Summer Kiss 3

Summer Kiss 3 ♥ Marshmallows

Saktong papaalis na ng seafood restaurant sina Neo at Yuuki nang makita nila sina Eros at Skye na kumakain. Binalak ni Yuuki na mag-hi sa dalawa ngunit pinigilan siya ni Neo, sapagkat naramdaman nito ang mabigat na aura na bumabalot sa magkasintahan. Mukhang LQ na naman ang mga ito, at alam na alam ng binata kung ano ang dahilan. Kung sabagay, isa kasi siya sa mga niyaya ni Eros na sumali sa paligsahan ng isang chocolate shop na pinuntahan ni Skye. Katunayan nga, siya ang isa sa mga nakamaskarang napanalunan ang second place. Ang pangatlo naman ay si Terrence na ngayo'y kasama na siguro ang girlfriend nito na si Jenkyl.

Syempre, ang napalanunan niya 'bags of sweet delights' ay napunta sa pinakamamahal at matakaw na girlfriend niyang si Yuuki. Nagtataka nga ito kung saan niya nakuha ang mga 'yon, ngunit ang sabi na lang niya ay pinadala ng dyosang author na si Kyamii para sa kanilang dalawa.

Gabi na noon at kitang-kita ang eleganteng buwan sa kalangitan na napapaligiran ng mga kumikislap na bituin na animo'y mga dyamanteng sumabog sa langit. Magkahawak-kamay na naglalakad ng nakapaa ang dalawa sa pinong buhangin, hinahayaang ang malamig at banayad na pagdampi ng tubig-dagat sa kanilang mga paa.

"Gusto ko ng marshmallows," maya-maya'y singit ni Yuuki sa kanilang usapan. Humarap siya kay Neo at muling ginamit ang puppy eyes technique nito. "Neo ko, marshmallows. Pleaaase~"

"Kakain lang natin ah. Gutom ka na naman?" di makapaniwalang sabi ni Neo. Parang wala pa atang halos labing-limang minuto simula ng umalis sila sa restaurant.

"Eeh! Shigi na. Tignan mo yung iba oh, ang sweet nila kapag may marshmallows," turo ni Yuuki sa ibang magkasintahang nakaupo sa may tabing-dagat at nagpapa-ihaw ng marshmallows sa bonfire.

Hindi alam ni Neo kung ano ang pumasok sa kanyang isipan at biglang nakaisip ng laro.

Ipinasok niya ang isang kamay sa bulsa at inilabas ang isang golden coin na binigay ng kanyang kapatid na si Ice. Isa ang coin na ito sa pagkilala sa isang Kagame.

Walang anu-ano'y ibinato ito ni Neo sa karagatan.

"Uy! Bakit mo ginawa yun!?" gulat na gulat na tanong ni Yuuki.

Ngumiti si Neo sa girlfriend, "Sabi nila, kung sa'yo talaga ang isang bagay, kahit ilang beses pang mawala ito, babalik at babalik pa rin ito sa iyo sa kahit anong paraan."

Natahimik si Yuuki sa sinabi ng boyfriend kaya naman mabilis na ipinagpatuloy ni Neo ang pagsasalita.

"Pero hindi konektado iyon sa iniisip ko," natatawang sabi niya. "Let's have a deal. Kapag nahanap mo, magma-marshmallows tayo. Kapag ako ang nakahanap, you'll be my genie for tonight."

"Eh?! Ang daya naman eh!" reklamo ni Yuuki.

"Bahala ka. Ikaw din, sayang ang marshamllows mo." Hinubad ni Neo ang suot niyang pang-itaas at lumusong sa tubig.

"Neo ko! Bumalik ka dito!"

Walang nagawa si Yuuki kundi tanggalin ang malaking t-shirt na suot niya at itapon sa buhanginan. Mabuti na lang at hindi pa siya nakakapagpalit ng bathing suit kaya malaya siyang makakalangoy ng kahit anong oras.

Tumuloy sa paghahanap ang dalawa. Balak sanang gumamit ng kapangyarihan si Yuuki ngunit walang epekto ang mga drawing niya sa ilalim ng dagat. Siguradong madi-dissolve lang ang ink niya sa tubig.

Kung bakit ba kasi naisip pa ng boyfriend niya na maglaro ng ganito. Ang mas masaklap pa, kung kelan gabi at wala siyang halos makita.

Pero hindi siya magpapatalo. Kung ito lang ang natatanging paraan para makapiling niya ang pinakamamahal na marshmallows, gagawin niya.

Go Yuuki! Fighting!

Hindi na niya halos namalayan kung ilang minuto na siya lubog-ahon sa tubig, ang alam niya lang nauubusan na siya ng pasensya dahil hindi niya makita ang golden coin na iyon.

"Neo! Suko na ko! Hindi ko talaga makita!" sigaw niya sa gitna ng dagat.

Nag-antay siya ng sasagot ngunut hindi dumating iyon. Hindi kaya iniwan na siya ng boyfriend niya?

Aba bastos yun ah!

"Neo!"

Ngunit wala pa ring sumasagot. Naghintay siya ng ilang segundo, hanggang sa naging minuto at limang minuto na ang nakakalipas ngunit wala pa ring Neo ang umaahon.

Hindi kaya..

Humingang-malalim si Yuuki at nagsimula sa paghahanap, pero ngayon, hindi na ang golden coin ang pakay niya, kundi ang kanyang nawawalang boyfriend.

Kabadong-kabado si Yuuki. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Hindi niya alam kung anong nangyayari kay Neo. Mahalaga ang bawat segundong lumilipas, dahil maaaring sa pagitan ng mga oras na ito maaaring maubusan ng hininga si Neo.

Wag naman sana.

Sawakas, naaninag na rin niya ang bulto ng isang lalaking nakalubog sa tubig. Halos hindi na gumagalaw ito, kaya mabilis na lumangoy si Yuuki papunta rito. Buong lakas niyang ini-angat ang katawan ni Neo at inilangoy papunta sa buhanginan.

"Oy Neo-chi! Wag kang magbibiro ng ganyan!" natatarantang sabi ni Yuuki.

HIndi malaman ng dalaga ang gagawin. Huminga muna siya ng malalim at saka pilit na pinakalma ang sarili.

"Okay Yuuki, kalma. Kaya mo 'to."

Biglang pumasok sa isip ni Yuuki ang mga anime na napanood niya, kung saan may isang babaeng character na malulunod at sasagipin naman ng bidang lalaki. Napagdesisyunan ni Yuuki na susubukan niya itong gawin kay Neo.

Itinapat ng dalaga ang dalawang kamay sa dibdib ng binata at sinumulang i-pump ito.

"One... two... three."

Matapos ay huminga siya ng malalim, inipit ang ilong ni Neo gamit ang kanyang dalawang daliri at nagdampi ang kanyang labi sa labi ng binata para mabigyan ng hangin.

Laking gulat ni Yuuki nang may humawak sa kanyang baba at inilapit pa ng husto ang kanyang mukha kay Neo. Humiwalay siya mula sa binata, at muli niyang nasilayan ang pilyong ngiti nito.

"Got you." Halos mabanat na ang labi ni Neo sa malawak na ngiti nito.

Hindi napigilan ni Yuuki ang mainis. Tumayo siya at tinalikuran ang boyfriend, "Hindi nakakatuwa ang ginawa mo."

Umupo si Yuuki sa buhanginan kung saan nadadampian ang kalahati ng katawan niya ng tubig-dagat. Naramdaman niyang umupo ang binata sa tabi niya at hinawakan nito ang kanyang kaliwang kamay.

"Yuuki ko, sorry na."

Ngunit nanatiling tahimik si Yuuki.

Nagulat na lang ang dalaga nang hawakan ni Neo ang kanyang mukha at iniharap ito sa kanya.

"Look, I'm sorry. What I did was wrong. I promise it wil never happen again."

Naramdaman ni Yuuki ang pagiging sinseridad nito kaya naman tumango siya, "Promise?"

"Promise."

Muling humarap si Yuuki sa karagatan at nag-cross arms. "Kasi kung gusto mo ng kiss, sabihin mo lang. Hindi yung pinapakaba mo pa ako ng ganun."

"Talaga?"

"Syempre, joke lang. Aba pinaghihirapan din yun ah," nang-aasar na sabi ni Yuuki.

Doon niya lang napansin ang isang bagay na kumintab sa di kalayuan. Tumayo si Yuuki at pinuntahan iyon.

"Omo! Waaa~ Neo ko! I found it!"

Tumalon-talon si Yuuki sa tuwa habang ibinida kay Neo ang kanyang nakita. Ang golden coin na inihagis ng binata.

"You're gonna buy me marshmallows~ Marshmallows~ Marshmallows~" kanta pa ng girlfriend habang paikot na sumasayaw.

Ginulo ni Neo ang buhok ni Yuuki. "Good job!"

"Oh. Ito na. Wag mo nang itatapon ha." Abot ni Yuuki ng golden coin sa boyfriend.

Isinarado ni Neo ang kamay ni Yuuki. "Keep it, it's all yours now."

Napakunot-noo si Yuuki sa sinabi ni Neo. Alam niyang mahalaga ang golden coin na iyon sa binata dahil ito ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang Kagame.

Ngumiti si Neo at lumapit kay Yuuki. "We, the Kagames, treat that golden coin as a part of our lives."

Nagulat ang dalaga nang halikan siya sa noo ng kasintahan. Saglit na lumayo ito at bumaba sa kanyang ilong.

"We give it to someone important as a sign of loyalty." Muli na namang dinampian ng labi nito ang kanyng ilong.

Tumingin si Neo sa mga mata ni Yuuki. Hindi maintindihan ng dalaga ang nararamdaman. Parang may kung anong siyang nararamdaman na hindi niya maintindihan.

"And giving it to you right now means giving my whole self to you. Will you take care of it for me?"

Wala sa sariling tumango si Yuuki. Hinihigop kasi siya ng mga mata ni Neo.

Napansin ni Yuuki na bumaba ang tingin ni Neo sa kanyang mga labi at muling bumalik sa kanyang mga mata. Laking gulat niya ng gumamit ang boyfriend ng infamous niyang puppy eyes technique!

"May I?"

Hindi na sumagot pa si Yuuki at pwersahang hinila si Neo papalapit sa kanya.

Sigurado siyang kung may papalit man sa marshmallow na gusto niya, iisa lang ang makakahigit doon.

~

Yaaay! Finally updated. Sana kinilig kayo. Hahaha! Do check my new story, House of Cards when you have your time. Take care guys! Thank you for reading.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top