Superiorem Monstrum Academiae
Chapter 23
Superiorem Monstrum Academiae
~~~**~~~
~Tabitha’s POV~
“I expect good performance from you. And please, watch over each other. They are dangerous as you may not expect.” Muling pagpapaalala ni Mrs. Dammon bago kami tuluyang bumaba ng sasakyan. Nagpaalam na kami sakanya pero bago pa man sya makaalis, isang bilin uli ang isinigaw niya.
“Don’t Die!”
“O-kay, just what kind of students are studying here?” maarteng tanong ni Sebby, isa sa mga nakakuha ng lowest score. Ewan ko ba sa baklang yan, naghanap ata siya ng mga papables niya imbes na mag-aral para sa exam. Ayun, nabengga ang score niya. Kaya kasama tuloy siya dito.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang malaking gate ng eskwelahan. Isang lalaki ang sumalubong sa amin at iginiya kami papasok sa loob ng academy. Habang naglalakad, bigla kong natanong si President Jenkyl tungkol sa educational system ng monster world.
“Monster World has three schools. Ito ang Little Monster Academy, our school Monster Academy and Superiorem Monstrum Academiae o mas kilala bilang SMA. They are all founded by Lord Hales. Kung nagtataka ka kung bakit tatlo lang ang eskwelahan dito sa Monster World, ito ay dahil hindi naman ganoon kalaki ang populasyon natin katulad ng sa mundo ng mga tao. Kung ikukumpara tayo sa mundo ng mga tao, isang buong bansa lang ang mundo ng mga halimaw.” Napatango-tango na lang ako sa sinabi ni President Jenkyl. Hindi kasi ako pamilyar sa monster world. Lumaki kami ni Ms. Skye sa mundo ng mga tao. Dito, may sarili kaming tutor at hindi kami lumalabas ng estate ng mga Einzbern. Ilang beses pa lang kaming nakakapunta sa Monster World at ang pag-aaral sa Monster Academy ang pinakamatagal na pamamalagi namin dito.
“A-ano, Ms. President. Okay lang ba kung magtanong pa ako?”
“Oo naman. Ilang oras din naman kasi tong byahe natin sa tren. Ang boring naman kung wala akong kausap.” Oo nga pala, nasa harap na kami ng isang tren. Sasakyan mo ito para makapunta mismo sa pinakaloob ng SMA. Umakyat na si President Jenkyl at sumunod ako sakanya. Magkatabi kaming nakaupo sa loob ng tren. Ilang saglit lang at umandar na ito.
“Anong meron sa Little Monster Academy? Tapos yung sa Monster Academy, diba pili lang yung mga nakakapasok dito? Pano yung ibang mga hindi nakakapasok? Ano naman yung sa SMA?” Sunod sunod na tanong ko sakanya. Hindi ko talaga magets yung educational system ng Monster World.
“Ganito yan. Kung papasok ka sa Little Monster Academy, you have five years to learn the basic skills of your power. Para lang siyang elementary o primary education ng human world. Ang pinagkaiba lang, sa human world kasi mayroon sa kanilang Grade 1, Grade 2, Grade 3, first year highschool, second year and so on. Sakanila, every year may mga bagong nag-eenroll at may mga grumagraduate. Hindi katulad ng sa atin. Tayo every five years, doon lang grumagraduate at doon lang nagsasagawa ng entrance exam. Halimbawa, ngayong year na to, ang Little Monster Academy ay nagkaroon ng entrance exam. Nag-enroll tayong dalawa at nakapasa tayo. Yung mga nakapasa, sila yung makakapasok sa Little Monster Academy at mag-aaral for five consecutive years. So next year, walang entrance exam ang magaganap. Hindi tatanggap ang Little Monster Academy ng mga bagong enrollees hanggat hindi tayo natatapos sa ating five years. Sa madaling salita, sa atin lang nakatutok ang eskwelahan na iyon.” Mahabang paliwanag ni President Jenkyl.
“So ganoon din po sa Monster Academy?”
Tumango siya. “Yes. Meron din tayong five years para naman palakasin ang ating mga abilities, learn other spells and such. Now here’s another thing. Dahil nga every five years ang entrance exam, hindi lahat ng monsters ay nasa tamang age para dito. Katulad na lang ni Yuuki na masyadong maaga para sa Monster Academy. Usually, ang ginagawa ng mga ibang families ay kumukuha ng sariling tutor para sakanilang mga anak. Sa kaso ni Yuuki, hindi siya nakapag Little Mosnter Academy pero nagtutor siya para makahabol at makapasa sa entrance exam ng Monster Academy. Para sa mga races at mga kilalang pamilya katulad ng Einzbern, Education is really important.”
Tumango ako. “Ano naman po yung SMA?”
“SMA or Superiorem Monstrum Academiae is a special school. Usually, ang mga nakakapasok lang dito ay mga estudyanteng mula sa mga kilalang angkan, may angking malakas na abilidad at yung mga estudyanteng alalay ng mga ito. The school is only divided into three classes, The Superiors, The Heirs and The Commoners. Sa pagkakaalam ko, sa class ng Heirs tayo papasok. Nandito ang mga estudyanteng nanggaling sa mga kilalang pamilya o races. Hindi necessary sa class na to kung malakas ka o hindi as long as kilala ang pamilya mo.”
Nagkwentuhan pa kami ni President Jenkyl. Kung saang saan topic na kami napunta. Bigla ko siyang natanong kung bakit hindi siya nakasama sa Monster Five dahil malakas naman siya. Kaya pala hindi siya kasama dun ay dahil may sakit siya noong araw na nag entrance exam kami. Kung nagkataon, dapat isa sya sa pinakalamakas. Ilang oras pa ay nakarating na kami sa pupuntahan namin. Sa train station ay may sumalubong sa amin na isang babae.
“Elei Austria, student council president of SMA. A pleasure to meet you, students of Monster Academy.” Pormal na pagpapakilala ng babae.
“Jenkyl Faelivrin, President of the Special Monster Class. We are honored to meet you, President Elei.” Nagshake hands ang dalawa at ipinakilala kami ni President Jenkyl sa babae habang naglalakad papasok ng campus.
“This is my partner, Xianna Teschler.” Pagpapakilala ni Jenkyl kay Xianna. Oo nga pala, pinartner-partner kami ni Mrs. Dammon para daw mas safe dahil hindi ordinaryo ang school na ito. Nakapartner ang top five highest sa lowest five. Si Ms. Jenkyl kay Xianna, Si Princess Shey kay Eusebio, Si Ayame kay Ace, Si Terrence kay Skye at ako para kay Zeke. Imposible man maisip na sila ang lowest five pero hindi ko alam kung ano ang ginawa nila noong araw na iyon. Lalo na kay Ms. Skye na first time maging lowest. Paano ba naman, buong test ay kumakain siya ng lollipop at natulog.
Pumasok kami sa isang three storey building. Ang building na ito ay para sa Class Heirs. Sa Class Heirs, may limang sections. Section A ang pinakamataas na section at Section E naman ang lowest. Sa Section A kami pupunta at dito kami makiki-sit in.
Naglakad kami papunta sa isang room. Kumatok si President Elei at pinagbuksan naman siya ng isang lalaki.
“President Elei, what can I do for you?” sabi ng lalaki habang nakaluhod sa harap ng President. Grabe, ganito pala makapangyarihan ang student council dito.
“They are the students from Monster Academy. They will stay here for two months for their training.”
“Ah~ yes. Please come inside.” Pag-aalok ng lalaki sa amin. Pumasok kami sa loob at nag-usap pa ang dalawa bago tuluyang umalis si President Elei. Sa harap ng maraming estudyante ng Section A-Heirs, nakatayo lang kami. Sa totoo lang, kinakabahan ako. Ang mga kaharap ko ngayon, mukha silang spoiled brats.
“Fellow classmates, these are the students from Monster Academy Special Class.” Pagpapakilala samin nung lalaki na kausap ni President Elei. Kanya-kanyang bulungan ang narinig sa loob ng classroom.
“Girl, is that Zeke? Ohmygosh. He’s so hot.”
“Dapat kasi, puro mga gwapo na lang yung pinili nila.”
“Don’t tell me that’s Ace. Kill me now. So handsome.”
“Pre yung bakla, may pagnanasa sayo. Lagot ka.”
“Tigilan mo nga ako pre. Kinikilabutan ako sa sinasabi mo e.”
“Special Monster Class daw. Sus, mga weak naman yan e.”
“Brad, prinsesa yun diba? Anong ginagawa niya dito?”
“Ayan yung babaeng naka-enroll sa gitna ng schoolyear. Ano kayang kapangyarihan niya?”
“Oo nga no? Ayame ata pangalan niyan. Ang alam ko, kaya niyang gumawa ng gadgets base sa emosyon at pakiramdam ng isang halimaw.”
“May dragon pala dito brad. Alam na.”
And the whispering goes on. Tumigil lang ito nang dumating na ang propesor nila. Nagpakilala muna kami isa-isa at tsaka kami pinaupo sa aming mga assigned sits. Magkakahiwalay pa kami. Wala tuloy akong makausap. Kasi itong katabi ko, mukhang masungit. Kanina pa ako iniirapan.
Sa kalagitnaan ng klase, bigla na lang bumukas ang pinto at dalawang lalaki ang pumasok. Sa sobrang gulat ng propesor, nabitawan niya ang laptop na hawak niya.
“Eros! Xander! What are you doing here?!” Galit na galit na sabi ng propesor sa dalawang lalaki. Nagsmirk lang yung isang lalaki na nakapamulsa. Nakapatong lang ang polo niya sa balikat niya. Tumingin tingin siya sa buong klase na parang may hinahanap. Bigla siyang naglakad papunta sa direksyon ko.
Nakatingin lang siya sakin.
“Eros! You are disturbing our class. GET OUT NOW!” rinig na rinig ang sigaw nung propesor. Galit na galit na siya pero nagpatuloy lang sa paglalakad yung lalaki na nagngangalang Eros.
Tumigil siya sa harap ko at nakatitig lang siya sakin.
T-teka, w-wala naman akong nagawa ah. Ni hindi ko nga kilala tong lalaki na to e. A-anong problema niya s-sakin?
Bigla na lang niyang hinawakan ang baba ko at inilapit ang mukha niya sa akin.
Hindi ako makagalaw. Gusto kong lumayo sakanya pero hindi ko magawa. Nanatiling nakatitig lang ako sa mga mata niya. Parang nanghyhypnotize ang mga iyon.
“Puhlease, wag mong sabihin sakin na ganyang mga babae ang tipo ni Eros.”
“Damn. He’s definitely not into a nerdy girl.”
“Ano ba kayo girls. Pinagtritripan lang siya ni Eros. May pag-asa pa tayo.”
Eros grinned. Bigla na lang bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. Utang na loob tulungan niyo ko! Ang first kiss ko. Wala pa akong balak ibigay yon!
Zeke suddenly pushed his hand away. Hinila niya ako papalapit sakanya.
“Don’t even try to do shits, Eros. Definitely not with this girl.” Ma-awtoridad na sabi ni Zeke. Bigla na lang tumibok ng malakas yung puso ko. Biglang bumilis ang pintig nito. Anong nangyayari sakin?
Eros smiled. Sa likod ng ngiting iyon. Parang may binabalak siya.
“Long time no see, Zeke.”
“It’s almost time, Eros. Umalis na tayo. Inaantok na ako.” Biglang sabi nung kasama ni Eros. Xander ata pangalan.
Tumalikod na siya sa amin. Bago tuluyang lumabas, hinarap niya yung propesor.
“Next time, learn to respect monsters higher than you. You’re already fired.” Malamig na sabi niya sabay umalis. Naiwang tulala na lang ang propesor.
~~~**~~~
~POV~
“That’s not Skye. Yun yung babaeng alalay niya.” Sabi ni Xander pagkatapos nilang bisitahin ng kaibigan niyang si Eros ang Section A ng Class Heirs.
“I know.” Tipid na sagot ng kaibigan.
Xander sighed. “Ano nang balak mo?” Sa totoo lang, naguguluhan na siya sa inaasal ng kanyang kaibigan simula nang mabalitaan na magkakaroon ng training dito ang kanyang kapatid na si Ace. Eros has been the type of guy who loves to play with girls. And of course, who sucks blood. He’s a vampire after all. Pero nitong mga nakaraang araw, malimit na siyang mag-clubbing at puro training na lang ang inaatupag niya.
“Tell Elei to transfer them into our class. This will be fun.” Walang emosyon na sabi nito pero nararamdaman niyang may balak ang binata. Kung ano man iyon, siguradong mag-eenjoy din siya. Eros and Xander have been partners in crime since they were kids. Kung ano ang trip ng isa, ganoon din ang trip ng kasama niya.
“Baka naman maagang mamatay ang mga estudyanteng yan. Hindi pa sila makasabay sa klase natin. Amboring naman kung ganoon.” Yes, both were students of The Superiors. They are also a part of the top ten. The best of the best. Kaya nga may authority sila pagdating sa campus.
“Don’t worry about them. Worry about the fun they’re going to give to us.” Eros grinned.
“Oh well, guess I’m just going to enjoy it. Nga pala, anong next subject naten?"
"Does it matter?"
"Uh sheez. Tara kain na lang tayo."
~~~**~~~
~Tabitha's POV~
"Uy teh, infairness kanina ha. Knight in shining armor si Papable Zekebabe. Haba ng hair mo. Inggit ako." sabi ni Eusebio habang kumakain kami ng lunch. Kadiri tong baklang to, yung mga kanin tumatalsik o kaya naman nalalaglag sa bibig niya. Jusmeyo.
"I wonder kung sino yung Eros and Xander. Mukhang makapangyarihan sila dito sa SMA." mahinhin na sabi ni Princess Shey. Sa totoo lang, dito kami sa lounge kumakain ng lunch at kanina pa may lumalapit sa table namin. Puro mga lalaki. Mga magaganda ba naman kasama mo e. Well, maliban na lang kay Eusebio.
"Of course dear! Students ata ng The Superiors yung dalawa. At eto pa ang chika, kapatid ni Papable Acebabe si Papa Erosdear. O diba? Lahi ng mga gwapo ang kanilang pamilya." sabat ulit ni Sebby. As expected, kapag gwapo talaga ambilis makakuha ni Eusebio ng informations.
"Magkapatid sila?" hindi ako makapaniwala. Parehas silang gwapo pero malayo ang itsura nila sa isa't isa.
"Yes. Actually, adopted lang si Ace ng pamilya ni Eros. So by papers, magkapatid sila." Si President Jenkyl yung sumagot. Ahh~ that's why. Nagpatuloy lang kami sa pagkain. Kanina ko pa napapansin na tahimik si Ayame. May problema ba siya? Baka nabully siya kanina.
"Okay ka lang Ayame?" bulong ko sakanya. Para siyang natauhan at nagulat.
"A-ah! O-Oo. Sorry." Ngumiti siya at bumalik sa pagkain. Hindi siya mapakali. Parang may bumabagabag sakanya. Maya-maya, hindi na siguro siya nakatiis at nagpasama siya saakin na magCR.
"Tabitha, hindi mo ba talaga ako naalala?" tanong niya nang makarating kami sa C.R. Kaming dalawa lang ang tao dito. Saka ko lang naalala yung tungkol sa bestfriend sa orphan. Bakit ganoon? wala talaga akong maalala? May amnesia ba ako? Imposible.
"Pasensya na Ayame. Wala talaga akong maalala. Ang totoo niyan, medyo malabo din yung mga alaala ko pagdating sa orphan. Hindi ko rin alam kung bakit. Sorry. Sorry talaga"
Malungkot siyang ngumiti. "Ganoon ba? Ayos lang. Hindi mo naman kasalanan yun."
"Pero kung gusto mo, pwede naman tayong mag-usap tungkol doon. Pwede mong ipaalala saakin yung mga nangyari sa orphan." Hindi ko alam pero parang nagliwanag yung mga mata niya. Nawala yung lungkot sa mga ngiti niya.
"Sige! Mamaya, ipapakita ko sayo yung photo album na ginawa natin nung bata pa tayo." Excited na sabi niya. Ewan ko pero parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Parang.. parang nakahanap ulit ako ng panibagong kaibigan, panibagong pamilya.
"Ano nga palang bumabagabag sayo kanina?" bigla kong natanong.
"Yung lalaki kanina. Si Xander, hindi mo rin ba siya naalala?" Xander? Yung kasama ni Eros? Medyo pamilyar siya. Pero parang guni-guni ko lang iyon. Umiling ako kay Ayame.
Ngumiti ulit siya. Sabi niya, ikukwento niya daw lahat ng naalala niya tungkol sa orphan. Sakto, tumunog yung bell. Dumiretso na kami sa classroom namin sa Section A-Heirs. Kaso pagdating namin doon, nadatnan ulit namin si President Elei kausap yung lalaki na sumalubong sa amin noong una. Nasa labas din sina Eusebio pati na rin yung iba pang mga lalaki.
"Anong meron?" tanong ko kay Terrence nang makalapit ako sakanya. Siya kasi pinakamalapit e.
"Lilipat daw tayo ng class ngayon. Sa Superiors." seryosong sabi niya. Tama ba narinig ko? SUPERIORS?! T-teka! Sila yung pinakamalakas dito!
Magtatanong pa sana ako kaso natapos nang magkausap si President Elei at yung lalaki. Walang anu-ano'y sinenyasan niya kami at gumawa siya ng isang portal. Pumasok kami sa loob at dinala kami nito sa isang open field. Isang open field kung saan nasa gitna ang isang maze garden. Sa harap nito, sa may starting point ay mga estudyante, kabilang na sina Eros at Xander. Lahat sila napatingin sa amin.
"Change of classes and activities. From now on, you will have the training with us. I, President Elei, officially welcome you as a part of our class. The Superiors." may halong pagmamalaki ang pagkakasabi niya ng Superiors. Kung sabagay, being a part of this class was one of the greatest achievement you could have.
Nanatiling tahimik ang mga estudyante ng The Superiors. Parang nakikita ko sa mga mata nila ang kompetisyon.
"Let's start this already." bagot na bagot na sabi ng isang babae.
Napanbuntong hininga na lang si President Elei. Halatang naiinis siya sa mga kaklase niya dahil siguro hindi kami nabigyan ng pagkakataon na magpakilala at medyo rude ang mga ito.
Pumunta siya sa pinakaharap malapit sa entrance ng maze garden.
"For today, we will have the activity, "Alice". Goals are simple. Catch the white rabbit and get out of the maze. You will be working in pairs. Teamwork is important. Now inside the maze, you will encounter other monsters and of course other pairs. Eliminate them in the game for a bigger chance to get the white rabbit. The teachers are currently observing us in our activity. If you fail on this, they will be the one who will give us grades. And the game will start in three, two and.. one."
May baril ang pumutok at iba't ibang lagusan ang bumukas para sa entrance ng maze garden. Nagulat na lang ako ng bigla akong hawakan ni Zeke sa kamay at tumakbo kami papasok sa loob. Parang hindi siya nanggaling sa aksidente. Ang liksi niyang kumilos at nararamdaman ko ang kapangyarihan niya. Nag-uumapaw ito sa sobrang lakas.
Paliko-liko kami sa maze. Mga ilang minuto rin kaming tumatakbo. Hindi niya pa rin binibitawan yung kamay ko. T-teka, eto nanaman yung pintig ng puso ko. Bumibilis na naman. Nakakainis naman to. Parang magkaka-heart attack ako.
Bigla niya akong hinila papalapit sakanya at tinakpan yung bibig ko. Nagtago kami sa isang malaking puno doon.
"Don't even try to make a sound." bulong niya sakin. Kinilabutan ako dahil ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko. Bakit ba kasi kelangan ganto kalapit?! Naman oh!
Sa di kalayuan, nakarinig ako ng mga yabag. Maya-maya, lumitaw ang dalawang lalaki. Nagtatalo sila kung saan dadaan. Hindi nila napansin ang halimaw na nakatago sa isang parte ng maze. Wala pang ilang minuto ay na-eliminate na ang dalawang lalaki sa game. Kung ganon, ganito pala kalalakas ang mga halimaw sa SMA. Ibang-iba sa eskwelahan namin.
"Not really strong one. The two students were just a bunch of idiots. They're too confident in their power that's why they lost. First rule in games: Be Alert." With that, sinugod ni Zeke ang halimaw at pinakitaan ito kung gaano kalakas ang kapangyarihan ng Top Student ng Monster Academy.
~~~**~~~
AN :3
HOHO! Cut cut din pag may time xD HAHAHA. Jke. Anong oras na e. Maaga pa pasok ko bukas. Yun, gusto ko na siyang matapos. Hindi ko alam kung paano sisimulang yung plot. Ahuehuehue. Pasensya na sa typo. Tas yon, kelangan nang matulog.:3
SALAMAT NGA PALA SA PAGBABASA! You rock \m/
Tapos dedicated sakanya. WAHAHAHA. Nagulat ako nung nagdedicate siya sakin ng isang chapter sa Charm Academy. Hindi ko inexpect yun :3 HAHAHA Asawa daw namin si LJoe pero siya daw legal <3 Wala nang mang-aagaw ha. Amin na siya xDD HAHAHA
Salamat sa pagbabasa :3 P.S Ganda ng Despicable Me 2 :bd Yeah \m/
Kung nalilito nga pala kayo, magtanong kayo ha. :)) yun.
A penny for your thoughts? :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top