Team Two

Chapter 47

Team Two

Yuuki's POV

"Will nee-chan be okay?"

Naramdaman ko yung pag-pat ni Neo ko sa ulo ko bago niya ginulo-gulo ito.

"Don't worry. When she says she'll handle it, she makes sure she'll keep everything under control."

Tumango-tango na lang ako sa sinabi ni Neo ko kahit na hindi ako mapakali. I should trust nee-chan. She will do okay. Malakas ata si nee-chan ko! At alam kong tatalunin niya ang Lance-bakimono na yon!

Napatingin ako kay Neo ko nang magsalita siya, "About our situation.."

Doon ko lang na-realize na, nakahiga pa rin pala ako kay Neo ko mula sa pagkakasalo niya sakin.

"Ah! Gomen gomen!" bigla akong napaupo at itinakip ang aking cute bangs sa tomato face.

Stupid Yuuki! Nakakahiya kay Neo koo~ >//<

Pero grabe! Ang bango bango niya. Tapos tapos sinalo niya ako. Tapos tapos napahiga pa ako sa dibdib niya. Tapos tapos pinat niya pa ulo ko. Tapos tapos.. kyaaa!

Okay, Yuuki. Stahp.

Ahh~ oo nga pala. We're still trapped in this creepy room where we fell awhile ago. I don't know exactly what happened. Ang alam ko lang, sinunod namin ang sinabi ni nee-chan at pumasok sa pintuang binabantayan ni Lance-bakimono. And then we saw my book of life na nakapatong sa table na nasa gitna habang may sparkling spotlight na nakatutok dito.

Nung papalapit na kami, bigla na lang nawala yung sahig na dinadaanan namin and poof! Dito kami nahulog ni Neo ko at naging instant unan ko siya.

And here we are, clueless on how are we going to get out of here. Wala man lang pintuan o bintana. Ang dilim-dilim pa kasi mahina yung ilaw na nanggagaling sa torch. Ang creepy creepy tuloy. Baka nga may mumu pa dito.

Yuuki! Ano ba yang pinag-iisip mo! Tinatakot mo lang sarili mo. Eh kung tinutulungan mo na lang kaya si Neo mo na mag-isip ng paraan para makaalis dito no?!

Tama si brain! The cute and adorable Yuuki should use her cute and adorbale brain to help her friend--soon to be boyfriend, Neo ko!

Nilabas ko ang scroll at nagdrawing dito ng mga maliit na daga. Nang matapos ako, sabay-sabay na lumabas mula sa scroll ang mga daga na gawa sa ink at nagtatatakbo sa madidilim na parte ng creepy room.

"No sign of any way out," maya-mayang sabi ko kay Neo ko. Nagsibalikan na kasi yung mga daga sa scroll pagkatapos nilang magawa ang inutos ko.

Napatingin ako sa taas.. kung doon kami nahulog, doon din kami makakalabas! You are so brilliant and cute, Yuuki!

Nag-drawing naman ako ng cute na ladder sa scroll ko at nagsambit ng spell. Ipinasok ko ang kamay ko sa scroll na para bang may instant portal dito at hinila yung cute na ladder na ginawa ko.

"Neo ko--" bigla akong napatakip sa bibig ko. Waaa! Stupid cute Yuuki!

"Mm? Did you say something?" sunod-sunod ang iling ko sakanya. Phew! Buti na lang at di niya narinig.

Itinuro ko sakanya yung cute na ladder na ginawa ko. Lumapit siya sa akin at pinat ulit yung ulo ko.

"Great job. I hope this works," nagsimula siyang umakyat.

Medyo may kataasan yung ceiling kaya mahaba din yung cute na ladder ko. Isa pa, madilim rin dito. Baka mamaya, lumabas si The Ring o si Shomba na may pasabit-sabit pa ng buhok. Scaryy~

Di kasi nag-rejoice eh. Haba ng hair~ joke.

Nag-rejoice ka ba girl? Okay Yuuki. Stahp na talaga. This is serious na.

Maya-maya, bumaba na si Neo ko at umiling-iling. Wala na daw yung butas na pinaghulugan namin. Sinubukan niyang sirain pero wala ring epekto.

Huhubells. Paano na kami? How are we going to get outta here? Kaming dalawa lang ni Neo ko ang nandito.

Wait what? Kaming dalawa ni Neo ko?

Not bad. Joke. Kailangan naming makalabas at iligtas sina onee-chan. Pati na rin ang book of life ko.

Nagulat na lang ako nang mapansing may gumagalaw sa di kalayuan. Akala ko, imagination ko lang.

Pero gumalaw ulit. Waa!

Niyugyog-yugyog ko yung kamay ni Neo ko at bumulong na halos hangin lang ang lumabas, "H-hindi tayo nag-iisa."

"What did you say?"

Lumapit ako at bumulong. Ang bingi naman ni Neo ko. "Ang sabi ko, hindi tayo nag-iisa."

"I can't understand what you're saying, Yuuki."

Napa-face palm na lang ako sa hindi malamang dahilan. Wala lang. Cute ko kasi eh.

Hinawakan ko yung mukha niya at iniharap doon sa direksyon kung saan may gumagalaw na creepy creature. Base sa gwapong expression ng Neo ko, naintindihan niya na siguro ang sinasabi ko.

Nag-step forward siya habang mahina niya akong tinutulak papunta sa likod niya. Oh diba! Knight in shining shimmering armor ko lang.

"Who's there?" ma-awtoridad na tanong ni Neo ko.

Wala kaming narinig na sagot. Instead, lumabas si creepy creature mula sa pinagtataguan niya.

Nakasuot siya ng black cloak kaya litaw na litaw yung pale white skin complexion niya. Dahan-dahan siyang naglakad, yung parang lakad ni The Ring nung papalabas na siya ng T.V. Waa! Nakakatakot!

Umangat siya ng tingin at tinitigan niya kami. Doon ko lang napansin yung insignia na nakatatak sa noo niya. Biglang nagliwanag ang kanyang mga mata.

May kung anong simbolo ang nag-appear sa harap namin at tumatak ito sa aming noo. Kinapa ko ito at sinubukang tanggalin pero walang nangyari.

"Shit. This is bad," narinig kong sabi ni Neo. Tinitigan ko ulit ang kaharap namin. Ang insignia na iyon..

"D-dark reaper.."

As if on cue, biglang nagpakawala ang creepy dark creature ng apoy papunta sa amin. Sabay kaming tumalon ni Neo sa magkaibang direksyon para maiwasan ito.

Bigla kong naramdaman ang pag-emit ng aura ng Dark Reaper. Ang aura na 'to.. kaparehas ng aura ni Zeke!

"He's still not complete," sabi ni Neo ko habang nakatingin sa kalaban namin. "He's only half way through the resurrection process."

"His power and strength are not yet fully recovered. For now, he resembles Zeke and uses his specialty as the King of Hearts--which is fire. I don't know what the Sirenade is planning but one thing is for sure--we need to survive this thing."

Tumango ako sa sinabi niya. I guess I should say good bye to my cute and adorable personality for now. It's time to be serious.

Pumikit ako at hinayaan ang isa pang personality ko na mag-take over.

It's good to be back.

Inilabas ko ang scroll ko at inihagis ito sa taas. I started drawing my extraordinary characters--lion, monkey and a dragon. Sinigurado kong triple ng laki nila ang mga original na hayop.

I did not finish there. Tuloy-tuloy lang ako sa pagpinta at kasabay nito ang tuloy-tuloy na paglabas ng mga karakter ko sa scroll. Sinuportahan ako ni Neo gamit ang mga skeleton soldiers na sinummon niya. Sabay-sabay itong sumugod sa Dark Reaper na nakatayo lang sa harap namin.

At sabay-sabay din itong tinusta ng kalaban ng walang kahirap-hirap.

Hindi kami nagpatinag ni Neo. Patuloy kami sa pag-atake. Salitan ng offense, defense at support. Pero sinusunog lang ito ng kalaban na susundan pa ng isang malaking fireball.

Ang masama pa, habang patuloy kami sa pag-atake, patuloy lang din siya sa paglakas. Para bang sa bawat kapangyarihan na nagagamit namin, napupunta ito sakanya.

Kung magpapatuloy iyon, hindi ko na alam ang mangyayari sa amin.

Hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas nang simulan namin na kalabanin siya. Ang alam ko lang, sa buong paglalaban namin, nanatili lang siya sa iisang pwesto at patuloy sa pagbuga ng apoy sa buong kwarto.

Nang umatake ang skeleton soldiers ni Neo, I grabbed the chance and draw gigantic snakes--yung kayang lumamon ng tao ng buong-buo. Lumabas ang mga ito sa scroll at tahimik na gumapang papalapit sa Dark reaper.

Katulad ng inaasahan, kasabay ng pagsunog ng Dark reaper sa skeleton soldiers ni Neo ay ang pagpulupot ng mga ahas sa katawan nito. Huli na nang malaman ng Dark Reaper ang tungkol sa mga ahas ko.

Now, he's trap. Mga naglalakihang ahas ang pumulupot sakanya.

Tumingin sa akin si Neo at tinanguan ko siya. Napansin kong hinigit niya ang kwintas niya at lumabas dito ang itim na espada na ngayon ko lang nakita. Kakaiba ang itsura at disenyo nito pero isa lang ang sigurado ko. This black sword belongs to the Kagame Clan because of the crest engraved in it.

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Neo at tumakbo papunta sa kinalalagyan ng Dark Reaper na balot na ngayon sa itim na tinta. Before he could reach his main target, Neo jumped and slashed his sword from the top down to the bottom.

Nakita ko na lang na nagtalsikan sa iba't ibang lugar ang itim na tinta.

Bigla akong nataranta nang sumigaw siya.

"Yuuki! Behind you!"

Bigla akong napaharap sa likod ko. Bumungad sa akin ang maputlang mukha ng Dark Reaper na nakanganga at may apoy na namumuo sa loob ng bibig niya.

He is now on the move.

~

Ayame's POV

"Have you found any way out?"

Umiling lang sa akin si Xander.

I sighed. "My inventions won't work on the wall either. Paano na si Princess Kaguya? She might be in danger."

Lumapit siya sa akin at ipinatong ang kamay niya sa balikat ko. "Don't worry. We'll figure something out."

Dito kami nahulog ni Neo--isang kwarto na walang laman kundi ang torches na nakakabit sa dingding. For some unknown reasons, strange holes opened up when we entered the hidden room where the ressurection process was taking place.

Ang hindi ko lang maintindihan, paano na lang nahiwalay sa amin si Princess? I don't know why but it feels like Sirenade has come up with something against us. Parang planado talaga ang lahat at inihiwalay nila si Princess Kaguya sa amin.

Wait! What is that?

Bigla ako napatingin sa kabilang dulo ng kwarto. I sense something.

Something powerful.

Mukhang napansin din ito ni Xander at napalingon doon.

I suddenly caught my breath when something move. Hindi kami nag-iisa.

"Show yourself," Xander commanded.

The mysterious person wrapped in black cloak crawled out of the darkness. He has pale white skin like snow and his eyes.. were glowing.

I was captured by those glowing eyes na hindi ko agad napansin ang insignia na nakatatak sa forehead niya.

That insignia!

"H-he's a dark reaper!"

Hindi ko namalayan na gumalaw na si Xander. He sped past me, dashing towards to the Dark reaper with multiple of blades in hand.

"Xander!"

What the-- Is he trying to jump to his own death bed?

Bigla na lang nag-iba ang atmosphere sa paligid. The dark reaper emitted his aura, but this time it was different.

This aura.. it's familiar. I sensed it before.

Umatake si Xander gamit ang multiple blades na hawak niya. He threw it directly to the reaper, whispering some kind of spell which made the blades grow into 10x of its original size.

Nagkaroon ng malakas na impact na halos yumanig sa lugar namin. Hindi ko naaninag masyado ang kalaban dahil sa usok na bumabalot dito. I don't know if Xander got him.

The smoke soon faded away only to find out that the enemy is unharmed because of the wind barrier that surrounded him. The blades were cut into halves and lay powerless on the floor.

"He has Eros' power as the King of Spades," Xander gritted his teeth.

Eros? Kaya pala familiar ang aura ng dark reaper. He has the same power and aura like Eros.

"King of Spades power? You mean the wind.. Black wind?"

This is trouble. Card kings possess extraordinary powers. They are not your ordinary kind of elemental strength, rather, ancient magical techniques which are forbidden by the law due to the overwhelming power capacity that can put everyone's life at stake.

Katulad na lang nitong kapangyarihan ng kalaban namin. Black wind is not your typical 'control-wind-summon-tornado-and-blow-them-away' type. Unlike the 'ordinary' elemental wind, black wind can cut through anything in an instant, no matter how strong or powerful it is, the black wind will cut it into halves.

Although that is only one of its abilities. Hanggang ngayon, wala pa ring nakakaalam ang mga kaya nitong gawin at iba pang epekto nito lalo na pag full force.

Ugh, ang dami kong iniisip. Pinapakomplikado ko ang sitwasyon sa pag-eexplain nito.

Sa madaling salita, kapag ang kalaban mo ay nagpo-possess ng ganitong kapangyarihan.. three words for you.

You. Are. Screwed.

And yes, we are screwed.

Pero teka, let me recall what I have said earlier. Black wind can cut through anything, no matter how strong or powerful it is.

Kung kaya iyon ng black wind, then..

"It can cut these walls into halves. Makakalaya kami."

That's it!

"Are you saying something?" Xander snapped my thoughts.

Humarap ako sakanya. "I have a plan. If he possesses the black wind, all we have to do is let that wind attack the wall and cut it into halves! Then we can be freed."

"We're too late."

"What do you mean?"

Naglabas siya ng isang blade at nakita ko ang reflection ko dito. It can't be! When did the dark reaper..

His glowing eyes suddenly flashed in my mind.

"So that did the trick," I mumbled loud enough that Xander heard it too.

Hinawi niya ang ilang buhok na tumatakip sa forehead niya at nakita ko rin dito ang tatak na ginawa ng dark reaper.

Itong tatak na nasa noo namin ngayon, iisa lang ang ibig sabihin nito. That the dark reaper recognizes us as his enemies. At kahit anong gawin naming pagtakas, hahabulin at hahabulin kami ng dark reaper. Dahil hindi ito titigil hangga't hindi nito nabubura ang existence namin.

And the only way to get rid of this mark is to defeat the dark reaper itself.

"So what are we going to do now?" I asked him even though I already knew the answer.

Facing a dark reaper automatically places your life on the line. There is only a slim chance of winning. Still, we've got to take him head on. For the sake of Monster world, for our family, friends, for the people who believe in us, for ourselves.

"We'll fight it," ngumiti sa akin si Xander. "Together. You and me."

~

Tabitha's POV

Pinunasan ko ang dugo na tumulo sa gilid ng labi ko. Parang balewala lang sakanya lahat. Habang naghahabol ako ng hininga dahil sa mga atakeng pinakawalan ko, kalmadong-kalmado lang siyang nakatayo sa harapan ko.

Ni hindi man lang siya pinagpawisan. Walang kahirap-hirap niyang iniiwasan ang bawat tira ko.

Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at hinawakan ko ng mahigpit ang Seif. Hindi ako susuko. Hindi ko siya uurungan.

Lalabanan ko siya. Kahit na paulit-ulit lang niya akong iniiwasan, patuloy lang akong aatake. Lalabanan kita, Skye.

Tumakbo ako papunta sakanya nang nakahanda na ang Seif. Iginalaw ko ang espada papalapit sakanya nang mabilis siyang lumipat ng ibang direksyon, at hinawakan ang kamay ko ng buong higpit gamit ang isa niyang kamay.

Parang mababali ang kamay ko sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya. Nabitawan ko ang Seif. Nag-counter attack siya at pinatamaan ang pressure points sa katawan ko gamit ang malaya niyang kamay.

Muli akong napaluhod sa sahig at umubo.

"No matter how many times you try, you'll end up on your knees," kalmadong sabi niya. "You're no match for me, Tabitha. Of all people, you should know that after serving me for years."

Naramdaman ko na lang ang scythe niya na nakatutok sa leeg ko. "Anything else you want to say?"

Ito ang unang beses na tinutukan niya ako ng sandata. Kahit na naglalaban kami kanina, puro iwas lang ang ginagawa niya. At noong pinatamaan niya ang pressure points ko sa katawan, iyon ang unang beses na nag-counter attack siya.

"Bakit hindi mo na lang ituluyan? Nagsasayang ka lang ng oras," may halong pait kong sabi.

"You really want me to kill you.."

Iginalaw niya ang scythe. Napapikit na lang ako.

Nagulat ako nang makarinig ng pagsabog. Bigla akong napamulat, at nakita ang scythe ni Skye sa di kalayuan. May apoy na bumabalot dito na unti-unting nawawala.

Napatingin ako kay Zeke. Nakadapa siya at hingal na hingal, may usok na lumalabas sa isang kamay niya.

Sinilip ko si Skye, tutok na tutok siya kay Zeke. Inislide ko ang isang paa ko para mawalan siya ng balanse pero madali siyang nakatalon paatras.

Tumakbo ako papunta kay Zeke at tinulungan siyang makatayo. Nakaakbay siya sa akin bilang suporta.

"G-get..out of here," hinang-hina niyang sabi. "I'll handle.. her."

"Hindi mo siya kaya sa ganyang estado."

Pinulot ni Skye ang scythe niya nang mawala ang apoy na bumabalot dito. Humarap siya sa amin, walang nababasang emosyon sa kanyang mukha.

"It's an order, Tabitha. Get out--"

Bigla na lang yumanig sa kinatatayuan namin. Napansin kong bigla na lang gumalaw ang pader papalapit sa isa. Akala ko, imahinasyon ko lang.

Pero muli ulit yumanig ang lupa. Nagpatuloy ito, pati na rin ang paggalaw ng pader papalapit sa isa't isa.

A-anong nangyayari?

Hindi ko na namalayan ang kakaibang amoy na bumabalot sa buong lugar. T-teka! Ang amoy na 'to..

Bigla akong napatingin kay Skye. Nakaluhod na siya at halos hindi matigil sa pag-ubo.

Ang amoy na 'to, isang mabangong halimuyak ng bulaklak. Para sa iba, pangkaraniwan lang ito katulad ng ibang bulaklak.

Pero kay Skye, isa itong kahinaan.

Bigla kong naalala ang unang pagtakas namin sa mansyon noong mga bata pa kami. Pangalawang linggo ko pa lang noon simula nang ampunin ako ng mag-asawang Einzbern. Dalawang linggo na ang nakalipas pero iniiwasan pa rin ako ng batang Skye.

Kaya naman laking tuwa ko noong isang beses na nag-usap kami at niyaya niya akong lumabas ng mansyon. Pinagbabawal iyon sa amin kaya sabi niya, sekreto lang namin yon na dalawa. Nagdadalawang-isip ako noon pero sa huli, pumayag ako.

Pinuntahan namin ang isang abandonadong hardin na hindi naman kalayuan sa mansyon. Masaya kaming naglaro at napalipas oras. Nang maghahapon na, nagpaalam ako sakanya na maghahanap lang ako ng maiinom namin. Pagbalik ko, wala siya sa lugar na iyon. Hinanap ko siya. Medyo may kalakihan ang hardin. Di nagtagal at nakita ko siya sa isang parte doon kung saan maraming tumutubo na kakaibang puting bulaklak. Hinang-hina siya, halos mawalan na ng kulay ang labi niya.

Sabi niya, nauubos ang kapangyarihan niya ng walang dahilan. Pagod na pagod ang katawan niya pero hindi iyon dahil sa laro. Pakiramdam niya, mamamatay siya ng mga oras na iyon.

Doon ko unang ginamit ang pendant ko. Pinahawak ko iyon sakanya at sa isang iglap, nasa loob na siya nito. Bumalik ako sa lugar kung saan kami naglalaro. Doon isinalin ko ang kapangyarihan ko sa pendant bilang specialize Fairy healer.

Lumipas ang ilang minuto at lumabas na ulit siya sa kwintas. Sabi niya, ang gaan-gaan ng pakiramdam niya at lalong lumakas ang kanyang kapangyarihan. Kinwento niya rin ang tungkol sa mga puting bulaklak na iyon. Na sa tuwing maamoy niya ito, awtomatikong nanghihina siya at nawawalan ng lakas. Maaari niya itong ikamatay.

Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit inampon ako ng mag-asawang Einzbern. Hindi lang iyon, may mga lugar na naaapektuhan rin siya dahil sa atmosphere na bumabalot dito. At kung minsan, nasosobrahan ang lakas ng kapangyarihan niya na kailangan ay may mag-kontrol dito.

Na walang ibang kayang gumawa kundi ako.

At siya? Siya ang pumoprotekta sa akin. Mag-isa niyang nilalabanan ang mga halimaw na nagtatangka sa buhay namin. At kahit na palaging nakasalalay ang buhay niya, proprotektahan niya ako. Hanggang huli.

"I know you want to do it. Save her."

"Zeke."

Tinanguan niya ako at kumalas mula sa pagkaka-akbay. Tumakbo ako papunta kay Skye.

"W-what are you doing?" halos hindi ko na siya marinig.

Hindi na ako nagsalita pa. Kinuha ko mula sa bulsa ang pendant at pinahawak ito sa kamay niya. Sa isang iglap, nawala na siya sa harap ko at napunta sa loob.

Hindi ko hahayaang mamatay ka ng ganito lang. Hindi pa tapos ang laban natin, Skye.

"Skye!"

Napatingin ako sa sumigaw. Si Eros. Papalapit siya sa akin.

"S-skye.. Is she alright--" hahawakan niya sana ako nang suntukin siya ni Zeke.

"Don't you dare lay a finger on her."

Halos mawalan siya ng balanse dahil sa ginawa niyang pagsuntok. Mabuti na lang at nasalo ko siya at inalalayan.

Pinunasan ni Eros ang dugo sa labi niya at tumayo. "There's a way out from this room. Come with me."

"Why should we trust you? You're a traitor," madiin na sabi ni Zeke.

"You're saving Skye. That's why I am returning the favor. Let's call a truce for now. There are other problems we should pay attention first."

Napansin kong halos malapit na ang magkabilang pader. Kung magsasayang pa kami ng oras, konting-konti na lang at mapipisat na kami.

Sasagot pa sana si Zeke pero hinawakan ko na ang kamay niya. "Tama siya. Kailangan muna nating malagpasan 'to."

Tinulungan ako ni Eros sa pag-alalay kay Zeke papalabas ng kwarto. Isang maliit na butas ang sinasabi niyang labasan. Doon kami sumuot at nasa kalagitnaan kami ng paggapang nang marinig namin ang paglapat ng dalawang malalaking pader sa isa't isa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top