Summer Kiss 4

Summer Kiss 4 ♥ For Real

"Onee-chan! Grabe 'yang kapatid mo. Grabe talaga!"

Natatawang naiiling na lang si Aizen sa inaakto ni Yuuki. Kanina pa 'to ganito, simula ng dumating ng basang-basa galing sa labas. Nag-swimming siguro ng wala sa oras dahil sa kalokohang naiisip ng kapatid niya. Mukhang ginawa talaga ni Neo ang plano nitong pagbibigay ng token kay Yuuki. At ngayon, halos hindi makakalma ang dalaga sa sobrang kilig nito.

Itinakip ni Yuuki ang dalawang kamay sa namumula nitong mukha. Pati ang magkabilang tainga nito, namumula rin. At sa hula pa ni Aizen, hindi agad agad mabubura ang ngiti nito sa labi.

Pinatay ni Aizen ang blower at muling sinuklay-suklay ang buhok ni Yuuki.

"Kumalma ka na ba?" tanong niya

"Grabe talaga, Onee-chan! Sino ba naman kasi ang makakalimot nun? Alam mo ba kung anong ginawa niya?!"

Natatawang sumagot si Aizen, "You told me the same story for the nth time."

Pero mukhang hindi napansin ni Yuuki ang sinabi niya at nagtuloy-tuloy ito. "Grabe! Nag-fake pa siya na kunware nalulunod siya para i-CPR ko tapos tapos.. tapos ako.. ano.. yung labi niya.. ano.. malambot--este GRABE TALAGA ONEE-CHAN!"

"Kinikilig ka lang eh." Pang-aasar ni Aizen.

"O-oy hindi ah!" pagtanggi ni Yuuki at napalingon sa ibang direksyon.

Aizen shot her a 'knowing' look.

"K-konti lang kaya." Pero binawi din ni Yuuki ang sinabi nang mapagtanto niyang hindi siya titigilan ni Aizen. "Fine! Para na 'kong sinabugan ng kilig! Yung heartbeat ko, ay nako po! Jusko po!"

"Kung bakit ba kasi ang gwapo ng kapatid mo, nee-chan eh." Pahabol na bulong ni Yuuki na umabot naman sa pandinig ni Aizen.

"Sorry na sa pagiging maganda ng lahi namin."

"Asuuus~ Flattered ka na naman, nee-chan."

Pinisil ni Aizen ang pisngi ni Yuuki at tumayo para iligpit ang blower at suklay. "Hindi na ako na-fa-flatter kasi yun ang totoo."

"Yabang, onee. Edi kayo na magaganda't gwapo. Maiba nga tayo ng usapan, asan si Lancer-onii? Bakit parang mag-isa ka lang dito nung pagdating ko?"

Napatigil si Aizen sa pag-aayos at bumuntong-hininga. Ang totoo niyan, simula ng dumating sila dito, ni anino ng boyfriend niya, hindi niya man lang nakita. Nayaya lang saglit ng ibang kabarkada nilang lalaki, hindi na bumalik. Kaya ayan, pagkatapos ng swimming nilang mga babae kanina, gumala siyang mag-isa.

"Ewan ko dun sa kumag na 'yun. Tara, nood anime."

"Ay gusto ko 'yan, nee-chan. Wait, kuha akong makakain."

Buong gabi silang nanood ng anime hanggang sa isa-isang dumating ang mga kabarkada nilang babae at sinaluhan sila sa panonood. Nag-marathon sila ng wala sa oras. Pero sa buong magdamag na 'yon, si Lancer lang ang nasa-isip ni Aizen.

~

Madaling-araw pa lang, gising na si Aizen kaya napagdesisyunan niyang siya ang magluto ng agahan nila. Ang totoo niyan, hindi malaman ni Aizen kung nakatulog ba talaga siya o sadyang nakapikit lang ang mga mata niya. Buong gabi niyang iniisip si Lancer, dahil hindi nga ito nagpakita sa kanya buong araw. Hindi sa pagiging clingy o possessive na girlfriend pero ito kasi ang unang beses na humiwalay ang boyfriend niya sa kanya. Simula nung naging sila, kapag may Aizen, awtomatikong nasa tabi niya si Lancer.

Sabi pa nga ni Neo, dinaig pa nila ang magnet. Magkadikit lang, ang hirap-hirap ng paghiwalayin.

Tapos ngayon, hindi nagpakita si Lancer ng isang araw. Sino ba naman ang hindi mag-aalala don?

'May nagawa ba 'kong mali?' saisip ni Aizen. Napabuntong-hininga na lang siya.

Nasa kalagitnaan siya ng pagluluto nang biglang may pumulupot sa kanyang bewang at niyakap siya ng mahigpit mula sa likod. Hinalikan siya nito sa tuktok ng kanyang ulo at pagkatapos ay ibinaon nito ang mukha sa kanyang buhok.

"Oy--"

Hindi natapos ni Aizen ang sasabihin nang bumaba ang mukha ni Lancer sa gilid ng kanyang tainga.

"Please don't say anything," bulong nito. "Just for today, don't say anything until I tell you so."

Napataas ang kilay ng dalaga. Buong araw na wala ito kahapon tapos ngayon, tinatanggalan naman siya ng freedom of speech? Aba, iba din.

Pero sinunod din ni Aizen ang sinabi nito dahil sa nagmamakaawang tono ng boses ng binata.

Nakadikit na parang linta si Lancer sa kanya habang nagluluto siya ng agahan. Hindi pumalya ang mahigpit na yakap nito kahit na palakad-lakad siya sa kusina. Walang nagsasalita sa dalawa, tanging tunog lang ng pinipritong isda, hotdog at itlog ang maririnig sa lugar.

Nang matapos niyang ihain ang mga pagkain, nagulat si Aizen nang takipan ni Lancer ang mga ito at hinila siya sa papalabas. Gusto niya sanang itanong kung saan sila pupunta at kung bakit hindi sila sasabay ng agahan sa iba pa nilang kasama, pero naalala niya ang sinabi nito na huwag muna siyang magsalita.

Hawak-hawak ng mahigpit ni Lancer ang kanyang kamay. Kanina pa ito hindi nagsasalita, walang sinasabi kung saan sila papunta. Tuloy-tuloy lang sila sa paglalakad hanggang sa marating nila ang isang lugar kung saan may nakaparadang mga motorboat.

"Magandang umaga po," bati ni Lancer sa matandang lalaking naroon.

Isang ngiti naman ang iginanti ng lalaki. "Ah, magandang umaga rin iho! Tamang-tama, ayos na 'to. Sakay na kayo!"

Tumingin ang mga nagtatanong na mata ni Aizen kay Lancer. Ngumiti lang ang binata at inalalayan siyang makasakay sa motorboat. Pinagana ng lalaki ang makina at nagsimulang maglayag sa dagat.

Inalalayan ni Lancer si Aizen na makaupo sa gilid ng bangka. Inilawit nila ang kanilang mga paa at hinayaang mabasa ito ng tubig-alat na humahampas-hampas sa kanilang sasakyan.

Nakatanaw si Aizen sa asul na karagatan. Para itong mga pinong dyamanteng nagniningning sa ilalim ng araw. Nawala ang atensyon niya dito nang wisikan siya ni Lancer ng tubig.

"Lancer pasaway ka!"

Sa halip na tumigil ito sa pambabasa sa kanya, nagulat si Aizen nang halikan siya ni Lancer sa ilong.

"Say one more word and I'll kiss you for real."

Nanahimik na lang si Aizen.

Sa di kalayuan ay si manong na nakatanaw sa dalawa, naiiling na nangingiti habang nagmamaneho ng bangka. Inilabas nito ang cellphone na binigay ng dyosang author na si Kyamii.

"Mga kabataan talaga oh," bulong ni Manong. "Maisulat nga ang love story nito sa wattpad."

~

Ibinaba ng matandang lalaki ang dalawa sa isang isla. Pagkaalis ng lalaki, wala ng natira sa maliit na isla kundi silang dalawa lang.

Wala ng kain-kain ng agahan at sumuong ang dalawa sa dagat. Naglaro ang mga ito na parang bata. Simula sa paunahan na lumangoy, pagbuo ng sandcastle, patagalan sa ilalim ng tubig, basaan at pati taya-tayaan ng silang dalawa lang ay pinatos nila.

Hindi maiwasan ni Aizen na magsambit ng ilang salita at tumawa kaya tuloy nakailang nakaw ng halik sa kanya si Lancer. Kung hindi sa ilong, sa noo naman o kaya sa pisngi. Pero kahit kailan, hindi dumampi ito sa kanyang mga labi. Natutuwa si Aizen na mayroong respeto si Lancer sa kanya dahil alam nitong hindi niya basta-basta binibigay ang first kiss.

[Kyamii: Wala pa namang first kiss si Aizen diba? Hahaha]

Hindi na nila namalayan ang oras. Unang umahon si Lancer at naiwan ang dalaga para magswimming ng isang lap pa. Pagkatapos ay inabot niya ang tuwalya, pinunasan ang sarili, at naglakad papunta sa pinanggagalingan ng usok na nakikita niya sa di kalayuan.

Isang kubo ang dinatnan ni Aizen matapos sundan kung saan nanggagaling ang usok. Sa tabi ng kubo ay ihawan na mukhang kakatapos lang gamitin dahil sa natitirang uling na may apoy. Dito nanggagaling yung apoy na nakikita niya kanina.

Pinasok ni Aizen ang kubo ngunit walang Lancer siyang dinatnan. Lumabas siya at umikot sa paligid, tinatawag ang kasintahan pero walang sumasagot.

'Iniwan na naman ba 'ko nun?' saisip ng dalaga. Muli siyang pumasok ng kubo at doon niya lang napansin ang mga stick na nakaayos sa isang arrow.

Napakunot ang noo ni Aizen. Ano na namang balak nun?

Sinundan niya kung saan nakaturo ang arrow na gawa sa nakaayos na stick. Akala ni Aizen, guni-guni niya lang na mukhang arrow yung mga stick pero isa pang arrow ang nakita niyang nakaukit sa puno. Muli niyang sinundan ito, hanggang sa kung saan-saan siya nakakita ng mga arrow na naka-ukit o di kaya nama'y kahugis nito--mula sa malalaking tipak ng bato, mga dahon hanggang sa mga sanga.

Ang huling arrow na nakaukit sa puno ay nakaturo pababa. Sinundan ito ng tingin ni Aizen, at nakita sa buhanginan ang maliliit na shells na nakaayos sa hugis ng puso. Sa gitna nito ay malalaking letrang nakasulat sa buhangin.

'Lunchdate with me?'

Na sinundan ng maliliit na salitang nasa pinakailalim.

'If yes, follow the arrow. If no, then you have to say yes and refer to the first condition.'

Natatawang naiiling na sinundan ni Aizen ang huling arrow.

Kung may beach wedding ang iba, silang dalawa may beach lunchdate.

Mukhang napunta ang dalawa sa kabilang gilid ng isla. Sa tabi ng dagat, isang candlelit lunch (imbes na dinner) ang nakaset-up. May mga pulang rosas ang nakakalat sa buong lugar. May kandilang nakasindi kahit na tirik pa ang araw. May nakahain na pagkain, mukhang mga inihanda kanina pa, kasama yung inihaw. Nasa gilid ng bilog na lamesa nakatayo ang isang lalaking sa kabila ng ka-pormalan ng ibang kagamitan ay nanatili itong naka-topless at shorts.

Lumapit sa kanya si Lancer at inabutan siya ng isang pumpon ng bulaklak--este popcorn na hugis bulaklak. Kung paank ginawa ni Lancer 'yon, eh hindi rin natin alam.

"You may speak now." Hinalikan ni Lancer ang noo ni Aizen at iginiya papunta sa lamesa.

Sa sobrang saya at sobrang gutom na rin, hindi na nakapagsalita pa si Aizen. Nagsimula ang lunchdate ng dalawa, at halos mabulunan na si Aizen sa pagkain. Aliw na aliw siyang pinapanood ni Lancer dahil alam niyang nagiging matakaw ito kapag kinikilig.

Matapos kumain ay saglit na nag-usap ang dalawa at pagkatapos ay niyaya ni Lancer ang dalaga para magsayaw.

"Pa'no tayo sasayaw, wala namang tugtog?" natatawang tanong ni Aizen. "Kakanta ka? Nako wag na."

"Hindi naman ganon kapanget boses ko ah." Pagtatanggol ni Lancer sa sarili. May kinuha siya sa bulsa at nilapag ito sa buhanginan. Pinindot niya ito at lumabas ang hologram image ni Skye na may hawak na violin.

Nagsimulang tumugtog ang Thinking Out Loud ni Ed Sheeran.

"May I?" inilahad ni Lancer ang kamay.

Kinuha naman ito ni Aizen at pinulupot niya ang dalawang kamay sa leeg ng binata.

"Pasaway ka. Ang dami mong alam."

"Syempre, basta pagdating sa'yo. Asahan mo 'yan."

Parang hangin na nawala ang pagtatampo ni Aizen kay Lancer noong hindi ito nagpakita kahapon. Hindi na mahalaga kung anong dahilan 'yon, ang mahalaga kasama niya ito ngayon.

Isinandal ni Aizen ang ulo sa dibdib ni Lancer habang niyakap naman siya ng mahigpit nito.

"I'm sorry for what I did yesterday," bulong ng binata. "It's all part of a dare."

Tumango lang ang dalaga at ipinikit ang mga mata.

"But there's one thing I realized yesterday." Nagmulat ng mga mata si Aizen at tumingin kay Lancer.

"What?"

Inilapit ng binata ang kanyang mukha sa dalaga at akmang hahalikan siya nito sa labi nang bigla itong napatigil.

"Can I?"

Napangiti si Aizen at tumango.

Saglit na nagdampi ang kanilang mga labi at muling bumulong si Lancer.

"I realized that a day without you is like a lifetime without worth at all."

And with that they sealed it with a kiss, for real.

~

Kyamii's note: Merry Christmas! Pasko na, summer pa rin sa kanila. Hahaha.

I do hope you enjoyed this update, kahit na hindi ko pa rin gets yung sinabi ni Lancer. HAHAHA. Anyway, kung may time kayo, try my other story 'House of Cards'. Just click on the external link or visit my profile. Arigato! Have a great day!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top