinagabihan, bumalik na ulit yung apat na hari sa training. Parang wala na nga silang pahinga eh. Kasama nila si Sebby para i-try out ang bago niyang spell. Si Rai naman, ayun nasa computer room pa din.

I decided na ipagluto sila ng hapunan. Paniguradong gutom na sila dahil kaninang umaga pa yung huling kain nila. Ihahatid ko na lang to dahil malamang, busy silang lahat para pumunta dito at kumain.

"Rai?" binuksan ko ang pintuan papunta sa computer room. Hindi niya ata ako narinig dahil nakatutok pa rin siya sa limang screen na nakapalibot sakanya. Bising-busy siya sa pagta-type.

"Rai," tinapik ko siya sa balikat at bahagya siyang nagulat.

"Ikaw pala Tabby," her voice almost broke. Para siyang paos. Dahil siguro ilang araw na siyang nakakulong dito at hindi nagsasalita.

"Dinalhan kita ng dinner. Kumain ka muna," hindi na siya nag-atubili pa at nilantakan yung niluto ko. Halatang gutom na gutom siya dahil sunod-sunod ang pagsubo niya sa kanin. Ilang araw na rin siyang walang tulog, patunay na rito ang eyebags sa ilalim ng mga mata niya.

"Bukas ng umaga pa uuwi si Secretary kasama ang bagong utos mula sa nakakataas," medyo naghinay-hinay na siya sa pagkain. "Nacontact ko rin si Ayame kanina, balita ko naghahanda na daw ang Night Kingdom para sa counter-attack nito sa Sirenade. The Palace is asking for the Council's help. Kaso wala namang maipadala ang si Lord Hales na malalakas na tao para makatulong sakanila. They're busy with their own zones to protect. Mas lalong lumalakas ang kalaban."

Napatungo naman ako sa sinabi niya. "Kamusta naman sina Neo at Yuuki? May balita na ba tungkol sa kanila?"

Nawala yung contact namin sakanila once they stepped into the enemy's territory. Wala kaming makuhang kahit anong balita tungkol sakanila. I just hope they're okay.

"I just received a voice message from them earlier. Sandali lang iyon kaya hindi ko nakuha ang full details. But so far so good. They already infiltrated the Sirenade Kingdom and their plan is working. Mukhang wala pang nakakapansin sa presensiya nila. They are still looking for Ice and Yuuki's life book."

Napabuntong-hininga ako. Sana talaga okay sila. Sana sana.

"Don't worry Tabby, I'm sure they're okay. Hindi pababayaan ni Neo si Yuuki. And you know they are strong enough to face this. Have faith in them," tinapik ni Rai yung balikat ko. I smiled at her at kinuha yung pinagkainan niya.

Palabas na sana ako nang bigla niya akong tinawag.

"Tabby, be ready. In three days time, mapapasabak na talaga tayo sa totoong labanan... There we only have two choices, it is either we survive or we die."

"I know. I'm ready to choose."

~

Dinalhan ko na rin ng hapunan yung apat na hari at si Sebby na nasa loob ng battleground. Mukhang hindi sila pwedeng istorbohin dahil naka-lock ang pinto kaya kumatok na lang ako doon at iniwan yung pagkain sa labas.

Bumalik ako sa kusina para maglinis at gumawa ng midnight snack in case na magutom sila. Pagkatapos ay pumunta ako sa library para magsearch ng mga bagong spells na makakatulong sa pagpapalakas ng kapangyarihan ko. I even tried something new pero walang epekto. Sinubukan ko pang maghanap but like what I have expected, limitado lang talaga ang impormasyon tungkol sa kahit anong healing powers. Hindi ko namalayan na inabot na ako ng halos hatinggabi sa paghahanap. Nagbasa pa ako ng konti and decide to sleep after.

Patulog na ako nang bigla kong makaramdam ng uhaw. Pumunta ako sa kusina and to my surprise, nakita ko si Sebby doon na gumagawa ng tea.

"Sebby!" bigla ko siyang niyakap. Grabe , namiss ko to. Hindi ako sanay ng hindi siya nakikita araw-araw. Palibhasa, walang ginawa sa kwarto niya kundi gumawa ng panibagong spells.

"Na-miss mo kagandahan ko no? Hay, ang hirap talaga pag wala kang nakikitang maganda sa hallway," natatawa akong hinampas siya. Gusto ko pa siyang makausap kaso mukhang nagmamadali siya at sumaglit lang dito sa kusina para lang gumawa ng tea para siguro sakanilang lima sa battleground.

"Bakit hindi mo na lang ako tinawag para ako na lang gumawa ng tea."

"Naku wag na. Maabala ka pa namin. Keri na ito, tapos na rin naman," Nagsalin siya sa isang tasa at inabot sakin. "Tikman mo nga, okay na ba?"

Kinuha ko ang tasa at straight na ininom ang laman nito. Gusto ko pang humingi ng isa pero nahihiya ako dahil baka maubos ko pa. Grabe, ang sarap niya talagang gumawa ng tea.

"Nako, perfect!"

Ngumiti naman siya, "Sige na, baka naghihintay na sila. Matulog ka na rin."

"Sige goodnight."

"Night."

Umakyat na ako sa kwarto ko at mabilis na nakaramdam ng antok. Masyado ata akong napagod kanina. Isama mo pa yung calming effect nung tea ni Sebby. Sino ba naman ang di makakatulog? Hindi na ako nakatiis at hinayaan ko na lang na bumigay ang mga mata ko.

~

Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng ingay na nanggagaling sa baba. Akala ko sina Terrence at Ace lang na nag-uusap o kaya naman nag-aasaran pero parang iba. Parang may kakaiba sa baba. Nakakakaba. Bigla akong napabalikwas, anong nangyayari?!

Dali-dali akong pumunta sa kabilang kwarto, kwarto ni Sebby pero wala siya doon at magulong-magulo ang kwarto niya. Ganun rin ang ginawa ko sa kwarto ng ibang hari pero kagaya ng una, wala sila doon. Bumaba ako pero madilim at tanging liwanag lang ng buwan sa labas ang nagsisilbing ilaw. Magulo ang buong lugar, basag-basag na bintana, warak na upuan. Parang dinaanan ng malakas na bagyo yung bahay.

"Sebby? Zeke? Ace?" sigaw ko. Kinakabahan na talaga ako. Asan na ba sila?

Pumunta ako ng kusina at kinuha ang kutsilyo. In case lang para sa self defense. Hinalughog ko yung buong bahay pero wala pa rin sila. Huling-huli kong pinuntahan ang battleground pero nakalock ito.

"Sebby! Buksan mo tong pinto! Zeke!" patuloy kong kinakalampag pero walang sumasagot. Hindi naman malolock to kung walang tao sa loob eh. "Ace! Terrence! Eros!"

Susi! Kailangan ko ng susi! Si Rai! Nasakanya yung master key!

Tumakbo ako papunta sa underground tunnel na daan patungo sa computer room. Pero pagkarating ko, iba ang nadatnan ko.

Yung pintuan nung computer room, napapalibutan siya ng isang malakas na barrier. Sinubukan kong sirain yon kahit na alam kong walang pag-asa. Pero parang wala man lang epekto sa barrier.

"Rai! Rai nandyan ka ba?! Rai!" Naririnig kong merong sumisigaw sa loob pero hindi ko maintindihan yung sinasabi niya.

Doon ako biglang nakarinig ng malakas na pagsabog na nagmumula sa labas. Mabilis akong pumunta roon, at nadatnan ang hindi inaasahan.

Si Ayesha, Shontelle at si Nerd. Nasa likod nila ang isang malaking kulungan kung saan nakakulong yung tatlong hari.

Napatingin ako sa gilid, naroon si Zeke na hingal na hingal at puno ng galos at sugat sa buong katawan. Hawak-hawak ng isang kamay niya ang tagiliran niyang nagdudugo habang nakatutok naman ang isa niyang kamay sa taong nasa harap niya.

"Zeke!" Tumakbo ako papalapit pero bigla akong napatigil sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw, parang kinulong ako sa yelo sa kinatatayuan ko. Sinubukan ko magsagawa ng healing spells pero walang epekto. Wala akong maramdamang kapangyarihan.

"Yo! Long time no see, Tabitha!"

"Crybaby as always, nerdy geek!"

Hindi ko magawang lumingon pero alam kong sina Shontelle at Ayesha yon.

Narinig ko naman ang boses ni Nerd, "Tapusin mo na yan, hinihintay na tayo ni boss."

In just a split second, bigla nalang natumba si Zeke sa harap ko.

At wala akong magawa para matulungan siya.

"Okay makakaalis na tayo! Finally!" sigaw na Nerd. Biglang may mga black knights ang bumuhat sa katawan ni Zeke. "Sige, ipasok na yan sa kulungan."

"Let's go Shontelle. Magpaalam ka na sa kaibigan mo. Malayo-layo pa lalakbayin natin," Narinig ko si Ayesha.

Doon ko lang nasilayan yung taong tinututukan ni Zeke ng kamay niya kanina. Kahit makawala ako dito at matulungan si Zeke, hindi ko alam kung kakayanin ko bang kalabanin tong taong nasa harap ko.

"I'm sorry Tabby. I'm so sorry."

Bakit mo to nagawa? Bakit kasama mo sila?

Bakit Sebby?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top